good morning!
Kumain ka na ba?
Kakagising lang ni Winter at hindi na bago sa kaniya ang daily messages ni Karina Yu, classmate niya sa tatlong GE course na wala nang ibang ginawa kung hindi magtanong.
Karina: Good morning! Synch class ba tayo today?
nabasa mo na ba yung material?
BTW nag breakfast ka na ba? Kain ka muna before mag start ang class (kung meron ba…?)
Sa mga ganitong sitwasyon pinagsisisihan ni Winter na tinanggap niya ang offer ng prof niya na gawin siyang class beadle at hindi niya alam na kasama pala sa trabaho niya ang maging tanungan ng mga kaklase niya.
Winter: Hi! Yes, synch class tayo today. Nag post si sir ng announcement yesterday sa Canvas (check the attached image). And yes, nabasa ko na rin yung material. Last week pa nakapost yung reading material sa Canvas. Punta ka lang sa Files tab ng course card natin.
Bukod ata kay Karina wala nang ibang nagtatanong sa kaniya ng mga ganitong bagay, kadalasan kasi mga clarifications lang about sa instructions sa isang activity or sa mga announcement ng prof nila. Sira kaya yung Canvas app ni Yu? Baka hindi updated?
Winter: Yu, may problem ba Canvas app mo? Try mo i-update yung app and on mo yung notifications para lumabas agad lahat.
Paborito ni Winter ang first subject niya for today, which is ang Life and Works of Rizal. Hindi niya talaga gusto yung mga ganitong subjects nung high school siya, pero ang galing ng prof nila kaya sobrang gusto niya ito. Every meeting ata nadadagdagan yung pagka-Pilipino niya, ang dami rin niyang naiintindihan about sa history.
“… kaya class, importante na naiintindihan muna natin ang lahat, dahil veneration without understanding is the s
Comments