fin.

mamahalin ka araw-araw (dito muna tayo sa simula)
Please Subscribe to read the full chapter

Alas-onse ng umaga ng Valentine’s Day natagpuan ni Seulgi ang sarili na aligagang naghihintay sa loob ng isang Starbucks sa Fairview. Nakakapanibago man na ang tahimik ng aura ng lugar dahil isa itong Sabado at walang pasok mga estudyante, may kaba na bumabalot sa dibdib niya sa tuwing tinitignan niya ang kaniyang cell phone kaya hindi siya mapirme.

 

Sa bawat tingin niya kasi, medyo nag-eexpect siyang makakabasa ng text message na ikakasira ng umaga (at Araw ng mga Puso) niya. Naiimagine niya na nga kung ano ang mga nakasabi.

 

May tipong “Sorry, Seulgi, hindi ako makakapunta.”

 

O kaya’t “Pasensya ka na, nakalimutan ko.”

 

Kung ang pinakamasakit man, ang ayaw niya mabasa ay ang “May date pala kami ni ****! Bawi na lang ako!”

 

Shet na lang talaga kung ganon.

 

Napapaisip na siya kung tama pa ba mga naging desisyon niya sa buhay. Biglaan nga lang naman kasi yung plano kaya hindi rin naman niya masisisi kung biglang nagbago ng isip ang inaya niya ngayong Valentine’s. Suntok sa buwan nga ang tanong, “Joohyun, pwede ba tayo gumala sa Valentine’s Day?”, at talagang nagbabakasakali lang na makakatanggap ng isang matamis na “oo!”. Hindi naman inexpect ni Seulgi na ayun nga ang mangyayari, na masaya pa nga si Joohyun na minessage siya kinagabihan kung ano ba ang balak ni Seulgi para sa kanila.

 

Sa totoo lang, hindi rin alam ni Seulgi magiging ganap nila. Stuck kasi siya sa ideya na hihindi si Joohyun. Nang umo-o ito, nabigla tuloy siya dahil nothing was going according to plan. Napa-Google search pa tuloy siya ng what to do on dates at ang lumalabas lang naman dito ay puro romantic trips na labas sa budget niyang pang-estudyante lang. Hindi naman niya afford ang candle-lit dinner at lalo na ang out-of-town na trips and ang intimate masyado ng movies.

 

Siguro pagkain sa restaurant na medyo low to mid budget kaya pang gawan ng paraan ni Seulgi tutal may ipon naman siya kahit papano. Pero mapupunta lang sa wala iyon kung hindi magpapakita sa kaniya si Joohyun.

 

Pero dahil nakita naman yata ni Papa God ang kaniyang effort, umilaw ang kaniyang cell phone dahil sa isang notif, ang pamilyar na contact name ni Joohyun na “Hyunnie” nakalitaw sa screen. Madali niya itong binuksan, at mas mabilis pa sa F1 racing car naging takbo ng puso niya dahil sa nabasa.

 

Hyunnie 10:15 AM

Seulgi!         

Papunta na ako!

Medyo matagal pumara ng jeep.

Nainip ka ba? :(

 

Nako basta pupunta ka kahit ilang oras ako maghintay rito, isip ni Seulgi habang dali-dali siyang magreply. Baka naman si Joohyun mag-isip na sa tagal ay iniwan siya ni Seulgi. Hindi niya deserve ang late replies.

 

Seulgi 10:16 AM

goods lng aq!!!

iintayin po kita hehe

nasa may sb po aq

sa tabi ng ospital???

 

Mukhang nakasakay pa rin si Joohyun dahil nabasa agad nito ang message ni Seulgi. Umaangat na tuloy ang labi ni Seulgi mula sa pagka-simangot nito kanina.

 

Hyunnie 10:17AM

Sakto pala! 

Diyan ang daan ng jeep ko ngayon.

Wait lang talaga ah!

Intayin mo ako, okay?

 

Seulgi 10:18AM

ofc!!!!!

sige tago mo muna phone mo hehehez

baka manakaw pa yan

 

Hindi na ito nagreply pa ulit pero wala na itong kaso kay Seulgi. Ang importante ay papunta na si Joohyun at hindi siya uuwing sawi.

 

Minabuti na lang ni Seulgi na mag-ayos na muna ng sarili. Dahil sa nangingibabaw na kaba ay sa palagay niya ang gulo-gulo na ng buhok niya, tipong leon na nakawala sa kulungan. Sinuklay niya agad ito para magmukhang presentable at dahil galing rin naman siyang CR, umorder na rin siya ng tubig dahil sa mas malamang ay kakailanganin ni Joohyun ito pagkadating. Hindi madali makipaghabulan ng jeep lalo na kapag ang daan eh Commonwealth.

 

Wala pang ten minutes ay namatahan na niya si Joohyun na bumababa ng jeep. Simple lang ang black t-shirt na suot nito pero grabe pa rin ang epekto kay Seulgi lalo na at nang naglakad ito may sumabay na daloy ng hangin kaya may pa-blower effect slight ang buhok nito.

 

Iba talaga kapag isa kang babae na pinagpala sa lahat. Kahit yata bulag si Seulgi ay matutulala pa rin ito sa ganda na meron si Joohyun. Ang lakas ng dating pero napakaamo ng mukha.

 

Ano nga ba ulit sabi ng Kuya Yunho niya? ‘Nice people look pretty no matter what’? Kasi kung ganun aba’y si Joohyun na ang pinakamagandang nilalang sa balat ng Fairview (at mundo, by extension).

 

“Huy! Tulala ka diyan?”

 

Dahil na-distract siya, hindi na namalayan ni Seulgi na nasa tabi na pala niya si Joohyun. Wala pa mang sagot si Seulgi ay umupo na agad ito sa tabi niya nang walang pag-aalinlangan. Nagkabungguan sila ng balikat pero wala lang iyon kay Joohyun, pero everything para kay Seulgi.

 

“May iniisip lang.” Lame na comeback ni Seulgi for a lack of a better response. Ang bilis kasi ng mga pangyayari, wala pang chance mag-regroup ang nakakalat niyang braincells.

 

“Suuure…” Sarcastic na sagot ni Joohyun pero hindi na siya pinilit nito. Idinantay na lang nito ang ulo sa balikat ni Seulgi at halatang nakakaramdam ng pagod. Nanginginig na inabot ni Seulgi ang baso ng tubig sa kaniya na pinasalamatan naman ni Joohyun ng isang ngiti bago ito ininom. 

 

Sa sobrang lapit nila ay amoy na ni Seulgi ang pabango ni Joohyun. Something na parang vanilla pero may touch ng lavender. 

 

Lavender…

 

“Ay! Eto nga pala.”

 

Confused siyang tinignan ni Joohyun habang dahan-dahan niya kinuha ang isa (sa dalawa) niyang regalo para kay Joohyun. Lalo lang kumunot ang noo ni Joohyun nang iabot niya ito sa kamay ng dalaga.

 

Isang bouquet na may weird stick thingies na may papel na petals at nakatusok sa isang sponge base. Nakabalot ito ng pink na Japanese paper at ibang artsy decorations na nagtatapos sa isang ribbon. Mayroong papel na nakadikit sa gilid, nakasulat sa pinakamaayos na penmanship na kinaya ng kamay ni Seulgi ang mga katagang happy valentine’s day po!

 

“Ano ‘to?” Nagtataka na tanong ni Joohyun habang dahan-dahan pinopoke ang petals ng isang ‘bulaklak’.

 

“Flowers for you hehehe.”

 

Paano ‘to naging flowers?!”

 

“Amuyin mo kasiii…”

 

Dahan-dahang inamoy ni Joohyun ang ‘flowers’ niya, at nag-increase lang ang ngiti ni Seulgi nang ma-realize ni Joohyun ang scent.

 

“Lavender! Pabango lang ‘to?”

 

“Fragrance sticks yan. Mga bulaklak kasi nalalanta so I figured na bigyan kita ng ‘bulaklak’ na mas matagal ang buhay. Sabi ng nagtinda sa akin up to six months mabango pa rin. Kapag hindi na okay, bigyan na lang kita ulit ng bago.”

 

Nasabi na ni Seulgi lahat ng iyon bago niya ma-realize na pinapangunahan niya si Joohyun. Unang beses palang nila magkasama sa Valentine’s Day, pero lumipad na agad ang utak niya sa ibang okasyon kung saan makakapagbigay siya ng bulaklak.

 

“I mean… if gusto mo lang na-”

 

“Thank you, Seulgi. Nagustuhan ko ito.” 

 

Naramdaman na lang ni Seulgi na hawak na pala ni Joohyun ang kamay niya nang maramdaman niya ang init ng palad nito. Hindi pa nga ito naproprocess ni Seulgi nang bigla pa ito sinabayan ng isang napakatamis na ngiti na ngayon niya palang masisilayan sa mukha ni Joohyun.

 

If hearts could explode, baka sumabog na ang kay Seulgi sa sobrang dami niyang nararamdaman in such a short amount of time.

 

“I’m g-glad…”

 

“Itago ko lang muna ‘to sa bag ko then let’s go? Baka tanghaliin tayo sa biyahe.” 

 

Binitawan na muna ni Joohyun ang kamay ni Seulgi pero nahuli niya ang sarili bago pa siya makapagreklamo.

 

Hyun naman kasi bakit may paghawak tas bibitawan mo rin, tampong isip ni Seulgi pero napawi rin ito nang nakalakad na rin sila paalis sa area ng Starbucks at nag-aabang na ng jeep papunta sa destination nila.

 

Hinawakan kasi ulit ni Joohyun kamay niya nang tumawid sila para mahabol ang ligaw na jeep papuntang SM Fairview.

 

Boom, sabi ng puso ni Seulgi.

 

 

“So… ano gusto mo kainin?” Tanong ni Seulgi kay Joohyun pagkapasok nila ng mall.

 

Ang daming tao sa loob, dahil nga naman Valentine’s Day. Maraming couples and families ang naglalakad-lakad sa bawat floor ng SM at hindi mahirap isipin na pun

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Gab_17
#1
Chapter 1: Ang cuteeeee 🥺🥺
SeulRene2910 #2
Chapter 1: TANGINAAAA kilig kepay ko 😀🤧
unknownseelip #3
Chapter 1: happy valentine’s day indeed
mokimoki #4
Chapter 1: Sana alllll talaga
000014
#5
Chapter 1: SANA ALL
Leiiliit #6
Chapter 1: Grabeeeee ang cutieee neto😩❤ Happy hearts day! 😚
evenwhenitsraining #7
Chapter 1: matutulog nang may ngiti sa mukha, final answer 😁 as always, you never disappoint! sobrang kuha mo magsulat ng sweet but realistic domestic fluff and sweetness for a couple, especially seulrene! will definitely re-read bukas kahit tapos na ang valentines day para sa extra kilig. happy hearts day, authornim!
evenwhenitsraining #8
Chapter 1: PERIOD BESTIE