Cleaners

KAISOO TAGALOG DRABBLES COLLECTION
Please Subscribe to read the full chapter

Automatik na sa cafeteria ang naging ending ng magbarkadang Chanyeol at Jongin pagkatapos ng klase. Bukod kasi sa laging nagugutom si Chanyeol, doon din ang meeting place ng basketball team kung saan miyembro ang dalawa.

 

Nakasandal sa pader si Jongin, nagpapanggap na nakikinig sa mga kwento ni Chanyeol tungkol sa bagong episode ng One Piece. Naisin mang makinig sa update ngunit napukaw na ng iba ang kanyang attention.

 

Apat na metro malapit sa kanila, tanaw ni Jongin ang kanilang classroom president na si Junmyeon habang kausap si Kyungsoo. Mukhang seryoso ang topiko ng dalawa kung ibabase sa suot na expression ni Kyungsoo.

 

Nagulat si Jongin pero magaling itong magkubli ng nararamdaman kaya ng sabay na lumingon ang presidente at si Kyungsoo sa kanilang kinaroroonan, pasimpleng tumawa si Jongin, pinalo pa nito ang bewang ni Chanyeol na ngayong nagtataka sa reaksyon nito.

 

At ilang sandali pa ay nasa harapan na ng basketball players sina Junmyeon at Kyungsoo.

 

"Jongin, Chanyeol. Tulungan niyo muna si Kyungsoo sa classroom. Cleaners nila at absent si Baekhyun."

 

"Naku, pres, may practice kami maya-maya eh, papahinga lang naman kami dito saglit." Dahilan ni Chanyeol, rich kid kaya hindi sanay sa paglilinis o anumang gawaing bahay.

 

"Ganun ba? Nagsiuwian na kasi lahat at may meeting din kami." Ani ni Junmyeon.

 

"Soo, ako nalang." Boluntaryo ni Jongin na ikina-gulat ng tatlo. "I mean," Doon napagtanto ni Jongin ang mga sinabi at sa labis na pagkahiya, napakamot ito ng batok. "Alas sais pa naman yung practice."

 

"Uy labas ako diyan ha, mamaya maghanap sila Sehun magalit pa kapag hindi tayo nakita." Ani ni Chanyeol, umatras pa, pahiwatig ang pagsalungat sa desisyon ng kaibigan.

 

"Ayan, Soo, kayo nalang ni Jongin. Kahit bukas sa umaga mo na ipatapon yung basurahan kay Baekhyun." At si Junmyeon ay dali-daling umalis.

 

 

 

 

///

 

 

 

Dahil karamihan sa estudyante ay mga kalalakihan, medyo madumi ang kwarto ng datnan ng dalawa. Nagkatinginan pa sina Jongin at Kyungsoo pagkatapak nila sa classroom. Kyungsoo's sending Jongin a warning, a second chance to leave him and Kyungsoo's heartbeat began racing quickly when Jongin ruffled his hair with a giggle.

 

"Kaya natin to." Jongin says and Kyungsoo's amused dahil naintindihan ng matangkad ang telepathic message niya.

 

Sinimulan ng dalawa ang paglilinis sa pagwawalis ng sahig. Isang row pa lamang out of six ang nawawalisan ng magkaklase when Jongin spoke.

 

"Soo, nalowbat yung cellphone ko, may mga music ka ba sa phone?" Who the hell don't have? Nakasubscribed sa family plan ang youtube music ng mga Do.

 

Tumango lamang si Kyungsoo, inunlock ang phone bago ibigay kay Jongin ang cellphone.

 

"Oh, nice. Is this your pup?" Tanong ni Jongin, holding out the phone to it's owner. What came after is something Jongin isn't expecting mula sa tahimik na estudyante ng kanilang classroom, or sa buong eskwelahan. Kyungsoo smiled a genuine one habang nakatingin sa kulay itim na poodle sa kanyang phone.

 

"Meokmol. Family pet pero he's more like my pet." He speaks finally, continuing his task while Jongin occupied one vacant seat and scrolls through Kyungsoo's youtube music app.

 

"I have a pup din eh, actually tatlo sila. Wanna go for a date sometimes?" Literal na nabitawan ni Kyungsoo ang hawak na walis sa labis na pagkagulat sa tanong ni Jongin. The question was something none of them expected. "I mean, the puppies, playdates or something."

 

Ah. The puppies. Their puppies going for a playdate and stuffs.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ronahearts_kaisoo
#1
Chapter 4: Ay sana all may lovelife. ❤️❤️❤️
ronahearts_kaisoo
#2
Chapter 3: Kinikilig ako, pwede bang sila na lang I mean mag boyfriends na lang sila. ❤️❤️❤️
ronahearts_kaisoo
#3
Chapter 2: Sana maging sila na, for real.
ronahearts_kaisoo
#4
Chapter 2: Awww sweet. ❤️❤️❤️
ronahearts_kaisoo
#5
Chapter 1: Nakakaiyak naman to. 😭😭😭 Salamat sa pag share. ❤️
ronahearts_kaisoo
#6
Hi Mami it's me. 😅