ONE

MUNING
Please Subscribe to read the full chapter

Matagal na tong nasa drafts, actually dapat nung December ko pa to ipopost. Di ko lang matatapos tapos. Anyway, RIP sa iba kong stories. charot. mag uupdate ako pag may time. 

Happy Seulrene Day, sana magustuhan nyo. Don't mind the typos and grammatical errors, di naedit ng maayos. 

Hinati ko sa dalawa, ang haba pala neto. enjoy!

---

 

 

". . ."

 

"2 minutes.."

 

Sambitla niya habang nagmamadaling pumasok sa company building. Saglit na nag antay sa elevator na pababa pa lang galing upper floors.

 

Ding

 

Agad na pumasok sa loob pagkabukas ng mga pinto. The lobby was almost empty so is the elevator kaya mag isa lang siyang pumasok. May chance pa siyang makapag ayos ng sarili niya.

 

The doors were about to close when another woman stepped in kaya bumukas ang mga ito muli.

 

Busy sa pagsuklay gamit ang mga daliri and just when Seulgi looked up to see the woman who just went inside. The woman gracefully went to the other corner opposite to her. Oh boy

 

Byaheng langit na ba ito?

 

Shuta kamukha niya si mama Mary.

 

She was just wearing simple office work clothes; sporting a beige colored blouse tucked in a knee- length skirt.Simple yet elegant in a way Seulgi cannot fathom how this woman looked so heavenly. Her booming confidence can be felt just by looking how she moved around. Posture check.

 

She caught herself staring at the woman just a few feet away. Hindi ba itinuro na ‘staring at someone is rude?’

 

The woman beside seemed unbothered by the attention she just got. As if saying, just continue whatever you're doing, maganda ako and I know it. She looked rather cold up close. Si Seulgi nalang yung nahiya kaya agad na ibinaling ang tingin sa ibang bagay. She decided that the floor is more interesting.

 

A couple of silence.

 

Then

 

"You're a cat owner?" The woman voiced out.

 

"Uhmm..?" Agad na napalingon si Seulgi sa magandang babae. “Paano mo nasabi?'

 

"Your clothes.. puno ng balahibo," She pointed out.

 

Damn, puno nga ng balahibo.

 

Agad namang napatingin si Seulgi sa kaniyang suot, pinagpag ito.

 

"You look nice, anyway." The woman smiled, a sweet one.

 

Ding

 

Then the woman stepped out, bago pa makasalita si Seulgi.

 

Natulala si Seulgi, kasabay ng pagsara ng elevator doors.

 

Then

 

Naalala niya, doon din pala yung destinasyon niya, kung saan lumabas yung babae.

 

"Noooo.." She mentally screamed, slapping her forehead.

 

Unang araw palang..

 

Late na siya sa trabaho. Great, just great.

 

 

It was memorable, her first day sa kaniyang trabaho.

 

Una, late sya.

 

Pangalawa, muntik niya nang masabuyan ng kape ang isa sa mga supervisors nila. It’s not her fault though.

 

Ikaw kaya sa lagay niya.

 

Unang araw mo pa lang sa trabaho tapos may aaligid agad sayong higad.

 

One of their heads, sa department nila came to her and asked her on a ‘romantic date.’ Seulgi would probably say yes, if it weren't for the fact na HINDI NIYA ITO TYPE, sure she was hot and gorgeous but she’s simply not into her, and besides OFFICE ROMANCE is not ideal, according to her.

 

“Nag- apply ako dito para magtrabaho, at hindi para maghanap ng lablayp.” Ang sabi sa sarili. So she politely turned down her request.

 

Then after lunch time,

 

She overheard her co-workers at the back, a few more tables away from hers. Talking about a certain kpop girl group

 

It was one of her faves.

 

"Ay alam mo, pati kapatid ko pinag- sstream ko," One of them casually said.

 

“Ay beh same, tapos alam mo ba parehas pala kami ng bias. Maryosep, kung di ko lang kapatid yun eh.” Dagdag pa nung isa and the conversation flowed much longer until one of their supervisors told them to focus on their work.


 

Biglang may nagpop- up na lightbulb sa may ulo ni Seulgi

 

So, she started to play a certain song from her playlist sa desktop niya.

 

[>] Talk to me- Red Velvet

 

Wow, what a nice way to find new friends.

 

The next day, she found herself being asked by said co- workers to join them for lunch. She internally smiled.

 

Effective

 

--

 

Pabalik na si Seulgi sa kaniyang tinitirahang apartment nang may mapansin siya sa may labas ng pinto niya. There's a box, again.

 

When she opened the said box, it had the same contents, the same contents she received the last time.

 

Cat food and cat treats.

 

Pang- apat na beses nang may nag iwan ng karton na may lamang cat food. Without any trace nor a single note, the kind stranger has been sending these things every week, walang palya. But the thing is, walang specific pattern o oras kapag iniiwan yung box. Nadadatnan niya lang anytime of the day. Then one time may kumatok lang sa pinto, pagbukas niya she was only greeted by a box neatly placed on the floor, right in front of her, yet no sign of someone leaving the place.Other times, she would think it’s creepy.

 

Baka kasi may kapalit to diba?

 

Last sort to know the kind stranger:

 

Tanungin sa management? Ask for a cctv footage? Parang masyadong nakakahiya naman yun.

 

Or

 

Aabangan kung sino man yun?

 

Napailing nalang siya, saka binitbit ang karton.

 

Before steeping inside her humble abode, nilibot ang tingin sa paligid. Walang tao.

 

Matatakot na sana sya, kaso di to horror eh sorry.

 

Napangiti siya saka, "Kung sino ka man, salamat. Sana kunin ka na ni lord."


 

Another week has passed and another box is for sure yet to come. And here she is, waiting patiently inside, just beside the door. Waiting for the kind stranger to leave its trace..

 

Today is the day.

 

*Dingdong

 

Sa isang kisapmata, agad siyang napatayo at nagmadaling buksan ang pinto.

 

"Sandal-"

 

"Yo.. I brought Ahri my boy with me, so he could play with– woah, woah.. Seulgi kalmahan mo lang,." Said the person who just appeared right in front. Muntik pa silang magkabanggaan kung hindi lang nakailag ang bisita.

 

Sumilip- silip pa si Seulgi kung may box sa labas, kaso wala. Bigla siyang nadismaya.

 

"Oh Dahon my beloved cousin, anong ginagawa mo dito?"

 

"Namiss lang kita.. ayiiee." A smug grin on her face, flashing her finger hearts.

 

"LQ kayo ng jowa mo noh?"

 

Biglang nabura ang mga ngiti sa labi ng bisita. Pinapasok niya na ito, deretso sa living room. Karga- karga pa nito ang kaniyang anak.

 

"Gago anong jowa pinagsasasabi mo..."

 

"Si ano." Funny how the tables quickly turned, si Seulgi na yung nangaasar.

 

"Oh sino?"

 

"Yung bespren mo." Nangisi sa isang banda, tinitignan ng may pagdududa ang bisita. Muntik pang matamaan ng flying tsinelas, buti nalang nakailag.

 

"Gago,"

 

"Ay bakit? Hindi ba? Sus. Nakita ko nga kayo nag aano sa sala.." At dahil doon, naka ani siya ng isang hampas mula sa bisita.

 

“Kingina mo, wala yun.”

 

Ready na sanang bumawi si Seulgi nang tumunog muli yung doorbell.

 

*Dingdong

 

“.” Dali dali itong tumakbo para buksan ang pinto. There's the damn box again.

 

Kaso, walang bakas ng kung sino. The hallways were empty.

 

She sat on the floor, tousling her hair in frustration. "AHHHHHHH!! Kasalanan mo 'to Tokwa!"

 

----

 

‘Nakakatuwa yung mga guard ano? Ipapabukas yung bag mo tapos tutusukin lang ng stick yung kung ano mang nasa loob ng bag mo.’

 

2nd time of the month, she's running late again.

 

Nalate ng gising. Sino ba namang hindi, magdamag siyang gising, para samahan ang pinsang luhaan mula sa pagkabigo sa pag- ibig.

 

Nagmamadali na siyang pumasok sa entrance ng building. Chineck ng guard yung laman ng bag niya. Isasara na niya sana yung bag niya nang bigla siyang hinawakan sa braso ng guard, dahilan para mapatigil siya.

 

"Teka, teka maam. Ano yang laman ng bag mo?"

 

"Ha? Ano ho?"

 

"Ito, ano to?" Tukoy nito sa laman ng bag niya.

 

"Uhh.."

 

"Bakit ka may dalang ganto?"

 

Inilabas ni kuya guard mula sa bag ni Seulgi. Napatingin naman yung ibang mga tao sa kanila.

 

"C-cat food ho." Saglit na namula sa kinatatayuan.

 

‘Tangina, normies don’t bring cat food. Do they?’

 

"Bakit ka may dalang cat food?"

 

"Bawal ba?" Napakamot nalang siya habang tinitignan ang guard na akala mo may ipinuslit siyang illegal na droga.

 

"Kuya okay lang yan, let her pass. Malelate na siya." Pagsingit ng isang babae. Nakangiti itong lumapit sa kanila.

 

‘Shuta’

 

It was her. Yung magandang babae sa elevator.

 

"Pe-" Magsasalita pa sana siya nang dumating yung isa niyang kasama, "Psst.. pre si Miss.. yan" Bulong nito sa kaniya.

 

"Ah sige po. Pasensya na po sa abala maam." Agad naman niyang pinatuloy si Seulgi matapos marinig ang pangalan nung babae.

 

“Pasensya na po, bago lang po kasi siya dito.” Sabi nong kasama nong assigned guard. Tumango lang si Irene saka naglakad na papalayo. Hindi man lang nakapag- thank you si Seulgi.

 

---

 

"Baka may nakita kayong pusa?" Tanong niya sa estrangherong dumaan kasabay ng pag- angat niya ng isang picture ng pusa, ngunit ang sagot lang nito sakanya ay isang hindi.

 

Lalo namang nanlumo si Seulgi sa kinauupuan. Hindi na binigyang pansin, kung paano napapatingin sakanya ang bawat dumadaan. Nakaupo sa sahig, sa labas lang ng pinto ng tinutuluyan niya. Kanina pa siya naglilibot- libot sa buong building ngunit walang matagpuang bakas ng kaniyang minamahal na pusa.

 

Isipin mo nalang yung anak mong nawawala.

 

Pinaka- unang beses na mawala ito.

 

Halos dalawang oras nang nawalala yung anak- pusa niya, simula nang makabalik siya galing trabaho. Hindi niya alam kung paano ito nakalabas sa unit niya, o kung saan man ito dumaan. Wala din namang signs na may nanloob. Kumpleto at wala namang nawawala sa mga gamit niya sa loob.

 

So, ang tanong: paano nakalabas, at saan naman nagpunta.

 

Humingi din naman siya ng tulong sa management, kung saan nacheck niya yung cctv the moment na umalis siya ng unit niya para magtrabaho. Sadly, walang pusa na namataang pagala- gala.

 

Another problem is, wala din itong suot na collar, o anomang bagay na pagkakakinlan.

 

Ilang beses niya nang hinanap sa loob mismo ng apartment niya. Every corner, every part ng room niya kung saan posibleng nagtatago ang pusa. Still, wala.

 

Naglagay na rin siya ng missing notice, sa may lobby kung saan pwedeng maglagay ng mga important notices visible to the public as well as to the residents ng apartment complex.

 

Napag- isipan niya na kapag wala pa ring may nagpapakitang pusa, gagamit na siya ng social media sa paghahanap.

 

Frustrated siyang tumuloy sa loob ng unit niya, inilock ang pinto saka nahiga nalang sa sahig.

 

“Lucky.. Asan ka na ba?” Sambit niya sa kawalan. (Sorry ang lame lol pero sa trut may reason ako bat yan name ng fur baby nya despite knowing seulgi has two- or more? cats. Then there’s Lulu and Lala to begin with. Eh basta bakit ba? lol.)

 

“Should’ve bought a cctv..”

 

Kahit nakakaramdam na ng gutom, handa siyang titiisin ito hanggat hindi niya nakikita ang minamahal na alaga.

 

Nabaling ang atensyon niya nang may marinig siyang sunod- sunod na katok sa pinto.

 

HIndi na nag- abalang sumilip kung sino ito. Agad niyang pinagbuksan kung sino man iyon.

 

Nagulat siya nang bumungad ang isang pamilyar na mukha– masyadong pamilyar na mukha.

 

It was her

 

Yung kamukha ni mama Mary sa elevator– yung magandang babae sa elevator nung unang araw niyang malate sa trabaho and the same woman who helped her– kinda, nung pangalawang beses siyang malate.

 

Napakurap- kurap si Seulgi sa kaharap.

 

HIndi alam kung ano yung mas nakakagulat:

 

The woman in front of her

 

Or

 

The cat she’s holding


 

She was holding her missing cat.


 

"Was this your cat?" She smiled, gesturing at the cat snuggled in between her arms. Purring loudly, at the comfort of her embrace.

 

"Umm.." Natulala si Seulgi sa babae.

 

"I guess that’s a yes? Nakita ko yung post sa baba.." She stated, then as if offering a sacrifice she held the cat to it’s rightful owner. Tinignan lang siya ng pusa, mukhang badtrip pa dahil sa pagkawala sa yakap.

 

"Ah yes! Its my cat." Muntik nang bawian ng hangin, naalala ni Seulgi yung picture na hawak niya kaya agad niya itong ipinkita sa kaharap. Isang patunay na sakaniya yung nawawalang pusa.

 

"Lucky..” Tawag niya sa pusa, tinitigan lang siya nito, “Come here..” She cooed but the cat just came back to the woman’s embrace, then a soft giggle was heard.

 

Napakamot nalang si Seulgi sa inasal ng alaga. The hell? Yung ilang oras mo siyang hinanap, halos magmakaawa ka na sa labas tapos ganito lang ang isusukli? Harap- harapang pambabastos yan ah. Wala siyang masabi. Grabe. Sobra. Grape

 

Nasa rebellious phase na yata si mingming.

 

"He’s so chonky, cute." Parang gustong matunaw ni Seulgi. Swerte nung pusa niya. Legit.

 

"Umm.. s-salamat talaga. Saan niyo po siya nakita?"

 

"Ohh..that. Saw him sa balcony, taking a leisure nap. HIndi ko alam paano siya nakapunta don." She shrugged, “Turns out, he’s a missing cat.”

 

“Dito.. dito ka rin nakatira?” Asking the obvious.

 

“Hmm, yeah. Cost of living’s way cheaper here..” Seulgi frowned at that, ‘cheaper?’ but quickly brushed it off.

 

This time inabot na talaga ang pusa kay Seulgi. Without any protests, sumiksik agad ito sa mga braso niya. “This is a first time..”

 

“Hmm?”

 

“Ano kasi.. Aloof siya sa tao. Hindi siya basta- basta nagpapahawak.. Let’s say he hates hoomans. Hehe." Natawa nalang si Seulgi sa inaasal ng pusa. "So umm.. First time ko siyang makita na nagpahawak sa ibang tao. I guess, he likes you.” Mamula- mulang sabi ni Seulgi, ni hindi makatingin ng deretso sa kaharap.

 

“Talaga? That’s good to hear. I like him too.” Ito yung mga panahon na gusto nalang ni Seulgi na mag ascend sa langit. Sinong santo ba ang nadasalan niya at ipinagtagpo sila. Ano bang ginawa niya at pinaglalaruan siya ng universe. Goodbye mom, I’m getting married

 

"Umm.. Do you want to come inside? Tea? Coffee?"

 

"I'm good. Maybe next time?"

 

“Ano kasi, umm. Dapat may ibigay ako sayo bilang kapalit. A reward."

 

"Ohh, no need."

 

"I insist.. I mean, ganun naman yun diba? A reward money.. or something."

 

"Hindi naman ako humihingi ng kapalit..” Nginitian lang siya nito, “I should probably get going.”

 

"Umm.. thank you talaga.."

 

“Happy to help, see you around, Seulgi.” The woman took one last glance before walking away.

 

Mga ilang minuto rin siyang nakatulala sa kinatatayuan niya, like a love- struck fool.

 

Nang

 

“Tangina, hindi ko man lang natanong pangalan niya.” Kung may nakakakita lang sakanya, iisiping baliw siya. Kinakausap ang sarili, pero parang ganun na nga.

 

“And what does she mean by 'see you around?'”

 

“Ay tanga, sa iisang compny lang pala kami nagtatrabaho..”

 

"Wait.. she knows me??"

 

"Tangina Lucky, ang swerte ko talaga sayo." Inangat niya ang pusa na payapang nagpapahinga. Smiling widely, dancing in the air.


 

--

 

A normal day, sa gae universe and Seulgi's having her lunch with her newfound friends sa office.

 

Masaya siyang kumakain ng baon niya sa pantry. Good mood siya' ang ilang araw na nakalipas since her encounter with ms. ubod ng ganda and etong si Seulgi napapangiti everytime na maalala niya yung mga oras na iyon.

 

"Sus. Anong nginingiti- ngiti mo dyan?" Pang-aasar ng isa sa mga kaworkmate niya, itago nalang natin sa pangalang Jeongyeon. Kaharap niya ito sa table.


 

"Alam mo, sa una lang yan. Pinapasaya ka niya sa una tapos sasaktan ka lang din pala sa huli."

 

"Baliw..." She snorted, “Pag nakangiti, may lablayp na agad?”

 

"Well, that’s a fact." Jeongyeon shrugged, habang nilalapag yung binili niyang ulam galing sa labas, “Bakit, wala bang special someone?”

 

“Pssh,”

 

“Oh well, that . Kasi ako, meron..” A snarky comment, grinning from ear to ear. Seulgi scoffed, not actually affected, “I’ve never felt so offended until now..” She humored.

 

"Penge naman ng ulam.." Singit naman nong isa na kakaupo lang, itago nalang din natin siya sa pangalang Momo. Isa- isa niyang nilabas ang baon mula sa lunchbag niya.

 

"Walang araw talaga na hindi ka nanghihingi ng ulam ano? Dami mo ngang baon eh, tapos sa amin ka manghihingi?" Pangbabara ng katabing si Jeongyeon.

 

"Baket ba? Nagshashare din naman ako ng ulam ahh??"

 

"Mukhang mas masarap naman ulam mo.." Comment ni Seulgi, biglang nahiya sa ulam niyang itlog. Walang katapusang itlog.

 

"Pansin ko lang.. laging itlog ulam mo. Kung hindi nilaga, fried, o kaya scrambled. Minsan sayoteng nilagyan ng egg… Everyday yata itlog ulam mo Seulgi."

 

Nagtawanan naman ang mga kasama.

 

"Hoy di ahh.. minsan lang." Pagtatanggol niya sa sarili.

 

"Kulang nalang maging manok ka.."

 

"Yan lang ba alam mo lutuin ha?"

 

"Di naman.. yan lang kasi pinakamdaling lutuin lalo na pag nagmamadali.. hehe."

 

"Bat di ka nalang magtake out?"

 

"Nagtitipid ako eh. May anak kasi akong pinapakain."

 

"Huh? Magkano lang naman yon?"

 

"Baka magkapakpak ka na nyan beh.."

 

"Dapat kase, may partner ka para may taga luto ka sa umag-- wait may anak ka na?!"

 

Tinignan siya ng dalawa, bakas ang pagkagulat sa kanilang mga mata. "Luh seryoso?!"

 

"I mean, not to offend you in any way." Pag lilinaw pa ni Momo, may pa hand gesture pa.

 

"Tigilan niyo 'ko.." Natatawa namang inilabas ni Seulgi ang selpon mula sa bulsa, proceeds to show a picture of her child.

 

Napa facepalm si Jeong after makita yung picture ng pusa.

 

"Tanga kasi to, grabe maka react. Mukha tuloy tayong judgerist." Hinampas si Jeong, "Wag ka mag alala Seulgi, furparents din kami. Dalawa yung anak ko."

 

"Yabang natin Mo, ah."

 

Inilabas na din nila ang kanilang mga selpon at kani- kaniyang ipinakita ang kanilang mga furbabies.

 

Tuloy lang sila pag uusap.

 

Maya- maya biglang natahimik ang dalawang kasama kaya napa angat ng tingin si Seulgi. They were eyeing someone na nasa kabilang table lang.

 

"Shuta ka, ang ingay natin andyan lang pala siya sa kabila si Madame.." Tapik ni Momo kay Jeongyeon.

 

Biglang nakaramdam ng hiya si Seulgi.

 

"Luh? Ikaw lang kaya yung maingay.."

 

"Himala.. 1st time ko yatang makitang kumakain siya dito sa pantry.." Bulong ni Momo sa katabi. Tumango lang si Jeong.

 

Hindi maiwasang mapatanong ni Seulgi, ng "Baket?"

 

"Curious ka? Crush mo na?" Pang aasar ni Jeong.

 

"Luh di ahh.. Masama magtanong?"

 

"Ano kase, sa office niya siya lagi nakatambay. She either eats alone or with some of her co-workers."

 

"Oh tapos anong masama don?"

 

"Nothing. It's just that, some nosy peeps like to create stuff. Call her names, , , or whatever they want to call her and spread baseless rumors, dahil lang sa cold and intimidating niyang appearance. Sometimes she's being called the 'Snow Queen.'"

 

".. and what did she do about them?" Tanong ni Momo, mukhang mas interested pa sa chismis kesa sa kinakain which is a first time.

 

"Wala.."

 

"Wala?"

 

"Bakit niya pag aaksayahan ang mga ganong bagay, right? Not worth of her time." Jeongyeon shrugged.

 

"Mabait naman siya ahh.." Comment naman ni Seulgi.

 

"Yup. I can see that. Yung mga close niya ang makakapagsabi nyan."

 

"Ay baket, close kayo?"

 

"Luh, basta mabait siya."

 

"A True Queen." Pag aagree naman ni Momo sabay kagat sa ulam niya, "Mala wattpad at k- drama lang ang peg. Tapos may secret power pala siya, she can read everyone's minds. Char, unless?"

 

"Sabi sayo eh, tigil- tigilan mo na kakanuod ng k- drama. Kung ano- ano pumapasok sa isip mo." Pambabara ni Jeong sabay nakaw sa ulam ni Seulgi.

 

Hinarap ni Momo ang katabi, sabay sabi:

 

"You know, don't judge a cover by it's book.."

 

"Bobo amp. Don't cover a book by it's judge. Tanga ampotek." Pangbabara ni Jeong, di naman napigilang matawa ni Seulgi sa dalawa.

 

"Ako pa tanga ngayon?! Mas mali nga yung sinabi mo! Kokorek ka, mas bobo ka naman." Sumbat ni Momo pabalik.

 

"Don't judge a book by it's cover, kasi yun." This time si Seulgi na yung nagsalita, kasi parang mga batang nag aaway yung dalawa, parehas namang mali.

 

"Oh, anong chika natin mga mare?" Biglang singit ng isang hindi pamilyar na mukha sa mga mata ni Seulgi. Nakatayo lang ito sa may gilid ni Jeongyeon, nakasandal ang isang kamay sa mesa.

 

"Wala. Bat ka nakikisali?" Irap ni Jeongyeon sa babae.

 

"Luh? Parang 'di nakikihingi ng ulam ah. Kapal."

 

"Joke lang Nabs, mahal kita alam mo naman yun diba?"

 

"Yeeeiii, yan gusto ko sayo eh." Matinis na tili galing sakanya, sabay pisil sa pisngi ni Jeong.

 

"Yuck, respeto naman sa mga single." Putol ni Momo sa kanila, sabay tingin ng masama.

 

"Ay beh ampalaya ba ulam mo everyday? Pag inggit, pikit, okay?" Sabi nong babae na tinawag sa pangalang 'Nabs', shortcut for Nabong na nickname niya. Napansin niya naman si Seulgi na tahimik lang na kumakain, kaya siya na ang unang namansin.

 

"Hi~ you're Seulgi right?" Tumango lang si Seulgi saka ngumiti, bahagyang nahihiya. "I'm Nayeon, from accounting department. Pwede mo akong tawaging Ganda, or mas better 'Babyquoh'. Kasi sabi ng mama mo, tita nalang daw ang itawag ko sakanya." Sabay kindat. Wow.

 

Ganito na ba talaga mga tao ngayon? Ang galing sa mga salita.

 

"Ayoko na. Parang nawalan ako ng gana kumain." Isang malalim na hininga mula kay Momo.

 

"Hoy grabe ka naman, support mo nalang ako. Parang ‘di kaibigan."

 

"Teh, wala akong kakilalang mahangin."

 

"Ouch salamat ha." Tinignan niya ng masama si Momo, "Ikaw, mananahimik ka nalang ba dyan. Jowa mo di mo kayang suportahan." Hampas niya kay Jeongyeon na kanina pa nawawalan ng hangin, kakatawa.

 

So, mag jowa nga sila?

 

"Mga wala kayong kwenta, dyan na nga kayo. Dito muna ako sasabay mag lunch kay Madame Bae, minsan lang toh." Paalam niya sa kanila saka nagtuloy sa kabilang table kung saan tahimik na kumakain si 'Madame.'

 

"Jowa mo may saltik." Natatawang comment ni Momo saka nagtuloy na sa pagkain.

 

"Luh akala ko ba ayaw mo na?" Tinignan siya ni Jeongyeon ng may pagdududa.

 

"Joke lang yun, magugunaw nalang muna ang mundo bago ako magsasawa sa pagkain."

 

Natawa nalang si Seulgi sa kanila. Out of consciousness, napalingon siya sa direksyon ni 'Madame'.

 

Hindi niya akalaing, nakatingin din ito sakanya. Nagtama ang mga mata nila.

Hindii niya inakalang, ngingitian siya nito.

 

Kaya napatingin siya sa paligid kung may iba pa itong tinitignan, kaso walang tao.

 

In the end, nag iwas na ng tingin si Seulgi. Nakakahiya eh. Ngingitian ka ba naman ng isang tulad niya.


 

The next morning, naabutan niya na may nakapatong na lunchbox sa table niya. May sticky note na nakadikit sa takip nito.

 

Let's get along :)

 

"Si Nayeon ang nag- iwan nyan. Nakwento ko kasi, itlog lang ulam mo lagi."

 

She thought it was from the other woman, kinda disappointed. Pero what if?..

 

--

 

A few rings bago sinagot sa kabilang linya.

 

"Oh?" Ang unang tugon mula sa kabila.

 

"Asan ka na?"

 

"Same setup pa rin ba?"

 

"I swear Seungwan, araw- araw na natin 'to ginagawa tapos paulit ulit pa rin yang tanong mo?"

 

"Chill bro. Kagagaling ko lang sa ospital, ikaw kaya walang tulog ng tatlong araw?"

 

"Ay sorry doc, pero bilisan mo na. Anong petsa na."

 

"Kingina Seulgi, pag tayo napahamak."

 

"Parang tanga, bat naman tayo mapapahamak? Bilisan mo nalang kaya? Deretso ka na dito sa unit ko."

 

"Sigura--"

 

Call ended

 

Agad na ibinaba ni Seulgi ang phone na hawak, saka naglagay ng inumin sa basong walang laman na nakapatong sa mesa.

 

A smile crept on to her lips as she drinks the liquid.

 

Getting ready for the night, inikot niya ang tingin sa mga gamit niya na nakapatong sa isang glass table.

 

Lahat naman ng tao may sikreto diba?

 

 

Another day sa office.

 

Today marks her 1st month sa trabaho. So far, maganda yung pakikitungo saknya ng mga kasama. Maayos niya din naman nagagawa ang mga trabahong pinapagawa sakanya, she even caught the eyes of the higher- ups for being an ace, of course kasama yung team niya. Over- all she’s feeling great sa ginagawa niya. Being in the Marketing Department, it’s not an easy job in the first place. Mabuti nalang at nasa mabuting team siya napunta.

 

So they’re currently working sa isang bagong project and of course that means may overtime na magaganap.


 

Tahimik na nakasandal lang si Seulgi sa office chair niya. Tutuloy na sana papuntang dreamland.

 

“Huy pre gising, sarap na ng tulog mo dyan ah.”

 

Biglang idinilat ang mga matang bakas ng antok. Tinignan ng masama ang isang Jeongyeon na nakangisi mula sa kaharap na table.

 

“Tumutulo pa laway oh.”

 

“Maka asar to’, parang ‘di kita naabutan sa cr kanina, natutulog.” Pagsingit naman ni Momo na tahimik na lumalamon sa kaniyang table.

 

Nagrearrange nga pala sila ng mga table kaya katabi niya na ang kaniyang mga new- found friends.

 

“Tangina? Jumejebs nga ako nun! Bakit naman ako matutulog sa cr kung pwede naman dito?”

 

“Luh? Jebs daw, umabot ng isang oras? Tsaka gagsti sino nagsabi sayo na pwede matulog dito? Boss ka na ba para gumawa ng sariling rules?"

 

"Taena mo, 'di ako naka abot ng isang oras."Pwede naman matulog pag breaktime ah. Dami mo sinabi kumain ka na nga lang, tapos sana mabilaukan ka."

 

Inirapan lang ni Momo si Jeongyeon na nasa katabing table lang nito.

 

Tumunog na yung digital wall clock- 5:00pm

 

Sign na para umuwi, but unfortunately extended yung office hours nila, ng team nila kaya nanatili lang sila sa kanilang mga kinalalagyan. Pinapanuod ang grupo ng mga tao, na isa- isang umuwi.

 

Nakita naman nila na nagsimula nang magsilabasan ang ibang nasa mga department mula sa kani- kanilang opisina.

 

"Sanaol diba, walang overtime." Comment ni Momo, nakatuon ang tingin sa glass doors kung saan kitang kita ang bawat dumadaan. Akala mo ngayon lang nakaranas mag overtime.

 

"Reklamo ka ng reklamo, puro kain lang naman ginagawa mo." Bato naman ni Jeongyeon sakanya, nang pinanlisikan siya ng mata ni Momo, "Oh ano?!"

 

"Excuse me?!"

 

Isang malutong na hampas ang nakuha niya.

 

"Aray! Tang-- bat ka nananapak? potspa.. sa braso ko pa..?" Madrama niyang sabi habang hinihimas ang braso.

 

"Pasalamat ka nalang, at hindi sa mukha." Tawang- tawa na sabi ni Seulgi, halos masalpak na ang ulo sa mesa.

 

"Kaka inject lang ng bakuna kahapon, potahaminda ka ang saket kaya."

 

"Bakuna?"

 

"Anti- rabies mga ulul."

 

"May rabies ka? No wonder.." Napatingin sila sa kakarating lang na kasamahan, itago nalang natin sa pangalang Lisa. Kakabalik niya lang ngayong araw from a 2-week leave na na-extend hanggang isang buwan. Ngayong hapon lang din siya nakabalik ng opisina, because inutusan siya na maglibot- libot sa partner agencies nila.

 

"Ay wow may sumasapaw."

 

"Sino ka? Ano ginagawa mo dito? Akala ko ba kinalimutan mo na kami?"

 

"Ebarg ka naman pre syempre frennies ko pa din kayo." Napalingon siya kay Seulgi, "Uy hello. Lisa nga pala. Ikaw yung bago diba?"

 

Inabot niya ang kamay niya para makipag- kamayan kay Seulgi na agad naman natugon.

 

"Seulgi,” Nahihiya niyang sabi. Not really used to meeting new faces.

 

“Kasama natin siya sa team, so pagtyagaan mo nalang mukha niya.” Pabirong sabi ni Jeong, kaya naka ani mula ng hampas sa kabilang braso.

 

“Umay ka pre,” Reklamo niya habang hinihimas ang brasong nabugbog, “B-bakit ang hilig niyo manghampas, worst sa braso ko pa..”

 

“Dasurb mo naman.”

 

“Tangina mo sana ikaw nalang tinurukan para alam mo gaano kasakit.” Nanghihina niyang sagot, napasandal nalang sa table niya.

 

“OA naman nito, ano ba tinurok sayo?”

 

"Anti- rabies nga tsaka yung Anti- Tetanus na malakas yung tama.” (HTIG) *Human Tetanus Immunoglobulin* (Sa mga nakagat na ng pusa or aso, alam niyo na kung gaano kasakit to, diba? Mas masakit pa sa breakup. Sampalin ko ang umangal, like tao ka ba? Charot.)

 

They eyed her in disbelief, “May rabies ka?”

 

Napapikit nalang si Jeongyeon as a response.

 

"Gusto mo kagatin kita para malaman mo?" Nagtitimpi, “May pusa ka diba? Ba’t ‘di mo alam?!”

 

“Luh? Galet yarn? Sorry naman ‘di pa ako nakakagat ng pusa.” Kibit- balikat na tugon ni Lisa, nakangisi pa ito saka umupo sa kalapit na table. "Mabait kasi mga alaga ko."

 

"Eh pano ka naman nakagat ng pusa?" Tanong ni Momo. “Wait, may rabies din pala yung pusa?” Nakalimutan na yata nilang may trabaho pa sila.

 

“Tang– pati ba naman ikaw Mo??” Tuluyan nang pasasubsob sa table niya, “Seulgi ikaw na nga lang mag- explain. Matutuyo utak ko sa mga to.”

 

Napakamot nalang si Seulg sa tanong niya, "Ano kasi, nakagat siya nung pusa ko..”

 

"Aww, dasurb."

 

Nung isang araw, dumalaw si Jeongyeon sa tinitirahan ni Seulgi. Dala niya pa ang isa sa mga anak niya, actually sa kapatid niya talaga yon. Anyway, she tried to bring Bami the cat in hopes na makapaglaro ito kay Lucky, but due to unfortunate circumstances. Nauwi sa bagbardagulan yung dalawa, with Lucky having to start the fight. Nung inawat nila, doon na nakagat si Jeong.

 

Sa mismong palad. Kaya may bandage pa yung kamay niya until now.

 

"And to answer your question kung may rabies ang mga pusa, oo meron.” This time si Jeongyeon na uli ang sumagot, “..at baka gusto mo ibalik kita sa hayskul, 'di lang aso may rabies."

 

"Ha? Tinuro ba yon?"

 

"??” Si Jeonyeon naman yung napatingin kay Momo, hindi makapaniwala.

 

“Malamang may rabies sila pero ha, may pero. Yung mga indoor cats, they are less likely to have rabies, but once nakagat sila ng outdoor cats na may dalang rabies, magkakarabies na din sila kaya they need shots of vaccines too. For immunity, tsaka para hindi sila makahawa, lalo na sa tao.” (Correct me if I’m wrong hshs)

 

“Galing naman ng explanation retsam..” Patango- tango na sabi ni Lisa.

 

"Wait, so kung bakunado na din naman yung pusa, bakit mo pa kailangan magpabakuna?”

 

"Eto tissue, kausapin mo."

 

Jeongyeon had enough, “Mabuti na yung nag- iingat.. and Seulgi, ” humarap siya kay Seulgi.

 

“I suggest, ipakapon mo yung furbaby mo. Hindi pa siya neutered, diba?” Probably one of the reasons ng pagiging aggressive niya. Probably, in-heat?

 

‘He’s at that age, right?"

 

Tumango lang si Seulgi, “Pinag- iisipan ko pa eh, hehe.”

 

"One of the reasons din siguro kaya ang aggressive niya.."

 

"Ano kasi.. sayang lahi pag pinakapon ko agad." Nahihiya niyang kwento. Actually dati pa lang, may nag suggest na din ng ganyan sakanya.

 

"Ay wow, gusto mo na magka apo?"

 

"Edi, hanapan mo ng lablayp."

 

"Marami naghahanap, tingin ka lang sa epbi dot com. Yung sa mga cat lovers na groups ganun."

 

"Sige sige, subukan ko."

 

Pagkatapos na sabihin ni Seulgi yun, sakto namang dumaan yung jowa ni Jeong and company, including that woman.

 

Kumaway lang si Nayeon habang naglalakad papalabas ng office nila. Sumenyas siya kay Jeongyeon ng 'phone me later.'

 

"Naols."

 

"Ay shocks, si Jennie mylabs." Bulong ni Lisa nang makita ang isang babae kasunod din nila Nayeon, "Tanginang mukha yan, ang ganda." Kitang- kita sa mukha niya ang pagkabighani sa dalaga.

 

Natawa nalang ang mga kasama sakanya.

 

"Tanga, bat 'di mo ligawan? Kesa tago ka ng tago dyan."

 

"Eh shunga ka pala eh, may jowa na yung tao. Edi kabit ako, ganun? Asa."

 

"As if naman, papatulan ka nyan."

 

"Bwakang ka, 'di ko kailangan ng opinion mo."

 

"Uy tignan niyo." Lahat sila napalingon sa tinuro ni Momo sa labas, "Jowa niya siguro yan, no?"

 

May lalaki na sumalubong kay miss- maam (girl in the elevator) in short, that woman.

 

"Balita ko, seaman yang jowa niya." Comment ni Jeongyeon kaya napatingin sila sakanya.

 

“Oohh..”

 

"Talaga?"

 

"Oo, seaman. Seamanloloko." Saka humalakhak sa tawa, "Deh joke lang, 'di ko alam." Biglang bawi niya kaya binatukan siya ni Lisa, “-oop.”

 

'So she's taken, I guess.' A small pout formed on her lips. 'I mean, not that I like her?'

 

Tumuloy na sila papasok ng elevator kaya naputol na ang pagsulyap nila sa kanila.

 

"Our single cannot relate." Matter-of-factly na sabi ni Momo, "Except kay Jeongyeon. Sana magbreak kayo, walang poreber."

 

"Luh, bitter yarn? Bat di mo sagutin yung manliligaw mo nang matigil yang kapaitan mo."

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
SPELLBREAKER
Ngayon ko lang napansin na magkaiba pala font size ng ch. 1 sa ch. 2 HAHAHA sabog

Comments

You must be logged in to comment
Curryfontina
#1
Chapter 2: Ganda!!!
iana013
#2
Chapter 2: bro i thought i read a whole story and its so great to read it continuously.. akala ko ngka amnesia si seulgi for a minute there.. buti nsagot ng tanong ni irene 😂
BlcknWhtKeys
#3
Chapter 1: Akala ko naka chapter 5 na ko. Hahahaha. Galeng, napatawa mo ko dini. Sakto update na chapter2. Kaya lang bitin ng onte. Oks na din kesa matengga😂💖
future_mrs_liu #4
Chapter 1: Nakakatuwa naman to! Hinaluan pa ng office characers ng twice TV. Lol. Galing. Fighting!
_m3owrene
1023 streak #5
Chapter 1: Dang!!! This is sooo fun! Hahahahaha! Waiting with respect for part two! Salamat po authornim :)
eunxiaoxlove #6
Chapter 1: Part 2!!!!!
Nekoyama #7
Bilang isang fur parent nakakatuwang makabasa ng mga ganitong uri ng kwento. Relate na relate maliban sa jowa thingy HAHAHAHA
sailorcee
#8
Chapter 1: Ang aga aga ng kilig ko HAHAHAHAH nabuhay ang buong baclang kaluluwa ko. Natatawa na lang ako kasi may mga part na nakakarelate ako ( except na lang sa pagkakaroon ng jowa, kahit 7 na pusa namin...wala pa rin sa kanila ang tumulong sa akin na maghanap ng jowa awts talaga sayang yung de lata ng sardinas na binibigay namin CHAROTSS ahlab may bhibhies) Anyways, ayun na nga huhuhu mahilig rin ako sa cat , Pareho kami may itim na pusa tapos tru20 NA LEGIT TALAGANG MASAKIT ANG MAG PA INJECT NG ANTI RABIES MAS LALO NA YUN TETANUS AMPOTA ANG SAKIT tapos akala ko isang day lang lahat yun pala...😐 pati yun skin test ampota kagat ng dinosaurrrr

Tapos ano pala di talaga ako pwede ipasali sa mga debate HAHAHAHAHH Sa tingin ko kasi true love should hurt. Hindi naman sa masokista ako ehe uwu chrs pero How can you know that its love kapag hindi ito masakit. Sa tingin ko kapag nasaktan ka duon mo marerealize kung gaano ka deep yung pagmamahal mo sa kanya, na true love mo siya. Yun tipong maisip mo lang na balang araw, isa sa inyo ang mauuna ganurn. Masakit pero alam mo kung bakit siya masakit kasi mahal mo siyang tunay. Ay ewan ko ba eme eme lang shot puno pa KUYA ISANG SISIG NGA PO SA TABLE 5 charzs

So ayun na nga, napa essay ako ng walang sa oras. Worth it na nilaan ko ang break time ko for resting sa pagbasa nito eheeeee. Thank you for this otor-nim! Waiting for the next part! Seulrene with cats au talaga da best huhuhuhuhu