Empty Space

Empty Space
Please Subscribe to read the full chapter

Looking at myself in front of the mirror I gave myself a smile.

Inayos ko yung damit ko at tumingin ulit sa salamin para icheck yung sarili ko kung okay na ba ko, when in fact deep down alam ko naman yung sagot.

I smiled to my thoughts.

“Ma. Pa. Alis na po ako.” Paalam ko sa mga magulang ko.

Tinignan ko ang oras at maaga pa ako para doon sa paconcert nung Mayor namin.

May event daw kasi sa plaza mamaya sa may tapat ng municipio may mga banda na mag peperform and kasama daw ang December Avenue.

Sure ako, marami nanamang ma bobroken heart kahit di naman talaga.

Kadalasan kasi doon ginagawa yung mga paevent ni Mayor, sa plaza.

May dalawang oras pa ako bago magsimula yung event kaya nag decide muna ako pumunta sa isang lugar na gusto kong puntahan nung kelan pa.

Pumara na ako ng masasakyan at sinabi sa driver kung saan ko balak pumunta.

“Kuya sa beach, sa dulo po.” Kako at sumakay na ng tuluyan.

I chose yung dulong part ng beach since wala masyadong tao doon.

Also, I want to look at the sunset with a peace of mind.

Napangiti nanaman ako, just like before.

Pinapanuod natin yung sunset together every time na may oras tayo.

Lalo na pag pinapayagan kang umuwi ng gabi sainyo sinusulit talaga natin yung oras natin dito sa beach.

After ng mga ilang minuto e pumara na ako kay kuyang tricycle driver ng makita kong wala ng tao sa part ng beach na dinadaanan namin.

Nag bayad na agad ako at naglakad papunta sa dalampasigan.

I took a deep breath then a gust of wind blew to my face.

I opened my eyes at bumungad sakin ang napaka kalmadong dagat sa tapat ko at ang araw na maya maya lang ay lulubog na.

Naglakad lakad muna ako ng konti at ng makakita ako ng perfect spot e agad naman akong umupo sa buhangin.

Throwing small rocks sa dagat habang pinapanuod ko yung mga along humahampas sa pangpang.

Napangiti nanaman ako, naalala ko kasi yung unang punta natin dito para panuorin yung sunset, hindi tayo umabot.

Inaway mo pa nga ako noon kasi sabi mo ang bagal kong kumilos kaya di natin naabutan.

Buong oras na magkasama tayo wala akong ginawa kundi suyuin ka.

Pinansin mo lang ako nung sinabi kong babalik tayo pag pwede ka na ulit medyo gabihing umuwi.

Niyakap mo ko ng mahigpit noon and you can’t stop yourself saying na kung gaano ka kaexcited makita yung sunset with me.

You were smiling so wide and free that time and something kick in inside me.

Na ikaw na talaga, ayoko ng iba, gusto ko ikaw na yung uuwian ko pag dating ng panahon.

Natawa naman ako ng maala ko yun, kumuha ulit ako ng isang maliit na bato at hinagis ulit yun sa dagat.

Then another memory kicks in.

The second time na pumunta tayo dito, yun na yung time na sinabi ko na pupunta ulit tayo.

Tuwang tuwa ka non, hindi nga kita maistorbo non kasi sobrang amaze na amaze ka sa sunset na halos hindi mo na nga ako tignan e.

“Ang ganda.” You said habang tinitignan mo yung araw na palubog na.

I glance at it bago ako bumalik sa pag tingin sayo.

I smiled.

“Ang ganda nga.” I said while I was looking at you.

You smiled wider bago ka humarap sakin.

“Balik balikan natin to, gusto ko panuorin yung sunset with you.” I smiled bago ako nag lean in to kiss you sa forehead.

“Okay, we’ll watch it together.” Umayos ako ng upo at umusod sa bandang likod mo.

I hugged you from the back and naramdaman ko naman yung pag sandal mo sakin.

I hugged you tighter cause this feels so good, so right.

I hope this moment won’t end.

Tinupad natin yung promise natin na yun sa isa’t isa na papanuorin natin yung sunset every time na may oras tayo.

Halos naging routine na natin yun, sabi mo kasi wala ng problema sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Maatt_booii #1
Chapter 1: Okkaayyy
uchinagassi #2
Chapter 1: May nanakit ba sayo author? Sana di masarap handa mo ngayong new year ಥ╭╮ಥ .
ayperos_
#3
Chapter 1: gusto kong manapak😀