Golden

Golden
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Aylabyu sabado! Pati na rin linggo~" 

 

Kanina pa umaarangkada ang boses ng isang babaeng nagnga-ngalang Yizhuo. 

 

"Ugh. Ampota, paki-tikom nga ng bibig mo, Yizhuo!" Sabi ng kaniyang dakilang bardagul na kaibigan with matching irap. 

 

At dahil hindi marunong magpatalo si Yizhuo, umirap siya pabalik. "Na LSS ako sa commercial na 'yun eh. 'Wag ka nalang makinig!"

 

Ito kasi ang unang commercial na lumabas sa T.V nila Yizhuo na parang stripes ng zebra ang screen at nag-hihingalo na.

 

"Paano? Kahit naman takpan ko ang aking beautiful ears, rinig ko pa rin ang pangit mong boses na parang inipit na kabayo! Parang nalunok mo pa naman 'yung megaphone ni kagawad!" Sagot naman ni Aeri, ang dakilang bardagul na kaibigan but soon to be jowa ni Yizhuo. Oo, soon to be jowa as per Yizhuo's words. Ika nga niya.

 

'Kukulayan ko ang buhay mo. I'll be the color and you'll be the coloring book. Perfect match.'

 

Ngunit parang hindi naman yata dahil wagas pa sila sa aso't pusa kapag nag-bangayan.

 

Yizhuo pretended to look offended. "Wow, huh? Grabe ka makapangit sa boses ko eh dakilang 100 sureball scorer nga ako sa videoke namin!"

 

"Sira na videoke niyo!" Pasigaw na saad ni Aeri na dumagdag pa sa kaingayan ngayon ng classroom nila dahil wala pang teacher.

 

Hindi naman siya naka-agaw ng atensiyon dahil may kanya-kanya ring ginagawa ang mga kaklase nila. At isa pa, normal na sa kanila na parang isang palengke ang classroom dahil na rin isa ang section nila sa pinaka-ayaw turuan ng nga teacher. For short, isa sila sa mga worst sections ng school. Pero bawing-bawi naman sa memories dahil walang araw na hindi ka maa-aliw. 

 

Tumaas ang isang kilay ni Yizhuo bago siya sumagot, "Anong sira ka diyan? Ayos pa 'yon, uy! Parating chini-check 'yon ng tatay ko!" 

 

Isang magaling na mekaniko at taga-ayos ng sirang bagay si Monica– ay este, ang tatay ni Yizhuo. Siya parati ang puntahan ng mga kapit-bahay nila kapag mayroong ipapa-ayos. Kahit pa mga taga-kabilang baryo ay dumarayo pa sa kanila para lang magpa-ayos. 

 

Nag-tataka siguro kayo kung bakit nag-hihingalo ang telibisyon nila Yizhuo kahit na magaling na taga-ayos ang kaniyang tatay. Sa totoo lang, kahit si Yizhuo at ang kaniyang tatay ay nag-tataka rin. Ayaw na talagang umayos ng T.V nila kahit na ilang beses itong sinubukang ayusin ng tatay ni Yizhuo. Babalik man sa dati ang kulay ng screen nito pero kinabukasan, stripes ng zebra na naman ang makikita mo. Para bang sukong-suko na ito sa buhay at ayaw nang balikan ang nakaraan kaya hindi na nila ito pinilit na ayusin. 

 

"Nako, sira na talaga 'yan! Biased videoke niyo. Biased, Yizhuo!" 

 

Kumunot ang noo ni Yizhuo. Anong biased ang pinagsasasabi nito? Baka biyas, kamo?

 

Sasagot pa sana si Yizhuo nang biglang bumukas ang pinto ng room nila at iniluwa ang isang babaeng blonde ang buhok na akala mo'y galing ibang bansa. 

 

"Good morning, Philippines! Ang cute ko talaga! 'Di ba? 'Di ba?" Masaya at napaka-energetic na bati nito habang nakataas ang dalawang kamay at tumatango-tango pa.

 

Sa likod ng kanyang uniform, sa may bandang kuwelyo ay nakahawak at nakasunod ang isang matangkad na babaeng naka-simangot na napakahaba ng biyas na ani mo'y parang nasa legs niya na rin nakalagay ang mga laman-loob niya. 

 

Tumawa si Yizhuo at napahagikgik si Aeri dahil sa tingin nila ay mukhang nakawalang tuta ang kanilang blonde na kaibigan. 

 

"Nawala na naman ba ang tali ng tuta mo, Jimin?" Natatawang tanong ni Yizhuo. 

 

Walang emosyong tumingin ang matangkad na dalaga sa kanya bago siya binigyan ng tingin na nagpa-pahiwatig ng 'Ano pa nga ba?'

 

"Hoy! Anong tuta ka diyan, Velhatco?" 

 

"Hahaha! Putcha!"

 

Napa-tingin si Yizhuo kay Aeri na malakas na tumawa bago sinagot ang kaibigang blonde ang buhok. "Ikaw, Minjeong. Para kang nakawalang tuta ni Jimin. At saka, tigilan mo na nga ang kakatawag sa surname ko! Ang sagwa pakinggan, pwe!" 

 

Ayaw na ayaw ni Yizhuo ang kaniyang apilyedo dahil masagwa raw ito sa pandinig. Madalas din kasi siyang asarin dahil dito. Eh sa nakakaberde pa naman ito ng utak kaya talagang aayaw ka sa ganiyang apilyedo. 

 

"Wala namang mali sa apilyedo mo, Velhatco!" Saad ni Minjeong bago humarap kay Jimin at ngumiti. "Minmin, bitaw na sa kuwelyo ko please. Nasasakal na ako."

 

Binitawan naman ni Jimin ang kuwelyo niya nang marinig ito at marahang humingi ng tawag sabay pisil sa pisngi ni Minjeong. 

 

"Wooshu! Kaka-pasok niyo lang ng room, ang harot niyo na agad. Wala naman kayong label." Komento ni Aeri na halata namang bitter bago binuksan ang kanyang bag upang ilabas ang paborito niyang magic pencil dahil mahilig siyang mag-sulat ng kung ano-ano sa likod ng kaniyang Judy Ann Santos notebook. 

 

"Ayos kayong dalawa, 'no? Pumasok pa talaga kayo eh alas-diyes na ng umaga. Dalawang oras na kayong late." Saad naman ni Yizhuo habang nakatingin sa relos niyang kupas na ang kulay dilaw nitong kulay.

 

Nanlaki naman ang mata ni Minjeong. "Alas-diyes na!?" 

 

Tumango naman si Yizhuo. "Oo, gaga!" 

 

Humarap si Minjeong kay Jimin na nagpatay-malisya. 

 

"Minmin, bakit hindi mo sinabing alas-diyes na pala?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Minjeong na tinawanan lang ni Jimin. 

 

"Ang sarap ng tulog mo eh. Ayaw kitang gisingin. Tsaka kapag ginising kita, makakatanggap lang ako ng tadyak." Sagot ni Jimin at nagkibit-balikat. 

 

"Kaya pala tayo tiwanan ni Manong Melchor kanina sa gate." Nakangusong saad ni Minjeong. "Mabuti nalang at prend kami no'n kaya tayo pinapasok." 

 

"Sana lahat hindi bina-bother ang pagtulog. Ikaw diyan, matuto ka nga kay Jimin. Mag-take notes ka!" Singit ni Yizhuo habang nakaduro kay Aeri. 

 

"Hala, bakit ako na naman ba?" Naiiritang tanong ni Aeri. "Ako parati nakikita mo ah!" 

 

"Sa'yo lang naman parating nakatingin si Yizhuo, Aeri. Kung alam mo ang sinasabi ko." Nakangising saad ni Jimin. 

 

Nakatanggap naman ng lumilipad na magic pencil si Jimin na nailagan niya naman. 

 

"Hoy! Ano bang pinagsasasabi mo diyan, Jimin?!" Pabulyaw na tanong ni Yizhuo. 

 

"Hoy! Pota kayo, 'yung magic pencil ko!" 

 

––

 

Kasalukuyan silang nagsa-sagot ngayon dahil ang thirty minutes late nilang teacher ay bigla-bigla nalang pumasok ng room ngunit agad ding lumabas matapos niyang mai-regalo sa kanila ang kaniyang surprise quiz.

 

At siyempre kapag may surprise quiz, hindi mawawala ang mga matang gumagapang at lumilipad. 

 

"Minjeong! Kitang-kita ko 'yong mata mong gumagapang mula dito!" Pasigaw na bulong ni Yizhuo habang todo takip sa papel niyang hingi lang kay Jimin na sponsor nila ng papel. Mapa-one-fourth, one-half lengthwise or crosswise, at yellow pad, asahan mong sandamukal ang dala ni Jimin araw-araw.

 

Sumimangot naman si Minjeong. "Pakopya na kasi! Nakalimutan mo na ba ang mga pinagsamahan natin?" Madrama niyang saad. 

 

"Tignan mo nga iba nating kaklase oh. Nagbi-bigayan na ng sagot." Dagdag pa niya. 

 

"Tapos ano? Gagaya ka naman?" Sarkastikong tanong ni Aeri at umirap. 

 

"Minjeong, hindi pwede na puro asa sa kopya ka nalang. Ga-graduate na tayo ng junior high." Paalala ni Jimin. 

 

"Ay weh? Eh hindi nga tayo sure kung papasa tayo eh." Sagot naman ni Minjeong kaya nakatanggap siya ng batok.

 

"Aray!" Daing niya at tinignan ng masama ang salarin.

 

"Kung mong mag-graduate, 'wag mo kaming idamay." Saad ni Aeri. 

 

"Ang KJ niyo naman! Hindi naman ako totally mangongopya eh. Kukuha lang ako ng idea." Nakangusong saad ni Minjeong habang nakahalukipkip ang mga braso na parang isang batang hindi binilhan ng kaniyang nanay ng candy. 

 

Hindi siya pinansin ng tatlo kaya naman mas lalo siyang sumimangot. 

 

Walang nagawa si Minjeong kundi ang makipag-titigan sa papel. Papel na galing din kay Jimin, ang kaniyang secret bebe. Secret bebe dahil siya lang ang nakaka-alam. #Jiminpapersponsorft.secretbebeniMinjeong

 

Sa totoo lang ay matatapos na niya ang quiz. Madali lang naman kasing humula. Kaso, masyadong sapaw 'yung pa-essay sa huli na may tanong na 'Ano ang iyong mga natutunan? Itala mo.' Tanong na kahit hindi nagle-lesson ang teacher, kailangan mong sagutin.

 

Si Minjeong ay isang tipikal na estudyante lang naman pag-dating sa gan'yan. Kapag wala siyang natutunan, wala siyang mailalagay. 

 

At dahil bulakbol nga siya kasama ng tatlo niya pang kaibigan, siyempre, wala siyang maisagot kasi wala nga naman siyang natutunan. Idagdag niyo pa na hindi naman nagtu-turo ang teacher nila pero mahilig mag-bigay ng surprise quiz. Masu-surprise maderpader ka nalang. 

 

Dahil ayaw siyang pakopyahin ng kaniyang mga kaibigan, nag-isip nalang siya ng kalokohang pwede niyang gawin para naman ma-divert ang pagka-hinayang niya sa pa-essay na kanina niya pa sinukuan. 

 

Sakto at mayroon siyang buong sampung piso sa bulsa ng palda niyang ginamit niya rin kahapon. Reduce, reuse, recycle ika nga nila. 

 

Naalala niya rin ang dinekwat niyang lighter sa tatay niyang mahilig manigarilyo. Bakit niya dinekwat 'yung lighter? Wala lang, trip niya lang. Bet na bet niya kasi 'yung tunog kapag pinatay-sindi niya 'yung lighter. Kaya naman para sa ikasasaya ng buhay niya, dinekwat niya ang lighter na kabibili lang ng tatay niya kahit na buhay ang nakataya. 

 

Pasimple niyang tinignan ang kanyang dalawang kaibigan at isang ka-ibigan. Busy naman sila sa pagsa-sagot kaya naman ginawa na niya ang kabulastugan agenda niya. 

 

Kinuha niya ang panyo niyang puti sa kasulok-sulukan ng bag niyang noong isang linggo pa ata hindi nalalabhan para gawing panghawak sa sampung piso kapag ito'y uminit na. 

 

Kinabahan pa siyang buksan 'yung lighter dahil rinig 'yung tunog, pero buti na lang ay may lahing bingi ang mga kaibigan niya kaya naman siya ay nakaraos. 

 

Patuloy lang siya sa pagpa-painit ng sampung piso habang pasimpleng sinisilip ang mga mahal niyang kaibigan. PS. Mahal na mahal niya po 'yung isa. 

 

Nang ma-satisfied na siya sa init ng sampung piso, agad niya itong pina-gulong kung nasaan si Yizhuo, ang target niya today. 

 

Agad siyang umarte na parang walang alam at kinalabit si Yizhuo. "Uy, Velhatco. Paabot nga nung sampung piso sa baba mo." Saad niya na akala mo hindi siya ang mastermind ng mangyayaring kalokohan. 

 

Napatigil sa pagsa-sagot sina Jimin at Aeri na para bang may naramdaman na may isang kalokohan na naman silang mawi-witness. Kalokohan radar is now on.

 

Tumingin sa ibaba ng upuan ang walang kamalay-malay sa mangyayari na si Yizhuo at kinuha ang sampung pisong parang tinusta sa init.

 

"Ang init, pota!" Sigaw ni Yizhuo nang mahawakan niya ang sampung piso. "Huhu, bwiset!"

 

"HAHAHAHA!" Halakhak ni Minjeong. Halakhak ng isang pasimuno ng kalokohan na rinig hanggang sa kabilang dulo ng hallway ng floor nila. 

 

Agad na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makiyuu
Hai~ Miss ko nang gumala and makipa-daldalan with my friends kagaya nung f2f. Btw, here's my twt. Let's be moots, I also do one twt aus there! https://twitter.com/makiyu_u?t=UB8bhFow5qdbU6ttzqaksA&s=09

Comments

You must be logged in to comment
baconpancakesss
#1
Chapter 1: ang cute naman nito HAHAHA nene days
Jiminez #2
Chapter 1: Cute niyo lahatttttt
dimaka2logdahilsau #3
feel like 90's 🔥🔥
Jiminez #4
Chapter 1: Talambukid pa nga hahahahah
Min2kmj #5
Chapter 1: ang saya nilaAAHHAHAHAHHAAH gusto ko din makaranas nito hays
Mother_joohyun
#6
Chapter 1: Bakit parang ang saya magcutting HAHAHHAHA
kang_ddeul
#7
Chapter 1: hala ang cutieeee po 🤩💕
JCLCF4E
#8
Chapter 1: kyut
uchinagassi #9
Chapter 1: Super cutie namang neto haha ka-miss ang high school~
Maatt_booii #10
Chapter 1: Ahahahahahhahaha yawa ang kulit nilang apat lalo na si wintot..



.Naalala ko tuloy yung pinaggagawa namin ng mga classmates ko tuwing last period na ng hapon, yun ang mag cutting class at magnakaw ng prutas na tanim ng brgy sa likod paaralan..