shh

in ways only we understand

 

“Pulutong pito, humanay!” nakapaligid ang officers ng group namin ngayon, checking our distance from each other. Ryujin’s counting sa harap habang inaassemble namin ang group.

 

Mukhang maayos naman ang pagkakapila namin dahil wala silang sinita.

 

“Lakad patakda, ‘kad!” that’s Ryujin’s resounding voice. Talo niya pa ang sama-samang boses ng ibang scout leaders.

 

“Pasulong, ’kad!”

 

“Pulutong, hinto!”

 

“Tikas, pahinga!” last command ni Ryujin sa amin bago tumalikod para haplusin ang lalamunan niya. Kita namin ang pagtapik niya sa balikat ni Winter habang tumatawa, “Kanina pa ako nagsasalita, kayo naman.”

 

Naglalakad-lakad pa rin sina Jeno, tinitingnan siguro nila kung may nagkamali sa paglalagay ng kamay nila sa likod. “Ang lapad naman n’yan,” sita niya sa paa ng lalaki sa harapan ko.

 

“Right hand over left!” paalala ni Doyeon sa mga nakapila sa likod.

 

Tapos na namin ang lahat ng activities for today pero pansin kong hindi gano’n kapagod ang group namin kumpara sa iba.

 

“Sino-sinong marunong magluto rito?” si Winter na ang nagsasalita habang nakatayo sa likod niya ang scout leader namin.

 

Marami namang nagtaas ng kamay. Natuwa nga kaming lahat dahil maganda ang grupo namin. Marami rin kaming naipanalong challenge kanina kaya maganda ang mga sangkap na nakuha namin.

 

“'Yung matitira, kay Ryujin kayo. Samahan ‘nyo siyang magligpit,” natatawang tulak ni Winter dito.

 

“Ano palang gusto ninyong ulam? Sa dami ng napanalunan natin, p’wedeng tatlo ang irequest ‘nyo.”

 

Ang napagkasunduan ay mga ulam lang na madali at mabilis lutuin. Isang oras lang din kasi ang binigay sa ‘min to cook then another hour to eat and clean.

 

Nang mafinalize na ng officers namin kung paano kami ididistribute sa task for tonight, “Pulutong pito, humanda!”

 

Standing straight, feet in 45 degrees, and fists on our sides, habang nakatingin sa flagpole to avoid looking at the eyes of our officers.

 

“Walang bilang.”

 

“Walang bilang,” sabay-sabay naming bigkas, acknowledging Ryujin’s command.

 

“Harap sa likod, ‘rap!”

 

“Lumansag,” hindi pa ako nakakatakbo paalis sa field nang maramdaman ko ang pagkapit ni Yeji sa ‘kin. Katabi ko lang din kasi siya gawa ng height namin.

 

“Kay Ryu ka, right?” Umiling ako, “I’m with Doyeon. Kami raw sa rice.” She groaned, “Gusto ko sa group ng mga magliligpit para makapagpahinga muna ako.” resting her weight on me as I drag her papunta sa platoon.

 

I eyed Yeji, asking kung ‘yun ba talaga ang reason kung bakit gusto niyang maglinis na lang, “Totoo nga!” Tinawanan ko lang siya, “Sabi mo eh,” mapang-inis kong kibit-balikat. Ramdam ko ang pabiro niyang sabunot sa akin. Gulat akong napalingon sa kanya, “Ang pikon naman!”

 

Siya naman ang tumatawa ngayon habang inaayos ko ang pagkakapusod ng aking buhok. “Sina Gi?” tanong ko.

 

“Kay Winter din.”

 

“Hwang at Yu, bilisan ang kilos,” napatingin kami sa likod nang biglang magsalita si Winter. May kasunod siyang mga lalaking member papunta sa scout master. Mukhang kukunin na nila ang mga napanalunan namin.

 

"Ma'am, yes, ma'am!" saludo namin sa kanya. Kung sa klase, kayang-kaya namin siyang inisin, dito, hindi p’wede. Tinulak na ako ni Yeji, “Bawian mo na lang sa Monday. ‘Yan kasi, hindi ka nag-officer.”

 

Pigil tawa akong umiling kay Yeji habang hila ko siya.

 

Pansin kong hindi naman nagluluto si Winter, sa halip ay isa siya sa mga nagpapaliyab sa apoy. Gumawa sila ng tatlong kalan de kahoy para sabay-sabay maluto ang kakainin namin.

 

“Winter,” lapit ko sa kanya. Tiningala niya ako dahil nakasquat siya habang binabantayan ang iniihaw nilang isda, “Hmm? Luto na ‘yung kanin?” Umiling ako, “Malapit na,” wika ko bago iabot sa kanya ang face towel. “Anong gagawin ko rito?” nakangiti niyang tanong.

 

“Pamunas siguro ng pawis?” irap ko sa kanya. Agad na tumawa si Winter kaya pinanlakihan ko siya ng mata bago pa magtaka ang iba. Kanina pa kasi siya seryoso dito tapos biglang tatawa. “Pinapaabot nina Ryu,” turo ko sa scout leader namin na may towel din sa balikat habang umiinom ng tubig.

 

“Wala akong water?” tanong niya nang makatayo siya. “Kuha lang ako,” wala na rin naman kasi kaming ginagawa. Pinagpapahinga na lang kami ng mga scout leaders. Nakaupo na nga sa mga troso ang iba, nakikipagk’wentuhan na sa ibang mga grupo.

 

Nakasalubong ko pa si Ning na kukuha rin ng tubig pagkakuha ko sa aking water bottle. “Pagod?” tanong ko sa kanya habang nakaakbay. “Mabigat, Rina. Ang sakit na ng katawan ko,” waksi niya sa aking braso. Nakangiti akong nagmouth ng sorry bago kunin ang hawak niyang tumbler, ako na ang kumuha ng tubig para sa kanya.

 

“Kasama ka ba namin sa tent?” She heaved a very long sigh; natawa na lang tuloy ako. “How I wish! Bakit kasi ako naiba ng platoon eh,” reklamo niya. Iniabot ko na sa kanya ang tumbler niya para si Winter naman ang maikuha ko ng tubig.

 

“May task ka pa?”

 

“None na, why?” Nang mapuno ang bote ay kumapit ako sa braso niya, “Guluhin natin si Winter.”

 

“Win,” tawag ni Ning sa kanya. May nakalagay ng log sa harap ng mga kalan de kahoy, “Hapong-hapo ka ah?” bati niya kay Ning. Umusad si Winter, making space for the two of us. Nauna akong umupo, dahilan para mapagitnaan nila akong dalawa.

 

Binuksan ko na ang water bottle bago ito ibigay sa kanya. “Manghihingi ako ng ulam mamaya ha? Dapat bigyan mo ako,” dungaw ni Ning sa kanya. Tiningnan ko sina Giselle na nagsesetup na ng banana leaves sa table.

 

Tumango si Winter habang lumalagok ng tubig. Binalik niya sa akin ang water bottle bago pihitin ang mga iniihaw niyang isda. “Two minutes na lang siguro,” lingon niya kina Jeno na ibang ulam naman ang binabantayan.

 

“Rina!” agad akong tumayo nang tawagin ako nina Gi. “We have chicharon from Bulacan!” wagayway nila ni Yeji sa mga pack nito. “Pahingi ako!” takbo ni Ning palapit sa kanila nang makita niyang namamapak na ang iba sa likod ng dalawa.

 

“Tingin mo manghihingi pa ‘yon? Namamapak na eh,” pukaw ni Winter sa atensyon ko. “Yup, she likes what we’re having,” muli kong inabot sa kanya ang bottle. “Thank you,” ngiti niya sa akin.

 

“P’wede ko na bang kunin ‘to? Para maayos na namin sa table,” nagsignal siya ng wait gamit ang palad niya. Hinintay kong maubos niya ang tubig bago tumayo. Pinahawak niya sa akin ang bilaong paglalagyan ng mga inihaw bago hanguin ang mga isda.

 

“Mainit ba?” umiling ako. Sa gilid naman ako nakahawak kaya ayos lang.

 

“Una ka na. Ligpitin ko lang ‘to.” Pinanlisikan ko siya ng mata, “Winter, may magliligpit n’yan.”

 

Napakamot siya sa batok, “Okay, okay. Pero assist ko pa rin sila.” Umalis lang ako after lumapit ng mga assigned to clean.

 

Kasama si Ryujin do’n to double check their work kasi may fire na involved. “Pakurot sa fish,” akma niya nang masalubong ko siya papunta sa table. “Madumi kamay mo, Officer Shin,” tukso ko sa kanya. Nginisihan niya ako, clicking her tongue, “Ang damot ‘nyo ni Yeji! Pagod kaya kami.”

 

“Ginusto mong mag-officer,” bangga ko sa balikat niya. “Hindi ko ginustong maging leader,” tulak niya sa ‘kin palayo. Lumingon ako to check kung nagliligpit rin si Winter.

 

Nakatingin siya directly kay Ryujin na nakaturo naman sa akin, “Siya nagsimula!”

 

---

 

Mga sampung minuto na rin siguro akong nakatingin lang sa kisame habang nagsesettle pa ang iba naming kasamahan sa campsite. May nakikita pa akong mga anino sa labas ng tent namin.

 

“Sino nga ulit 'yung officer na assigned sa atin?” tanong ni Gi. Naka-on pa ang flashlight sa tabi niya dahil nag-aayos pa siya ng higaan. Habang inaassemble namin ang tent na ito kanina ay doon lang inannounce kung saan, at kung sino-sino ang kasamahan naming matutulog.

 

Hinahati kasi ang bawat scout officer ng mga pulutong. Hindi ko rin alam kung sinong nakaassign sa amin dahil kasama kami ni Giselle sa mga unang nagpalit ng pantulog after ng kamayan (boodle fight).

 

Anim na tao lang ang kasya sa tent na ‘to. Hindi ko na sigurado ang sa iba. Sinigurado kasi nila na hindi siksikan kaya marami-rami ang tents na gamit namin.

 

“Rinig kong sabi ni scout master, si Winter daw ang bahala sa atin.”

 

Napabangon ako sa narinig ko. In-on ko ang flashlight na nasa ilalim ng aking unan. “Grabe 'yon!” sita sa akin ni Giselle. “You okay, Rina?” napipikit pang tanong ni Yeji.

 

Bawat isa kasi sa kanila ay pinasadahan ko ng ilaw. Lima na kami sa tent: si Gi, si Yeji, si Lia, si Chaer, at ako.

 

Tiningnan ko silang lahat. At nang maconfirm ko ang sagot sa tanong ko'y napalunok na lang ako ng laway bago sila tanguan.

 

Bumalik ako sa pagkakahiga pero sa pagkakataong ito, gising na gising ang diwa ko. Pati tibok ng puso ko'y ayaw magpaawat.

 

Ibig sabihin ba noon, sa akin siya tatabi?

 

After 20 minutes, isa-isa nang namamatay ang ilaw sa labas. Tanaw ko pa ang dalawang tao na nag-uusap sa labas ng tent namin. Hulma pa lang ng anino nila, alam ko na kung sino sila. Unan lang ang kita kong dala nila.

 

Rinig ko ang mahinang paghila ni Winter sa zipper ng tent. Tinutok niya sa itaas ang flashlight na hawak niya para hindi maistorbo ang iba. Nang makarating siya sa p’westo namin, “Sorry. Nagising ba kita?”

 

Umiling ako bago pumikit. Ramdam ko ang mga kilos niya kahit na malumanay naman niya itong ginagawa. In-off na niya ang ilaw nang makahiga siya sa tabi ko.

 

“Gising ka pa?” pabulong niyang tanong. “Hmm,” tahimik kong tugon.

 

Matulog ka na.”

 

Nakatingin na pala siya sa akin paglingon ko. Nakapatong ang ulo sa isang braso, “I'm trying to, Win. Kaya ‘wag ka na maingay.”

 

“Win lang?” ngisi niya. Inihilamos ko sa kanya ang kamay ko pero hindi ko ito binawi. The next thing I know, nakalapat na ang dila niya sa palad ko dahilan para mabilis ko itong tanggalin sa mukha niya.

 

Gigil ko siyang kinurot sa tagiliran habang nagpipigil siya ng tawa.

 

“Madaya ka. Why didn't you tell me na ikaw ang assigned sa amin? Na katabi kitang matutulog?” nakapout kong reklamo sa kanya.

 

“Walang element of surprise doon, baby,” may katagalan ang pagtitig niya sa akin bago ako ngitian. “Sleep ka na, maaga pa tayo bukas,” pag-ayos niya sa aking kumot. Pero bumangon ako kaya nagtataka niya akong tiningnan.

 

Hinila ko rin siya paupo bago ako mahigang muli. Ipin’westo ko ang left arm ko para unanin niya, “Lay down na, baby,” tahimik kong bulong. Napakagat si Winter sa lower lip niya bago tuluyang mahiga.

 

“Hindi utos ng scout officers ‘yung towel,” pag-amin ko kay Winter nang yumakap siya sa ‘kin.

 

“Alam ko.”

 

“Tinanong mo si Ryu?” ramdam ko ang pag-iling ni Winter. “It smells like you. Of course, I would know.”

 

“You’re not that slick, babe. Not that slick,” tawa niya sa gawing balikat ko. Ramdam ko pa rin ang init ng hininga niya kahit makapal ang suot kong damit.

 

Hindi na ako nakipagtalo pa dahil alam kong maaga pa silang gigising bukas. “Bagay na bagay talaga sa ‘yo ang scouting uniform natin, baby,” bulong niya.

 

“I know. Shh na, Win,” marahang tapik ko sa kanya to help her fall asleep agad. Nang maramdaman ko ang change sa paghinga niya, hinawi ko ang buhok na tumatabing sa mukha ni Winter.

 

“Mali ka. The uniform is very bagay sa ‘yo. I like it when you lead, baby.” I say before falling asleep.

 

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang pagtunog ng alarm ni Winter. Tulog pa rin siya sa tabi ko. Iginala ko ang tingin ko sa mga kasamahan namin, mukhang wala namang nagambala ang alarm niya.

 

In-off ko na ito bago ko siya ginising. “Baby,” alog ko sa braso niya. “Hmm..,” kita ko ang pagkunot ng noo niya dahil nakatagilid siya paharap sa akin. “Wake up na. 2:55 na, Win,” nagkusot na siya ng mata na agad ko namang inawat. “Don't do that,” tapik ko sa kamay niya.

 

“Good morning, baby,” nakangiting bati niya sa akin nang idilat niya ang mga mata niya habang nakatitig. Hinila ko siya paupo, “Good morning—” napahinto ako nang may magtapat ng flashlight sa tent namin.

 

Bahagya tuloy akong napatawa nang ibalik ko ang atensyon ko kay Winter. “Tayo ka na,” but she didn't bother to move. “Kapag kami nalate mamaya, idadahilan ko na late ka ring lumabas,” ngisi ko sa kanya.

 

She's still pouting. Her eyes, blatantly staring at my own pair as if she's requesting for something na ayaw naman niyang i-verbalize.

 

Napailing na lang ako nang mapagtanto ko kung ano.

 

I gently held her head as I leaned in, placing a soft kiss on Win's forehead. Pagdilat ko, nakangiti na siya. Sus, 'yun lang pala ang gusto, ayaw pang sabihin.

 

“Hindi na ako maghihilamos,” pilyang ngiti niya sa akin.

 

Kagat ko ang aking labi habang pinandidilatan siya. Tahimik na tumawa si Winter, naniningkit ang mga mata. “I'll go na. Balik ka pa sa tulog, may 1 hour pa kayo,” hawi niya sa buhok ko bago tumayo. She made sure na nakahiga na ako, at maayos nang nakataklob ang kumot sa akin bago siya lumabas.

 

---

 

No one knows na we’re a thing. Ang alam lang nila, paborito naming inisin ang isa’t isa. “Cold coffee for Karina Yu kasi late siyang bumangon,” abot niya ng paper cup sa akin nang makalapit ako sa kanila.

 

Ngayon ko lang naaninag nang mabuti ang suot niyang pantulog kagabi. She’s in her ternong gray sweats paired with her infamous mischievous smile.

 

Kinuha ko ang mainit pang kape sa kamay niya before standing behind her. Inakbayan ko siya, placing my face near her head. I take in her scent, “You look this cute pala in the morning, baby.”

 

Hindi siya pabulong. Nang lingunin niya ako ay sinimulan ko nang inumin ang bigay niyang kape.

 

Kinindatan ko si Winter. Natawa na lang ako nang maramdaman ko ang mahina niyang suntok sa braso ko.

 

“Scout master! May namimisikal pong officer dito,” nakangisi kong sumbong.

 

“Nagsisimula na naman kayo!” sabay-sabay na tawa ng mga kaklase namin mula sa iba’t ibang grupo.

 

Nang magtama ang mga mata namin ni Winter ay pareho na lang kaming napahalakhak. Muli ko siyang inakbayan, “Little did they know, nilalandi mo ako kaya kita sinuntok.”

 

“Did you wash your face?”

 

“Hmm. But not my forehead,” tawa niya.

 

“Paano kapag naligo ka?”

 

“You have to kiss it again.”

 

“I’d love that,” pabiro kong headlock sa kanya.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Luwijen
#1
ano ba yan ang cute naman
TakuyaKen
#2
Chapter 1: uy ang cute ng ganito n secret relationship hehe
seulreneislife #3
Chapter 1: KILEEEEEGGGG SHUTA HAGSHSJSHSIAJS😩
HelloMango
#4
Chapter 1: Officer ren nmn ako noon pero bakit sa dami ng sipsip sakin noon wala man lang nag-abot ng mabangong towel
JiminJeongXXXXX
#5
Chapter 1: Naalala ko tuloy ng nag C.A.T ako nung grade 9 and 10. Pero wala akong bebe
Myoui_Son324
#6
Chapter 1: Kinikilig ako mga bakla 🗣️😭
u_ujiman #7
Chapter 1: ang cute huhu
theia-quinn
#8
Chapter 1: nawindang ako sa mga commands but aaaackkkk the feels grabe
TYTFshipper
262 streak #9
Chapter 1: Ganon kahimbing yung tulog nung lima nun? Wow naman HAHAHAHA PERO OKAY PO SILA NA ANG TUNAY NA NINJA COUPLE DITO 🤧💕 char hahahaha
laiihugs #10
Chapter 1: grabe n....,