Guys! 12 o'clock

My One in a Million
Please Subscribe to read the full chapter

Four years, almost four years na akong fan ni karina. Lowkey akong nanunuod ng laban niya palagi, minsan na hihila ko sila ning peo madalas ako lang talaga, grabe hindi ko alam na ganito pala yung feeling na may sinusundan ka sa apat na taon. Makita ko lang siya sa mga practices niya ay okay na okay na ako. Sobrang lowkey din ng buhay niya na isa rin sa mga dahilan kung bakit ko siya hinahangaan, nakita ko sa apat na taon paano siya mas gumaling at nakilala bilang isang magaling na swimmer. At hindi malabong after college ay kunin siya bilang national athlete ng bansa at para akong nanay na sobrang proud sa anak huhuhu deserve ni karina ang buong mundo sa totoo lang.

 

*Ring ding dong, ring ding dong

Ring diggy ding diggy ding ding ding

Ring ding dong, ring ding dong

Ring diggy ding diggy ding ding ding…*

 

Jinryu Calling…

 

"oh bakit?" anong kailangan nanaman ng tukmol na to

"good morning din sayo taglamig" sarcastic niyang sagot hahahaha

"bakit nga?" sagot ko habang pinapanuod si karina mag back hihihi cutie talaga

"tanga tatanungin ko lang kung nasa classroom kana ba? Ang sungit sungit mo" haaa? Di ba parang maaga pa naman? 8 palang?

"maaga pa naman ahh" sagot ko

"anong maaga? 8:50 na ah? 9 ang simula ng klase" what? Anong 8:50…

 

Ow! Hindi gumagalaw, yung relo ko na stuck sa 8!!! 

 

"hello win? Andyan ka--"

 

*tooot* tooot* toooot*

 

di ko na siya pinatapos ang binaba na ang call. Wala na ren sila karina pag tingin ko sa pool, lah bilis naman nun? Pero teka! Malalate na ako!! Tardiness first day of school hayyy..

 

Agad akong lumabas ng pool area at pumuntang parking. Wala naren yung vespa ni karina, siguro nga ay pumasok na ren siya sa school, ughhh di ko man lang siya nakita for the last time huhuhu mag hihintay nanaman ako hanggang Thursday dahil Monday at Thursday lang ang sched nila para mag practice dito sa public pool.

--

 

Exactly 9:10 ng makarating ako sa parking ng school namin, andami kong miss calls from ryujin. Like? Oo na! late na ako, madaling madali na ang eh lintek na to! Pag baba ko ng kotse ay tumakbo ako papasok ng department namin.

 

Wala ng tao sa corridor so ibig sabihin lahat ng studyante ay nasa mga classrooms na, nang mahanap ko na ang room ko sumilip muna ako sa maliit na salamin sa may pinto. Oh great! Nag didiscuss na si sir Lee, patay ako nito. Lord? Ikaw na bahala saakin at sa lahat ng mahal ko sa buhay, adios~

 

"miss kim! Anong sinisilip silip mo sa pintuan?" rinig kong sigaw ni sir lee, shutaena! At nakita na nga ako!! Kakatok naman talaga ako sir eh huhuhuhu

"good morning sir hehehe" nakayuko kong bati sakanya, nakakahiya ampppootssss! Tapos nakikita ko pa sa peripheral ko ang pigil na tawa ng magalig kong kaibigan, mamaya ka sa akin ryujin!!

"first warning of tardiness miss kim, take your seat" sungit sungit talaga nitong si sir lee, kung hindi ko lang paborito tong subject na tinuturo niya eh! Nakooooo!

 

Palakad na ako sa likod, sa tabi ni ryujin ng mag tama ang paningin namin..

 

This feeling, ito ang una kong naramdaman nung una ko siyang makita, hindi nga lang siya nakatingin nun but this time, it feels surreal she's mirroring my eyes, no, were mirroring each others eyes. 3 minutes siguro kaming nagtititigan, hindi ako makagalaw mami andito nanaman ako sa blackhole ko..

 

Karina Jimin Yoo is here at my ing class, my ing  room, and my ing school?!

 

"miss kim! Inaabala mo ang klase ko, bakit ka pa nakatayo dyan?! I said take your seat!"

 

Sigaw ni sir lee, and snap! Bumalik ako sa earth, agad naman akong naglakad ng mabilis at tumabi kay ryujin. No? seriously? Karina? Anong ginagawa niya dito? Nag transfer ba siya? Bakit? Ano nangyare? Omegeeee teka! Hindi naman ako prepared!

 

"bakit di mo sinabi sakin sa andito si karina?! Nauna ka sakin diba?!" pabulong at nang gigigil kong sabi kay ryujin, oo nang gigigil! Dahil naiinis ako! Nakakahiya dalawang beses akong napagalitan sa harap niya huhuhu paano kung isipin niya na tamad akong studyante? O bka isipin niya na wala akong pake sa acads ko? Na pabaya akong tao huhuhu oh no! sira na image ko kay karina T-T

 

"I called you 10 times win, 10 times! Hindi ka kaya sumasagot. So anong gagawin ko baccla? Salubungin ka sa parking at sabihin andito idol mo?" sagot niya, take note nag bubulungan paren kaming dalawa

"Oo! Bakit hindi mo ginawa yun?! Nakakainis!" diba? May point naman akoooooo

"mama mo win sunduin, suntukin kita eh! Pwede ba chill ka lang? para kang manliligaw na na bad shot sa nililigawan niya, kumalma ka okay?" pag aalo niya saaken, pero hindi paren ako mapakali, hindi ko naiintindihan yung dinidiscuss ni sir tsaka bakit ba siya nag didiscuss first day of school.

 

Buong class lang ako naka tingin sa kinauupuan ni karina, at sa buong oras din natutulog lang siya. Nakaunan lang siya sa braso niya at hindi nakikinig kay sir lee, siguro napagod siya kanina sa practice nila kaya valid naman ang pag papahinga niya diba?

 

"okay class dissmissed" rinig kong sabi ni sir lee, and with that cue sabay sabay na nag si tayuan ang mga kaklase ko. Tumayo na rin si karina at sinukbit ang bag niya lumabas na siya ng room at nawala sa paningin ko.

 

"so kumusta naman ang mapahiya ng dalawa beses sa idol slash crush slash love of your life" rinig kong sabi ni ningning kasama si chaer, siguro wala na  silang next class kaya andito nanaman para mag kalat ng ka demonyohan.

 

Tumaas naman ang kilay ko at tinignan siya "at paano mo naman nalaman na napahiya ako kay karina?" sagot ko, . Itinaas niya phone niya "kay ryujin, naka live tweet lahat ng nangyayare kanina win hahahahahha"

 

Dahan dahan naman akong tumingin kay ryujin…

 

"RYUJIN TANGINAAAAAAAAA MO!!!" sigaw ko, aaaaahhh nakaka asar talagaaaaa! Bakit ba ako may ganitog mga kaibigan lord? Bakit????

"HAHAHAHHA sorry naaa taglamig, nakakatawa lang kasi ang intense ng titigan nyo ni karina kanina hahahahahahaha" tawang tawa parin si tanga ginatungan pa nung dalawang unggoy, nakakainis talaga! atleast nga may titigan moments kami eh!

"Sorry na win tara nalang sa caf ililibre kita empanada hahahahaha" sarap bigwasan neto ni ryujin eh, dinadadaan nanaman ako sa pagkain, nakakairita!

 

So sumama naman ako, marupok ako sa empanada ok?

 

"so bakit daw nag transfer si karina win?" tanong sakin si chaer, lahat naman sila ay nakatingin saakin at hinihintay sagot ko

"aba malay ko? Kung naka live tweet pala lahat nangyare kanina sana alam nyo rin na pati ako nagulat okay?" naiinis parin ako sa live tweeting na yan!

"ang sungit mo naman, edi ba nga ikaw yung "fan" niya dito? So bakit di mo alam?" sabat ni ningning

"oh ngayon napatunayan ko na sayo na hindi naman talaga ako stalker?" nakangisi kong sagot sakanya

"anong konek win? Tinatanong ko lang kung bakit di mo alam, pinanganak ka bang baliw?!" inirapan ko lang si ningning at nauna ng umupo.

 

Wala talagang araw na hindi ako sinusubok ni satanas, talagang mga kampon niya ang ipinadala para saaken ano???

"ohh tama na yan, oh empanada mo win, bati na tayo haaa? Tsaka kayo na nga lang mag kamuka nag aaway pa kayo" sabi ni ryujin

"yuck!"

"ewww" mabilis na sagot namin ni ningning, tawang tawa naman yung dalawang gago nakakainis

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
rluee_multistan
comments and upvotes are really appreciated! enjoy!

Comments

You must be logged in to comment
Elatedbliss #1
Chapter 6: Looking forward sa next update! Ang interesting ng story.
kang_ddeul
#2
Chapter 6: go ssob win!! huhu ipon ka ng lakas ng loob 😍
kang_ddeul
#3
Chapter 5: parang ako din ay nalasing HAHAHAHAHA pero cutie ni minju, super caring din dito 🥰
rinagayed
#4
Chapter 5: dama ko yung alak na dumadaloy yawa
winrlueee_
#5
Chapter 5: winju na ba to otor huhu
kang_ddeul
#6
Chapter 4: woahhhh, ayan na si minju! 🤩
Srryitzjstme #7
Chapter 4: Ayun oh kim minju ano meron hahaha
winrlueee_
#8
Chapter 4: Luh?? Awit! Kim minju
twennytri #9
Chapter 4: invested na ko sa pagbabasa neto, interesting!
winrlueee_
#10
Chapter 3: paano kaya kung malunod si winter kaka panic kasi si karina mag tuturo sakanya? hahahaha