Modules at Umagahan

KAISOO TAGALOG DRABBLES COLLECTION
Please Subscribe to read the full chapter

Shutting Down...



Pagkatapos ng mahigit sampung oras na pag-babad sa harapan ng computer, sa wakas ay masaya ng nagpapa-alam ang home based call center agent na si Jongin sa computer nito. Makakapagpahinga na ang empleyado pati na rin ang computer set na tila kabayo kung kumayod, hindi nakakaramdam ng pag-ooverheat kagaya ng kanyang computer.

 

After unplugging all the wires, hinawi ng agent ang kurtina upang sumilip sa mundo. Madilim parin ang langit, may mga nagkikislapang bituin, tahimik pa ang kalsada kaya si Jongin ay lumingon sa wall clock. Mag-aalas tres pa lamang ng madaling araw.

Kaagad na tumayo si Jongin, nakaharap ito ngayon sa bintana habang nagste-stretching, pinapa-init ang katawan habang nakatingin sa nakasininding ilaw ng kapitbahay.

 

Pagkatapos magstretching, hawak ang kanyang cellphone at habang nakadikit iyon sa tenga, kanya namang tinahak ang hagdanan pababa.

 

"Kakatapos lang ng work. Why are you still awake?" Tanong ng agent sa kausap sa cellphone, kasalukuyan na itong nakatayo sa harapan ng refrigerator, raiding his fridge to look for available food to cook para sa almusal. Isang bag ng kamatis, isang pakete ng hotdog at limang piraso ng itlog ang inilabas. "Alright, I'll come over to help you out- Kyungsoo, it's okay, its not a big deal. Hindi naman ako nakakatulog until eight in the morning." He giggled, pauses to listen sa kausap sa kabilang linya. "I'll bring breakfast also so I'll be there in thirty minutes."


Isang linggo na lamang at pasukan na. Dahil sa pandemya, lalong bumigat ang mga gawain at responsibilidad ng grade two teacher na si Kyungsoo. Heto ngayon ang masipag na guro, gising parin at busy sa pagpi-print ng mga modules ng mga estudyante. If pre-pandemic lang ito, marahil nasa bakasyon si Kyungsoo kasama ang mga kaibigan.

 

Busy sa pagse-segregate ng print outs ang guro ng marinig ang malakas na pagkatok sa kanyang front door.

 

Knowing who his visitor at the most ungodliest hour, kanyang iniwan ang trabaho upang papasukin ang kapitbahay. Nakangiti si Jongin bitbit ang nilutong brekafast na kanilang pagsasaluhan.

 

Kyungsoo eyed the food and pouted, may sunnyside up, hotdogs and tomatoes at may kaparehang fried rice. Bigla siyang naglaway at the thought of that one dish.

 

"Tuyo no? Napaisip ka ng tuyo." Yap, for a foodie like Kyungsoo, it's illegal to serve fried rice without the tuyo. They're partners, a couple na never naghihiwalay saan mang handaan. "Wala kasi sa bahay, naubusan ako. Meron ka ba?" Tahimik na tumango si Kyungsoo, nasa kusina na ang dalawa, ang guro ay naghahain ng dala ng agent while the latter stands behind Kyungsoo. "Good. Magluluto lang ako."

 

Pumayag naman si Kyungsoo at nagpa-alam na tatapusin ang pending two sets of documents na ipi-print.

 

The teacher is in the middle of printing when he felt someone walked behind him at isang segundo pa ay naka lean na si Jongin sa kanya, the agent is reading the module he's printing.

 

"Need help? Or eat muna habang mainit pa ang foods?"

 

"Kain na muna, nagugutom na din ako." Tumango si Jongin at sabay silang tumungo sa kusina.

 

Naupo si Jongin samantalang si Kyungsoo ay nagtimpla ng kape nilang dalawa, Nescafe creamy latte para kay Jongin samantalang black coffee ang para sa kanya.

 

 

 

///

 

 

 

 

Tatlong taon ng magkapitbahay ang dalawa ngunit bago magpandemic lamang naging magkaibigan. May ka-live in partner that time si Jongin at may jowa din si Kyungsoo. Kung hindi pa nagkakasabay sa grocery store ang dalawa hindi pa siguro naging magkaibigan ang mga ito.


 

Sa pagdating ng pandemya, doon lalong naging close ang isa't isa. Kapag unstable ang internet ni Jongin, sa bahay ng guro ito nakiki wifi, at kapag nauubusan naman ng asukal or asin ang agent, ang guro ang naging takbuhan.

 

Mabait si Jongin, madaldal around Kyungsoo kaya mabilis naging panatag ang loob nito. Lalo pa at sabay silang naging broken hearted kaya ang isa't isa ang naging sandalan.

 

"Start na ba ng klase? Akala ko ba next week pa?"

 

"Alam mo naman ngayon, modular na kaya dapat advance mag print out. Ayoko namang mag cramming kapag simula na ng klase." Tumango si Jongin, nakikinig sa rants ng guro. Napapasarap din ang pagkain nito at labis na nakaka-gana ang kanilang pinagsasaluhan.

 

"Soo, makalawa pala, maggo-grocery shopping ako. May ipapabili ka ba?" Umiling si Kyungsoo.

 

"Sasama nalang ako, pwede? Paubos na din ang stocks ko at nakakahiya naman kung lahat ng iyon ipapasaba

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ronahearts_kaisoo
#1
Chapter 4: Ay sana all may lovelife. ❤️❤️❤️
ronahearts_kaisoo
#2
Chapter 3: Kinikilig ako, pwede bang sila na lang I mean mag boyfriends na lang sila. ❤️❤️❤️
ronahearts_kaisoo
#3
Chapter 2: Sana maging sila na, for real.
ronahearts_kaisoo
#4
Chapter 2: Awww sweet. ❤️❤️❤️
ronahearts_kaisoo
#5
Chapter 1: Nakakaiyak naman to. 😭😭😭 Salamat sa pag share. ❤️
ronahearts_kaisoo
#6
Hi Mami it's me. 😅