Ako, Liwanag at araw mo

Simula't Huli
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Napatingin ako sa kalendaryo, malapit na pala ang araw na pinakahihintay niya. Itinuloy ko na lang ang pag-inom ng kape, mainit at mapait kagaya ng nagbabadyang luha sa’king mga mata at sa kirot na nagpaparamdam sa’king dibdib. Hindi naman ito ang una, hindi ito bago… hindi na. Pero ngayon alam kong iba, ibang-iba na--sobrang layo sa nakasanayan at nakaraan.

 

Humarap ako sa laptop ko, unang bumungad pa sa’kin ang notification ng date na kanina lamang ay nakita kong may bilog sa kalendaryo. Nakalimutan kong pati nga pala sa laptop ko naka-sign in ang e-mail mo. Oo, ganun kami ka-close at open sa isa’t-isa. Tipong pati yata facebook password niya alam ko, at alam ko na rin pati pagpapalit niya ng pin code sa back account niya. Lahat ng importanteng date, oras, at selebrasyon sa buhay niya alam ko.

 

Gusto kong ipagmalaki, walang nakakakilala sa kaniya kagaya ng pagkakakilala ko. Kahit yata  kung saan siya nakagat ng langgam, sinasabi niya sa’kin.

 

Napatawa na lang ako sa mga naalala ko. Hindi ko naman talaga inaakala na ganito pala ‘to kalakas tumama. Paniniwala ko nung una, mabilis lang ang ganitong bagay. Akala ko nung una basta ba alam kong hindi siya masusuklian, madali kong mabibitawan. Pero siguro nga, opinions are hypotheses waiting to be concluded efficiently. And sa case ko, I was proven wrong. ‘Yung mga akala ko noon, ‘yung paniniwala ko noon--binasag at itinapon niya. Pinatunayan niya na hindi ‘yun totoo, at hinding-hindi ko mapapatunayan sa sarili ko na tama nga ako.

 

Ano bang meron sa kaniya at ganito ako ngayon? Kuntento na sa pa-friendly date na kaya niyang ibigay, at sapat na ‘yung yakap na dati ay may kasama pang matamis na ‘Hihintayin kita’.

 

Oo, aminado ako… naging duwag ako, at naging mahina. Pinili kong makuntento kahit na nasa harapan ko na at konti na lamang ay makukuha ko na. Hinayaan kong manatili tayo sa pwestong maski siya ay gusto na rin lampasan.

 

Sinisisi ko ang sarili ko, at sa tingin ko ay sobrang obvious na ng part na ‘yun lalo na sa mga kaibigan namin. Hindi ko naman gustong mapag-iwanan pero ako na rin mismo ‘yung dahilan kung bakit ako napag-iwanan.

 

“Hello?”

 

“Hello, Archi namin? Punta kami diyan ah?”

 

Napasinghap na lang ako at tumugon ng isang ‘oo’. Alam ko na kung bakit sila pupunta, para damayan ako sa kaduwagan ko noon. Para umupo at makinig sa walang katapusan kong reklamo tungkol sa mga bagay na sana ay ginawa ko.

 

Wala nang katok-katok, basta na lamang sila pumasok at naupo sa dining table kung saan ako nakapwesto, nagbukas ng ref at naglabas ng mga bote ng alak.

 

“Alam na namin kung anong kinikimkim mo…” Tumayo si Krystal at inalis ang laptop sa harapan ko.

 

“Pero ngayon naman… gusto namin malaman ang kwento. Bakit sa mata niya ako pa rin ang jowa mo? Bakit hindi mo sabihin ang totoo?” Napaka-straight forward niya naman.

 

“It’s easier this way, Krystal... “

 

“Actually, Seul… mas mahirap, at mas komplikado.”

 

Bakit ba wala man lang silang warning sa mga tanong? Nabibigla ‘yung puso ko.

 

“Teka lang naman, mahina ang kalaban… kalmahan niyo naman.” Umirap lang si Krystal at inabutan naman ako ni Kai ng bote ng alak.

 

“Ito oh, pampalakas ng loob…” Agad kong ininom iyon at huminga ng malalim.

 

“Para saan pa at itinago mo ang lahat?”

 

“Hindi niyo kasi naiintindihan... ang hirap sabihin, gustong-gusto ko pero natatakot ako.”

 

“Sige, ibang tanong na lang. Bakit mo siya mahal?”

 

Ewan ko rin, bakit nga ba? Dahil ba sa ngiti niya? Sa itsura niya? Sa ugali niya? Wala akong ideya... 

 

“Wala akong maisip--walang rason para mahalin ko siya, sadyang nangyari na lang.”

 

“Kailan?”

 

Kailan nga ba?

 

Sinubukan kong isipin at alalahanin kung kailan nga ba?

 

Ang naalala ko lang nung araw na pinapunta ko siya para panoorin akong sumayaw--kami pa ni Krsytal noon, at oo, mahal ko siya--mahal ko si Krystal nung panahon na ‘yun at alam ko ‘yun sa sarili ko. Close sila, at pinapunta ko siya bilang kaibigan… hindi ko rin sigurado eh, basta ang alam ko payapa, at sapat na. Mahal ko si Krystal pero ‘yung makita ko siya sa harapan ng malaking bilang ng mga tao? Walang ibang katumbas na kapayapaan. Assured ako, at kampante ako--walang ibang magiging mahalaga kundi ang ngiti sa labi niya.

 

‘Yun ba ‘yun? O baka ‘yung gabing tinawagan ko siya, at pinag-kwento. Itinanong kung anong nangyari sa araw niya dahil alam kong mapapalagay ang loob ko basta naririnig ko ang boses niya. Paulit-ulit na paghingi ng tawad ang ginawa ko kay Krystal para sa nararamdaman ko na hindi ko alam ang patutunguhan.

 

Nag-away kami dahil doon, at aminado ako na ako ‘yung nagkamali. Ako ‘yung naging mahina, at marupok. Sa kaniya ako unang tumakbo--over a cup of noodles, pinag-usapan namin ang araw namin. Hindi siya nagtanong kung bakit, at anong nangyari sa’min. Hinayaan niya akong maging komportable at aminin ang pagkakamali ko.

 

“Baka ako na pinagseselosan ni Krystal ah?” Natatawa niya pang sabi. Umiling ako agad, pasensya na… alam kong hindi ko kaya.

 

Or siguro ‘yung mga panahon na lumalamig na ‘yung relasyon namin, mas lalo akong naging komportable at kampante na nandiyan siya at mas ramdam ko ‘yung kapayapaan. Oo na, ako na ‘yung nagkakamali--ako na ‘yung nandadaya.

 

Alam kong mali, alam kong hindi maaari, at bawal--at oo ulit, kasalanan ko at inaamin ko.

 

Akala ko buong-buo na ‘yung nararamdaman ko para sa kaniya pero ‘yung araw na naghiwalay kami ni Krystal, hindi ko akalain na masasaktan pa rin pala ako at madudurog.

 

Alas-diyes ng gabi, at walang ibang tao sa paligid. Walang kasiguraduhan kung anong oras kami makakauwi pero sinamahan niya ako. Pinanood namin ang pagdami ng bituin sa langit habang naglalabas ako ng sama ng loob, at sakit. Ako rin naman ang naging dahilan pero hindi ko inakala na ganito rin pala kasakit. Kung sabagay, minahal ko rin naman si Krystal… hindi nga lang kagaya ng

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
demiseYuri
part 2 of Hintay, Ihahatid na kita!!!

Comments

You must be logged in to comment
joohyuns_hubby
#1
Chapter 1: Potangina ang sakit potaaaaa
Varcenciel21
#2
Chapter 1: Pero ang ganda po ng pagkakasulat, nakakasakit 🥲
Varcenciel21
#3
Chapter 1: Takte naman, binasa ko yung part 1, akala ko babawi dito sa part 2. Na-double kill tuloy ako 😫