Ate cutie?

Tara Gala! Walang Ayawan!
Please Subscribe to read the full chapter

Hello! Paano ba magsimula ng story? Tamang sulat lang dito tapos ayun na? Joke!

        Ako nga pala si Yu Jimin, mas kilala bilang Karina Sanchez. Joke lng hoy! GInagawa ko lang naman 'to kasi bored ako. Tamang sulat dito at doon onti na lang itatry ko na rin mag madre para naman dagdag points sa taas hmp! So ayon, gabi na at wala akong magawa kahit gagawin pa talaga akong requirements. Late na ko nakapagsimula sa story pero sige! Samahan niyo ko magdusa sa pagiging STEM student. Mahilig ako gumala, halata naman sa title kaso wala akong jowa HAHAHA pake ko, magpapayaman tayo noh! 

        Kaya lang naman ako nandito ngayon kasi gusto ko maglabas ng saloobin HAHAHAHA gagawin nating story ang mga nangyayari sa aking life. Oh diba, sosyal like Heart Evangelista? CHOZ. So ayon kaya nga ganon title kasi bawat gala natin, maghahanap na rin tayo ng bebe. Sasamahan niyo akong gumala kahit saan.

        Handa na ba kayo?

        Dapat hindi! Kasi samahang single 'to HAHAHAHA joke lng hoi

        Tara na nga! Simulan na natin ang kwentuhan.

 

-- P.S Papalitan ko mga pangalan ng lugar ha? Ayoko mahunting 

-otor ror ror

 

 

Hinatid na ko ni mama kasabay yung kapatid ko na si Ate Irene sa bago naming school. Alam niyo ba, yung tuition dito 30k pero yung lugar kala mo tirahan ng mga mangkukula-- *binaril. Charot! Pero sabi nila yayamanin daw 'tong school na 'to at marami raw rich kid dito. Well, di sila nasisinungaling karamihan ng pumapasok puro naka kotse at sosyal neto, may I.D scanner! Naka tricycle lang kami at 'di ko kinakahiya yon! HIndi lng talaga marunong magdrive si mama ng kotse. Saka bakit magkokotse pa eh 5 minutes lng naman layo ng school sa bahay namin. Sabi ni mama uwi na lang daw kami dalawa mamaya dahil magluluto at maglilinis pa raw siya ng bahay. Eh dahil dakilang gala ako, pupunta ako ng plaza after ng orientation.

Alam niyo ba nung una ayoko talaga pumasok dito? Pero nakakagulat, pumayag sila mama at papa kahit 30k per student yung tuition!

Bumaba na kong tricycle at nagpaalam na kay mama. Hiwalay na kami ng landas ni ate Irene kasi first year of college siya tapos ako grade 11, STEM student. OO STEM KASI EWAN KO! DEMONYO KASI SI GISELLE!

"Good morning! Bago ka ba rito?" Mukhang mabait si kuya guard! Matanong nga yung room na wisdom. Well, 'di naman 'to catholic school kaya may freedom ang mga students. Ayun nga lang mahigpit daw sa cutting ang school na 'to. Di madali makalabas kasi cctv everywhere.

"Opo kuya. Saan po yung section wisdom? Grade 11 - STEM po" Sira kasi si Giselle, late na naman. Lagi na lang! Magtatime na oh.

"Akyat ka lang sa hagdan na 'yon tapos kumaliwa ka tapos dere-deretso. Makikita mo na. Goodluck sa first day! Buti na lang Orientation lang kayo ngayon." Okay, gusto ko na maging tropa si kuya guard!

"Salamat po kuya!" 7:15 na hala! Late na si Giselle, bahala siya! 

Ay wow, ang dami rin palang estudyante dito. Pagpasok na pagpasok mo makikita mo na yung canteen saka office ng mga teachers tapos may cctv agad luh. Ang dami rin kiddie meals dito. Sabagay, halo-halo yung mga estudyante dito. 

"Hello? Baguhan ka lang ba dito?" Hoy ang cute naman netong estudyante na 'to. Bago lang din siya, ano kaya grade neto.

"Anong grade ka ba?" Inabot niya sa akin schedule niya. Wait, parehas kami huhu thank you lord di po ako ma sstuck kasama si giselle!

"Ay tara! Sabay ka na sa akin. Parehas pala tayo sa lahat ng subject eh." Ngumiti na lang siya sa akin at sumunod.

"Ningning nga pala. Ikaw?" Ang cute niya talaga tingnan. Naka white shirt siya tapos naka jeans since ayon sabi ng school. Okay, medyo mahigpit din pala.

"Jimin. Karina na lang!" Napapagod na ko kakaakyat ng hagdan AHHHH! Ang taas naman kasi! Pero teka, ansabi na nga pala ni kuya? Saan daw? Kaliwa? Kanan?? Wala talaga akong sense of direction kaya pati buhay ko sa iba lumiliko. CHAR HAHAHAHA

"TABI!!!" Sigaw ng isang estudyante na may dalang mga libro. Akala ko ba orientation bakit ang daming dala neto? 

"SA MGA GRADE 11 STEM - WISDOM SECTION, SIMULA NA RAW ORIENTATION!!!" Ay lah late na kami! 

"Karina! Tara na!" Nakita ko na rin si Giselle, late, gulo-gulo buhok. Ano 'to sumabak ng giyera? 

"Tara ning sundan na natin sila! Saka hoy, Giselle! Late ka na naman!" Sigaw ko kay giselle habang hila-hila si ningning.

Nakarating na kami ng room. Buti na lang nakaabot pa kami kahit limang minuto kami tumakbo. ANG LAYO NAMAN KASI! Lumabas pagiging usain bolt ko.

"Ang dami niyo palang transferee, pasok na kayo." Sabi ng isang teacher na naka assign sa orientation. 

"Good morning po ma'am. Sakto lang po ba kami sa oras?" Tanong ni ningning. Marami rami na yung estudyante na naka-upo at naghihintay sa orientation. May mga nagseset-up na rin ng powerpoint sa tv. Sosyal talaga. "Oo ning, transferee ba yang kasama mo?" Huh? Kilala pala si ning dito teka nakakahiya akala ko baguhan lang siya huhu sorry na.

"Opo ma'am, Jimin po name niya, Karina na lang daw po itawag." Teka mukhang close si ning sa lahat ng mga teachers dito. "Napakagandang bata naman neto. Osigi pasok na kayo, hanap na lang din kayo bakanteng upuan." Teka si giselle HAHAHAHA 'di pinakilala sa teacher. Kawawa naman HAHAHAHA "Salamat po ma'am! Eto nga pala po transferee rin, Giselle po pangalan niya." Tinuro ko si giselle na nag-aayos ng damit. Bruha talaga neto. Tumango at ngumiti na amang si ma'am at pinatuloy na kami sa room.

"Grabe kainit sa labas. Open area pala 'to!" Ingay pa rin talaga ni giselle jusko. 

"Gi, tabi tayo. Eto nga pala si ning, nakasabay ko at akala ko bago lang din dito hehe." Tahimik siya pero baka nahihiya lang pero mukha naman siyang maingay pa kay giselle.

"Hi! Ning Yizhou, ningning na lang." Bagay sa kanya pangalan niya kasi bright siya parang bituing nagniningning. Okay, korni HAHAHAHA.

"Ikaw na ba ang luningning sa aking buwan? HAHAHA joke. Aeri Uchinaga, Giselle na lang. May lahing hapon pero kadalasan lahing kabayo." HAHAHAHAHAHA walanghiya naman 'to pati ba naman 'yo.

"Bakit kabayo? Ang ganda ganda mo kaya!" Ayie may love team na namumuo dito sana all na agad! First day na first day may harutan agad!

"Kasi lagi akong gala kasama 'tong kapre na 'to. Hehe salamat maganda ka rin parang future ko." ANG KORNI MO BABY G SHOCK

"Harot mo naman tikbalang. Maupo na nga tayo. Magsisimula na yung orientation oh!" Natawa na lang si ningning sa sinabi ko tapos 'tong si giselle, binatukan ako. Tama ba yon? 

 

"Ehem, mic test mic test. Ready na po ma'am" May nagsasalita na sa harap. Ang cute naman ng boses non naol. Ako kasi boses kargador HAHAHAHA charot lang. 

"Wait na lang po tayo ng five minutes for the advicer. Please be quiet while waiting. Thank you!" Taray! Maganda yung nagsasalita, maitanong nga kay ning name neto.

"Ning ano na--" 

"Choi Lia. STEM student, Former leader of junior highschool musical team. SJIS Best mc kaya siya nagseset-up ng mga pang orientation kadalasan. Maingay pa sa mga marites pero seryoso sa mga gawain. Okay na ba karina?" Gusto ko siya hampasin ng upuan pero thanks sa informations hehe.

"Parang ikaw pa ata yung marites dito, luningning" Sabat ni giselle. 

 

Lumipas na yung 5 minutes at dumating na rin yung advicer na may kasamang alalay. Hehe mukha kasing alalay si ateng maliit kahit mukha siyang estudyante.

"Good morning to all of STEM students... blah blah blah" Nakinig na lang ako sa nagsasalita habang si giselle saka ningning nagkwekwentuhan.

Mahigpit din pala dito kahit hindi catholic school.

"Bawal may kulay ang buhok."

"Wear your proper uniforms."

"Don't put too much make up."

"Always be a model student."

Akala ko ba may freedom mga estudyante dito bakit may unifrom kami? White blouse with vest and a skirt for girls. Above the knee pa yung skirt tapos black socks na hanggang tuhod. Ang init ng uniform bakit ganon? For boys, only slacks and polo? Sana all???

"Ganito ba talaga uniform dito ning? Parang ang init kahit iniimagine ko pa lang." Tanong ni Giselle. Eto rin kasing si Giselle 'di sanay sa uniforms. 

"Yes. Kahit highschool ganon din ang suot kaso ang pinagkaiba, walang white socks ang gamit nila and coat." Grabe naman pala buti na lng vest sa shs. Kawawang mga bata.

"You may take your leave, my dear students. For the whole week, orientation lang ang mangyayari but please, wear your uniforms kung kaya na." Umalis na si ma'am De Castro. Nagsitayuan na rin yung mga estudyante.

"Hi miss? Pwde ba makuha number mo?" Eto na nga ba sinasabi ko eh. Unang araw pa lang may pagkuha na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 1: wahahaha ang harot ni ate mo rina HAHAHAHA
howdoyouknowmee
577 streak #2
Hmmm... Interesting...