1/1

WONYOUNG YUNG TAHONG MO!!

Hindi talaga ako marunong mamalengke, tbh. Nautusan lang ako ni mama dahil inabutan niya ako na nakahiga sa sofa habang nakikipaglaro ng ML sa pinsan ko na si Yena.

 

Sabi nga nila, biruin mo na ang lahat wag lang ang nanay mong badtrip. 

 

“YUJIN BATUGAN KA TALAGAAAAAA IKAW NGA ANG MAGPUNTA SA PALENGKE!!!”

 

 

Kaya ayan, ito ako ngayon, bitbit ang bayong sa kaliwa, at hawak ang tshirt ng makulit kong pinsan na kanina pa gustong umuwi at iwanan ako dito sa palengke.

 

Hindi lang naman ikaw ang naiinitan at nanlalagkit, Yena huhu tbh lang

 

-

Pindot pindot. Tusok tusok. Tingin tingin sa karne at isda. Hindi ko din alam bakit sinusundot ng daliri yung mga paninda sa palengke, ginagawa ko lang kasi nakikita ko si mama na ganito ginagawa nun

 

“Yujin, di ba yun yung chix niyong secretary sa classroom? May stall pala sila dito?”, tanong ni Yena.

Napalingon naman ako sa direksyon na itinuruto ng nguso niya. Bibe ka nga talaga

 

 

“Uy gagi si Wonyoung nga!”

“Tara, puntahan natin baka may mabili ka din sa paninda niya”, ika ni Yena.

“Ayoko par, sa iba na lang tayo”

“Halika na”, ulit ni Yena

“Ayaw nga”

“Eh bakit ba? Crush mo no?” 

“Sira, hindi”

“Oh eh bakit ka namumula? Halika na bilis”, sabi ni Yena habang hinigit ako papunta sa stall ni crust. Fine sige na nga

 

-

“Hi Wonyoung!” Itong si Yena feeling close talaga

“Hala hi ate Yena! May bibilhin ba kayo sa amin?” Masiglang tanong ni Wonyoung sa amin

“Ah eh itong pinsan ko may itatanong sana”

 

NAPAKA MO YENA NASPOTLIGHT TULOY AKO

 

“Eh..yung..”

“Yujin di ko madinig sorry. Ano sabi mo?” tanong ni Wonyoung

 

Salamat na lang talaga sa pinsan ko na panira ng diskarte, kanina pa niya binubunggo ang pwet ko gamit ang pwet niya. 

 

“Yung tahong..magkano yung kilo” tanong ko habang hinahwakan yung mga tahong na nasa tray

 

 

“HUY GAGO YUJIN!!!” sigaw ni Yena

 

 

 

 

 

 

 

 

 

-

So bakit sumigaw si Yena?

 

 

At kung sswertehin ka nga susmaryosep naman panginoon ko, Yena. Napalakas si loko ng bunggo sa pwet ko. 

 

Kaya ito ako ngayon, nadaganan sa gitna ng hallway ng palengke yung crush ko.

 

“Wonyoung yung tahong mo!!” Sa sobrang gulat ko at bilis ng mga pangyayari.

 

“BASTOOOOOOOOOOOOS!!!!” aray Wonyoung, ensheket ng sampal mo T_T

 

 

 

 

 

 

 

-

“Taena mo kasi kung di mo ko binunggo e di sana hindi ko kelangan magsorry ngayon” 

 

“Sorry na nga! Di ko naman sadya! Kaya nga nagvolunteer na ako bumili ng sunflower diba. Bigay mo na to sa kanya tapos magsorry ka” sabi ng magaling kong pinsan na si Yena

 

Buong weekend ko hindi pinansin yung Pinsan ko. Nakakahiya kaya masampal sa palengke ng crush mo. Kaya pagpatak ng Lunes, inintay ako nito sa gate ng school na may bitbit na bulaklak. Pambawi daw. Bigay ko na lang daw kay Wonyoung.

 

“Yena kapag ito talaga hindi gumana at isumpa ako ni Wonyoung forever, yari ka talaga sa akin”

 

-

Unti-unti akong lumapit sa lugar kung saan siya nakaupo. Mukha namang hindi na siya badtrip at magiliw namang nakikipagkwentuhan sa seatmates niya.

 

“Hi Wonyoung”

Si Liz unang nakapansin sa akin kung kaya’t itinuro niya ako kay Wonyoung para lumingon sa akin.

 

Sana pala Liz hindi mo na lang ako itinuro T_T

 

 

Kaya ito ako ngayon, malapit na atang matunaw sa talim ng tingin ni Wonyoung.

 

“Anong kelangan mo?” masungit na tanong ni Wonyoung

 

Inabot ko agad yung sunflower na nakatago sa likod ko, mahirap na baka mabuhahan pa ng apoy.

 

“Gusto ko lang naman magsorry sa nangyari nung Sabado. H-hindi ko talaga s-sadya pramis! Si Yena yun itinulak lang ako!” inilapag ko na lang sa table niya yung bulaklak kasi natatakot na din ako talaga

 

“Eh bakit kelangan mo pa isigaw sa buong palengke? Kasama pa talaga pangalan ko? Nakakahiya ka kaya. Ikaw kaya isigaw ko din sa palengke na ‘YUJIN YUNG TAHONG MO’ gusto mo ba? Tapos iniwan mo pa ako para pulutin sila isa-isa. Tumakbo ang wala—- hindi man lang nakidampot” inis na sabi ni Wonyoung

 

“Sorry na talaga. Kung gusto mo, bawi na lang ako sa Sabado. Samahan na lang kita magbenta sa stall niyo” ngitngit ko habang tinutusok-tusok ang braso ni Wonyoung.

 

“Sige na Wonyoung, baka naman hindi talaga sadya ni Yujin. Patawarin mo na, babawi naman daw sa Sabado. Malay mo mas magaling magbenta ng tahong si Yujin” natatawang sabi ni Liz

 

Payag naman na siguro siya? Hinawakan na yung sunflower at inikot-ikot eh. 

 

Lumingon ulit siya sa akin na nakataas ang isang kilay. Joke lang gagalet pa ata siya

 

“Siguraduhin mo sa Sabado. 7am. Kapag ikaw hindi magpakita, sa flag ceremony next week gagantihan kita at dun ko isisigaw ‘YUJIN YUNG TAHONG MO’”

 

 

 

 

 

 

 

At dito na nagtatapos ang tahong chronicles ko. Cutting things short, bati na kami ni Wonyoung after ko siyang samahan sa tindahan nila. At nakajackpot pa ako ng milktea date after namin magbenta :D

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
musicProdigy15
#1
Chapter 1: more tahong stories po pls 😭
aureader7952 #2
Chapter 1: YUNG TAHONG 😭😭😭😭
rabbitjiu
#3
Chapter 1: bAKIT NAMAN KASI SINIGAW HAHAHAAHAHHAHHAHHAHA
u_ujiman #4
Chapter 1: Shutang tahong yan. HAHAHAHAHA
reigngrey #5
Chapter 1: Ha haha . . . Lol….😂😂😂😂

I hope merong sequel
Shiba_Minatozaki #6
Chapter 1: gagi shhaahhahhajAh yojen yung tahong ni wony 😭😭😭😭
Ssamyen
#7
Ang cute🤧🤧 sana po may part 2🤩 Thank you po