Take 1
Waltz of Four Left Feet (Bakit ka Single?: Winter's Confession)Napadilat ako nang tumama ang liwanag ng spotlight sa akin.
“Ma’am, testing lang po natin yung lights ha” paalam ng operator na naghahandle ng spotlight na ngayon ay nakatutok sa akin.
Tumango naman ako at tsaka ngumiti sa kanya, he took his walky-talky at may sinabi roon. Dahilan para magdim ang ilaw na nagbibigay ng liwanag sa buong silid kung nasaan kami ngayon.
Maingay.
Hindi magkanda-ugaga ang mga tao sa pabalik-balik upang magset ng kung ano-ano sa paligid ko.
“Chaer! Yung background paki-urong ng konti rito!”
“Cam 1, less head space tayo. Sa cam 2 naman lower mo pa ‘yan”
“Pantayin niyo yung starting natin, kailangan natin ng side angle banda rito!”
“Where’s my coffee?”
“Lia yung makeup!”
“There’s my favorite!” nawala ang atensyon ko sa mga taong nagpapari’t parito sa harapan ko nang may maramdaman akong kamay na pumatong sa kaliwang balikat ko. “How are you doing? Comfy ka naman ba?”
“Ruru” pakunwari akong nagpout sa kanya at habang nakaopen arms at aktong maghihingi ng yakap sa kaharap ko ngayon.
Ah, Director Ryujin Ocampo, one of my closest friends.
And yes, I am here at their studio.
Paano ako napunta rito? Hindi ko alam.
Hindi ko rin paano ako napapayag ni Ruru na maging guest ng kanyang segment para sa araw na ito.
I am usually a very quiet and private person. Lahat ng nangyayari sa buhay ko, masaya man o malungkot at iilan lamang silang mga malalapit sa akin ang nakakalam.
Well… not anymore.
Because I am here now at JYP Studios, about to answer the biggest question of all.
“Bakit ka Single?”
This one of my favorite segments ni Ruru.
Comments