Paroon

PAROON

Tirik na tirik ang araw nang bumaba si Winter sa bus na sinakyan mula España hanggang sa Manila. Ilang beses na siyang akyat baba sa kung anong makita niyang may nakalagay na daan papuntang LaSalle. Kung hindi naman kasi saktong nasira ang MRT ngayon ay wala siyang hirap sa pagpunta sa condo ng kaibigan niyang si Giselle. 

 

“Hayop na 'yan. Nasaan na ba ako? Napaka walang silbi ng waze na 'to.” Halos nagmumukhang tanga na ito sa pagkausap sa sarili para lang makapunta sa Torre Lorenzo na hindi niya matandaan kung saan ang daan. 

 

Maliban sa pagod, gutom at init ng ulo talaga ang kalaban niya sa araw na 'to. Malas pang mauubos na pocket money niya sa ilang beses na pagsakay. Wala naman siyang matawagan dahil aside sa wala siyang load, naghihingalo na rin ang battery niya. 

 

“Paano ba 'to?” namumuo na ang mga luha sa gilid ng mga mata nito nang lapitan siya ng isang ale. “Ineng, kanina ka pa riyan, saan ba ang punta mo?” Nahihiya man ay humingi na ng tulong si Winter sa matanda. 

 

Ipinaalam nito na ang punta niya talaga papuntang Taft ngunit hindi niya na malaman kung saang lupalop ng impyerno siya napadpad. “Nako, napalayo ka na. Lumagpas ka. Makati na ito.” Napasampal na lang siya sa sarili pagkatapos malaman na panibagong gastos na naman pala at nakakalitong byahe kailangan niyang gawin. 

 

“Saan na lang po ba pwedeng magcharge rito?” Dali-daling tinungo ni Winter ang malapit na 7-eleven na itinuro ng ale. Kung hindi pa pala siya magmumukhang niligaw na tuta ay hindi pa malalaman na lagpas na siya. Lalo namang uminit ang ulo nito sa pag-alala na kasalanan ni Giselle ang misfortunes niya sa araw na 'to. Kung hindi siya pinilit ng kaibigan ay sana masarap ang tulog niya sa sariling apartment ngayon. 

 

Hindi pa man nagtatagal sa pagcharge si Winter, naramdaman niyang may kumalabit sa kaniya. Sa isip isip niya'y huwag sana muna siya hingian ng mga batang palaboy kasi nangangailangan din siya ngayon. 

 

Ilang ulit pa siyang kinalabit hanggang sa mapuno siya para iangat ang kaniyang ulo. “Ano b—”

 

“I left my—” 

 

“Winter?” Sa lahat nga naman ng araw na pwede niyang lahatin ang malas, ngayon pa. 

 

Karina. 

 

I went to my alma mater today to claim my yearbook na almost four years din ang tinagal before distribution. I am planning to eat first before I go back to Taft since maaga pa naman. 

 

Although I graduated from a private school, and was sheltered for almost how many years din, I know how to commute. That's one good thing with my parents, they teach us how to be street smart. They told us na you won't be able to use your knowledge if not practiced.

 

Before pa ako mag-abang ng UV, naisipan ko munang dumaan sa convenience store na malapit para bumili ng tubig. Confident akong hindi mawawala 'yong yearbook ko sa bandang dulo kasi who would dare steal a book full of photos ng strangers? 

 

Right after I paid for my water and snacks, may blonde girl na akong nakitang ginawang unan ang yearbook ko. And I thought I won't face any trouble today. Ilang beses ko siyang ginising pero she remained sleeping. Until she lifts her head, and then I regret waking her up. It's Winter. The same Winter I tried ghosting kasi sobrang judgemental niya sa likes ko. Great. 

 

“What are you doing here?” Although tired, she still looks like a puppy. How did she get here anyway? 

 

“I'm lost.” Damn, cute. She scratched her head before answering. That's one of her habits whenever sheʼs embarrassed. “Where are you heading ba?” 

 

Although I can still remember how she criticized Taylor Swift and her music, mabuting tao pa rin naman ako. I know na hindi siya marunong mag-commute and is extremely shy kapag mag-isa lang. It wouldn't hurt offering some help, right?  

 

Winter. 

Trip ba talaga ako ng mundo? Sa lahat naman ng ipapadalang anghel, si Hudas pa. Ang lagay ganon na lang? Pagkatapos ako ighost, kunwari walang nangyari? Ano pa bang choice ko? Awkward tuloy. 

 

“Alam mo ba paano sumakay?” Wala talaga akong tiwala rito kay Karina. Madalas kaming lumabas dati. Palagi siyang pumupunta sa España kasi doctor nanay niya sa University Hospital. Pero kailan ko ba narinig na nagcommute 'to? 

 

“Winter, I always go to your school. Ako palagi ang nagsusundo sa'yo before, what do you expect?” May point naman siya pero malay ko ba kung gaganti 'to sa lahat ng pagtatanggol ko kay Jake Gyllenhaal. “Sabi mo 'yan.”

 

“Why did you commute pala? That's a first for you.”

 

“Punta sana ako kay Giselle, you remember her naman?” she hummed, confirming my question. Okay naman sana kami, eh. Sadyang hindi namin mapigilan magtalo kapag mga idol na ang usapan. I'd be lying kung sasabihin kong hindi ako nanghihinayang. 

 

Pagdating ng UV ay hinila niya ako papasok sa pangalawang row. Hindi ko mapigilang pansinin 'yong rosary ring na suot niya. Ayon 'yong unang regalo ko sa kaniya noong birthday niya. What we had was blurry, walang matinong boundaries kaya rin siguro it went south. It was fun until it lasted, though. 

 

“Comfortable ka, hmm?” Shet. War flashbacks. Mariin kong kinagat ang lower lip ko para kalmahin ang sarili. Sinong matinong tao ang makakamove on sa ganito? Utang na loob. Wala pang tatlong buwan noong nawalan kami ng communication. 

 

Hindi niya inalis 'yong kamay niya sa binti ko. Sa halip ay mas nilapit niya pa ako sa kaniya. Oo, gets ko na. Ikaw na ang maalaga. Is the universe trying to prove a point here? 

 

The silence is indeed deafening. Nakakahiya rin naman makipag-usap sa loob ng UV habang ang sarap ng tulog ng ibang pasahero. “Saan mo nga i-meet si Giselle?” Lord, I'm not your strongest soldier. Anak ako ni mama for a reason. Walang matapang sa pamilya namin. 

 

I tried my best not to mumble or stammer, and all the gods know how hard it was. “Torre Lorenzo,” I whispered. Enough for her to hear. 

 

Kaunti lang ang laman ng UV. Dahil din siguro na masyado pang maaga para sa labasan ng commuters. Kaya sa pagbaba ng huling kasabay namin, tanging radyo na lang ang nagbibigay ingay sa loob ng sasakyan. 

 

“Let's say I invited you to go to Noriter with me, would you go?” Kung ako 'yong batang babae sa Inside Out, malamang nagpapanic na rin nagkokontrol sa utak ko. Wala bang self-destruct mode? 

 

Pwede bang time out muna? Akala ko ba ihahatid lang ako nito? 

 

“Rina, look. What we had before, it's all in the past. I think there are things better left unsaid.” Ito siguro ang isa sa red flag ko maliban na tanga ako sa kalye. I'm scared of confronting the problem kaya ang nangyayari wala pa nga tinatakbuhan ko na. 

 

“Do you really?” Knowing Karina, she won't let this opportunity go. 'Yong sa amin, parang hinayaan na lang namin pumagitan lahat ng differences namin kahit parehas naming alam na kaya pa naman talaga. We were too foolish para hindi siya bigyan pa ng second chance. Admittedly, I was really waiting for her to let go. I would say na swak naman kami, sadyang may kulang. I guess it's a shame na we kept blaming it on our differences kahit na ito 'yong nagbigay character sa relationship namin. 

 

“Honestly, I don't know.” 

 

Sakto naman ay malapit na kami sa babaan, sa St. La Salle Hall, across Tapa King. Finally, nakarating din. 

 

But I have to decide. Should I run away again or face what's in front of me? Ang gulo. Hindi ko na rin talaga alam. Pwede bang pa-void na lang ng existence ko? 

 

“Winter, you don't have to force yourself if you don't want to. Naiintindihan ko naman.”

 

Alas kwatro na, naglalabasan na ibang students sa mga school around this area. Dalawang oras na lang, rush hour na. Mahirapan na naman akong umuwi nito. 

 

Ilang tao na ang lumampas sa amin, ilang boses na rin ang sinadya kong ipasok sa tenga ko para may masisi ako kung mali 'tong magiging desisyon ko. 

 

“Hindi naman sa ayaw ko. Gusto mo na bang kumain?” Tangina. Ang rupok talaga. 

 

I can see in her face that she's relieved. From what? I don't know. I filled the gaps between her fingers bago kami pumunta sa kabilang side. Oo, hindi rin ako marunong tumawid mag-isa. 

 

Nilaro ko ang singsing sa daliri niya at paminsan ang thumb niya habang naglalakad kami. 

 

“Tama ba na hindi pa nga nagagawa 'yong closure ganito na tayo?” Mas lumawak 'yong ngiti niya. Daig pa nito nanalo sa lotto. Sabagay, sino ba namang hindi matutuwa kung isang Winter Kim na kasama mo? 

 

“Tama bang sa condo mo ako dadalahin? Akala ko ba Noriter?” Hindi na namin napigilan pa pigilan 'yong tawa namin. “Take out kasi. I'm sure puno na there lalo dismissal na ng iba.” 

 

“Dahilan mo, Karina Yu.” I guess, down bad malala talaga. Bahala na kumain ng dinner mag-isa si Giselle. Hindi na rin siguro masamang naligaw ako. 

 

Siguro nga I just have to try para malaman kung anong pwedeng mangyari. 

 

 

 July 9, 2021

 

Ang pangit ng music taste mo. 

Seen. 7:32 pm. 

 

September 16, 2021

 

Are you home na? 

Yep. Kararating lang. 

Akala ko ba gagawa ka pang plates? 

I'm just checking up on you. Baka naligaw ka na naman. 

Syempre, hindi na. 

Yabang. Palibhasa nag-Grab ka. 

Ang mahal naman? 

Matuto ka na kasing bumyahe. 

Anyway, thank you pala. 

Hmm

For giving us a chance. 

No, thank you for trying again. 

Really

Maging thankful ka talaga. 

Sa pag-ghost sa akin? 

Hahahaha

Funny

By the way, ako na sa lunch mo bukas. 

Huh? For what? You don't have to naman pero thank you. 

Lunch para malaman mong ikaw ang aking honey bunch. 

Bwisit. Bawal na ba refund? 

Asa ka. 

 

 

 

Thanks for reaching until here. Anyway, feel free to leave feedbacks or suggestions for my other up coming one shots. Stay safe always. 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 1: Cute hahahahaha
turtlerabbitpeach #2
Chapter 1: ba't naman kase pinagtanggol si jake? 😭 at tsaka hoy winter, taylor swift >>>>>>>>> !!!!!!!!!
kang_ddeul
#3
Chapter 1: hala ang cute HAHAHAHA
gayasf__
#4
Chapter 1: so cuteee part 2? 🥺 yung hindi na ipagtatanggol ni winter si jake pls
uglycreature05 #5
Chapter 1: i hate how ing cute this story is. makes me want to ing try again after 3 years.
uchinagassi #6
Chapter 1: Moreeeeeee ><
TYTFshipper
259 streak #7
Chapter 1: Cute pero part 2 naman dyan otor 🥺 yung may closure naman po char 🤧 hahaha thank you dito! 🥰
ohyo_ohyo319
#8
Chapter 1: HAHAHHH nakikita ko ang aking self kay winter 😭😭 sanaol may karina din akong ganyan ;-;

Cutie ng story and yung lines HAHAHAH salamat so much
Gab_17
#9
Chapter 1: Hahaha cuteeee. Buti naman nag-try ulit sila.