GIRLFRIEND (ONE SHOT)

GIRLFRIEND

Kasaukuyang naglalakad si Haruto sa hallway ng kanilang school nang biglang may tumabi sa kanya na maligno.

 

"Oh, toy. Ba't ka nag-iisa ngayon? Nasa'n na 'yung pandak na mahilig magenglish na kasama mo lagi?" Tanong ni Park Jeongwoo habang binubuksan ang hinablot niyang piattos mula kay Yoon Jaehyuk kanina.

 

"Ayun sumakabilang buhay na.” Sagot naman ni Haruto na siyang ikinatuwa ni Jeongwoo, nilasap-lasap niya pa ang piattos, mas masarap daw 'pag hinablot kaysa binili.

 

"Izzaprank, kasama niya si Park Jihoon na naghaharutan." Sagot ni Haruto at nagtype sa phone niya.

 

"Sayang naman.” bulong ni Jeongwoo at nagsigh pa, drama queen.

 

"Ba't parang stress na stress ka, toy? LQ ba kayo ng bebeluvs mo?" Tanong ni Park Jeongwoo at sumilip sa phone ng kaibigan niya.

 

"Oo, ayaw niya nga magreply eh, naiiyak na ako." Sagot ng hapon na agad ikinatawa ni Jeongwoo.

 

"Ipakilala mo nga sa akin 'yang girlfriend mo, tagal-tagal na 'di ko pa rin nakikilala." Wika uli ni Park Jeongwoo, palaisipan pa rin talaga sa kanila kung sino ang girlfriend ni Haruto.

 

"Huwag ka ngang atat, seselos ka lang eh.” Wika ni Haruto at iniwan nanaman si Park Jeongwoo sa kawalan.

 

"Tarantado,mang-iiwan talaga, 'di na kita papansinin bahala ka sa buhay mo!" Sigaw ni Jeongwoo at humayo na para guluhin naman si Junkyu na kumakain ng lugaw sa canteen, libre kasi ni Yoshinori kaya magpapalibre na rin siyq.

 

"Sa wakas at nandito ka na rin Jhong. Nanlilibre si Panjong, ano gusto mo? Oh eto champurado kakulay mo.”Wika agad ni Junkyu at binigay sa kanya ang champurado.

 

"Pisti yawa ka talaga Junieboy, paabot nga ng kutsara" Wika ni Jeongwoo at siya pa ata ang mabubusog dahil lahat ng kinakain niya ay mula sa mga kaibigan niya.

 

"Balita ko may girlfriend na daw si Haruto, maganda ba?" Tanong ni Yoshinori at kumagat na sa bananacue na binili niya.

 

"Mayroon, pero 'di niya pa pinapakilala pati pangalan 'di niya pa sinasabi." Sagot ni Jeongwoo at nakikagat pa sa bananacue ni Yoshinori.

 

"Tarantado ka, nandito ka lang palang shuta ka." Bungad ni Jaehyuk at binatukan pa si Jeongwoo. 

 

"Aray naman, ano ba Jekjek!" Hiyaw ni Jeongwoo at sinundot ng kutsara si Jaehyuk.

 

"Pakopya ako sa ESP." Wika ni Jaehyuk at kinalkal ang bag ni Jaehyuk.

 

"Yawa talaga 'tong si Jekjek, ang boboness mo, ang dali-dali lang ng ESP." Wika ni Junkyu at sinamaan lang siya ng tingin ni Jaehyuk.

 

"Gaga, ang hirap-hirap ng tanong sa ESP." Wika uli ni Jaehyuk at sumimangot, ayaw niya bumagsak kaya si Jeongwoo ang solusyon para may kasama siyang bumagsak.

 

"Ano ba mga tanong? Ako na sasagot." Wika ni Yoshinori na sobrang galing sa mathematics. Kaya niya nga daw bilangin stars, 123456789iloveyoushinori.

 

"Ano daw gagawin 'pag may matanda na tatawid sa kalsada.”Pagbasa ni Jaehyuk at hinihintay nila sumagot si Yoshinori.

 

"Ang bobo talaga Jaejae, sobrang dali ng tanong, eh 'di siyempre tulungan tumawid" Sagot ni Yoshinori at handa nang tadyakan si Jaehyuk.

 

"Ang pagpipilian kasi, A. Itigil ang sasakyan, B. Tawagin ang traffic enforcer, C. Alalayan tumawid.” Dagdag pa ni Jaehyuk.

 

"Tanga talaga 'to, eh 'di siyempre alalayan tumawid." wika rin ni Kim Junkyu na hinuhusgahan na ang buong pagkatao ni Jaehyuk.

 

"Gaga kayo. Hindi naman ako tatawid ba't ako sasabay sa kanya, wala naman ako kotse para itigil, wala din ako load pantawag sa traffic enforcer" Wika pa ni Jaehyuk at nagpout.

 

"Nasaan ba putanginang armalite ko dito nang matapos na buhay mo, nandidilim paningin ko sa’yo." Wika ni Jeongwoo na gigil na gigil na.

 

"Wah, totoy pogi nandiyan ka pala, namiss kita. Miss mo ba ako?" Tanong agad ni Junkyu at nginitian pa si Haruto na kararating lang.

 

"Hindi kita namiss." Hirit ni Haruto at nakishare pa sa champurado ni Jeongwoo.

 

"Ano ba yan toy, bumili ka ng sa’yo." Wika ni Jeongwoo at inapakan sapatos ni Haruto.

 

"Nandito na si uno, halika na at kumain." Wika ni Yoshinori at hinila si Junghwan para umupo, tumaas naman ang isang kilay ni Haruto. Selos 'yarn? Dumating rin si Asahi na bumili pa ng piattos at palabok.

 

Tumingin si Junghwan kay Haruto pero inirapan niya lang kaya't kumunot noo ni binata, hindi na nga siya nirereplyan 'di pa siya pinapansin.

 

"Ano gusto mo uno? turon o ako?" Tanong ni Yoshinori na ikinatawa nila.

 

"Ikaw, hyung." Sagot ni Junghwan at ayon namula na ang tenga ni haruto dahil selos na selos na.

 

"Aray putangina, ba't mo tinatapakan paa ko ng napakalakas tarantado.” Hiyaw ni Asahi na naantala ang pagkain niya. Nagdabog lang si Haruto kaso nandoon pala paa ni Asahi sa tabi niya.

 

"Kumain ka lugaw, So Junghwan. Hoy chocolate bilhan mo nga siya ng lugaw. Sa'yo na sukli." Utos ni Haruto sabay abot ng bente, lumiwanag naman ang mga mata ni Jeongwoo at bumili na. Ipinambili niya ang sukli ng mani na may maanghang na suka at chili powder.

 

Inirapan nanaman siya ni Junghwan, napapansin na ni Jaehyuk na may something kila Haruto at Junghwan pero nanahimik lang siya. Samantala, si Asahi naman ay alam na alam ang pag-iibigan ng dalawa.

 

"Toy, ipakilala mo na girlfriend mo sa amin gusto ko na malaman kung sino." Wika ni Junkyu habang ginagawang chopstick ang bananacue sticks ni Yoshinori.

 

"Maganda ba? y? Maputi? Malaki hinaharap?" Tanong ni Jeongwoo habang inaabot ang lugaw kay Junghwan.

 

Kahapon pa gustong sabunutan ni Junghwan si Jeongwoo dahil walang ginawa kundi lumapit ng lumapit kay Haruto, kaya ayan 'di niya pinapansin si Haruto, seselos kasi.

 

"Basta" Sagot ni l Haruto at hinalo-halo ang lugaw ni Junghwan

 

____________________

So Junghwan

Active now

 

Love:

HOY

 

Love:

Junghwan

 

Love:

uno

 

Love:

SO JUNGHWAN

 

Love:

kausapin mo 'ko

 

Love:

hooooy

 

Love:

babyyy

 

Baby:

ano

Love:

pansinin mo na aq :(((((

 

Baby:

manigas ka, gago

 

Love:

ano gagawin mo kapag tinigasan aq :((((

 

you can't reply to this conversation

 

________________________________________

 

So, ayon, sadboi na si Totoy Watanabe kasi nablock ng kanyang bebeluvs, at ayon umiinom na ng banana milk.

 

Habang nilalaklak niya ang libre sa kanya ni Jaehyuk na banana milk ay natanaw niya si Junghwan sa 'di kalayuan habang kausap si Kim Doyoung, agad namang kumunot ang noo niya.

 

Inakbayan pa ni Doyoung si Junghwan kaya itinapon niya na iniinom niya at diretsong pumunta sa direksyon ng dalawa.

 

"Oh toy? Nandiyan ka pala anong mer—“ Bago pa matapos makapagsalita si Doyoung ay hinila na ni Haruto si Junghwan.

 

Walang nagawa ang fluffy cheeks boy kung 'di magbabye kay Doyoung.

 

"What do you think you're doing?" Biglang tanong ni Haruto nang makarating sila sa likod ng campus.

 

"Huwag mo nga akong inienglish sa sarili kong bansa." Wika ni Junghwan ngunit 'di nagpatinag ang boyfriend niya at itinulak na nga siya sa pader aaaaaah char excited aq sorry guiz, and then nilapit niya mukha niya kay So Junghwan.

 

"Bakit ba lumalapit ka pa kay Doyoung, you already have me as your ing boyfriend." Dagdag pa niya at hahalikan na sana niya ang bebeluvs niya ngunit si Junghwan na mismo ang humila sa kanya para humalik.

 

Pustahan isang milyong, ende makakatulog mamayang gabi si Haruto dahil sa kilig.

 

"Ang sarap mo talaga." Gago, biro ni Haruto, inirapan na lang niya ang binata at bumalik na sila sa classroom.

 

_________________________

 

Ngayon, nasa canteen ang mga magkakaibigan at siyempre nahotseat nanaman si Haruto.

 

"It's your time to shine Totoy Watanabe." Wika ni Park Jihoon at nilagok na ang pineapple juice na libre ni Choi Hyunsuk sa kanya.

 

"Binata na ang totoy watanabe namin ah, sino girlfriend mo?" Tanong ni Choi Hyunsuk at lahat sila ay naghihintay na.

 

"Junghwan”

 

Pagkasagot niya ay lumaki ang mga mata nila especially si Junkyu at Jeongwoo, maging si Yedam.

 

"Oh maaan, is that true?" Tanong ni Hyunsuk at halos ibato na ni Jeongwoo ang mangkok na pinagkakainan niya ng sopas kay Hyunsuk.

 

"Yeah, ang cute cute at y ng girlfriend ko oh.” Wika pa ni Haruto at hinila pa si Junghwan.

 

"Sabi ko na eh, may something talaga sa inyo tagal ko na napapansin.” Wika ni Jaehyuk at nagtawanan sila ni Jeongwoo.

 

"Palagi ko nga sila nakikitang magkasama, minsan sinasama pa ako para hindi sila mahalata. Putanginang maderpakers.” Wika rin ni Asahi at inirapan ang dalawa.

 

"Tapos kapag magkakasama tayo, nagiiwasan silang dalawa para hindi halata amputa.” Wika naman ni Mashiho

 

"Ano 'yan patagong pagmamahalan?" Wika ni Yedam na siyang ikinatawa nila

 

"Kaya pala hinila mo nung isang araw si Junghwan nung nag-uusap kami, seselos ka 'no?" Pang-aasar ni Doyoung habang minamasahe likod ni Yedam.

 

"I don't ing want to see him with somebody else.” Nagtilian naman ang mga bading. Hinila pa ni Junghwan ang tenga ng binata.

 

"Yii ikaw Junghwan ha, kaya pala 'di ka na sumasama sa akin kasi kadate mo lagi si totoy." Wika ni Jihoon ngunit sinupalpal siya ng notebook ni Junghwan

 

"Hyung, 'yang bibig mo, anong date date? ni hindi niya nga ako niyayaya ng date na 'yan." Wika ni Junghwan at nagpout

 

"Awts sad nanaman ang aking bebeluvs, halika nga dito.” 

Wika ni Haruto at hinila si Junghwan at hinalikan sa pisngi.

 

"Grabe, respeto naman sa mga single.” Wika ni Yedam at niyakap ang gitara niya

 

"Ang landi mo pala totoy, sobra." Komento ni Mashiho

 

"Oo nga, iniwan mo na ako.” Pagdadrama ni Jeongwoo

 

"Epal ka hyung, never ka niya nagustuhan, gumising ka nga.” Wika ni Junghwan at inirapan si Jeongwoo.

 

"Hayst, nawa'y lahat may lablayp.” Wika ni Hyunsuk habang nakatingin kay Jihoon.

 

At ayon, sila-sila rin ang nagkainlaban HAHAHAHAHAHAHAHA

 

The End.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet