Chapter 5

HELLuva Surprise (On Hold)
Please Subscribe to read the full chapter

 


"Hubby, are you sure kaya mong ihandle ang lahat?"

 


"Yes. Nauna nang nadeliver yung mga sofa and other furnitures, Giselle is in charge of arranging things dun while ako bahala sa kambal"

 


Bumuntong hininga si Winter at tinignan ang asawa na ngayon ay naka pambahay lang at bitbit si Irene habang binabalanse si Seulgi sa balikat niya. Lately kasi naging malikot na ang kambal, nag aattempt nang maglakad.

 


"Okay, I'll guess I'll see you mamaya"

 

 

"Yes. Ingat ka Wifey, say babye na kay Mommy"

 


Excited namang nag lean forward si Irene at nagbigay nang open mouth kiss sa pisngi ni Winter habang si Seulgi ay nag open mouth kiss sa ilong nang Ina at napatawa yung dalawang sa kanilang bunso.

 


"Seulgi, Hindi mamam ang ilong ni Mommy"

 

Hiniwalay na ni Karina si Seulgi habang sinuot na ni Winter ang sapatos eh dun na nagreach out ang kambal.

 


"Uh oh, mukhang ayaw ka nilang umalis" 

 


Si Winter naman eh parang gusto niyang magstay nalang sa bahay at samahan ang kambal, pero dahil kaka promote niya lang eh kailangan niyang pumasok.

 


"Mommy needs to go na okay? Magpakabait kayo kay Mama ha? I love you" 

 


Hinalikan na niya ang kambal at out of instinct eh nahalikan niya si Karina sa pisngi, much to their surprise.

 


"U-um mauna nako. See you later"

 


Dali daling lumabas si Winter habang nakatulala lang din si Karina sa nangyari. Sa sobrang pagkatulala eh di niya naramdamang kinakagat na ni Seulgi yung tenga niya at panay silip ni Irene sa sando niya. Ilang minuto pa bago siya bumalik sa katinuan. 

 


"You're Mommy has an effect on me... Oh! Muntik ko nang makalimutan, it's mamam time"

 

At dun na pumunta si Karina sa kusina para pakainin ang kambal.

 

 

 

            Winter's PoV:

 

 

Kakarating ko lang sa office namin nang makasalubong ko si Ningning, yung bff ko since highschool.

 


"Good morning bakla! Glowing natin ngayon ano?"

 


"Magandang araw din Ning, maganda lang gising ko these days"

 


"Taraaaay feeling ko meron kang chika sakin, spill the tea naman" 

 


Oo ngapala, di ko pa nasabi sakanya na well kasal nako at may anak. Pero di naman judgerist tong bff ko, masyadong open minded at maintindihin kahit parang ewan minsan. 

 


Pumasok kami sa office ko and nilock ko muna ang pinto bago magsettle sa chair ko habang si Ning at umupo sa couch sa harapan nang desk ko.

 


"Ning, whatever I'll say stays within this room okay?"

 


"Ay ano yan? Sumali ka sa illegal gawain?"

 


"Wha- No! Jeez hindi yun"

 


"May ka one night stand ka? Ano, talong o monay?"

 

 

"Yizh-"

 


"hoy baka buntis ka? Ninang ako ha!"

 

 

"Ning Yizhuo! Please! Calm your tatas.. jusko"

 

 

Napahilamos naman ako nang mukha sakanya at siya tawang tawa naman. Napaka ewan naman talaga nitong kaibigan ko.

 


"Highblood ka naman masyado baks, sige na nga kwento mo na"

 

 

Ayun, kinwento ko sakanya yung nangyari sakin in a more understandable manner kasi puro "ha? Ano?" At occasional gulat niya kaya nadidistract ako sakanya.

 


"Let me get this straight kahit bakla ka, You, nung last day off mo, somehow became an instant Mom to two adorable angels tapos may bonus pang blonde emo looking baby sitter-"

 


"Guardian hindi babysitter"

 


"-okay okay guardian. AND you're married to a Hot demonic lord from hell who's the daughter of Luci-"

 


Pinandilatan ko siya, bawal kasi banggitin pangalan ni Dad sabi ni Karina, kasi names held power kamo. Kaya big no no to reveal the demonic names unless you're in Hell.

 


"-I mean LuLu and LiLi and somehow ikaw ang daughter in law nila?"

 


"Yes. Nasa call me Dad and Mom narin phase ako sakanila"

 


"Ay iba diiiin. Pero teka, alam naba nina Tita Taeng at Tiff to? I mean they need to know the latest "upgrade" sa buhay mo"

 


"I did technically told them nung nag one month na kasama ko yung pamilya ko. They were stunned actually except kay Ave, she considers it cool how I'm a demon's wife. Alam mo naman yung kapatid kong yun, ang nerdy and into fantasy books"

 


"That's good I guess. Pero kamusta sila ngayon?"

 


"Ayun Mommy Tiff is okay, excited silang makilala ang kambal at yung asawa ko. Well si Ave gustong gusto niyang makilala si Karina para magtanong about her.. demonic life pero si Pops.."

 


"Nag aadjust pa no?"

 


"Oo. Nageexpect kasi siyang magaasawa ako mga 30's na pero di niya inaasahang pamilyado nako at just 26"

 


"Well knowing Tita, ever since bata pa tayo grabe yung devotion niya sainyong magkapatid so di ko siya masisi dun. Pero atleast diba, nag aadjust na siya"

 


Tumango lang ako at narinig kong tumunog ang intercom ko at nagsabi ma lahat nang department heads ay may board meeting, at dahil head ako nang HR habang si Ning ay sa Accounting, ay sabay kaming pumunta sa board room.

 

 


~ Fast Forward after the said meeting~

 

 


"Aaaaah ang haba nang meeting buti nalang na survive ko siya"

 


Umiling ako kay Joanne, yung head nang marketing department habang naglalakad kami palabas nang board room kasama din si Ning.

 

 

"Halos wala ka namang ginawa, pasimple kalang naman na tumutulog dun"

 

 

"Napuyat kasi kakahintay na umuwi si jowa galing flight niya kaya inaantok pa ako"

 


"Napuyat kaba talaga oh ikaw ang pinuyat?"

 

 

"Aba Wintot porket may nag put a ring on it na sayo ginaganyan mo na ako? Ang road mo"

 


Natawa nalang kaming dalawa ni Ning sakanya. Apaka ewan niya din pero cool niyang kasama.

 


Nang makadaan kami sa lobby ay tinawag ako ni Ate Sana yung receptionist namin.

 


"Ma'am Winter, may nagaantay po sainyo sa office niyo. Mukhang hinahanap ka kanina pa"

 


"Ganun ba? Ah sige Thanks Ate!"

 


Curious naman akong pumunta sa opisina ko at nakabuntot lang ang dalawa. At nang makarating ay nanlaki ang mga mata ko nang may dalawang bata na nakaupo sa desk ko mismo.

 

 

"Irene? Seulgi? Anong ginagawa niyo dito? Teka- pano kayo nakarating dito?!"

 

 

And them being still babies eh tumatawa lang sila with matching clap pa.

 


"OMG! BAKLA! yan na ba yung mga babies mo?"

 


"Teka, parang may namumukhaa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
WRiskwerd
Pasensya uli if may typo or wrong grammar, I'll edit it after 🤧



I hope you enjoy the update!

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
#1
Chapter 14: GAGOOOO BUNGAD BSKSKSJSHHUHUHU PREGGY NA SI WINTOT EBARG NAMAN TALAGAH
kwinminjeong
#2
Chapter 6: napa wow ako sa revelations ah jsjsnskznsjsh gudlak din pala sa panliligaw rinrin
kwinminjeong
#3
Chapter 3: omg,, u ka talaga jaehyun
kwinminjeong
#4
Chapter 1: ang kilig ko gague una palang ha SNEKZNKSBSUHUHUHU
YuJiministheStandard
#5
Chapter 21: Madam, buhay ka pa ba? Miss na kita, bumalik ka na. When po ang ud? Miss ko na yung kambal. Huhu
Jiminez #6
🤞🥺
Emgeelex
#7
Chapter 21: Hala you're back po!!! I missed this a lot po eh 🥺🥺 thank you for the update po!
Maatt_booii #8
Chapter 21: Welcome back otor!!
u_ujiman #9
Uy wow, nag update. Welcome back po!
YuJiministheStandard
#10
Chapter 21: Welcome back, author! I miss the kambal huhu. They are still cute as usual. Pregnant Winter is adorable. Kamuka na naman ni Karina yung other set of kambal, sya pinaglilihian eh. Siguro si Wendy and Joy na to. HAHAHA Isang genius tas isang troublemaker. Ang amusing ng powers ng kambal. Judy is Chaer for sure. I hope na something bad will not happen to them. Buntis pa naman si Winter, jusko po.