Akala
AkalaMahirap din yung maling akala. Ikaw lang yung iba ang pagkaka alam.
Na kahit ilang beses mong sinabi sa sarili mo na ‘wag, ikaw din yung bumalewala sa mga sariling mong babala.
Tapos ikaw ngayon, naghihintay sa mga susunod na mangyayari. Nagawa mo na ‘din lahat nang dapat mong gawin.
Hindi mo na alam ano ulit yung kasunod. Maghintay nalang? Ewan.
Tiim bagang syang nakatingin sa babaeng kaharap nya ngayon, wala namang ibang tao sa pwesto nila maliban sa kanilang dalawa.
Ang iba ay nasa bandang likuran at may kanya kanya ding pinag kaka abalahan.
Umasa ba siya? Oo.
Masakit ba? Oo.
Buo naman sya kung magbigay, bakit laging kulang yung bumabalik? Minsan wala pa nga eh.
Minsan iniisip ba nya kung tanga lang sya eh, o sadyang mali lang yung mga intindi sa mga bagay-bagay sa harap nya.
Akala nya kasi meron, mukha naman kasing meron.
Pero bakit nang hinanap nya ngayon, wala?
“Ate?”
‘Yun lang yung sinabi nya, pero bakit ang sakit?
Iba yung dating ngayon eh, madalas nya akong tinatawag na ate pero bakit mas masakit pakinggan ngayon?
“Winter,”
Hindi na nya napigilan ang sarili, bahagya pa siyang lumapit dito.
“Hindi mo ba alam na ang dami kong ginawang katangahan sa buong buhay ko?”
Natahimik nalang yung isa, hindi din niya kasi alam kung saan mapupunta yung usapan nila.
“Kahit ngayong oras na ‘to mismo, naiisip ko na ang laki kong tanga para pumunta dito.”
Napatingin sa labas si Karina at napapikit, tanging ang tugtog lamang mula sa radyo ang nagbibigay ingay sa lugar.
“Yung t
Comments