Chapter Three

ENCHANTED | NoMin
Please Subscribe to read the full chapter

Nadatnan ni Jaemin sa salas si Mark at ang tito Marcus nya na nag-uusap. It seems like they were catching up with their daily lives din at agad din naman nilang napansin si Jaemin. 

Uncle Marcus is Mark's dad and mukhang kakarating lang din nito galing sa pinuntahan nya.

"Tito." Bati ni Jaemin sa tito nya nang makalpit sya dito. 

"Jaemin ikaw na ba to? Ang laki mo na talaga ano? Kamusta ka naman?" Ngiting ngiti na salubong ni Marcus sa kanya. He ruffles his hair at pinagcompare pa ang height nila na ikinatawa ni Jaemin at Mark. "Ang tangkad mo na din."

Ngumiti ng tipid si Jaemin at napakamot sa batok. "I guess, I'm fine tito."

"Oh bakit parang di ka sure nyan?"

"Hindi yan okay dad. Kakabasted lang jan eh." Sagot naman ni Mark, dahilan para huminga ng malalim si Jaemin. Hindi na yun nakakaoffend actually kaya okay lang sa kanya. 

"Ikaw basted? Ang lakas naman ng loob nung nambasted na yun sayo?" Biro pa ng tito nito pero kalahati nun ay hindi biro because he's stating the fact.

Napakamot naman ng batok si Jaemin dahil sa sinabi ng tito nya at tipid na ngumiti dito. 

"Wala eh, ganun po talaga."

"Naku, let them be. Wag mo ng habulin. If you think you did your best at hindi pa din nila nakikita yun, kanilang kawalan na yun. Isa pa, bata pa kayo at madami ka pang makikilala." He said habang tinatapik pa si Jaemin sa balikat nito. "Kahit pa nanliligaw ka lang, dapat you know your worth din. Baka maubos ka nyan." 

Tumango-tango naman si Mark habang nakikinig sa payo ng daddy nya kay Jaemin at buti nalang din eh sumama ito sa kanya this year. Matagl na din itong hindi nakikita ng daddy nya eh. 

Napangiti naman si Jaemin doon at tumango bilang sagot sa sinabi ng tito nya. 

"Yes tito. I'll keep that in mind." 

"Good. Kumain na ba kayo? May pinaluto ako sa cook namin." 

"Hindi pa nga po eh." 

"Ganun ba? Tara na sa dining at kumain na kayong dalawa dun." Yaya nito kaya tumango naman si Jaemin at mabilis na lumakad papunta ng dining nila. Gutom na gutom na nga sya kanina pa pero dahil mas nangingibabaw ang pagod nya, pinili nalang nyang matulog.

"Sir, nandito po si sir Jeno." Their maid said na nagpatigil sa kanila kaya lumingon silang tatlo dito. 

"Si Jeno?"- Mark asked at tumingin kay Jaemin. He shrugged at pwumesto na sa table. 

"Tamang-tama."

"Tito!" Someone said from somewhere at nang lingunin nila ito ay nanlaki ang mga mata ni Mark. 

May dala kasing pakwan si Jeno at ngiting-ngiti pa na lumapit sa kanila. Pinadaanan nya ng tingin si Jaemin pero hindi ito nakatingin sa kanya kundi sa mga pagkain na hinahain. Lumapit din naman si Marcus dito para tapikin sya sa balikat. 

"Is that watermelon?" 

"Gift ko sa kanila tito kasi bagong dating." 

"Ayos ka talaga tol! Kaya sayo ako eh!" Tuwang tuwa namang sabi ni Mark at lumapit kay Jeno para kunin yung dalawang malaking pakwan na bitbit nito. It looks heavy din pero parang hindi naman sya nahirapan. 

"Kain ka Jeno. Madami akong pinaluto." Marcus said at tumango naman si Jeno. "Pamangkin ko pala, si Jaemin." 

Jaemin was watching them quietly nang magtama ang mata nila ni Jeno dahil lumingon ito sa kanya pagkaturo ni Marcus. Ngumiti ito sa kanya at kinawayan pa sya ng bahagya.

"Kilala ko na sya tito. Ako naghatid sa kanya dito sa loob eh." 

"Talaga?"

"Yes po."

"Sige kilalanin mo pa, single yang pamangkin ko." He teased kaya napaubo si Jaemin, nagtataka kung bakit ba parang binubugaw sya ng tito nya kay Jeno. 

Luh bakit? Bakit kay Jeno?

Okay lang ba sila? Hindi nga nila kilala ang isa't isa eh.

Jeno glanced at him again kaya iniwas na ni Jaemin ang tingin nya and he proceeded eating his foods. Bahala yan si Mark kung ayaw pa nyang kumain. 

Napakagat naman ng labi si Mark saka tumawa ng malakas sabay tapik nito kay Jeno. 

"Ay oo nga no? Single ka diba?" Bulong ni Mark kay Jeno para hindi marinig ni Jaemin at baka kung anong gawin sa kanya eh. 

Jeno wiggles his brows saka nila napagdesisyunan ni Mark na umupo na para kumain. 

Pwumesto si Jeno sa harap ni Jaemin at kinawayan pa nya ito para ipaalam ang existence nya dito. Unang kita palang nya kay Jaemin napansin kaagad ni Jeno na parang sya yung tipo ng tao na hindi ka kakausapin hanggat hindi mo uunahan eh.

Unless, interesado syang kausapin ka. Mukha namang uunahan ka sa pakikipag-usap if ganun ang situation. 

Pero hindi eh, mukha kasing nawiwirduhan itong pinsan ni Mark sa kanya.

"Hi. Hindi ka lumbas kanina, hinintay pa naman kita." 

Ano ba yan? Bakit feeling close to? 

Bakit nya naman ako hinintayin? Wala naman akong sinabing lalabas ako eh.

Binalik naman ni Jaemin ang tingin kay Jeno. "Kagigising ko lang." 

"Ganun? Sige bukas nalang."

Jaemin looked at him confusedly at kumunot-noo. 

"Ang alin?" 

"Bukas kita ililibre. Tingnan mo nga oh, dinala ko na yung pakwan dito kasi hindi ka lumabas kanina." 

Jaemin pursed his lips at ngayon ay pinapanood ang pinsan nya na gayatin yung dala ni Jeno na pakwan. Favorite kasi yan ni Mark kaya tuwang-tuwa sya nung makita yung pakwan.  

"Oh my god, you don't have to do that naman." 

"Okay lang no." 

"So ano yun? You're telling me na para kay Jaemin pala talaga to? Kailan pa kayo naging close?" 

"Hoy we're not close kaya." Depensa naman ni Jaemin saka sumubo ng pagkain. "Ang feeling close lang nito." 

"Grabe ka? Ayaw mo ba akong maging kaibigan?" 

"I'm not telling na in a bad way naman. Nagulat lang ako." 

Tumawa naman ng mahina si Jeno. "Ano palang buong pangalan mo?" 

Seriously? 

Di, wala naman

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet