004
siomai rice
bawat araw ay bumibilis na para bang patak ng gripo na hindi masara sara ng maayos, kaya’t patuloy rin ang pag-patak
pero sa bilis ng araw na lumipas hindi mo pa rin mapagtanto kung bakit nandito ka parin sa yugto ng buhay na parang hindi makalimot sa nakaraan ng kahapong di magbabalik charot
“PUTANGINA SEULGI YUNG CUP NOODLES MO UMAAPAW NA!”
hays putangina bat ko bang piniling mag isip ng mga bagay bagay imbes na antaying maano ko tong cup noodles
dinaig ko pa yung mga nanghihingi ng free soup sa karinderia kahit isang hotdog lang naman ang binili nila, nag uumapaw amputa
“pre dito tayo umupo!” aya ni byul na may dala dalang sisig rice
Asa 7/11 kami ngayon mamaya pa namang hapon ang susunod na klase kaya naisipan naming kumain at tumambay maya maya sa garden, panes kayo naka 7/11 kami mga milyonarya ampig joke lang mga teh wala pa namang gastusin sa mga project or ambagan ngayong week.
“HAHAHAHAHA byul tignan mo yung cup noodles ni seulgi tangina sinulit yung 30 pesos sabaw na sabaw si gago HAHAHA”
“iniisip ba naman kasi si ate ereni yieee” asar ni byul
“mahal na mahal bakla HAHAHAHA”
ang mga demonyo talaga ay walang pinipiling lugar para magingay
sabagay nakakatawa naman talaga tong sitwasyon ko, nasasaktan kahit wala naman talagang label o nilandi ng hindi pinanagutan
pero kung sila byul at lisa ang na broken, tatawanan ko lamang ang mga bugok para makaganti jk
inaamin ko din namang may mga mali din ako
hindi narin natin ipipilit kay lord to
hays shout out naman po kay bHouZxc wEndY LoCco sa malupitang payo, tumatak narin talaga sa isipan ko yung mga sinabi niya
inaamin ko rin naman talaga na tangang tanga ako at marupok ako para kay irene, pero tao parin naman siguro ako kahit hayop naman may damdamin
pero may mga bagay akong natutunan sakanya at may mga bagay na naramdaman ko lamang sakanya na hindi mahihigitan ng iba
tinanggap ko na biyaya to ni lord, hindi ako tulad ng iba na nagpapalaglag para matawag lang na dalaga, tinanggap ko na ang blessing na binigay sakin ni lord at proud to be batang ina ako joke lang mga bakla HAHAHA
tinanggap ko hindi talaga natin pwedeng ipilit ang mga bagay na hindi talaga para satin
nakukuntento narin ako sa mga simpleng bagay na palihim ko siyang tinitignan o napapansin niya, masaya nako pag nakikita ko siyang bumubungisngis sa gedli, kung anong ikakasaya niya ay ikakasiya ko narin
lintek na pag-ibig noh pag tinamaan ka baliw na baliw ka hindi mo rin talaga mai-paliwanag ng maayos bakit tinatangi mo ang isang tao, kahit alam mong sa dulo sakit talaga ang mararamdaman mo
shot puno mga te ng water, bawal ako mga bakla baka palayasin ako ng nanay ko
binigyan kasi ako ng mixed signals ng ate mo gorl binigyan niya nalang sana ako ng mixed fruits edi nabusog pa ko
may pag hug hug pa pasikreto pa pag tapos ng klase, i-iwanan lang pala sa ere
hindi ko lang siguro matanggap na may iba siya
alam ko naman talaga nung una bet niya si bogum, naramdaman ko naman nung una pero eto naman ako handang magpaka-tanga
alam kong may mali din ako, pero ansakit talaga pre
hindi ko naman ugali makipag-kumpetensiya at makipag bardagol, hindi ko rin ugaling makipag agawan sa mga bagay
edi kung doon po siya sasaya sir raffy edi wow
HAHAHA joke lang
sabi nga ni bHoUzxc wendZ huwag ng mag invest kung wala namang maku-kuha
ang bilis ng araw parang nung isang araw first day palang, ngayon ilang araw nalang ay matatapos na ang klase dahil kumpletuhan nalang ng pirma ng clearance
mahaba haba ang pilahan sa library at sa mga department na kailangan mo silang papirmahin, pag hindi mo kasi napa-pirmahan ang clearance iho-hold nila yung card mo
ang iba namang mga department parang timang papakantahin ka or papasayawin ka para pirmahan nila yung pinapa-pirma mo, tangina napasayaw tuloy ako bwisit talaga
mahaba haba ang pila sa guidance dahil lunch time eto narin ang huling papipirmahan namin kaya inantay nalang namin matapos ang lunchtime ng mga faculty member sa guidance
si wendy na busy sa pag-explore sa spotify dahil may mga underrated talagang artist na deserve ang makilala, si lisa namang busy nag m-ML, at panghuli si Byul na puro bebe time tuwing free time isang taon narin kasi sila ni Solar parang vitamins na talaga ni Byul ang mag bebe time sila ng jowa niya.
“mga bakla ihi lang ako” paalam ko
“bilisan mo te ilang minutes nalang ha!”
dali dali akong pumunta sa 6th floor, ang payapa kasi ng CR dun ang tahimik at ang linis walang mga liptint or mga lipstick na naano sa may hugasan ng kamay isama mo narin yung mabangong albatross
pero hindi ko parin talaga masagot bakit pag umi-ihi tayong mga kababaihan ay may sound effects?
ganto yung tunog nung akin “PSSSSSSSSSSSSST”, may iba’t ibang tunog ba ang bawat kababaihan?
nadagdagan nanaman ang mga tanong na hindi ko masagot
pero ang payapa ah infairness, lord eto na ba ang hinihingi kong peace of mind hays thank you naman pero kulang pa lord asan na yung pera na hiniling ko
Comments