Bilanggo

JMJ Short Stories
Please Subscribe to read the full chapter

"ILABAS NIYO AKO RITO!! HINDI KO SIYA PINATAY!! MAAWA KAYO SA PAMILYA KO." Sigaw nung isang nasa kulungan namin. 

 

"Anong pinatay? Manahimik ka nga dyan." Sabi ng kasama ko. 

 

"PARANG AWA NIYO NA. ILABAS NIYO AKO RITO." 

 

"Mag-bayad ka para makalabas ka dyan." 

 

Kakabalik ko lang at nakita ko marami na palang nahuli yung mga kasama ko. Tinignan ko isa-isa yung mga nasa kulungan. May mga pawis na pawis dahil sa pagtakbo nila saming mga opisyal. May mga nasa gilid lang na para bang takot sa mga kasama nila sa loob. 

 

Napailing nalang ako dahil sumisigaw na naman yung isang babae rito. Ininom ko ung kape na binili ng kasama ko sa labas at kumagat sa donut na kasama nito. Kaya siguro pinagkakaguluhan 'to sa labas kanina. 

 

"PWEDE NAMAN AKO SIGURO TUMAWAG PARA MAY MAG-PYANSA NA SAKIN DIBA?" Tanong nung babaeng maingay. 

 

"MAAWA NA KAYO SAKIN. PALABASIN NIYO AKO RITO." Pagpapatuloy niya. 

 

Papatahimikin ko na sana ulit nang bumukas yung pinto at nagsalita yung bagong dating, "Ningning napakadrama mo. Rinig na rinig ka sa labas." 

 

"WIN! SALAMAT PINUNTAHAN MO AKO. MAGBAYAD KANA PARA MAKAALIS NA AKO RITO!" 

 

Hindi ba niya alam kung paano hinaan boses niya? Napakamot nalang ako sa ulo dahil baka mapagalitan na naman kami dahil sobrang ingay. 

 

Lumapit na sa akin si Winter na taga ibang course at nag-abot ng twenty pesos. 

 

"Pasensya na sa kaibigan ko. Nakalunok ng mic e." Nakangiting sabi sakin nung Winter. 

 

"Sa susunod hindi na namin siya huhulihin. Daig pa niya yung mga nakakulong talaga e." 

 

Natawa lang yung Winter sa sinabi ko at patuloy na silang nag-lakad palabas ng aming Jail Booth. Medyo familiar na ako kay  Winter dahil ilang beses na siyang nakulong dito sa booth namin at naririnig ko rin siyang nagpeperform minsan at sobrang ganda ng boses niya. 

 

"Ibang officers na raw mag-babantay dito, Rina. Tara check natin yung ibang booth." Pag-aaya sa akin ni Yeji. 

 

"Mabuti naman. Gusto ko mag-try sa mga food stalls." Inangkla ko na ang braso ko sa braso ni Yeji at lumabas na kami.

 

 

--

 

 

"Masaya kana ba at nakasilay kana kay Karina?" Tanong ni Ningning sa akin. 

 

"Alam mo, hindi mo naman kailangan mag-wala dun sa booth nila. Para kang tanga kanina. Nakakahiya kaya." Sabi ko rito. Ang napag-usapan kasi namin, sisigaw siya kapag andun na si Karina para puntahan ko na siya at magpyansa. 

 

Bumuntong-hininga si Ningning na nasa tabi ko, "Sabi ko kasi sa'yo diretso marriage booth na kayo, sa ating booth naman yun kaya libre na. Corny kasi ng plano mo." 

 

"Ewan ko sa'yo."

 

 

-- 

 

Nag-lalakad kami ni Yeji ngayon sa hilera ng mga food stalls. Putahe ng iba't-ibang mga bansa ang inihanda nitong mga students ng business course. Yung iba swak naman sa panlasa ko, yung iba naman medyo hindi ko natripan. 

 

"Check natin sa marriage booth, Rina!" 

 

Hindi na ako nakaangal pa dahil hinila na ako agad ni Yeji papunta sa stage kung nasaan yung marriage booth. Hindi ko talaga alam anong ginawa ng Student Council para payagan magkaroon nitong mga pang-highschool na booth. Thankful parin ako dahil naging enjoyable naman 'tong week para sa aming mga college students. Last day na ngayon kaya ang daming tao, sinusulit siguro yung mga booth at may concert din kasi mamayang gabi.

 

 

Nakarating na kami at nakita namin si Ryujin na crush ni Yeji. Kaya naman pala niya ako dinala rito para sumilay. 

 

"Gusto mo ilista kita? Kanina ka pa tingin nang tingin sa assistant nung Pari e." Pang-aasar ko sakanya. 

 

"Sige, Rina! Iwan kita tapos kunwari hindi ko alam. Hindi pa naman tayo nakikita e." 

 

Tinignan ko si Yeji na tumakbo na palayo. Syempre mabait akong kaibigan, support lang sa paglalandi ng kaibigan ko. 

 

Lumapit na ako dun sa taong nakayuko dun daw magpapalista. Pagkaangat niya ng ulo, nakita kong si Winter pala 'to. 

 

"Gusto mo ba magpakasal?" Tanong niya agad sakin. 

 

"Kasal agad? Hindi mo ba muna ako liligawan?" Pang-aasar ko sakanya. 

 

Lumaki naman yung mata niya at mabilis na umiling-iling, "Ano... Hindi... Uhm... I mean..." 

 

"Joke lang! Hinga ka muna." Natatawa kong sabi sakanya. Namumula na kasi yung pisngi niya. Ang cute lang talaga niya. 

 

"Papakasal ko sana si Yeji tsaka Ryujin." Pagpapatuloy ko. 

 

"Sige, sulat mo nalang buong pangalan nila dito para sa marriage certificate mamaya. Fifty pesos pala ah." Sabi niya at iniabot na sakin ang ballpen. Pumunta siya sa mga kasama sa booth para sabihin ang bagong ikakasal nila.

 

 

Mabilis naman nila nahanap si Yeji dahil talagang dumaan siya dito sa amin at kunwaring nagcecellphone lang. 

 

"Hala, ano to?" Pagpapabebeng sabi ni Yeji. 

 

Sinuotan silang dalawa ni Ryujin ng puting skirt at nilagyan ng belo sa ulo. Mayroon din silang bouquet of flowers. Grabe prepared talaga yung booth nila.

 

 

"Maaari na kayong magbeso-beso." Pagtatapos ng Pari na si Hyunjin. 

 

Narinig ko naman yung angal ni Yeji na narinig din ng iba dahil nagtawanan kami pagkatapos niyang sabihin ito. 

 

"Ay, beso-beso lang pala rito. Ang KJ naman ni Father."

 

 

 

Si Giselle na yung kasama ko ngayon dito sa Jail Booth dahil kami na yung last na magbabantay. Hindi ko na alam kung saan nagpunta si Yeji kasama ni Ryujin, loka-lokang yun iniwan kami. Wala na rin namang nagpapalista kaya okay na rin ilang minutes nalang din naman tapos na itong mga booth.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TakuyaKen
#1
Chapter 1: ay ang suave ng transition hehe
kang_ddeul
#2
Chapter 1: wahhh ang cuteee! hahahaha (◍•ᴗ•◍)✧*。
ayperos_
#3
Chapter 1: pahingi ng isang winter😩🤧
yujinator
#4
Chapter 1: ANG GANDA *NAGDABOG*
gayasf__
#5
Chapter 1: CUTIEEEEE
Gab_17
#6
Chapter 1: Taena ang cuteeee, ang effort naman ni Winter nung college ha, para lang maka score ng date shet. Ang cute ng transition potaaa. Thanks sa pagsulat neto author!!
yukimin
#7
Chapter 1: wahhhh cutieeee more po authorrrr