maligayang bagong taon

Bagong Taon
Please Subscribe to read the full chapter

Muli mo na namang naririnig ang pamilyar na ingay na para kang dinadala sa bangungot na ayaw mo nang balikan.

Parating na naman ang bagong taon.

Heto na naman ang pinakamasakit na gabi sa dumaang tatlong daan at animnapu't limang mga araw.

At sa sulok ng mumunti mong pahingahan, habang yakap ang mga tuhod at matiim ang tingin sa bintana na tanaw ang maliwanag na kalangitan, binanggit mo ang pangalang habang buhay mo yatang mamahalin.

"Irene..."

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Kasabay ng malakas na ingay sa labas ng tahimik mong tinutuluyan at mas maigi pang pagliwanag ng langit dahil sa mga naggagandahang paputok, ay siya ring pagbagsak ng mga luhang isang buong taon mo ring pinigil at inipon.

 

 

 

December 31, 2018 — 11:30 pm

Malalim na ang gabi, maingay na rin ang paligid, at sunod sunod na ang mga ingay mula sa mga torotot ng mga bata, mga paputok na biglang hinahagis ng mga iilang dumadaan, at malakas na tugtog mula sa iba't ibang kapitbahay.

Gaya ng taon taon mong ginagawa, narito ka't nakatayo sa pintuan ng inyong bahay, hinihintay ang pagdating ng pinakamamahal mo sa lahat, si Irene.

Taong 2013 nang opisyal kayong naging mag-nobya, at simula noon, tila naging tradisyon niya nang salubungin ang bagong taon kasama ka at ang iyong pamilya.

"Ang boring kasi sa bahay, nagpuputukan sa labas tapos ang mga magulang ko nasa ibang bansa nag-aasikaso ng kompanya. Tapos ang kapatid ko naman, ayun! Nasa harap ng laptop at kausap ang girlfriend niya." Iyan ang inireklamo niya sayo noong unang beses mo siyang makasama sa pagdiriwang ng okasyon.

Laking pasasalamat mo lang din talaga na kahit hindi kayo pareho ng antas sa buhay, ay buong buo ka niyang tinatanggap — kahit pa alam niyo pareho na tutol ang mga magulang niya sa inyo.

Masyadong high end ang pamilya ng nobya mo, at ikaw naman, galing ka lang sa simpleng pamilya na ang mga magulang ay sapat lang ang kinikita para sa inyong tatlong magkakapatid. Hindi mo rin nga inasahang magugustuhan niya ang kagaya mo, dahil ang sabi sabi sa eskwelahan, mapili yan si Irene pagdating sa mga ganyang bagay.

Ilang beses nga atang napitik ni Irene ang noo mo dahil paulit-ulit mong minamaliit ang sarili mo sa harap niya. Naiinis siya kapag sinasabi mong hindi mo alam bakit ba ikaw ang nagustuhan niya, gayong para kayong langit at lupa. Dahilan niya, ano't ano pa man, pareho pa rin naman kayong normal na taong may gustong marating sa buhay. Ano naman daw ba ang pake niya sa sasabihin ng iba? Eh ang mahalaga naman para sa kaniya ay, ikaw, kayo.

Siguro iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit mo siya nagustuhan. Kahit kailan, hindi niya ipinagyabang kung ano mang meron siya.

Galing na rin siguro roon ang sikreto ng matagal niyong relasyon. Bilang ikaw na wala nang ibang hinahanap pa, at siya naman na kagaya mo ay kuntento na rin sa kung anong meron kayo, kahit kailan ay hindi naging mahirap buhayin ang pagsasama niyo.

Limang minuto lang ata ang dumaan, at heto na ang babaeng kahit kailan ay hindi ka napagod hintayin. Agad kang tumakbo sa direksyon niya at sinalubong siya ng malawak na ngiti.

Pero hindi gaya ng mga nakaraang taon, walang bakas ng kasiyahan sa mga mukha ng minamahal mo. Kaya gayon na lang din napawi ang kasiyahang buong araw mong dala dala.

"Hindi rin ako magtatagal, Seulgi."

Kumunot ang noo mo dahil hindi naman iyan ang gusto mong marinig. Hindi rin naman iyan ang nakagawian niyang pagbati sayo.

"Aalis din ako agad." Malalim ang hiningang binatawan niya. "At baka ito na rin muna ang huli nating pagkikita."

"Bakit?" Tila ba napakahirap para sayo na tanungin ang pinanggagalingan ng mga sinabi niya. "Alam mo namang tutol sa atin ang mga magulang ko, diba?" Umiwas ka ng tingin, kasi alam na alam mo na yan.

Dahil sa totoo lang, kung gaano na kayo katagal, eh ganoon na ring katagal kayong pinipilit paghiwalayin ng mga magulang niya.

Hindi dahil sa kung ano ang pagkatao mo, pero dahil sa kung ano ang buhay na meron ang pamilya mo. At hinding hindi mo makakalimutan kung paano ka sinaksak ng mga taong iyon dahil sa mga salitang mas matalas pa sa kutsilyo ang talim. "Anong ipapakain mo sa anak namin? Asin? Hindi ang katulad mo ang nararapat para kay Irene."

Pero mas lalo mo lang namang minahal ang anak nila dahil sa nangyaring iyon. Dahil sa kabila non, nanatiling matatag ang relasyon niyo. Masyado mo ngang hinangaan si Irene sa matapang niyang paglaban para sayo, at ipinangako mong balang araw ay masusuklian mo rin ang lahat ng iyon.

At tingin mo dito mo na maisasakatuparan ang isinumpa mong iyon.

"Siguro naman sapat nang dahilan 'yon para bitawan mo n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Pristinemoon
38 streak #1
Chapter 1: Mapanakit ka :((((
germsrocket #2
Chapter 1: ang saketh nemen
chimkwen
#3
b3h ouch