Isimegustas

Isimegustas
Please Subscribe to read the full chapter

NOTE: HELLO!!! It's me again with a new winrina one shot, hope you'll like it although hindi ako super satisfied! By the way, wala akong time para mag proof read kaya sorry for the errors, if may nakita man kayong typo, or what, pakisabi nalang para mabago ko! Gets niyo naman siguro yun, sabog lang talaga ako, paseenxia na ito lang ako mga mamsh! (〒﹏〒) CHAROT!!! Comments, subscriptions, upvotes will be much appreciated!!! Love y'all! My Naevis, we love u! <3

PS. Kung nabet-an niyo yung isa kong one shot na sebitasiyon, hawig siya rito. Wala, SHARE KO KO LANG BAKIT BA!!! (ノಠ益ಠ)ノEnjoy reading!

 

song recommendations:

sitti - para sa akin

astn - butterflies

 

 

"Ang iingay niyo naman, nagrereview ako!" Reklamo ni Heejin sa amin habang kagat kagat ang ballpen na hawak niya, kundi ba naman siya isa't kalahating shunga na dito pa talaga naisipan na magreview sa kwarto kung saan nagpaparty party ang tropa namin, edi sana wala siyang problema ngayon.

 

"Ang corny mo talaga! Huwag na mag-aral, sabay sabay tayong babagsak!" Natatawang sabi ni Ryujin at humalakhak pa na parang demonyo. Napailing naman ako habang bahagyang natatawa, kinuha ko ang cellphone sa side table dahil baka mamaya may importanteng magtext sa akin. Kaya lang mukhang wala naman kaya pinatabi ko nalang muna kay Yeji, gusto ko muna ilayo ang sarili ko sa social media.

 

"Ulok, kung gusto mo bumagsak, ikaw nalang!" Ganti naman ni Heejin habang kakamot kamot na nagsosolve sa binder niya. Mukhang stressed na talaga siya sa lessons pero for sure, mas masstress 'tong mga bugok na 'to dahil chill chill sila ngayon eh may exam tomorrow. Buti pa ako, wala eto, cute lang.

 

"Inom pa!" Walwal kung walwal talaga 'tong mga 'to, eto namang si Giselle tuwang tuwa pa. Nako, napaghahalataan.

 

"Woy, ang panget niyo naman, naglalaro ako, eh! Bakit niyo kasi nilowbatt 'tong cellphone ko kanina! Nasaan na yung charger ko?" Gahol na tanong ni Minju habang hawak hawak ang cellphone niya, todo halungkat pa siya sa mga bag namin na para bang may pagnanasa pa kami sa charger niya.

 

"Gago, huwag mo nga kalikutin yang bag ko! Wala kang makukuha riyan, ginugulo mo lang." Reklamo naman ni Yeji habang nanonood ng zombie movies sa TV dito sa kwarto ko. Nakahiga lang ako habang chill na nagcecellphone dahil wala naman akong balak na makisama sa inuman session nila Giselle.

 

Nakita ko naman ang pagbusangot ni Minju dahil mukhang lowbatt na ang cellphone niya at in game siya, walang sabi sabi ko namang iniabot sa kaniya ang charger ko kaya naman napangiti siya sa akin at nag thumbs up, "Thanks, Wintuh! Da best ka talaga!"

 

I rolled my eyes playfully habang tumatawa naman siya. Nakita kong nakisaksak na siya at nagpatuloy sa paglalaro niya, grabe may sari sarili kaming mundo rito habang nakatambay sa kwarto ko.

 

Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Chaeryeong kaya naman napatingin ako sa kaniya, kumakain ito ng chips delight habang nakikinood sa pinapanood ni Yeji. "Oh, bakit? Crush mo ako?" Natatawang tanong ko kaya naman nakatikim agad ako ng isang batok sa kaniya, grabe ang lakas non, ah! Pakiramdam ko naalog ang utak ko.

 

"Bugok ka kasi, huwag ka magsasalita kung ayaw mong masaktan!" Natatawang turan nito nang makita na humihimas ako sa ulo ko habang tinatapunan siya ng masamang tingin. Yung naghihingalo na nga utak mo tapos naalog pa.

 

Teka nga, bakit parang ako pa ang may kasalanan?!

 

"Tangina ka, wala naman ako ginagawa sa'yo," Giit ko naman at hinampas siya sa braso. Napangisi naman siya. "Gusto mo lang ako saktan!" Pagdadrama ko pa at nagkunwaring pinupunasan ang luha ko. Iyak iyakan at its finest.

 

"Oo nga, paano mo nalaman?" Hindi naman itinanggi nung bruha kaya naman kinurot ko siya sa tagiliran habang tumatawa siya.

 

"Hoy, eto na talaga, inom na tayo!" Humahalakhak na anunsyo ni Giselle habang may hawak pang baso, hindi ko alam kung ano ang laman non at kung ano yung mga tinitimpla nila kanina dahil hindi naman ako umiinom ng alak. Para sa akin, hindi masarap ang lasa ng mga iyon at masama pa sa atay. Kaya hindi ko na binalak dahil hindi naman ako lumaking ganon pero hindi naman ako judgmental sa mga umiinom ng alak, kaniya kanyang trip sa buhay yan.

 

"Mandadamay ka pa talaga, may test bukas baka nakakalimutan niyo!" Panenermon naman ni Sakura pagkapasok niya habang may dala dalang lemon juice, umiinom ito habang may kinukuha sa harapan ni Heejin dahil nag-aaral din ang bruha. Tibay talaga, eh. Ang ingay ingay rito pero hindi lumilipat sa tahimik na lugar para magreview.

 

"Opo, Mama Kkura." Natatawang usal ni Ryujin habang magkasalikop pa ang dalawang kamay na parang nagdadasal, "Amen."

 

"Siraulo!" Binato siya ni Sakura ng ballpen kaya naman natahimik siya habang natatawa na nagpeace sign. "Bahala kayo riyan, walang mangongopya, ha. Kukurutin ko mga singit niyo pag lumipad mga mata niyo sa kabilang papel."

 

"Hindi naman lilipad mga mata namin kasi wala namang pakpak," Sagot naman ni Minju habang naglalaro, rinig na rinig yung sounds nung game niya. Adik din 'tong isang 'to, eh. "Gagapang lang."

 

Napatawa naman sila Ryujin kaya naman isa isa silang pinagbabatukan ni Sakura habang naiiling nalang ako na natatawa sa kanila. Hindi naman kasi ako pasaway, pero hindi rin naman ako masipag na mag-aaral. Sakto lang ganon, average. Minsan hindi ako nagrereview pero nakakapasa naman ako, may mga ganong moments. Kaya minsan napapaisip nalang ako baka matalino talaga ako dahil may stock knowledge ako pero hindi lang ako masipag. O baka niloloko ko lang sarili ko kaya tinigil ko na ang kahibangan na ideya na iyon.

 

"Basta ako nagrereview," Singit naman ni Yoon at sumilip pa sa ginagawa ni Heejin, "Paano nakuha 'tong number 8?"

 

"Pakopya nalang, laging tandaan ang ating mga pinagsamahan!" Sigaw ni Yeji habang nanonood, naramdaman ko nalang ang pag-aray niya dahil binato pala siya ni Sakura ng tsinelas. Ayan buti nga. Stressed na si Sakura, ang funny lang talaga nila tignan. Buti pa ako, padekwat dekwat nalang ng chips delight na kinakain ni Chaeryeong dahil busy siya sa panonood.

 

"Kamay mo, hayop ka. Nararamdaman ko!" Narinig kong sabi niya kaya naman napatawa ako, ay akala ko successful na ang mission ko. Nabuking pa.

 

"Winter! Dito ka na, bilis. Tikman mo 'to!" Pag-aya naman sa akin ni Giselle kaya naman napabuga ako sa hangin, walanghiyang 'to, tuturuan pa ako paano maglasing.

 

"Susumbong kita kay Ningning!" Pagbabanta ko naman kaya naman napanguso siya at napakamot sa ulo.

 

"Eto naman, hindi mabiro! Sige na riyan ka na, pwe." Napabungisngis ako nang masilayan ang mukha niya, takot talaga siya sa jowa niya na bestfriend ko. Iba na talaga pag may jowa, sana all.

 

"Winter, kanina pa tumutunog cellphone mo!" Pagpukaw ni Yeji sa atensyon ko, nakalagay kasi yung cellphone ko sa may tabi ng TV kung saan siya nanonood kaya siya ang pinaka nakakarinig, busy pa naman 'tong iba dahil may kanya kanyang pinagkakaabalahan.

 

"Paabot nga," Pakisuyo ko naman sa kaniya at dumukwang upang abutin ang cellphone ko na kanina pa raw tumutunog, wala akong ideya kung sino man ang nambubulabog sa akin ngayong gabing gabi na pero baka mamaya importante kaya naman ichecheck ko na rin. "Thanks!" Pasasalamat ko naman nang maabot na ang pakay kong gamit, umupo ulit ako sa tabi ni Chaeryeong na kumakain pa rin at mukhang walang pake sa mundo, tanging nagmamatter lang sa kaniya ay ang chips delight pati na rin ang nakakasukang pinapanood ni Yeji. Tamang sulyap lang.

 

Kumunot ang noo ko nang ibaling ko na ang tingin sa mga mensahe na kanina ko pa pala natanggap, may mga missed calls din si Ningning kaya naman umayos ako ng pagkakaupo at sinubukan na i-dial ang telegram niya ngunit hindi siya sumasagot.

 

"May load ka?" Tanong ko naman kay Chae dahil naalala ko na nag expired na nga pala yung load ko, hindi naman kasi ako madalas magregister dahil may wifi naman kami at hindi na para gumastos pa ako para sa bagay na yon eh ang daming mas importanteng paglagyan ng pera ko.

 

Napatingin naman siya sa akin, mukhang nagtataka. "Oo, bakit?"

 

"Pantawag?" I asked her again and she nodded her head, ngumunguya pa.

 

"Patawag naman ako, tumatawag kasi si Ningning kanina, eh. Hindi ko nasagot, baka importante." Paliwanag ko naman sa kaniya, walang sabi sabi naman niyang kinuha ang cellphone sa bag niya na nasa tabi niya kaya naman nginitian ko siya.

 

"Huwag kang ganyan makangiti, may bayad yang coke bukas." Napanguso naman ako dahil nasampal lang naman ako ng katotohanan na wala talagang libre sa panahon ngayon.

 

"Oo na, oo na." I rolled my eyes and I heard her soft giggles, hindi ko nalang siya pinansin at binuksan agad ang phone niya dahil hindi naman siya naglalagay ng password, hindi ko alam sa bruhang iyan. Agad ko namang tinawagan si Ningning sa cellphone number niya dahil baka hindi naka on ang wifi niya kaya hindi pumapasok sa kaniya ang tawag ko sa telegram.

 

Nakaka ilang ring palang ay agad na niya itong sinagot, hindi pa nga agad siya nagsalita.

 

"Hoy, si Winter 'to, nakitawag lang ako. Bakit ka tumatawag kanina?" Tanong ko naman sa kaniya, medyo maingay sa kabilang linya at may naririnig akong nagsasalita. Mukhang nanonood din siya ng movie.

 

"Ah, iyon ba— akala ko hindi na ako importante sa'yo kaya iniignore mo na ako," Narinig ko pa ang pagkukunwari niyang hikbi kaya naman napatawa ako, para talagang siraulo 'to, minsan madalas. "Sabi ni pres may meeting daw lahat ng president every section. Sa 4th floor daw sa building tabi ng cafeteria, room 405."

 

Napabuga naman ako sa hangin dahil sa narinig, ano ba naman 'to? Ang malas naman at malalagay na naman ako sa sitwasyon na hindi ko gusto in the first place, "What time?"

 

"After class daw!" Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya mula sa kabilang linya, hindi ko siya nakikita pero alam kong nanunukso ang mga halakhak na iyon. "Ready ka na ba makita si—"

 

"Shut up," I cut her off, rolling my eyes, itinaas ko ang dalawang paa sa kama at siniksik si Chaeryeong na hinampas lang ako sa braso. Hindi talaga mapuknat, mukhang nasa na ang pinapanood nila. "H—hindi ko naman siya namimiss."

 

"Hindi ko naman tinatanong," She laughed loudly, obviously teasing me. "Defensive much ha."

 

"Tumahimik ka nalang, kung kasama lang kita nako." Pag-irap ko naman kahit na hindi niya ako nakikita, napatingin naman ako kayla Ryujin na mukhang nagtatawanan sa kalokohang ginagawa nila kaya naman napailing ako at bahagyang natawa nang marinig na naman ang sermon ni Sakura.

 

"Is that Ate Sakura? Sinong pinapagalitan niya?" Narinig ko namang tanong ni Ningning nang marinig niya rin ang boses ni Sakura, napahagikhik naman ako. Gusto ko sanang sagutin ng girlfriend mo, kaya lang baka ma-award ako kay Giselle at masampal ako mga three times sa magkabilang pisngi.

 

"Oo, inistress na naman nila Ryujin." Sagot ko nalang, pasensya na RJ, ikaw nalang nilaglag ko. Kung si Lia lang 'tong kausap ko, edi si Giselle ang ilalaglag ko. Ganoon ako kabait na kaibigan.

 

"Giselle, shot pa!" Narinig kong sambit ni Ryujin kaya naman napakagat ako sa labi. Uh-oh, labas na ako riyan. Hindi na ako ang nagsabi niyan.

 

"Wait, Gigi?" Eto na nga, ang talas pa naman ng pandinig ng bruha na 'to kapag girlfriend na niya ang pinag-uusapan. Lagot ka talaga Giselle.

 

"Ah, oo. Umiinom sila ni Ryujin," Napakamot ako sa kilay, nakita ko naman ang pagtingin sa akin ni Giselle nang pasimple ko siyang batuhin ng tsinelas. Sinamaan pa nga niya ako ng tingin kaya naman inirapan ko siya at sinenyas ang kausap ko ngayon sa cellphone, I mouthed si Ningning kaya naman nanlaki ang mga mata niya, ayan gago ka.

 

"Hindi ba nagsabi?" I asked, aba, dapat lang ilabas ko ang sarili ko ano. Wala naman talaga akong alam!

 

"Nagsabi naman! Pero sabi niya sandali lang daw! Kanina pa nagpaalam yan, hanggang ngayon pala?" Reklamo naman niya kaya naman napatawa ako, may usapan kasi 'tong si Ningning at Giselle na wala namang masamang uminom ng alak, pero huwag din sosobra. Ayaw pa naman ni Ningning na sinusunog ni Giselle ang sariling atay niya which is understandable naman. Hindi naman controlling na girlfriend si Ningning pero hindi rin naman para i-tolerate niya palagi lalo na't para naman sa kalusugan iyon. Explain yourself, madafaka.

 

"Oh, eto na. Lumalapit na." Turan ko nang makita si Giselle na kabadong lumalapit sa akin, kagat kagat pa ang ibabang labi.

 

"Pakausap nga!" Sambit ng dalaga kaya nginisian ko si Giselle nang i-abot sa kaniya ang cellphone ni Chaeryeong.

 

"Kakausapin ka raw ni Madam Ningning." I chuckled, crossing my arms. "Lagot ka."

 

Nakita ko naman kung papaano siya lumunok, mukhang pinagpapawisan na rin siya dahil sa kaba. "Galit ba?" Mahinang tanong niya pagkaabot ng cellphone ngunit nagkibit balikat lang ako at hindi sinagot ang tanong niya, lumayo naman siya sa akin nang ilagay na niya ang cellphone sa tenga niya upang kausapin si Ningning kaya naman kinuha ko nalang ulit ang cellphone ko para mag scroll sa twitter dahil wala naman akong magawa.

 

"Ulo mo Yeji, pakiputol! Nakaharang." Narinig kong reklamo ni Chae habang ginagalaw ang ulo niya, naghahanap ng magandang view. Nakaharang na kasi ngayon si Yeji sa TV, ewan ko ba sa bonak na iyan mukhang nadadala na ng emosyon dahil sa pinapanood nila. "Nagbabayad din ako!" Natatawang dagdag pa nito kaya naman nilingon kami ni Yeji at napatawa na rin.

 

"Alam mo kung bakit? Pwet mo may rakit!" Parang ewan na sabi nito at dumila pa, binato naman siya ni Chaeryeong ng unan kaya naman napatawa ito at humiga nalang sa sahig para makakita na nang maayos si Chae.

 

Hindi ko nalang pinansin mga trip nila sa buhay dahil ganon naman talaga sila palagi, nagfocus nalang ako sa mga nakikita ko sa twitter kahit na wala naman akong pake madalas sa mga ganap sa buhay nung mga finofollow ko. Eto na nga ba sinasabi ko, hindi ko mapigilan na magtingin pag hawak ko ang cellphone ko.

 

Masaya lang pag nakakakita ako ng tweets about sa mga serious matters, mga politics, poverty, feminisim at kung ano pang relevant na pag-usap dahil doon ang interest ko.

 

Ang hanap ko ay entertainment pero hindi ako natuwa nung isang pagscroll down ko ay nakita ko ang mukha nung manliligaw ni Karina, kasama pa siya. Ganda ganda ng mga ngiti nila, oh. May hawak pang ice cream habang kitang kita sa mga mata ang kasiyahan, galak. Mukhang malapit na maging sila ah. O baka naman sila na?

 

Hindi ko alam.

 

Dapat ba ako magkaroon ng pake?

 

Malamang, minahal ko.

 

Ang sarap mapakanta ng oh kay tagal din kitang minahal.

 

"Panget naman." I whispered to myself while observing these two love birds, hindi yung babae, yung lalaki yung panget.

 

Okay, sinong niloko ko?

 

Hindi naman talaga panget si Jaemin. Pero para sa akin, oo, malamang. Hindi kaaya aya sa mata ang mukha niya lalo na pag magkasama sila ni Karina.

 

Yung fact palang na nakakasama siya at ako hindi, nakakasama na ng loob. Dami kong dahilan para mainis sa presensya niya.

 

Hindi naman sa naiinggit at nagseselos, pero parang ganun na nga, pwe.

 

Nakita ko pa yung caption ng lalaki na. . . hindi maganda sa pakiramdam.

 

Nana
@najaemin:
My heart is full of you, you own it. Always.

 

Binigay ko rin naman ang puso ko, pero bakit hindi naman inalagaan nung pinagbigyan ko? Pareho ba talaga yung babae na minahal ko sa babaeng mahal niya ngayon? Bakit siya mukhang masaya? Bakit siya, halatang may pag-asa? Pero nung ako noon, puro sakit ang nakuha?

 

Hindi talaga patas ang mundo, sabi pa nga sa kanta, gulong ng buhay. Patuloy-tuloy sa pag-ikot. Noon ako ay nasa ilalim, bakit ngayo'y nasa ilalim pa rin? And I felt that. Bakit nga ba nasa ilalim pa rin ako hanggang ngayon?

 

Sabagay, kailan ba ako nanalo?

 

"Uy, umiiyak ka ba?" Mukhang nagulat pa si Chaeryeong nang kalabitin ako, napatingin naman ako sa kaniya at agad na pinunasan ang traydor na likido na pumatak na pala mula sa mga mata ko nang hindi ko namamalayan.

 

"Hindi ah." Tanggi ko naman kahit na mukhang huling huli na ako, sige deny pa, ikauunlad talaga ng Pilipinas iyan.

 

"Lokohin mo lelang mong panot," Pambabara naman niya sa akin while holding my chin, inangat niya ang mukha ko at matamang tinignan ang itsura ko. "Sinong nang-away sa'yo?" Nakakunot noong tanong niya kaya naman agad akong napailing. Wala namang nang away sa akin, merong nanakit pero hindi naman niya kasalanan. Never niyang magiging kasalanan.

 

Ako lang naman 'tong parang ewan na umaasa sa kaniya kahit na alam ko naman na ang sagot matagal na.

 

Wala, hindi, bawal. Hindi pwede, hindi kailanman magiging pwede. Kasi hindi niya gusto, kasi wala siyang gusto.

 

"Wala nga." I pursed my lips, scratching my nape. "May nakita lang akong nakakaiyak na tweet."

 

I didn't lie in the last thing I said, what I saw was really tearful. So heartbreaking to see for me, of course. Who has loved Karina ever since. Parang siraulo lang naman ako rito talaga, eh. Hindi na umusad. Mula noon, hanggang ngayon, nandito pa rin.

 

"Totoo?!" She asked again while intently looking at me, observing my expression. I gave her a death glare to hide my emotions.

 

"Kulit mo naman, eh. Manood ka nga riyan." Nginuso ko pa yung TV kung saan sila nanonood ni Yeji, "Okay lang ako."

 

"Sigurado ka nga?" Pangungulit pa nito, sinundot pa ang pisngi ko. Halatang hindi mapakali.

 

Natatawa ko namang hinablot ang kamay niya, "Oo nga, eto parang ewan."

 

"Sure ka, ah." She bit her lower lip, mukhang hindi mapalagay. Mukhang may gusto pa siyang sabihin pero maya maya ay bumuntong hininga nalang din siya, "Dito lang ako."

 

I grabbed her hand and squeezed it to assure her that I'm really okay, "Okay lang ako, thank you. I know nandyan ka lang." I grinned, so lucky to have her. And of course, pati na rin yung iba naming kaibigan kahit na madalas sakit sila sa ulo.

 

"Ito na yung cellphone," Napatingin ako kay Giselle nang magsalita ito, inaabot yung cellphone ni Chaeryeong. Mukhang tapos na sila mag-usap ni Ningning, kinuha ko naman agad iyon at inabot kay Chae na wala namang sinabi. Nagpasalamat ako dahil sa pagpapahiram niya at binalingan ulit si Giselle na nakatingin pa rin pala sa akin. "Okay ka lang?"

 

I looked at her and furrowed my brows, "Ano?"

 

"Okay ka lang ba?" She repeated once again, nibbling her lower lip.

 

Bakit ba nila tinatanong kung okay lang ako? Ganon na ba talaga ako katransparent to the point na nahahalata nila if I'm not feeling well kahit na hindi ko naman sinasabi at ayaw kong ipahalata? Nakakatakot naman, ganun na ata talaga ako kadaling basahin.

 

"Bakit mo naman tinatanong, mukha ba akong hindi okay?" I laughed, shaking my head. Napatingin ako sa iba naming kaibigan at napansin ko na busy pa rin sila sa kani kanilang ginagawa habang nagsasapakan na ata si Ryujin at Sakura.

 

"Oo. . ." She shrugged her shoulders while pointing at my eyes, "Mukha kang umiyak." Tinuro niya rin ang ilong ko, "Namumula rin ang ilong mo."

 

Huh?

 

Umiyak ba ako?

 

Sa pagkakatanda ko, may tumulong luha lang sa mata ko na agad ko namang pinunasan.

 

Nakakatakot na talaga, halatang halata ba talaga?

 

"Ang lungkot din ng mga mata mo."

 

Napamaang ako sa sinabi niya at hindi agad nakapagsalita, tinignan ko lang siya at ganon din naman siya sa akin.

 

"Baliw, okay lang ako. Pareho kayo ni Chae." I chuckled, napaiwas ako ng tingin. "May nakita lang akong nakakaiyak na tweet." Paggamit ko na naman sa palusot ko kanina na hindi ko naman alam kung sinasakyan lang ba nila o talagang naniniwala sila.

 

Tumango nalang siya, inoobserbahan pa rin ang mukha ko. "Sige, sabi mo, eh."

 

"Ano pala sabi ni Ning?" Tanong ko nalang, changing the topic. Ayoko naman na mapag-usapan pa dahil hindi naman mahalaga at hindi naman ako dapat nasasaktan in the first place sa kung ano man ang nakita ko kanina.

 

"Ah, wala naman syempre pinagsabihan ako na huwag sosobra." Napakamot siya sa kilay at bahagyang natawa, "Alam ko naman."

 

"Huwag kasi matigas ang ulo." I grinned, hitting her arm lightly. "Sundin mo si Boss Ningning."

 

"Gusto mo uminom?" Tanong naman niya bigla sa akin kaya naman napairap ako.

 

"Hindi nga, kadiri ang alak." That was my opinion, hindi talaga ako umiinom. Pakiramdam ko ay masusuka agad ako kahit na hindi pa ako nakakalagok ng unang tungga.

 

"Arte mo." Natatawang sambit niya at ibinato sa akin ang tissue na binilog niya, "Doon na nga ako." Bumalik siya sa pwesto nila ni Ryujin na kasalukuyan ngayong kumakanta habang winawagayway pa ang kamay na para bang nasa concert, mukhang may tama na.

 

Hindi ko nalang sila pinansin at dumapa nalang ako sa kama, hindi ko na rin katabi si Chaeryeong dahil lumipat na pala siya sa tabi ni Yeji, mukhang namimili ng bagong movie na papanoorin. Hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin ang mga mokong na 'to at napipikit na sana ang mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko, mukhang may nagchat.

 

Somilomi: BES!!!

Somilomi: BES NASAAN KA WTF KA GUMISING KA KUNG TULOG KA, MAGHUGAS KA KUNG TUMATAE KA, ITIGIL MO LAHAT NG GINAGAWA MO AT I-SEEN MO AKO!!!

 

Kumunot naman ang noo ko nang mabasa ang mensahe dahil mukhang aligaga ito at may gusto atang sabihin. Agad naman akong nagtipa ng irereply.

 

Winteng: ano ba yun, at bakit naka CAPSLOCK ka gago

 

I bit my lower lip, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa kung ano mang tea ang i-spill ni Somi, o kung ano pa man ang ichichika niya dahil bihira lang siya maging ganyan depende nalang pag excited siyang ikwento ang isang bagay. Tamad nga iyan magreply minsan, mas gusto niyang tawag para raw hindi napapanis ang laway niya.

 

Somilomi: SO,,,

Somilomi: I went to the mall with my [litol] sister and gUESS WHAT!!! I saw Karina with her boylet!!!

Somilomi: DO YOU KNOW ANYTHING ABT IT LIKE!!! HELLO!!!

 

Napabuntong hininga naman ako at napaayos ng upo dahil parang siraulo na naman 'tong si Somi, hindi ko alam anong trip niya at ipinamukha pa niya sa akin na nasa date yung dalawa. Para siyang asin sa sugat ko, grabe mas sinaktan niya lang ako.

 

Winteng: para kang gago, bakit ko naman malalaman??? ano namang keber ko

Winteng: INABALA MO BA TALAGA PAGTULOG KO PARA SABIHIN YAN

 

Hindi naman sa wala akong pake, lahat ng bagay na tungkol sa babaeng iyon ay interesado ako pero hindi naman yung ganito? Grabe lang, sinampal talaga sa akin yung katotohanan, ah.

 

"Teka lang, ano ba naman, mananalo na ako, eh!" Napatingin ako kay Minju na nakanguso ngayon dahil agad na nilapag ni Sakura sa harapan niya ang mga dapat aralin, napatawa naman ako. Mukhang ewan.

 

Ayan, tikman at lasapin ang bagsik ng bagyong Sakura. Teka, paano matitikman yung bagyo?

 

"Hindi ka maliligtas ng paglalaro mo sa exam, kaya mag-aral ka!" Narinig kong sermon ni Sakura, kanina pa niya pinipilit ang mga asungot na 'to na magreview, mahahalata mo naman na gusto niyang umangat kaming lahat kaya naman natutuwa ako na nag eeffort siya na pagsabihan kami dahil siya ang pinaka matanda sa amin pero taena talaga ng mga mokong na 'to, ang titigas ng bungo.

 

Napatingin ako sa cellphone ko nang may magchat na naman, nagreply na siguro ang bruha.

 

Somilomi: HUH HINDI KITA PINALAKI PARA MAGING DUWAG!!!

Somilomi: HINDI MO NA BA TALAGA SIYA KINAUSAP PARA KANG SIRAULO [BINARIL KA SA ULO]

Somilomi: HINDI KA DAPAT NAGPAPATALO SA MAY HOTDOG!!!

 

Napatawa naman ako dahil parang gago talaga magtype 'tong bruhilda na 'to. Wala kasi siyang ideya dahil hindi naman namin siya kaschoolmate, kababata ko lang siya kaya naman close ko siya pero hindi kami madalas magkita lalo na't nagdodorm siya ngayon.

 

Winteng: sorry ma, i'm not your strongest soldier

Winteng: atsaka ano bang nandyan sila? bakit nandyan ka, sino kasama mo, gabing gabi na! hindi pa ba sarado ang mall!

Somilomi: Hoy you're so OA!!! Hindi pa naman ganun kagabi, at oo bukas pa yung mall obviously! Wait, look! I'll send u the pics!!!

 

I shook my head, wala akong alam sa kung anong pics ang tinutukoy niya pero kung picture 'to nila Karina, edi sana sinaksak niyo nalang ako.

 

At nang magloading na nga yung pictures na sinend niya, tsaka ko lang napag alaman na tama nga ang sinasabi ko kanina.

 

Picture nga nila Jaemin at Karina ngayon na halata mong patagong kinunahan dahil medyo malabo ang pagkakakuha, hindi rin maayos ang anggulo, halatang nakatago lang yung camera. Nagtatawanan sila habang kumakain kaya naman napabusangot agad ang itsura ko.

 

Sakit naman, puta.

 

Ang ganda nung mga ngiting iyan, oh. Kailan ko ba masisilayan ulit iyan pero para sa akin naman? Para sa akin lang. . .

 

Malamang, hindi mangyayari yun. Wala nga siyang pake sa akin, hindi nga niya ako matignan. Hindi niya nga ako mabigyan ng atensyon kagaya ng pagbibigay niya ng same amount of time and attention kay Jaemin. Edi sila na, sila na mag jowa. Sila na may bebe time.

 

Winteng: masaya ka na bang nasaktan mo na ako!!! (。ŏ﹏ŏ)

 

Sinend ko iyon sabay pakawala ng isang malalim na buntong hininga, kinuha ko yung chips na nakita ko sa sahig na hindi pa nabubuksan, hindi ko alam kung kanino 'to pero malamang akin 'to dahil sa bahay ko lang naman sila kumukuha ng malalapang.

 

Enjoy na enjoy naman ang mga timang, ang gulo namin dito sa kwarto. Mabuti nalang talaga at wala akong kasama dahil out of town ang parents ko, kaya naman malaya silang nakakakanta, nakakapanood, nakakainom at kung ano ano pa.

 

Kumakain lang ako nang biglang magreply si Somi, nagtataka pa rin ako kung bakit sa dinami dami ng pwedeng mapuntahan, nandoon din siya sa lugar kung nasaan yung dalawang tukmol na iyan. Ayan tuloy, hindi ako nakaligtas sa mapanakit na araw na 'to. Kakakita ko nga lang nung tweet, tapos ngayon naman picture na kinuhanan ngayon ngayon lang. Edi wow. Hindi ko naman hinihiling pero bakit updated ako sa buhay nila?

 

Wala bang mute sa settings ng buhay ko?

 

Somilomi: THAT'S NOT MY POINT PWE

Somilomi: ANG SA AKIN LANG, GO GET UR GIRL!!!

 

Kalokohan.

 

Wala namang akin in the first place, anong get my girl? Babae lang siya oo, pero hindi ko siya pagmamay-ari. Sobrang malabo na mangyari yun lalo na't si Karina ang usapan dito.

 

Karina, masyadong malayo sa akin. Mahirap maabot.

 

Hindi naman sa ibinababa ko ang sarili ko pero iyon naman kasi talaga ang totoo. Para saan pa ang pag-aangat kung katotohanan na ang mismong sumasampal sa akin, hindi ba?

 

I popped another chip into my mouth and chewed slowly enjoying the grease. Mabuti pa 'tong kinakain ko, akin lang. Akin talaga in the first place. Nagtype nalang din ako ng isasagot kahit na masama na ang timpla ko.

 

Winteng: balakajan, ma22log nalang ako kesa magpakahirap na abutin ang babae na masyadong malayo na para sa akin

 

Iyon ang huli kong reply bago patayin ang cellphone at sumubsob sa unan ko, hindi ko na pinansin pa kahit na tumunog muli ang cellphone ko, hudyat na may sinagot siya sa sinabi ko.

 

Tama naman ako.

 

Hindi na ako lumalaban, kasi wala namang dapat ipaglaban.

 

Para ka lang lumaban sa isang laro na hindi ka naman dapat kasali.

 

Masyadong komplikado, masyadong magulo, ang dami sigurong maiipit kung ipipilit ko 'to. Pero syempre, ang pinakakawawa, yung sarili ko.

 

Sino ba naman kasi yung nagmamahal dito? Syempre ako. Ako lang.

 

"AHH!" Hindi ko na napigilan ang sarili sa pagsigaw ko habang nakasubsob ako ngayon sa unan, letting out my frustrations.

 

Nakakasama ng loob ang mundo. Hindi ba pwedeng akin nalang 'to? Hindi ba pwedeng akin muna 'to?

 

Bakit hindi maging pabor sa akin kahit na isang beses lang? Bakit lagi akong kinakalaban ng tadhana?

 

"Hoy, okay ka lang?" Narinig kong tanong ni Ryujin pagkaangat ko ng ulo ko.

 

I dragged a frustrated hand over my scalp, "Hindi ko alam."

 

"Anong nangyayari?" Si Sakura naman ang nagtanong this time, I saw worry passed through her eyes while looking at me.

 

"Ang bigat lang ng pakiramdam ko," Pag-amin ko, hindi ko alam bakit ako nagkakaganito. Dahil ba sa nalaman kong magkasama na naman si Karina at Jaemin? Kasi nagseselos ako? Kasi hindi ko mararanasan yung kasiyahan na  nararamdaman ngayon ni Jaemin sa piling ni Karina kasi never naman akong pipiliin? Kasi hanggang dito nalang ako. I don't know if it's more than that.

 

"Penge nga!" Hindi ako sure kung anong kagagahan ang pumasok sa utak ko at nagmamadali akong tumayo para hablutin ang baso na may alak na iinumin sana ni Giselle, walang pag aalinlangan na nilagok ko ito kahit na hindi ako sigurado kung makakaya ko ba dahil first time ko lang naman iinom.

 

"Hala, gago! Broken!" Sigaw naman ni Minju, napansin kong nakatingin na pala sila sa akin habang ako naman ay parang maduduwal na sa lasa nung ininom ko. Tangina, ang alam ko lang hindi ganon kasarap ang alak. Hindi ko naman ineexpect na sobrang panget pala talaga ng lasa. Para akong masusuka.

 

"Ayan gago, hindi ka naman kasi umiinom, ano ba ginagawa mo?" Naramdaman ko nalang ang kamay ni Sakura na hinihimas ang likod ko dahil naduduwal ako kahit na ayoko rin naman sumuka.

 

"May problema ata iyan kanina pa." Tugon naman ni Giselle, kinuha niya ang baso na hawak hawak ko habang natatawa sa itsura ko. "Pero dinedeny."

 

"Hindi ako broken," Singhal ko naman kay Minju nang mahimasmasan ako. "Penge pa nga!"

 

Talagang hindi ko na nacocontrol ang ginagawa ko, hindi naman ako ganitong klase ng tao na iinom dahil lang sa broken hearted o kung ano pa man. Gaya ng sinasabi ko kanina pa, nasusuka ako sa amoy ng alak. Ayokong sunugin ang atay ko. Pero tignan mo nga naman, nanghihingi pa ako ngayon.

 

Kapag ba uminom ako ng alak, makakalimutan ko siya? Kahit na sandali lang, kahit na konting oras lang. Makakalimutan ko ba lahat ng 'to?

 

Grabeng pagdadrama na 'to para sa isang babae na wala namang pake sa akin kung tutuusin.

 

"Seryoso ka ba?" Tanong naman ni Sakura sa akin nang makita na sinasalinan ulit ako ni Giselle sa baso.

 

Tumango nalang ako at inabot ang binigay ni Giselle na alak habang napansin ko naman na nakanganga sa akin sila Ryujin, halatang hindi makapaniwala na sa dinami dami ng tao rito sa kwarto, ako ang makakasama nila na uminom. Nakatabi na ako sa kanila habang kinakamot ang ulo ko at hindi maipinta ang mukha ko dahil sobrang disgusting talaga ng lasa, pero kung ito lang ang paraan sa ngayon para hindi ako makapagfocus sa lecheng feelings na 'to, iinumin ko hanggang sa hindi ko na maalala kung bakit ako uminom in the first place.

 

"Hoy, pigilan niyo na yan, pasuray suray na oh!" Hindi na klaro sa akin kung ano pa man ang sinasabi nila sa paligid ko pero nakakatiyak ako na boses ni Yeji iyon.

 

Nakakailang bote na ba ako? Hindi ko na rin alam, nakaawang pa nga ang bibig sa akin kanila ni Giselle nang makita na tumungga nalang ako sa isang bote at walang pag aalinlangan na nagpakalunod sa alak. Tahimik lang ako habang umiinom at hindi pa naman ako nagdadrama sa kanila.

 

"Dito ka na nga, tigilan mo na yan," Naramdaman ko nalang na inakay na ako nila Sakura at Yoon patayo para ihiga ako sa kama ko, ako naman 'tong nagpupumilit pa na isang bote pa dahil hindi ko na alam masyado ang ginagawa ko. Basta ang alam ko, wala na ako sa katinuan.

 

"Ligpitin niyo na yan, anong oras na." Dagdag pa ni Sakura kela Giselle habang ako naman ay nakasubsob na sa unan, nakadapa. Lasing na ako, pero may nalalaman pa naman ako sa paligid. Medyo nahihilo lang. Pakiramdam ko rin masusuka ako pero pinipigilan ko lang dahil ayokong masuka rito. Ayoko rin ng pakiramdam na sumusuka ako.

 

Hindi ko na nasubaybayan kung ano pa man ang pinag-uusapan nila dahil naramdaman ko nalang na nagvibrate ang cellphone ko na naiwan ko rin dito sa kama ko, si Somi na naman kaya ito?

 

Nakapikit kong inilagay ang daliri ko para sa fingerprint at agad na chineck kung may nagchat o nagtext sa akin.

 

Meron ngang nagtext, pero hindi ko naman inaasahan na sa dinami dami ng tao sa mundo, siya pa talaga ang kakausap sa akin, ngayong mga oras na 'to.

 

Parang nawala ang antok at pagkalasing ko nang mapagtanto kung sino ang nagtext sa akin kahit na hindi ko pa binubuksan ang kaniyang mensahe. Nagising buong diwa ko, ganon ba talaga ang epekto niya sa akin?

 

Karina
Hi, this is Karina Montecillo, from student council. I just want to inform you na may meeting bukas para sa mga class president ng bawat class room. After class, sa 4th floor. Room 405. Attendance is a must. See you tom!

 

Ah, akala ko naman kung ano. Nasabi na 'to ni Ningning sa akin kanina, hindi ko alam kung bakit sinasabi niya ulit. Pero siguro para na rin ipaalala, natitiyak ko namang send to many yang text na iyan at hindi nalang ako umaasa na talagang naalala niyang ipaalala sa akin.

 

"So thoughtful naman pala." I sarcastically whispered while chuckling. Ibababa ko na sana ang cellphone nang magtext na naman ata siya.

 

Karina
Another reminder, please bring 1 notebook and ballpen.

 

Napapikit naman ako nang mariin. Sumasakit na naman ang ulo ko. Hindi ko alam kung anong kagaguhan ang sumanib na naman sa akin at mukhang may sariling buhay ang mga daliri ko nang pumunta pa ako sa gcash ko para mag buy load at makareply sa kaniya. Bagay na hindi ko nga nagawa kay Ningning kanina dahil sinabi ko pa na nagtitipid ako at sayang pera dahil may wifi naman.

 

Basta usapang Karina, nawawala na talaga lahat ng mga paninindigan ko sa buhay, eh.

 

Winter
hi miss president, maganda ka pa sa gabi :)

 

Alak lang 'to, dahil sa alak lang 'to. Kung ano pa man ang tapang na nararamdaman ko ngayong mga oras na 'to ay sigurado akong magic lang ng alak na ininom ko kanina. Hindi ko alam kung ano ang magiging consequences ng mga ginagawa ko ngayon, pero para bang hindi ko na iyon muna iniisip ngayong panahon na 'to.

 

I raised a brow when I saw that she replied, agad agad. Hindi ba busy 'to? Nakauwi na kaya sila ni Jaemin? Nakakapagpahinga na kaya siya o nag-aaral na naman kagaya ng lagi niyang ginagawa pag free time niya?

 

Karina
What? Miss Guillermo, wala akong panahon sa mga ganiyan mo pero sure, good evening.

 

Napanguso naman ako, sobrang sungit talaga ng babae na 'to. Laging ipapamukha sa'yo na hindi ka kasama sa mga plano niya sa buhay kaya shut up ka nalang.

 

Winter
sungit mo naman XD kumain ka na ba???

 

Malamang, Winter. Nakita mo na nga kanina diba? Bakit tinatanong mo pa? Hay nako.

 

Karina
Oo

 

I pursed my lips, ang tipid talaga ng isang 'to magtype, yung tipo bang mawawalan ka na ng idea paano mo maitatawid ang conversation niyo at mapapahaba ang pag-uusap niyo dahil siya na mismo ang nagcucut ng usapan niyo without even trying.

 

Magrereply pa sana ako ng kung ano ano kaya lang nagtext pala ulit siya sa akin.

 

Karina
Ikaw ba?

 

I laughed bitterly. Is this really Karina the president slash snobbera I'm talking to? When else did she learn to ask how I feel? She still cares pa pala if I've eaten something or not. Or maybe it's because she's really polite and just wanted to ask the same question I've asked her.

 

Winter
hindi pa HAHAHAHAHA XD

Winter
masarap b kinain mu mas masarap p en xd

 

Wala na talaga akong kontrol sa kung ano pa man ang ginagawa ko dahil ang tapang ko talaga ngayong mga oras na 'to na kausap siya ng ganito dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi ko 'to magagawa sa mga normal na araw, na wala akong tama ng alak, na nasa tama akong pag-iisip at lalo na kapag kaharap ko siya.

 

Karina
Huh? Sabog ka ba? Matulog ka na, marami pa akong gagawin.

Winter
paano aq makaka2log kung hindi ikaw ang katabi ko ayieEhhH

Karina
Hithit pa.

Winter
may drugs pa bang nakakaadik bukod sau???

 

Napatawa nalang ako sa mga pinagsasabi ko, nakahiga na ako ngayon at naeenjoy ko na 'tong ginagawa ko dahil naaaliw ako sa mga reaksyon na natatanggap ko, halatang hindi siya natutuwa sa kung ano pa man ang kaharutan na sinasabi ko pero may pake ba ako? Syempre, wala. Bahala na kung ano ang mangyari bukas.

 

"Hoy, gago, gising ka pa pala." Turan ni Chaeryeong kaya naman napatingin ako sa kanila at ngumiti na para bang hindi ako naglasing kanina.

 

"Still alive and kicking." I grinned, napansin ko na wala na pala sa kwarto ko sila Sakura, Yoon, Heejin, pati na rin yung dalawang bugok na sila Giselle at Ryujin. Ang tanging nandito nalang ay si Minju na naglalaro pa rin sa cellphone niya at yung dalawa na nanonood kanina pa. Dito naman kasi talaga sila matutulog pero syempre hindi kami lahat dito sa kwarto ko, roon sila sa ibang bakanteng kwarto habang si Minju lang ang tatabi sa akin.

 

Nakita kong nagreply na pala si Karina kaya nangingiti kong binuksan ang text niya. Sulit naman pala ang paggastos ko kung siya ang makakausap ko, ano?

 

Karina
What the hell are you talking about? High ka ba or what? Stop pestering me, okay.

Winter
peste b tingin m en milabs xd pwes maghanda ka na, ikakasal k sa pesteng i2!!!

Karina
You wish, Miss Winter. You wish.

Winter
wish ko talaga yan everyday everynight latata mwahahaha ikaw naman ang nag iisang kahilingan ko sa mundo <3

Karina
Tangina, wrong send ka ba? Ano bang pinagsasasabi mo?

 

Gago, nagmura siya. I chuckled while typing a reply, hindi ko naman akalain na mapapamura pala siya sa mga pinagsasasabi ko. Napaisip nalang ako kung talagang nakakaabala ba ako sa kaniya pero bahala na, minsan lang naman, eh. Actually ngayon nga lang, that's how alak works pala talaga.

 

Winter
hindi ako wrongsend miss karina guillermo

Winter
ay oops,,, advance pala aq

Karina
Karina Montecillo, not Guillermo. You .

Winter
mamahalin mo rin apilyido ko sa tabi ng pangalan mo :p

Karina
Shabu pa, dream on

Winter
karina montecillo guillermo :o shet bagay talaga rhyme godscxzs

Karina
Para kang gago riyan

Winter
gago nmn tlg ako sau xd

Karina
Bahala ka na, may gagawin pa ako. Marami akong kailangan tapusin, wag mo sanang hintayin na masama yung buhay mo sa mga dapat kong tapusin.

 

I pouted, napakataray talaga. KJ mo, Karina. Hindi manlang sinabayan yung trip ko kahit isang beses, hmp.

 

Edi ako na hindi mahal, pwe! Huwag na paulit - ulit.

 

Winter
teka lang

Winter
last na talaga, may sasabihin ako

Karina
Ano yun? Make sure na last na talaga yan.

Winter
promise :)

 

Nagising nalang ako sa ingay ng alarm clock ko pati na rin yung sumasabay na binti ni Minju na nakadagan sa akin kaya naman hirap na hirap ako gumalaw.

 

"Hoy, gumising na kayo riyan! Malelate na tayo!" Napadilat ako nang marinig ang boses ni Sakura kaya naman papungas pungas ako na umupo mula sa pagkakahiga, inalis ko pa nga ang binti ni Minju habang kinukurot ang tagiliran niya para magising siya.

 

"Gumising ka na raw." Naghihikab na sabi ko habang niyuyugyog siya, nakita ko naman na gumalaw na rin siya at nagkusot ng mata kaya naman tumayo na ako para mag-inat. Kaya lang para namang may sumipa sa ulo ko nang bigla itong sumakit pagkatayo ko, tsaka ko lang naalala ang nangyari kagabi. Naglasing nga pala ako.

 

Ang natatandaan ko nalang ay ang nakatulog ako matapos ko maglasing at napanaginipan ko si Karina. Hanggang sa panaginip ba naman ay hindi niya ako gusto talaga, grabe akala ata ni Lord nakikipagbiruan pa ako. Pwe.

 

Anak niyo rin naman po ako. Hindi naman po kayo SM ent pero bakit unfair ang treatment niyo? Huhu.

 

Bakit sila masaya tapos ako, hindi? Ganun ba talaga ang buhay? Pinanganak ba talaga ako para malasin? Ano kayang gatas ko nung bata ako? Charot, sinisi pa sa gatas eh.

 

"Ayan, alak pa." Patutsada ni Minju nang mapansin na nakahawak ako sa ulo ko, inirapan ko naman siya agad nang ngisian niya ako dahil papunta na pala siya sa CR dito sa kwarto ko. "Una na ako, ah." Kapal talaga ng mukha nito, matapos akong ganunin eh uunahan pa ako sa CR sa kwarto ko!

 

"Ang sakit ng ulo ko!" Reklamo ko naman habang inaayos ang uniform ko, "Bilisan mo maligo, Minjung!"

 

"Oo na, oo na." Narinig ko namang sagot niya mula sa CR, umupo nalang ako at napanguso dahil para talagang binibiyak ang ulo ko sa sakit.

 

"Winter, inumin mo yang gamot sa side table mo. Naglagay na rin ako tubig dyan." Napatingin naman ako sa table na sinasabi ni Sakura at nakita ko na may nakahanda na nga ron na gamot. Binalik ko naman ang tingin ko sa kaniya dahil kasalukuyan siyang naglalagay ng necktie sa uniform namin. Nakikisalamin dito sa kwarto ko, ayos na pala siya. Nasaan kaya yung ibang mga bugok?

 

"Thank you, Mama Kkura!" Nakangiting sabi ko naman sa kaniya bago dumukwang at abutin ang gamot na pinrepare niya.

 

"Maligo ka na pagtapos ni Minju, baka malate tayo, may exam pa naman. At ayaw mo rin naman siguro maabutan pa nung president, diba?" Nakita ko ang panunukso sa mga mata niya nang tignan ko siya sa salamin kaya naman napanguso ulit ako.

 

"Oo, ayoko." Iniiwasan ko na rin kasi si Karina dahil ganon din naman ang ginagawa niya sa akin, sinukuan ko na talaga ang pag asa na baka maging kami, matagal na. Lalo na't masaya na siya kay Jaemin, sino ba gaganahan na lumaban kung alam mo namang wala ka nang pag-asang manalo una palang? Aba, kahit nga sa panaginip, hindi ako nagtagumpay. Ngayon pa kaya? Para lang akong makikipagsuntukan sa boksingero non. Una palang alam kong talo na ako.

 

"Sigurado?" Mukhang hindi pa siya naniniwala base sa hilatsa ng mukha niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

 

"Oo nga." Madiin na sagot ko naman, sigurado at tiyak. Ayoko siyang makita, period.

 

Para saan pa?

 

Pag nakita ko ba siya, magbabago lahat ng 'to? Hindi na ba ako aasa? Hindi na ba ako masasaktan? Mananalo na ba ako this time? Hindi naman, diba?

 

Mabuti pang wag nalang, kung ayaw talaga ng tadhana, edi ayaw. Huwag na ipilit.

 

"Sige sabi mo, eh." May mapaglarong ngiti sa labi niya na hindi ko naman mawari kung para saan ba, "Sige na, mag ayos ka na. Doon na ako sa baba." Paalam niya kaya naman tumango nalang ako at lumabas na rin siya ng kwarto ko dala yung iba niyang gamit.

 

"Bilisan mo riyan, Minjung!" Pag uulit ko sa sinabi ko kanina with matching katok na sa pintuan ng CR sa kwarto ko, ang tagal maligo, ha. Naayos ko na yung uniform ko pati na rin yung bag ko, maliligo nalang ako at mag aayos. Hindi ko alam kung may pagkain na ba dahil welcome naman sila gamitin mga gamit dito sa bahay namin at hindi naman sila bago kaya ewan ko if nagluto na yung mga punyawa ng breakfast. Pero sana oo, kasi wala ako sa mood magluto at matatagalan pa if ever.

 

"Teka lang, hindi na ba kaya ng pantog mo?!" Pabalang na sagot naman nito sa akin kaya naman napabuga ako sa hangin, the acidity!

 

"Gago, anong oras na kasi. Nagriritwal ka pa riyan!" Tugon ko naman habang kumakamot ng ulo.

 

"Malapit na nga, tumae kasi ako! Ang sakit ng tyan ko okay, ang tigas nung tae ko, sakit ng pwet ko!" Giit niya kaya naman napairap ako habang natatawa. Parang siraulo talaga 'to.

 

"Oo na, TMI mo talaga tangina." Natatawang sabi ko sa kaniya at kinuha ang cellphone ko na nasa kama ko pala.

 

. Hindi ko pala na-charge. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko kagabi para malowbatt 'tong cellphone ko ng ganito pero bakit naman hindi ko chinarge?! Ganon ba talaga kapag lasing? Walang alam sa mga ginagawa tapos kinabukasan, hindi na makaalala? Hindi na talaga ako uulit, ano ba kasing pumasok sa kukote ko at uminom ako ng alak? Bakit ko ba susunugin atay ko para sa mga taong hindi naman ako kayang mahalin pabalik? Sisirain ko kalusugan ko para sa mga ganon?! Umayos ka nga, Winter.

 

"Aga aga, nakabusangot ka riyan?" Nakita ko si Minju na lumabas na pala ng banyo habang pinapatuyo ang buhok niya gamit ang towel, nakabihis na rin siya kaya pala ang tagal niya rin. "Pahiram blower, ha."

 

"Oo, sige." Wala sa loob na sabi ko nalang at kinuha ang towel ko, "Ano bang ginawa ko kagabi?" Tanong ko dahil wala talaga akong maalala sa kung ano pa man ang nangyari o nagawa ko kagabi. Baka mamaya may katarantaduhan na pala akong nasabi o kung ano dahil wala ako sa sarili ko.

 

Never again talaga. Itaga mo sa bumbunan ni Giselle.

 

"Uy, curious siya." She teased, wiggling her eyebrows. Sinamaan ko naman agad siya ng tingin kaya naman napatawa siya sa itsura ko. Kasalukuyan na niyang binoblower yung buhok niya habang ako naman eh papasok na sa CR pero hinihintay ko pa rin ang sagot niya sa tanong ko.

 

"Para kang ewan," I rolled my eyes in annoyance, "Ano nga?"

 

"Wala naman." She tilted her head, mukhang may inaalala. "Wala naman akong matandaan bukod sa lumabas ka kagabi sa kwarto tapos bumalik ka rin, umiiyak ka nga, eh. Tinatanong ka namin tapos ang sabi mo lang ano. . . teka, ano nga ulit?" Nilagay pa niya ang kamay sa chin niya, mukha siyang siraulo na pilit na may iniisip kahit na hindi ko rin talaga sure kung meron siya non.

 

"Ano?" Tanong ko, medyo nakakainip na, ha. Maliligo pa ako, eh. Kung hindi lang talaga ako curious, hmp.

 

"Ah, iyon naalala ko na." She chuckled and shook her head a little, napakunot naman ang noo ko. "Ang sabi mo sa amin, talo ka na, sumusuko ka na. Hindi namin alam kung para saan yun pero tinake nalang ni Giselle na para sa pag inom ng alak yung sinasabi mo."

 

Sinabi ko yon?

 

Wala akong matandaan.

 

"Oh, kitang kita ko sa mukha mo na hindi mo maalala kaya huwag mo na ipilit." She grinned, sumandal siya sa headboard ng kama ko at nginuso ang CR. "Pumasok ka na at maligo, malelate pa tayo."

 

"Okay." I heaved a sigh, scratching my nape. "Sige na nga." Hindi ko na ipipilit na alalahanin, wala naman siguro akong ginawa na bukod don. Baka nagdrama lang ako o kung ano pa man pero that's nothing serious, walang problema sa akin hangga't hindi nila nalalaman yung ibig sabihin don sa sinabi ko raw. Pumasok na ako sa banyo at ginawa na ang dapat gawin dahil baka kurutin ako ni Sakura sa singit kapag tinagalan ko pa ang pagligo at pag-aayos.

 

"Hoy, tangina naman kasi nitong si Ryujin, eh! Ang kupad magdrive amputa!" Nagrereklamo na saad ni Heejin, kumakamot pa sa ulo. Nagmamadali na kami ngayon dahil sampung minuto nalang ay magsisimula na ang first class namin kung saan may exam kami, on time pa naman palagi yung teacher namin sa subject na yon kaya naman nagmamadali kami dahil sinasarado niya yung pinto pag nasa classroom na siya, pota.

 

Eto namang si Yoon, nagkaroon pa ng emergency sa bahay nila kaya ayon, hindi raw siya makakapasok, nagbigay nalang siya ng excuse letter dahil kawawa naman siya, nagreview pa mandin. Considerate naman ang teacher namin pag may excuse letter.

 

"Gago ka ba? Ano gusto mo? Mag yee haw yung kotse ko? Papaluin ko ganun ba? Tignan mong traffic!" Giit naman ni Ryujin habang lakad takbo na ang ginagawa namin, natatawa naman si Yeji at Chaeryeong sa tabi niya kahit na kinakabahan na rin dahil medyo malayo pa building namin.

 

"Dapat inspank mo!" Sabat naman ng siraulong si Giselle habang nagsusuklay, gaga rin 'to, eh. Hindi pa nag ayos sa kotse, mukhang tae talaga.

 

"Ang iingay nyo, mga bwisit. Bilisan niyo nalang!" Pag-awat naman ni Sakura kay Heejin at Ryujin na naghahatakan na ng buhok ngayon, kagaya ng lagi kong reaksyon pag nakikita silang nagbabardagulan, napapailing nalang ako. Mga isip bata talaga.

 

"Tangina, ang sakit pa ng tiyan ko!" Reklamo naman ni Minju sa tabi ko, hawak hawak pa ang tyan niya. Tinignan ko naman siya at kahit na wala akong maitutulong sa sitwasyon niya, inakbayan ko nalang siya para ipahatid na kinaaawaan ko siya.

 

"Kakacellphone mo iyan." Tugon ni Yeji kaya naman nakatikim siya ng hampas kay Minju, ang haba ng biyas nitong bruha na 'to pag mananakit, umabot pa kay Yeji eh nasa gitna nila kami ni Ryujin.

 

"Wala ka talagang nasabing maganda." Pag-irap ni Minju, naka crossed arms pa.

 

"Oo, kasi ako mismo yung maganda." Yeji smirked and even flipped her hair.

 

"Ang ingay niyo, mga tukmol! Hindi ba kayo makakalakad nang matiwasay at walang ingay?" I responded to their conversation because they don't want to keep quiet, still bickering as ever, aren't they afraid that we might not be able to take the exam and they still looked chill and calm now? Buset.

 

"Naks, ganadong ganado naman 'to. Akala ko ba suko ka na kasi talo ka na?" Nahimigan ko ang panunukso sa tono ni Chaeryeong kaya naman inirapan ko siya kagaya ng lagi kong ginagawa kapag ako na ang pinagtatawanan nila.

 

Narinig ko namang nagtawanan sila habang nakanguso nalang ako at hindi na umimik. Napaisip tuloy ako, ano bang pinaggagawa ko kagabi? May iba pa kaya akong nasabi sa kanila at hindi lang binanggit ni Minju sa akin kanina?

 

"Hay, salamat! Nakaabot pa tayo, salamat talaga sa guardian angel ko!" Parang ewan na sabi ni Sakura habang humihingal na napasandal nalang sa pintuan, nakita kami ng iba naming kaklase na nasa loob at yung iba ay pinagtatawanan kami dahil mga itsura namin. Dahil may nakita kaming teacher kanina, nagmadali na talaga kami at nang magsimulang tumakbo si Ryujin, napasunod nalang tuloy kami sa kaniya dahil sabi nga nila we're all in this together, pwe. Kaya ayon, para kaming hinabol ng kabayo sa mga itsura namin.

 

"Ako ang guardian angel mo!" Sagot naman ni Giselle, mukhang kinakapos na ng hininga. Agad niyang kinuha ang bottled water na binili niya kanina bago pumasok dahil naiwanan daw niya yung tubig niya.

 

"Pa-inom nga!" Narinig kong sabi ni Heejin sa kaniya.

 

"Kung ikaw ang guardian angel ko, baka matagal na napariwara buhay ko!" Patutsada naman ni Sakura kaya naman umusok ang ilong ni Giselle at narinig kong may hirit pa ito na hindi ko nalang pinansin.

 

I didn't say a word about their quarrel nalang, at hinayaan sila na mag-inisan dahil wala namang bago ron as I quietly catching my breath while leaning against the wall behind me. Pinupunasan ko yung pawis sa noo ko dahil nakakapagod talaga iyon. Himala nga na wala pa ang teacher namin, madalas kasi siyang on time kaya naman nakakapanibago na hindi pa sarado ang classroom namin pero hindi naman ako nagrereklamo dahil late kami ngayon.

 

"Nandito ba si Yuna Castro?" It was like magic that we simultaneously turned to whoever was speaking and it was like my throat went dry when I realized who was in front of me now.

 

It was Karina.

 

Looking beautiful as ever, she was holding some school papers, she's also wearing a glasses at mukhang nag iikot ikot siya sa mga classroom and malamang, I don't know kung bakit.

 

Napatingin ako sa barkada ko at nakita kong nakatingin lang din sila kay Karina, mukhang walang balak magsalita.

 

Ano na mga beh? Kung kailan kailangan ko ng mga bunganga niyo tsaka walang silbi?

 

Napabusangot nalang ako sa naiisip ko, kanina ang ingay ingay nila pero ngayon na kailangan ko ang pagiging maboka nila tsaka naman sila walang sinasabi.

 

I cleared my throat, umayos ako ng tayo dahil mukhang sa akin din naman siya nagtatanong dahil sa harap ko siya tumigil.

 

Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya ngunit nagawa ko naman siyang sagutin, "Opo, nandito po ata sa classroom. Tawagin ko lang."

 

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at hindi ko rin siya tinapunan ng tingin nang tumalikod ako para pumasok sa classroom, pinandilatan ko naman ng mata ang mga kaibigan ko.

 

"Pumasok na nga kayo." Utos ko sa kanila, ginagamit ang pagiging president ko kahit na hindi ko naman talaga ginusto dahil napagtrip-an lang ako nung election, mga walanghiya talaga.

 

Nakita ko namang nagpipigil ng tawa sila Giselle kaya naman sinamaan ko nalang sila ng tingin bago pumasok sa classroom namin, I roamed my eyes around the classroom. Huh?

 

Nasaan na si Yuna?

 

"Nasaan si Yuna?" Tanong ko naman sa mga kaklase ko, napansin ko na nagsipasok na rin pala ang mga tukmol at pumunta na rin sa kani kanilang pwesto, wala pa rin si ma'am.

 

"Hindi pa pumapasok pres," Narinig ko namang sagot ni Jungwon. Tumango nalang ako sa kaniya. "Pero papunta na raw siya sabi nitong sila Wonyoung."

 

"Okay, thank you. Pakisabi pakibilisan, hinahanap siya ni Miss Karina." I told him, binilinan ko na rin sila Wonyoung na kaibigan din ni Yuna at agad naman niya akong naintindihan.

 

Isang malalim na buntong hininga at isang galon ng lakas ng loob ang inipon ko bago ako lumabas ulit sa classroom para harapin si Karina, nakita kong nakasandal na ito sa kaninang sinasandalan ko habang chinecheck yung mga papel na hawak niya.

 

"Uhm, pres." Pagpukaw ko naman sa atensyon niya, ang awkward talaga dahil ngayon lang naman kami magkakausap after mahabang panahon dahil hindi niya nga ako matapunan ng tingin. Nakakapanibago na nasa akin ang buong atensyon niya ngayon, napalunok ako nang mapansin na nakatitig na siya sa akin.

 

"Wala pa raw po si Yuna, eh. Pero papunta na rin." Yun ang sagot ko dahil yun naman ang totoo, wala naman akong maihaharap na Yuna sa kaniya kung wala talaga.

 

She let out an exasperated sigh as she nodded her head, "Okay." Tipid na sagot naman niya at inayos na ang mga hawak hawak niya. Awkward na tumango nalang ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin o sabihin.

 

Pasok na kaya ako?

 

Hindi naman ako kailangan dito, last time I checked, Winter naman ang pangalan ko at hindi Yuna.

 

"Thank you." Dagdag pa niya nang siguro mapansin na nakatayo pa rin ako sa harapan niya kaya naman I just gave her a small smile. Nakakahiya naman 'to, bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

 

"Yeah, opo. Pasok na ako." Nag-aalangan na sabi ko nalang habang kinakamot ang braso ko, patalikod na sana ako nang bigla siyang magsalita.

 

"Ah, wait." Pagtawag niya kaya naman napalunok ako. Tumingin ako sa kaniya at napansing nakatingin pa rin siya sa akin. May kung ano sa mga mata niya at sa paraan ng pagtitig niya na hindi ko mafigure out kung ano pero at the same time, ayoko na rin malaman pa. Pakiramdam ko, it's a waste of time lang dahil I'm pretty sure it means nothing.

 

I straightened up, and let out a breath. "Po?"

 

"Can you please tell her to go in my office after lunch? May need lang ako i-discuss sa kaniya about her records." Tanong niya pero alam ko namang nag-uutos ang tono niya, wala rin naman akong balak na tumanggi dahil nakikisuyo lang naman siya.

 

Tumango nalang ako, "Sige po, sabihan ko siya." Tapos na ba? Pwede na ba akong pumasok sa loob? Pakiramdam ko, hindi na kakayanin ng tuhod ko kung magtatagal pa ako ng ilang minuto na ganito kalapit sa kaniya.

 

"Late ka ba?" Napaawang naman ang bibig ko sa sumunod na tinanong niya.

 

"Ha?" Parang gago na tanong ko naman sa kaniya kahit na naintindihan ko naman ang sinabi niya.

 

"Late ka ba, kako?" Pag-ulit naman niya, bahagyang nakakunot na ang noo niya.

 

Ano naman sa kaniya?

 

"Ah, opo. Pero wala pa namang teacher." Sagot ko nalang para matapos na. Alam kong gusto ko siyang nakikita at ganito kalapit sa akin pero hindi pa ba siya aalis? Hindi siya maganda para sa kalusugan ko, eh.

 

"Okay." She mumbled, nodding her head again. Inayos niya ang salamin na suot niya kaya naman napaiwas ako ng tingin dahil ang ganda niya at baka mamaya mabakla na naman ako ng wala sa oras. "See you later nalang."

 

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, anong see you later? Inaaya ba ako nito makipagdate? Hala siya.

 

"Ano?" I asked, obviously confused with what she said. "Anong meron?"

 

Silence stretched out between us for a moment after I asked that and then she spoke rin maya maya, "You forgot?"

 

I pursed my lips, napakurap nalang ako dahil hindi ko talaga matandaan. May usapan ba kami ni Karina? "Yung?"

 

"Meeting. President. After class." Madiin na sabi naman niya, my lips parted in shock after realization hits me. Oo nga pala, nakalimutan ko. Sinabi nga pala ni Ningning sa akin na may meeting mamaya ang president ng bawat classroom dahil kaibigan din siya ni Karina at baka pinasabi sa kaniya. Magpinsan din sila kaya naman close na close sila, kaya madalas si Ningning nangunguna sa pagpush sa akin sa pinsan niya dahil sa alam nito ang pagtingin ko para sa babae. Wag nalang! Hindi ako susugal sa laro na alam kong matatalo agad ako.

 

"Ah oo nga." I chuckled nervously, ramdam ko kasi ang bigat ng tingin niya sa akin. "Sorry, nakalimutan ko. Opo, pupunta ako."

 

Peste talaga mga bumoto sa akin!

 

Labag talaga sa loob ko 'to, please lang. Pakiramdam ko nga wala naman akong ambag sa classroom namin, eh. Magdusa sila at panget representative ng section namin dahil hindi sila maayos na nag elect ng presidente, hmp.

 

Sana naman hindi ganito kagago ang mga tao sa buong Pilipinas para bumoto ng kung sino sino lang at hindi capable na mamuno sa buong bansa diba? Ang dapat talaga na binoboto eh yung mga may dulot naman sana sa pag unlad ng bansa natin at pagsisilbihan ang mga tao sa Pilipinas and not the other way around. Iluklok sa pwesto ang tamang tao, hindi yung binibili lang ang boto. Doon tayo sa edukado at marunong manindigan sa mga pangako.

 

Ang dami dami ko nang sinasabi. Kainis naman kasi, dapat talaga hindi ako yung president, eh! Wala nga akong hilig sa mga ganito.

 

"As you should." She replied, shrugging her shoulders. Seryoso lang ang mukha nito habang nakatingin pabalik sa akin. "I'll go na rin, do not forget." Pahabol nito at naramdaman ko ang diin sa pagbigkas niya kaya naman napalunok ako at napatango nalang.

 

"Good." Yun lang ang sinabi niya at tumalikod na sa akin, wala sa sarili na napakurap nalang ako habang nakatingin sa pigura niya na lumalakad na papalayo sa akin.

 

What was that?

 

Napapailing na pumasok nalang ako sa classroom nang matanaw na rin ang teacher namin sa may hallway.

 

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

 

Hindi nakakatuwa na grabe pa rin ang epekto sa akin ni Karina after all this time.

 

"Winter, paano ka nakaperfect ha?! Hindi ka nga humawak ng papel kagabi!" Narinig kong tanong ni Ryujin sa akin habang papunta na kami sa canteen para maglunch, natatawa naman ako sa itsura niya dahil hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko. Nagulat nga rin ako na wala akong mali dahil may mga hindi ako sigurado lalo na sa identification. Mukhang kampi sa akin ang tadhana ngayon, charot.

 

"Ikaw lang naman engot dito." Natatawang turan ni Yeji kaya naman nakatanggap siya ng batok kay Ryujin.

 

"Tangina mo, ah." Singhal ni Ryujin sa kaniya habang tumatawa nalang kami sa itsura niya. "Si Minju rin kaya."

 

"Bonak! Nandamay ka pa." Reklamo ni Minju rito, madami rami na rin ang tao sa labas at mukhang lunch break na rin nila. Hindi kasi kami sabay sabay ng lunch break dahil marami ang estudyante at magkakaroon ng siksikan sa canteen kaya naman iniba iba nila ang sched bawat strand.

 

"Wala bang oras na hindi kayo magsasagutan?" Tanong naman ni Heejin, "Laging may sabong dito ah."

 

"Oo ikaw yung tutukain namin pag sumabat ka pa." Ganti naman ni Ryujin.

 

"Ang panget mo, bakit may tukaan? pa lips ko." Sabi naman ni Heejin dito, maya maya lang ay sila na ang nag aaway kaya naman napahalakhak ako.

 

"Baby!" Sabay sabay kaming napalingon sa tumawag habang naghihintay kami kela Ryujin, Sakura, Heejin at Chaeryeong dahil sila ang bumili ng mga pagkain namin habang kami naman ay nakatambay lang dito para hindi kami maalisan ng pwesto.

 

Nakita namin si Ningning na nakajersey pa habang nakasakbit ang duffel bag sa balikat niya, nakapony ang mahaba nitong buhok at kahit na mukhang galing sa practice ay fresh pa rin siya infairness. Nakangiti ito sa amin, specifically kay Giselle.

 

"Bakit lahat kayo tumingin? Lahat ba kayo baby ko?" Pang-aalaska nito pagkalapit sa pwesto namin at umupo sa tabi ni Giselle na agad naman siyang niyakap na parang koala. Umasim naman agad ang mukha ko dahil another episode of kaharutan na naman nilang dalawa.

 

"Kung ikaw lang naman tatawag sa akin ng baby, wag nalang." Sagot naman ni Minju sabay make face pa kaya naman kinurot siya agad ni Ningning sa tagiliran.

 

"Ang panget mo talaga, minsan na nga lang tayo magkita. Saan ka ba nagsususulpot, ha?" Sagot naman nito sa babae, ako naman tahimik lang na nakatanga habang nagsscroll sa fb dahil wala pa namang pagkain.

 

"Busy lang sa acting club!" Sagot ni Minju, taas noo pa. "Well, kasama ko yung ex mo ron—"

 

"Sampalin kita, Minju. Isa pa." Sumabat na si Giselle habang nagbabanta ang tono nito kaya naman napabunghalit ako kakatawa nang balingan si Minju na nakanguso na ngayon, natahimik din siya, eh. Mukhang natakot din sa tono ng boses ni Giselle.

 

"Panget mo talaga part 2, hindi ko nga ex yun. Nanligaw lang." Masungit na saad naman ni Ningning, nakayakap na siya sa bewang ni Giselle habang nakapatong naman ang baba niya sa balikat nito. Grabe ang PDA naman.

 

"Baby, kiss." Nakangusong panlalambing ni Ningning sa kaibigan namin na malugod namang binigay agad ni Giselle, ang rupok talaga.

 

"Sa harap pa talaga namin?" Nasusuyang tanong ni Yeji, we're on the same page talaga.

 

"Mahiya nga kayo sa aming mga single!" Segunda naman ni Minju, parang aktibista na nagpoprotesta.

 

"Sure ba kayong single kayong tatlo? Eh si Winter—" Hindi na natuloy ni Ningning ang sasabihin niya nang samaan ko siya ng tingin.

 

"Ano na namang kinukuda mo riyan, Luningning?" I asked her, raising my eyebrow. "Iniissue mo na naman ako!"

 

"Ibig ko sabihin ikaw malapit na maging taken!" Taas baba ang kilay na sabi nito na ikinakunot ng noo naming lahat na nandito sa table bukod sa kaniya na nagsimula ng kalokohan na iyon.

 

"Nakashabu ka ba?" Sagot ko naman sa kaniya, inabot ko pa ang noo niya upang salatin. "Hindi ka naman mainit, ibig sabihin wala kang lagnat!"

 

"Gaga!" She scoffed, tumingin pa siya sa girlfriend niya at alam niyo yung emoji na nagpapaawa at teary eyed? Ganon yung itsura niya, sub na sub si gago. "Baby, help me!"

 

"Baby, I wanna help you pero hindi ko rin alam ano tinutukoy mo." Natatawang tugon naman ni Giselle sa kaniya at inakbayan pa siya nito, grabe talaga skinships ng dalawang 'to, hindi naman sa naiinggit ako pero parang ganun na nga? Bakit ba kasi hindi ako gusto ni Karina? Ganito rin sana kami kung ginusto niya lang ako pabalik! Kasalanan 'to lahat ng black mamba.

 

"Hindi, what I mean is—" Naputol na naman ang sinasabi niya nang magsidatingan na yung apat na may dala dalang mga pagkain na binili nila.

 

"Hoy eto, kulang ka pa ng dos, Minju! Pinag abono mo pa ako!" Bungad ni Heejin pagkalapag nila ng mga pagkain namin. Iba iba naman ang pinabili namin, ako burger steak lang dahil mas prefer ko ang kanin ngayon.

 

"Napaka kuripot mo naman! Parang dos lang! Ano ba mabibili mo ron? Lollipop?" Nakabusangot na sabi naman ni Minju habang kinukuha ang wallet sa bulsa niya para bayaran yung kulang niyang dos kay Heejin. Nagpasalamat naman ako kay Sakura dahil siya ang bumili ng pagkain ko at inabot niya rin sa akin yung sukli.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hindi po ako umiinom ng alak kaya wala akong masabi masyado at hindi detailed basta alak na nakakalasing!!! HAHABAHAHAHAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Ardem_Joseph23
11 streak #1
Chapter 2: Rereading. Epilogue po sana ☺
readeronlysad #2
Chapter 2: AHAJAJAJAJAKKWKAKAKAKAKAKAKKWWKJSNDKDDJJ
readeronlysad #3
Chapter 2: waaait
tintin04 #4
Chapter 2: When po epilogue huhu ang ganda!!! Waiting parin. ಥ⁠_⁠ಥ
Luwijen
#5
SANAOL PO. WHEN NAMAN AKO
TakuyaKen
#6
Chapter 2: Sana ol pag nag drunk call ganyan
CincoYoo
#7
Chapter 2: kailangan ko rin bang malasing para mapabalik siya?
cheesemis #8
Chapter 2: sana may kasunod huhu
Darnanays
#9
ah. ive been rereading your works. nakakamiss!
D_Moon_212
#10
Chapter 2: Nabitin ako dun ah hahaha sana may kasunod. Ang cute talaga pag nag babardagulan sila hahaha dami nila magkakaibigan. Di ko masyado kilala si Sakura, ang alam ko lang adik sha kay Irene hehe ryulia pala dito peeo ok lang. Ang cute nila pag nagsama-sama. More jmj pls