Perro hermoso

Perro hermoso
Please Subscribe to read the full chapter

NOTE: Hello, ningselle one shot naman. Meron pa ako rito sa drafts pero tsaka ko nalang ipublish hoho. Ingat kayo palagi. Hindi ako nag proofread pasensya kung may mga errors. Enjoy po!!! Itaas ang bandera ng ningselle.

 

song recommendations:

 

apo hiking society —   when i met you    

finding hope — more & more

slchld — lone summer

hojean — weekends

lauv — never not

 

 

"Baby. . ." Napalingon naman siya sa akin mula sa pagkakadukdok niya sa study table niya, mukhang stressed na siya sa sinasagutan niyang math kaya naman napapasabunot nalang siya sa buhok niya. Habang ako naman dito ay nakahiga habang nagbabasa ng paborito kong libro habang paminsan minsan ay sinisipat ko siya.

 

"Yes?" Mahinang tugon naman niya at rinig na rinig sa boses niya na exhausted na siya sa dami ng ginagawa niya, sinarado ko naman agad ang libro ko at inalis ang reading glasses ko bago ako umusod sa kama para malapitan siya dahil medyo magkalapit lang naman yung table rito sa kama niya na hinihigaan ko.

 

"Come." Malambing na usal ko habang tinatapik ang pwesto sa gilid ko na para bang pinapaupo ko siya ron, pansin ko naman ang paglamlam ng mata niya habang nakatingin sa akin at ang buntong hininga na kumawala sa labi niya.

 

"Baby, I can't. . . hindi pa ako tapos," Bahagya pa itong napanguso habang tinuturo ang nakakalat na libro, notebook, binder, mga highlighter, calculator at scratch papers sa study table niya. Well, she agreed naman agad nung sinabi kong tatambay ako sa kwarto niya pero pinaalalahanan niya agad ako na hindi niya ako maeentertain masyado dahil marami siyang gagawin — which is nangyari nga, dahil tatlong oras na ako nandito at nakahiga, hindi kami masyadong nagkakausap dahil ayoko rin siyang abalahin sa mga ginagawa niya.

 

Pero nung makita ko na sobrang pagod na siya dahil kanina pa siya nakatutok sa mga ginagawa niya, hindi ko rin siya nakita na tumayo para manlang magbreak kahit ilang minuto, nag-alala na ako dahil baka naman sumabog na ulo niya dahil sa kanina pa siya nagsasagot dyan. Nakailang buntong hininga na rin siya at hindi pa nga nakaligtas sa pandinig ko ang pagmumura niya kanina kaya naman doon ko napagtanto na talagang nahihirapan na siya.

 

"I'm sorry." Dugtong pa niya sabay hinga nang malalim, tatalikod na sana siya ulit sa akin para ipagpatuloy ang ginagawa niya ngunit nagsalita ulit ako at madaling hinablot ang kamay niya kaya naman napalingon ulit siya sa akin.

 

"Baby, limang minuto lang." Pagmamakaawa ko naman sa kaniya habang pinipisil pisil ang kamay niya, wala naman akong problema kung hindi niya ako kausapin hanggang sa makauwi ako pero ang hindi ayos sa akin, eh yung nasstress na siya at mamaya, kung magpapatuloy pa 'to, baka magbreakdown pa siya. Hindi siya nagbbreak kanina pa kaya baka naman siya ang magbreakdown dyan.

 

Nakatingin lang siya sa akin, mukhang gusto niyang bumigay sa sinasabi ko pero at the same time, pinipigilan din niya ang sarili niya. "Okay, tatlong minuto. . ." Kinontian ko pa yung minuto dahil baka mamaya natatagalan na siya sa lima.

 

She heaved a sigh bago tumango, napapapikit pa siya bago tumayo at umupo sa tabi ko rito sa kama niya. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at niyakap ko agad siya pagkaupong pagkaupo niya sa gilid ko, yung sobrang higpit na yakap na pwedeng mabali ang buto niya pero syempre, hindi naman to the extent na ganon, ayoko naman siyang masaktan.

 

"You're doing well, mahal. . ." Masuyong bulong ko sa tenga niya habang dahan dahan na hinahaplos ang likuran niya paangat sa batok at buhok niya. Naramdaman ko naman ang malalim na paghinga niya sa leeg ko.

 

"Gigi, thank you." Para bang nanghihina na sambit nito sa may leeg ko, her mint breath hitting my sensitive skin, mukhang inubos talaga ng school works ang lakas niya. Gusto ko siyang tulungan, pero ayaw naman niya, lagi niyang sinasabi na mas matutuwa siya na makakuha ng mataas na grado kung siya lang ang gagawa ng mga school works sa sarili niya, and yes I stan a strong independent woman.

 

"Please, take a rest din, hmm?" Paalala ko naman sa kaniya, pansin ko ang pag-angat niya ng tingin mula sa pagkakasubsob sa leeg ko. A small smile lingered on her lips while looking at me intently, namula naman agad ang pisngi ko sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. "B—bakit ganiyan ka makatingin?"

 

"Wala lang." She giggled while pinching my nose, "I just love how you take care of me, thank you."

 

"I know you're having a hard time, baby." Alam kong mababanaag sa boses at itsura ko ang pag-aalala, pero nag-aalala naman kasi talaga ako, ayoko lang dumating sa point na sobra sobra na pala para sa kaniya — tapos wala manlang akong ginawa. Wala manlang akong nagawa. Ayokong nahihirapan siya in any way, gusto ko lagi siyang okay, payapa, masaya. Gusto ko lagi siyang nasa maayos na kalagayan, o kung hindi man, gusto ko matapos ang isang mahaba at nakakapagod na raw, meron siyang maayos na uuwian. Na bago siya matulog sa gabi, mula sa nakakapagod na araw, gusto ko may ngiti sa labi niya pagkahiga niya sa kama niya.

 

Gusto ko ganon yung nararanasan niya sa araw araw, hindi man palaging masaya at maayos, pero hindi naman mas lamang yung lungkot. Gusto ko siya pasayahin sa araw araw na kasama ko siya, gusto kong nakikita ang magagandang ngiti niya.

 

"It's okay to ask for a help sometimes, I'm willing to help you palagi. Kahit na sa anong paraan." Nangingibabaw ang sinseridad sa boses ko, natanaw ko naman ang pagsilay ng matamis na ngiti sa labi niya at masasabi ko na sobrang ganda talaga ng mga ngiti niya. Nakakagaan ng pakiramdam, inaalis lahat ng pagod mo.

 

"I appreciate that, cutie." Lumapit naman siya para halikan ang tungki ng ilong ko kaya naman naramdaman ko ulit ang pag-init ng leeg hanggang pisngi ko, alam ko namang akin na siya, akin lang siya — matagal ko na alam na ako ang mahal niya, matagal na niya ginagawa sa akin ang mga bagay na nakakapagpangiti sa akin, nakakapagpakilig, yung tipo ng kilig na para bang sasabog na yung tiyan ko sa sobrang dami ng kahayupan na nagrarambulan, yung tipo ng kilig na mapapatili nalang ako habang nakasubsob sa unan ko habang nakakuyom ang kamao ko na hinahampas ang kama ko. Pero sa tuwing ginagawa niya pa rin sa akin ang mga simpleng gesture na ganito, ganon pa rin ang nararamdaman ko — kagaya nung naramdaman ko nung una niyang ginawa ang mga bagay na iyon.

 

"But, I'm okay." As expected, yun naman ang sasabihin niya. Lagi naman iyon ang sinasabi niya, para bang mantra na paulit ulit niyang tinatatak sa akin sa tuwing nag-aalala ako sa kaniya, I think para i-assure ako, pero hindi naman ako ang nangangailangan sa aming dalawa. I wanna help her too, but she won't let me. I know she's a strong human being and I'll always be proud of her kasi kinakaya niya lahat, pero gusto ko rin na lumapit siya sa akin minsan, gusto ko rin na sabihin niyang kailangan niya ng tulong ko — dahil never, as in never siyang magiging abala o pabigat sa akin.

 

Another wave of sadness enveloped me. Nalulungkot ako sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan — pero hindi niya sinasabi for the sake of my peace of mind, pakiramdam niya masisira niya yung mood ko if ever man na magsabi siya ng mga worries and concerns niya, it will never be like that. Kahit kailan, hindi ko siya nakitang pahamak sa buhay ko. Kahit kailan, never ko siyang pinag-isipan ng kahit anong masama, hindi ko nga maididikit ang mga negative na salita katabi ng pangalan niya — I just can't.

 

"It's okay if hindi." Sabi ko naman sa kaniya, nakatingin lang ako sa kaniya ngunit mukhang umiiwas talaga siya dahil sumubsob ulit siya sa akin para iwasan ang titig ko sa kaniya. "Mahal kita kahit na malungkot ka, kahit na pagod ka, kahit na nahihirapan ka."

 

Hindi siya umimik, pero alam kong nakikinig siya. Nararamdaman ko rin ang pagbigat ng paghinga niya sa balat ko. Marahan ko lang na hinahaplos ang likod niya, creating circles on her back. Comforting her, making her feel that she's not alone.

 

Because she's really not.

 

"Ayokong isipin mo na nandito lang ako para sa ayos na ikaw, para sa masayang ikaw, para sa Ningning na walang ibang ginawa kundi ang patawanin, at pakiligin ako. I'm not here just for the rainbows, roses, and butterflies. Handa akong yakapin ka kahit na nahihirapan ka, lalo na kapag nahihirapan ka. I love you when you're happy, I still love you when you're sad, I'll always love you even though you're exhausted and tired. All of your feelings are definitely valid, hindi yung kasiyahan lang."

 

Alam ko naman na tao lang siya, nahihirapan. Nasasaktan. Napapagod. Pero mukhang siya mismo, sa sarili niya, hindi alam iyon.

 

Gusto niyang ipakita palagi na okay lang siya, masaya siya, na kaya niya. Kahit na may mga pagkakataon na alam kong gusto nalang niya huwag na magising, kahit may mga oras na gusto nalang niya magpahinga sa sobrang bigat ng pakiramdam niya.

 

Nandito lang naman ako palagi para sa kaniya.

 

Nandito lang ako — kahit na ano pa man ang nararamdaman niya, kasi hindi ko siya minahal sa iisang ugali niya lang. Mahal ko siya sa palagi, mahal ko siya sa lahat ng uri ng pag-uugali niya, mahal ko siya sa kahit ano pa man ang emosyon na bumabalot sa kaniya.

 

"I'm sorry, baby." Nanigas naman ako nung maramdaman ko ang panginginig niya sa loob ng yakap ko, naramdaman ko rin ang mahinang paghikbi niya habang nakasubsob pa rin sa may leeg ko, at sigurado ako na luha niya ang kung ano mang likido na umaagos ngayon sa balat ko.

 

"It's just that— I obviously don't wanna bother you with my problems anymore, I know you also have a lot of things on your plate, ayoko nang makadagdag pa sa mga iniisip mo." I know she'd say that, alam ko naman na iyon ang inaalala niya kaya ayaw niyang magsabi sa akin, at ayaw niya rin manghingi ng tulong sa akin sa mga panahon na kailangan niya ako. Alam kong ganun siya ka-selfless, cinoconsiderate niya muna yung mararamdaman ko bago yung kaniya. Iniisip niya muna ako, bago yung sarili niya.

 

Siyempre, minamahal ko siya lalo sa tuwing naiisip ko na ganon niya ako kamahal at handa siyang gawin ang lahat para sa akin. Naaappreciate ko naman, pero sa mga ganitong pagkakataon, ayoko na inuuna niya ako. Ayoko na lagi niya akong iniisip kaysa mismo sa sarili niya. Gusto ko unahin niya palagi ang mararamdaman niya, gusto ko unahin niya palagi yung mismong siya, hindi ako na girlfriend niya lang. Mas mahalaga ang sarili niya kahit na ikumpara mo kanino pa man.

 

Gusto kong lumapit din siya sa akin at sabihin niya sa akin ang struggles niya dahil wala akong ibang gustong gawin kundi ang yakapin siya at sabihin sa kaniya lahat ng mga bagay na makakapagpagaan ng loob niya.

 

"Never kang magiging abala, sinasabi ko naman sa'yo yun palagi, diba?" Masuyong usal ko naman sa kaniya, hinayaan ko lang siya na umiyak sa leeg ko. Kahit na alam kong nababasa na ang damit na suot ko. Kahit na nadudurog na ang puso ko dahil naririnig ko ang bawat hikbi niya, pakiramdam ko sinasaksak ako, diretso sa puso.

 

"I know." She let out a soft sigh, naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakayakap niya sa akin habang ang kabilang kamay niya ay nakapatong sa binti ko. "Pero, ako kasi yung problema, sinasabi ko naman sa'yo pag may problema ako, pero hindi lahat dahil nga ayokong mag-alala ka sa akin. . . lagi akong nilalamon ng thoughts na ganon, kahit na alam kong you wouldn't mind me talking about my problems."

 

"I'm not forcing you, baby." I genuinely whispered into her ears, ayokong mag-open up siya sa akin dahil lang sa sinabi ko sa kaniya, gusto ko magsabi siya sa akin dahil gusto niya, at handa siya. Comfortable siya. "Pero I'm always here, wala akong problema kahit na anong oras mo ako tawagan kung kailangan mo ng makakausap, wala akong problema kahit na ano pa man ang gusto mong pag-usapan natin, basta ikagagaan ng loob mo. You'll never be a bother, please keep that in mind."

 

"Thank you, I know." Kumalas siya sa yakap at nakita ko ulit ang nakakatunaw na tingin, at nakakasilaw na ngiti niya. Napansin ko ang pagbaba ng mata niya sa leeg ko at bahagya pa siyang napatawa, "Sorry, para ka tuloy naligo dahil sa luha ko." Hinging paumanhin nito habang nakangiti, naramdaman ko pa ang kamay niya sa damit ko na para bang pinupunasan pa ang luha niya kahit na wala lang naman sa akin iyon.

 

Kinuha ko ang kamay niya na nasa damit ko at pinagsaklop iyon sa daliri, napatingin tuloy siya mismo sa mga mata ko habang diretso rin akong nakatitig sa kaniya.

 

"Naiintindihan mo naman ako, diba?" Paninigurado ko naman habang inoobserbahan ang mukha niya, maganda pa rin siya kahit na mahahalata mong galing talaga siya sa pag-iyak, namumula ang pisngi niya, pati na rin ang ilong niya. Namumugto naman ang mga mata niya. Pero kahit na ganon, siya pa rin ang pinakamagandang babae sa paningin ko.

 

"Yes." She bit her lower lip, chuckling a little bit. "Ang cute mo."

 

"Seryoso nga kasi." Ngumuso pa ako kaya naman napahalakhak siya at naramdaman ko nalang ang dalawang kamay niya sa may pisngi ko, nakatitig lang ako sa kaniya habang hindi pa nagsisink in sa utak ko na nakakulong na ang pisngi ko sa magkabilang palad niya at bahagyang dumukwang pa siya para dampian ng halik ang labi ko. Bagay na ikinagulat ko, pero hindi naman ako nagrereklamo.

 

"Seryoso rin po ako," Nakangiting sambit niya pagkatapos magnakaw ng halik sa akin, habang ako, eto nakaawang pa rin ang bibig ko sa gulat, bakit ba bigla bigla siyang nanghahalik?

 

Syempre, gusto ko rin naman — pero nakakagulat kasi!

 

"Mas magsasabi na ako sa'yo, hindi na rin ako mahihiyang manghingi ng tulong lalo na't kapag nahihirapan na ako, kasi alam ko namang wala lang sa'yo yun at mas gagaan ang pakiramdam mo kapag lalapit ako sa'yo kaysa sa wala akong sinasabi at all." Dagdag pa niya kaya naman unti unti akong napangiti habang tumatango tango, satisfied na sa sinabi niya. I know it will take time, pero I don't mind. Kahit na mabagal na progress, wala akong pakeelam, basta may progress. A slow progress is still a progress.

 

"Mahal kita, palagi." She mumbled, a smile curling her lips, oh God, she's so beautiful. "I'm so grateful to have someone like you, I really appreciate your efforts para iparamdam sa akin na nandyan ka lang."

 

"Kasi nandito lang naman talaga ako." I blew out a slow breath. Madiin ang pagkakasabi ko non dahil wala naman akong hesitasyon sa bawat salita na sinasabi ko ngayon, lahat iyon nanggaling sa puso ko, at sa bibig, malamang. "Mahal din kita."

 

Palagi.

 

Habambuhay.

 

Ikaw lang.

 

"I know, cutie." She giggled, naramdaman ko na naman ang pagsundot niya sa ilong ko. "Nakakailang minuto na ba tayo? Sabi mo, three minutes lang!" Sambit nito kahit na alam ko namang wala lang iyon sa kaniya, ang lawak na ng ngiti niya. Kanina ko pa rin siya binubulungan ng mga salita na alam kong makakapagpangiti sa kaniya, it was all worth it naman lalo na nung masilayan ko ang matamis niyang ngiti, totoong ngiti.

 

"Sorry na, ikaw rin naman, grabe makayakap sa akin. Patay na patay?" Pang-aasar ko naman pabalik sa kaniya kaya naman nakatanggap ako ng isang hampas sa braso, natatawa naman siyang tumayo para bumalik sa pwesto niya kanina, itutuloy na ang mga sinasagutan niya. Namiss ko agad ang init ng yakap niya, pero naiintindihan ko naman na may kailangan siyang ipasa bukas at hindi naman ako magiging sagabal sa pag-aaral niya. Ang mahalaga, nakapagpahinga siya kahit sandali lang. Kahit na napaiyak ko siya, ang mahalaga nakangiti na siya ngayon.

 

"Tatapusin ko lang 'to sandali, malapit na 'to matapos. Tapos ice cream tayo?" Offer naman niya sa akin pagkaupo niya sa silya, isama mo pa ang matamis na ngiting nakapaskil sa labi niya, sino ba naman ako para tumanggi diba?

 

Isa lang naman akong marupok na bakla na hawak hawak niya mga palad niya. Handang handa ho akong magpa-alila basta ba si Ningning ang magiging amo ko. Ganon ako ka-whipped sa kaniya, kaya nga hindi ako nakakaligtas sa pang-aasar ng mga kaibigan ko na wala naman na akong pakeelam ngayon dahil sanay naman na ako at tama naman sila.

 

Masyado ko talagang mahal ang babaeng 'to.

 

"Sure, I love you." I replied while forming a sweet smile on my lips. Nakita ko naman ang pagtitig niya sa mga labi ko bago ibalik ang tingin sa mata ko, nakita ko ang pag-ukit ng ngisi sa labi niya.

 

"I love you most, baby."

 

Mabilis na lumipas ang araw, nairaos naman namin ang mga sumunod na linggo, naging smooth naman ang pasok ng bawat araw sa buhay namin dahil ginawa naman ni Ningning ang sinabi niya nung huli kaming mag-usap about sa hindi niya masyadong pagsasabi sa akin ng mga dinadala niya, mas nagsasabi na siya sa akin at natututo na rin siya manghingi ng tulong kapag kailangan niya.

 

Masaya naman ako dahil mas nagiging open kami lalo sa isa't isa kaya lang hindi ko rin maiwasan na hindi malungkot dahil pinagbawal na ang aso sa dorm namin, noon kasi, kahit na medyo mahigpit ang dorm na tinutuluyan ko sa tuwing may pasok dahil medyo malayo ang bahay ko talaga, pwede pa rin magdala ng pet. Pero dahil may isang aksidente na nangyari at nagkaroon ng aberya dahil sa alagang aso ng isa sa mga nakatira sa building namin, ayon pinagbawal na ang pagdadala ng alaga, kahit anong uri ng hayop sa loob ng dorm namin. Kaya naman kahit na masakit — kahit na nalulungkot ako na malalayo na naman sila sa akin, kinailangan kong ipadala sila Cooper at Lily sa bahay namin talaga para maalagaan sila ron ng parents ko. I had no choice, eh. Wala na tuloy akong kasama sa tinutuluyan ko at wala na rin akong nakakayakap sa gabi sa tuwing hindi ako nakikitulog sa bahay ng girlfriend ko.

 

Nung isang araw ko lang sila hinatid sa bahay namin at pikit mata pa nga akong umalis dahil nasasaktan talaga ako sa fact na mahihiwalay ako sa kanila. Alam ko namang aalagaan sila nang maayos dito, syempre naman hindi sila sasaktan ng pamilya ko at mahal din naman sila nila mama. Kaya lang, nalulungkot lang talaga ako dahil hindi ko na sila abot kamay. Wala na maghihintay sa akin sa tuwing uuwi ako, yung mga alaga ko na nakakapagpasaya sa akin at nakakapagpawala ng pagod ko. Syempre, ganun din naman ang hatid sa akin ni Ningning, pero iba naman kasi siya. Tao siya at girlfriend ko siya.

 

Kaya eto ako ngayon, parang pinagsakluban ng langit at lupa dahil nga hindi pa rin ako nakakaget over sa fact na wala na yung mga babies ko.

 

Mukhang nabobother na ang kaibigan kong si Somi sa mukha ko dahil kung makatapon siya ng tingin sa akin wagas, sinusuri pa ang mukha ko bago pindutin ang pisngi ko. "Hoy, malungkot ka pa rin ba?"

 

Napalingon naman ako sa kaniya bago umiling at pinakitaan siya ng isang — pekeng ngiti. "Ay, hindi. Ang saya saya ko nga, wooh, party party!" Sarcastic na tugon ko naman habang tinataas pa ang kamay ko at winawagayway na para bang nag-eenjoy ako.

 

She scoffed while rolling her eyes, "Kainis 'to! Nagtatanong nang maayos, eh."

 

"Kasi naman, halata namang hindi." Tinaasan ko naman siya ng kilay kaya napanguso siya, oo, medyo sumusungit talaga ako lalo na sa mga ganitong panahon na problemado talaga ako at ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

 

"Hmp!" Parang bata na sabi naman niya at nag crossed arms pa, mukhang ewan talaga 'to. Yung hilatsa ng mukha niya, parang walang sasabihing maganda, eh. "Malapit naman na rin naman mag Christmas break, mabibisita mo rin sila! Tsaka, try to look on the brighter side! Ngayong hindi mo na sila kasama, hindi mo na sila tuluyang magiging kamukha. Ngayon palang kasi medyo humahawig ka na sa aso, eh!"

 

Oo, tama nga ako nung inisip ko na wala siyang masasabing maganda. Dahil iba talaga tabas ng bibig nitong bruha na 'to, sarap pilipitin minsan ng dila niya. Hay nako!

 

"Alam mo, sana hindi ka nalang nagsalita." Pairap na turan ko naman kaya natatawa siya sa itsura ko bago sumandal sa upuan niya at kunin ang bubble gum niya habang ako naman ay napapapikit nalang dahil sa stress. "Tama ka naman, malapit na mag Christmas break! Mga next month." Sarkastikong wika ko na naman kaya napabungisngis siya.

 

"Malapit na yan! Ano ka ba, hindi mo mamamalayan, pasko na pala." Maligalig na sambit nito habang may gestures pa siyang inaakto kaya naman napatawa ako sa itsura niya.

 

"Oo, pwede na kita ibitin sa taas ng Christmas tree." Pang-iinis ko sa kaniya kaya nakatikim ako ng isang malutong na batok, napa-aray naman ako bago siya gantihan ng isang malakas na hampas sa braso.

 

"Oo, kasi ako ang star!" Nakangising sabi naman niya matapos makabawi sa pagkakahampas ko sa kaniya.

 

"Starbutt, mukha kang pwet." A hearty laugh flew out of my mouth as I rested back in my seat.

 

"Tangina mo talaga, Gigi!" Nanggagalaiti na sabi nito at bago pa siya makaganti sa akin sa paraan ng isang malakas na hampas, narinig ko nalang ang isang pamilyar na boses na sumigaw ng pangalan niya.

 

"Somi! Subukan mong ilapat yang palad mo sa baby ko, sasakalin kita 100 times!" Narinig ko ang pagbabanta sa boses nito kaya naman napaurong si Somi at napanguso na parang bata na nakuhanan ng candy, napatawa naman ako sa itsura niya at nang-aasar na nginitian siya kaya naman inirapan niya ako, wala pala 'to, eh. Takot sa jowa ko, hah!

 

"Pwe! Ang papanget niyo, sana all may jowang magtatanggol." Parang nalugi na patutyada nito bago bumalik sa pagkakaupo niya. Ang nakakatawa sa itsura niya, mukha siyang naliligaw na bata na hindi alam kung ano ang susunod na gagawin niya, para rin siyang nanakawan ng kinakain niyang candy dahil sa haba ng pagkakanguso niya.

 

" to be you, Somilomi." Pang-aasar ko naman sa kaniya kaya naman inirapan niya ulit ako at kung pwede lang talaga mangyari, baka sa sobrang pagkapikon niya eh umikot na rin yung black ng mata niya sa may utak niya sa sobrang pagkakaikot nito.

 

Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil binalingan ko na ng tingin ang girlfriend ko na ngayon ay nakaupo na sa harapan ko habang pinagmamasdan ang mukha ko, napakurap naman agad ako dahil hindi ko naman inaasahan na tititigan niya ako ng ganon.

 

"Hi, baby. Naparito ka? Malapit na rin naman mag lunch break." Hindi pa naman namin lunch break pero wala rin naman kaming teacher kaya naman malaya siyang nakapasok sa room namin kanina na hindi ko agad napansin dahil nagbabangayan kami ni Somi, kung hindi ko lang narinig ang pagbabanta niya sa kaibigan ko, baka hindi ko agad namalayan na nandito na pala siya.

 

"Gusto lang kita i-check." Sabi naman nito at naramdaman ko ang kamay niya na nakahawak na ngayon sa kamay ko, mukhang may gusto siyang iparating sa sinabi niya at sa kung paano niya ako hawakan. "I know you're still sad because of what happened."

 

"Hmhm." I nodded my head while slightly squeezing her hands on mine. Ang cute niya mag-alala sa akin, nakatingin lang siya na para bang sinusuri ang mukha ko habang kinakagat ang ibabang labi niya na para bang may gustong sabihin pero napagpasyahan niya na huwag nalang ibuka ang bibig niya. Makikita mo sa mata niya ang pag-aalala at mababasa mo naman ang pinapahiwatig ng tingin niya. "It's. . . okay, I guess."

 

"We'll visit them naman pag nagkaroon ng time, or kahit sa Christmas break. Pwede rin sa weekend, I'll go with you." Mahinang sabi niya at naramdaman ko ang kamay niya na nasa pisngi ko na, napatingin tuloy ako sa mukha niya at nagtama ang mata naming dalawa. Napangiti nalang ako dahil sa sinabi pati na rin sa ginawa niya.

 

"Aww, thank you." Pinisil ko ang pisngi niya kaya naman napatawa siya at kinurot ang kamay ko. Ang cute cute talaga ng girlfriend ko, siguro bayani ako nung past life ko para ibigay sa akin si Ningning ngayon. "Siguro, nalulungkot lang talaga ako dahil hindi ako sanay. Simula nung magdorm ako, kasama ko na silang dalawa. Nasanay na ako na nandyan sila kahit minsan mahirap din na inaasikaso ko pa sila sa araw araw. Pero ngayon, wala na. Namimiss ko agad sila."

 

Hindi naman ako sobrang clingy na tao, pero talagang hinahanap hanap ko palagi ang presensya ng mga alaga ko, pati na rin ni Ningning. Sila lang yung wala akong reklamo kahit na dikitan nila ako bente kwatro oras, sila yung hinahanap hanap ko palagi sa tuwing gusto ko ng yakap.

 

Hindi ko naman pwede yakapin si Ningning hanggang pagtulog ko sa araw araw dahil hindi naman kami magkasama sa bahay, minsan nakikitulog ako sa bahay nila dahil kilala naman ako nila tita at ayos naman sila sa akin pero hindi naman pwedeng ganon ang set up palagi. Kaya ayun, sa araw araw sila Cooper at Lily talaga ang yakap yakap ko kaya naman malamang, maninibago ako na mag-isa nalang talaga ako.

 

"Miss ka na rin nila, baby." She gave me a warm smile while rubbing my hand with her thumb, it's soothing. "Bibilhan kita ng paborito mong pagkain para hindi ka na sad!"

 

Cutie.

 

Lalo na sa paraan ng pagkakasabi niya non, gusto ko nalang siya itago sa bulsa ko sa sobrang adorable niya, kitang kita ko pa ang gilagid niya sa pagkakangiti niya ngayon at nawawala rin ang mata niya, tao pa ba 'to?

 

I chuckled while pinching her cheeks, ang squishy talaga. "Sure, baby. Thank you."

 

Tinupad naman ni Ningning ang sinabi niya at hinintay niya na nga rin ako habang nakatambay kami sa classroom namin, nung mag break time na, magkasabay kaming bumaba dahil sila Somi eh may aasikasuhin pa raw. Yung iba naming kaibigan na sila Winter at Karina, for sure nasa cafeteria na iyon dahil hindi naman namin sila kalapit ng building. Nagkikita kita nalang kami kapag ganitong oras na.

 

Magkahawak kamay kaming bumaba papuntang cafeteria at binili niya rin ako ng paborito kong kainin tuwing lunch, rice in a box. May ulam ding chicken fillet tsaka iced tea. Hindi naman sobrang dami ng pwedeng pagpilian dito sa cafeteria namin pero marami rin naman akong gusto. Pero ito talaga pinakamadalas kong order-in dito.

 

Kumakain na kami rito sa usual spot namin, kasama si Winter at Karina na mukhang naghaharutan na naman kahit wala naman silang label. I chuckled at the thought. Mga duwag kasi, naghihintayan pa eh mukha namang gusto nila isa't isa. Yung isa torpe, yung isa naman pakipot.

 

"Baby, you want?" Napalingon ako kay Ningning nung alukin niya ako ng mais na may cheese, ngumiti naman ako sa kaniya dahil ang cute niya habang inaalok ako, ngumunguya pa siya at nakatingin sa akin na parang bata. Lahat naman ng ginagawa niya kahit sobrang simple lang at normal sa iba, natutuwa at nacucute-an ako, eh.

 

"Penge ako konti." Sambit ko naman at ngumanga dahil nakita kong susubuan niya ako, nagpasalamat ako sa kaniya nung masubo ko na habang ngumunguya. "Thank you, baby!"

 

"You're welcome." She giggled bago uminom ng lemon juice. "Hoy, kayong dalawa, saan kayo pupunta after school?" Baling naman niya sa dalawa naming kaibigan sa harapan namin. Hindi ko na muna sila pinansin at kumain nalang ako. Naalala ko tuloy si Cooper, madalas iyon nakatingin sa akin kapag kumakain ako pero kapag binibigyan ko naman siya hindi naman niya kinakain. Si Lily naman, masyadong hyper at tumatalon talon pa kapag nakikita akong kumakain, kapag binibigyan ko siya kinakain namain niya pero pagtapos non goods na siya at matutulog na.

 

Kahit sa simpleng pagkain ko na wala namang kinalaman sa kanilang dalawa, naalala ko pa rin sila. Hay, iniisip ko palang na walang sasalubong sa akin pagkauwi ko mamaya nalulungkot na ako.

 

Napabuntong hininga nalang ako habang napapailing, mukhang kailangan ko lang ng distraction para hindi ako masyadong malungkot.

 

"Baby?" Nabalik naman ako sa ulirat ko nung maramdaman ko ang mainit na palad ni Ningning sa may kamay ko, hawak hawak na pala niya ang kamay ko sa ilalim ng lamesa kaya naman napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakatingin na pala siya sa akin, pati na rin ang dalawa kong kaibigan sa harap namin.

 

"Hmm?" Sagot ko naman sa kaniya at nginitian siya, may sinasabi ba siya? Hindi ko narinig.

 

"Okay ka lang ba? Nakatulala ka riyan tapos bigla bigla kang bubuntong hininga." Concern na sabi naman ni Karina kaya napalingon din ako sa kanila, bumungad sa akin ang nag-aalala nilang tingin kaya naman napatawa ako.

 

"Okay lang ako, ano ba kayo." I grinned as I shook my head, "May sinasabi ba kayo? Hindi ko narinig, eh."

 

"Pupunta kako kami sa karaoke mamaya, sasama ba kayo ni Ningning? Tinatanong ka ng girlfriend mo, hindi ata sasama pag hindi ka sumama." Sagot naman ni Winter pagkatapos uminom sa C2 niya. "Mukhang need mo rin magsaya, Gigi. Ang lungkot ng awra mo, makikita mo rin si Cooper at Lily, sabi ni Ningning pupunta raw kayo sa bahay niyo sa weekend."

 

I heaved a sigh, "Masasanay rin ako. . ." Tumingin naman ako kay Ningning na tahimik lang na nakatitig sa akin, umukit naman ang ngiti sa labi ko dahil mukhang nag-aalala na naman siya. Ayoko naman na isipin niya ako palagi, hindi ko lang talaga maiwasan na 'di maisip ang mga babies ko pero magiging ayos din naman ako, bago bago lang kasi kaya naman nag aadjust palang ako at namimiss ko talaga sila.

 

"Baby, sumama ka na kayla Winter. Hindi muna ako makakasama, gusto ko magpahinga." Matamlay na sambit ko naman at tinignan yung dalawa sa harap namin, "Kayo nalang maghatid kay Ningning ha—"

 

"Hindi nalang din ako sasama." Naputol naman ang sinasabi ko nung magsalita si Ningning sa gilid ko, "Next time nalang siguro kami sasama. Sasamahan ko nalang si Gigi sa dorm niya."

 

Napailing naman ako, ayoko naman na hindi siya sumama dahil lang sa akin. Wala namang kaso sa akin, talagang pagod lang ako ngayon at wala ako sa mood na kumanta at magsaya. "Baby, huwag na, okay lang naman ako mag-isa, mag-enjoy ka na kasama sila Win."

 

Pero mukhang desidido na si Ningning at hindi na magbabago ang isip niya dahil mabilis siyang umiling at humigpit din ang kapit niya sa kamay ko, "Hindi, baby. Next time nalang tayo sumama kapag okay ka na."

 

"Ayos lang naman 'no! Magpahinga nalang kayong dalawa." Sabi naman ni Karina at hinawakan ang  isang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa, "Magiging ayos ka rin. Makakaadjust ka rin sa sitwasyon, normal lang yan sa umpisa. Makikita mo pa rin naman sila."

 

"Oo nga, tsaka pwede nyo naman kami tawagan anytime kapag gusto niyong gumala at magsaya. Libre naman kami, sama pa natin sila Somi. Pero sa ngayon, magpahinga ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
MinYul_Ssamyen #1
kilig aq,,,
ningsellex
#2
Chapter 1: This is soooo good! I swear. Thank you for writing this, my ship is so underrated huhu.
toranahae
#3
Chapter 1: Binabasa ko ulit, kinikilig talaga ako amp.
YuJiministheStandard
#4
Chapter 1: Laging tinatanong ni Giselle kung anong ginawa nya nung past and bakit nya daw nakuha si Ningning. Baka ikaw si Jesus dati, kaya nakuha mo si Twinkle. Lord, hingi naman dyan ng relationship like them. 🤧
thatsnoneofurbusines
#5
Chapter 1: ang cute cute 😭❤️
ireneology
#6
Finallyyy, a ningselle oneee.
KIMW1NTER
#7
Da best ka talaga 💅
itsminju
#8
Excited ako sa mga susunod mong one shots especially sa ningselle kasi ang underrated nila huhu.
aerinyourarea #9
Chapter 1: Naiimagine ko si Ningning na tumatahol pls HAHDHWHSHHS
aerinyourarea #10
Chapter 1: Ang cute gagu 😭