Tawag

Tawag
Please Subscribe to read the full chapter

"Hoy pangit."

 

Ayan ang unang narinig ni Karina pagkasagot niya ng telepono, napairap nalang siya ng marinig ang tawa nung nasa kabilang linya.

 

"Ano, wala ka na namang magulo?" Inis na tanong nya, hindi na nga niya matapos-tapos yung module nya, sasabay pa 'tong asungot na 'to.

 

"Sungit," sagot nito, "Masama bang marinig boses mo?"

 

Napakunot naman ang noo ni Karina nang marinig ang mahinang ubo nito sa kabilang linya, "Maysakit ka ba?"

 

"Wala, may nalunok lang akong lamok." Matamlay na sagot nito pagkatapos.

 

"Oh gago, sarap ba?" natatawang sagot nito.

 

"Hindi ko nalasahan, diretso sa lalamunan eh,"

 

Mas lalong napatawa si Karina sa sagot nito, kahit kailan talaga hindi nya makausap nang matino ito. "Ala una na ng umaga Winter, napatawag ka?"

 

"Wala naman, bigla lang kitang naalala. Musta na ba diyan sa Pinas?" sagot nito, bahagyang humina ang boses kumpara sa kanina.

 

"Ayos naman, mainit pa din." tipid na sagot ni Karina, "Kailan ka papadala pera? Wala nang panggatas yung mga anak natin," habol na biro nya.

 

Tumawa na din si Winter bago ulit napaubo, bahagyang lumayo ang boses nito sa telepono, malamang ay iniiwas iyon dahil iniihit ito ng ubo kakatawa, "Taena," sabi nito nung bahagyang maka recover. 

 

"Saya ka nyan? Hindi pa din kita sinasagot, kung iyan ang akala mo." Paglilinaw ni Karina.

 

"Kj mo, hindi mo man lang ako hinayaang mag imagine na may anak tayo!"

 

Tuluyan nang inihinto ni Karina ang pagsasagot nya sa module, wala na din naman siyang maintindihan at nag mumukha ng morse code ang trigo sa harap nya, "Libre mangarap, Wintot. Hindi naman kita pinipigilan."

 

"Ayun na nga yung ginagawa ko." sagot nung isa, "Ano palang ginagawa mo?" 

 

"Module, pero inihinto ko na, kanina ko pa hindi maintindihan eh."

 

"Ayun sakto, sabado naman bukas, diba?" Tanong nito, "Okay lang ba na usap tayo hanggang makatulog tayo?"

 

Tumango naman si Karina na animoy nasa harap lamang nya si Winter.

 

"Okay lang, Rina?" tanong uli ni Winter nang wala itong nakuhang sagot mula sa kausap nya.

 

"Ay oo." mabilis na tugon naman ni Karina, hindi naman iba sa kanila na mag tawagan hanggang madaling araw eh.

 

"Ayon, lakas ko talaga sa isang Karina Yu," sabi ni Winter na tila inaantok na.

 

"Pasalamat ka at cute ka, kung hindi, matagal na kitang binabaan ng telepono."

 

"Hmp." Iyon nalang ang naging sagot ni Winter sa kanya.

 

"Video call?" Tanong ni Karina pagkatapos ang panandaliang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

 

"Uhm.. next time nalang?" pagtanggi ni Winter.

 

Bahagyang nagulat si Karina sa sagot nito, kung hindi kasi si Winter ang nag rerequest nito, hindi naman humi-hindi ito.

 

"Luh, bakit? Ayan, tinatanggihan mo na ko?" Pabebeng tanong ni Karina sa kausap.

 

"H-Hindi naman.. medyo ano.. makalat kasi,"

 

"Sus, lagi namang makalat sa kwarto mo Wintot."

 

"Sorry, iba talaga kasi yung kalat ngayon e... next time nalang. Hehe." Alangang tawa nito.

 

"Sows, may iba kang babae dyan ano?" Pataray na tanong nito.

 

"Nako Karina, ikaw lang sapat na. Prinsesa maldita. Bumangga giba. Zero tres bente dos,"

 

"Pota jeje ka talaga Wintot!"

 

Mahina at inaantok lang na tawa ang sinagot sa kanya nung isa.

 

"Winter, inaantok ka na?"

 

"Hindi pa... Ano, may sasabihin pala ako, hindi mo naman kailangan sumagot. Kinig ka lang sakin, ok?"

 

"Okay...?"

 

Umubo ulit si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TakuyaKen
#1
Chapter 1: strike 2 n ganito ending ng binasa ko hehe
yurielle
#2
luh nadaan ulit, wat f magdabog ako ngayong 12 am mismo 😭
Genniee #3
Chapter 1: sabi ko nga makakadaan rin ako ng angst anytime now kase kanina pa ako sayang-saya sa mga fluff (ノಥ,_」ಥ)ノ彡┻━┻
HelloMango
#4
Chapter 1: Baket nakakadik masaktan.. (◞‸◟)( ´_ゝ`)
Todayis_WR
#5
Chapter 1: Hahahaha sino ba naman aq para humingi ng fluff
kang_ddeul
#6
Chapter 1: di naman masakit mga bebs HUHU parang kagat lang ng dinosaur T___T
de_jk_lng #7
Chapter 1: otor sino nanaket sayo😭😭
theia-quinn
#8
Chapter 1: sana masaya ka dyan otor kasi ako hindi
Chaegoblin
#9
Chapter 1: Ha????
Fanytastic09 #10
Chapter 1: Putaena bat may namatay na naman