Too much for being a Selenophile

Too much for being a Selenophile
Please Subscribe to read the full chapter

Sa kailaliman ng mga ulap, sa ibabaw ng isang matarik na bundok. Mga along humahampas na tilay nagpupumiglas. Malamig na hangin, kasing lamig ng mga matang nagsusumamo sa itaas.

 

At mga matang nakatingin sa mga matang kailanna'y hindi nito makikita.

 

Ang taong nasa harapan nya.

 

"So anong sinagot mo?" tanong ni Winter sabay lingon sa itaas, kung nasaan naparoroon ang tingin ng isa.

 

"Sinabi ko rin na mahal ko siya." Nakangiting sambit ni Karina, na tila ay inaalala ang mga sandaling hindi ipinagkait ng tadhana sa kanya.

 

Si Yeji at ang pag-aaminan nila.

 

Natigilan si Winter sa sinabi ng dalaga. Nanginginig ma'y alam nyang hindi dulot ng malakas na hangin ang lamig sa katawan nya.

 

At siya, sa mahirap na pagkakataon, ay pinilit na ipakita ang kanyang ngiti. Kahit alam niyang ito ay kailanma'y hindi makakalamang sa ganda ng ngiti ng dalaga sa harapan nya.

 

Ang saya nya.. 

 

"Are you happy for me, Winter?" At sa unang pagkakataon, liningon na niya ang kaibigan. Malalabong matang nakatingin sa malayo. Malayo sa kinauupuan nya. Malayo sa babaeng mahal nya. 

 

Oo, hinding hindi siya makapaniwala na mahal niya si Karina. 

 

Si Karina na mahal ang isa pang kaibigan niya. 

 

"Anong klaseng tanong 'yan, Rina? Oo naman..." 
Matamis na pagkakasabi ni Winter. Magaan ang kanyang boses, marahil isang malaking kasalungat sa bigat ng kanyang nararamdaman.

 

Nakatingin lamang ang isang dalaga sa kanya. Tila pinag-oobserbahan ang reaksyon nito. 

 

Hindi mapakali si Winter. 

 

Sa katahimikan ng gabi, takot sya na baka marinig nito ang makabinging-tengang pagkalabog ng kanyang puso. Ngunit hindi nya ito ipinagtataka. Sanay na si Winter sa epektong taglay ni Karina. 

 

"Talaga lang ha. Baka kasi hindi ka boto kay Yeji." Mahinhin na sambit ni Karina sa nakayukong babae sa tabi nya. 

 

Hindi niya kayang tignan si Karina. Natatakot siya na baka sa pagtingin niya, hindi niya mapigilan ang pag-agos ng kanyang luha. 

 

Dahil malapit na itong tumulo sa kanyang mukha. 

 

Pilit na ngiting tinignan nya ang kalawakan. Hindi niya inasahan na darating ang gabing ito. Ang gabing magpapalumo sa kanya. Ang gabing dudurog sa pagkatao niya. 

 

Naaawa na siya sa sarili niya. 

 

"Para sa'yo, ano ang pag-ibig?" 

 

Hindi makapaniwalang tumingin si Karina kay Winter. Hindi niya inasahan ang tanong ng kaibigan. Nakakunot ang noong tumingin ito sa katabi at pumihit bahagya sa kanya. 

 

"Love?" 

 

"Hmm." 

 

Saglit namang napa-isip ang isa. Hindi man niya masyadong naintindihan ang motibo ng tanong, ngunit sa mukha nito, parang alam na niya ang sagot. 

 

Naramdaman ni Winter ang pagkirot ng dibdib niya. 

 

Totoo nga, mahal nya ata talaga... 

 

"Yeji. Love for me, is Yeji." 

 

Napatiim ang bagang ni Winter sa nalaman. Agad siyang nanlumo. Nanghihinang ibinalik ang tingin sa mga bituin sa kalangitan. Marahil ito'y hi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snow_hashimoto
This would be my first one shot au here in aff. :(( Hoping to write another soon.

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 1: ang sakit naman lods 🥺😭