CHAPTER 1

STILL, YELLOW LIGHT
Please Subscribe to read the full chapter

Always follow your heart.

 

 

Start.

 

 

Zayne

 

 

Brrt... Brrrt...

 

 

Dinampot ko ang magnet nang tumunog ito at lumapit ako sa counter para kunin ang order ko. Kanina pa kasi siyang nakaharap sa laptop niya, busy sa pagsagot sa mga emails ng kliyente niya.

 

When we're supposed to have a date today? But I am not complaining.

 

Suddenly, felt my phone ringing inside my pocket so I placed the tray on a vacant seat and answered it.

 

[Hello, bestie! How are you? Nasaan ka?]

 

"Two birds sitting in a line. It's a coffee and bar. A bistro."

 

[Oh. Sino yung cute na nasa kanan mo?]

 

"Huh?" Napalingon naman ako sa paligid kahit yung cute para sa akin eh yung nasa six o' clock ko na masungit na orange haired interual androgyne.

 

[Nasa two o' clock mo siya.]

 

"Ah... Wala naman."

 

[Luh. Meron nga! Ayan oh~ he's smiling at you, beh~]

 

"I'm already taken." Sinadya kong ilakas ang boses ko para marinig pero hindi yun nahalata ni Lei

 

[Oo, taken for granted, as always.]

 

Hindi na lang ako sumagot kasi may point naman siya.

 

"Eh, bakit ka pala napatawag?"

 

[Wala lang mangangamusta lang bago ako matulog.]

 

Nakahiga siya at parang may ayaw ipakita sa kwarto niyang may mood lamp na orange at red.

 

"May kasama ka sa condo mo?"

 

[Wala. Ako lang. Umuwi siya sa Japan.]

 

"Oh. Bakit?"

 

[Binisita niya ang family niya.]

 

"Ba't di ka kasama? Nag-away kayo?"

 

[Hindi noh!] Matigas niyang tugon. [Ba't naman kami mag-aaway?]

 

Nakumbinsi nako kasi may pagbulong pa siyang mahina bago pinakita sa akin yung piattos na green na kinakain niya.

 

[Anyway, wag natin siyang pag-usapan kasi hindi siya ang dahilan ng pagtawag ko.]

 

"Akala ko ba nagpapaantok ka lang?"

 

[Nope. Nasabi lang ni Drew sa akin na nagdedate na daw kayo ulit.]

 

"Oo."

 

[Eh nasaan siya? Pakita naman kay sungit oh?]

 

Binuksan ko yung camera sa likod.

 

"Siya yung may gamit na apple macbook pro."

 

[Wew~ Di naman ako nainform na workaholic pala si Ate mong boy.]

 

"Yup. And it seems like he already planned his life."

 

[Ganun naman pala~ Eh bakit hindi mo i-tour? Sirain mo ang schedule niya para di ka stuck sa isang coffee shop while he's working like a responsible kid.]

 

"Lei, yun ang character development niya. Responsable na siya ngayon."

 

[Magandang sign yan ng maturity niya pero abot hanggang dito ang boredom mo girl~]

 

Matapos niyang sabihin yun kumuha siya ng dalawang pirasong lays at sinubo.

 

"Ayos lang naman ako."

 

[Duh~ nakita ko kaya kung paano ka tratuhin ni Jerome at tignan mo hah! Sinundan ka pa dyan.]

 

Kanina pa siyang pasulyap-sulyap sa akin kaya hindi ako masyadong makapagsalita ng maayos.

 

"Gaga! Hindi niya ako sinundan. Dito lang din kasi siya na-destino for work."

 

[Eh hindi ba sign sayo yun? Siya yung nandyan during your lowest point, he takes you out for lunch, dinner at baka kaya niya tinanggihan ang offer ng Venice branch nila is because of you!]

 

"Kaso bestfriend niya yun."

 

[Andami mo naman dahilan girl! Kung pinili mo na kasi yung taong kaya kang alagaan hindi ka na babalik dyan sa mokong na yan! Minsan choice din talaga maging shunga noh?]

 

Hindi ako ulit nakasagot kasi tumingin siya sa akin na parang hinihintay niya akong bumalik.

 

[Ano ba kasing nakita mo dyan? Pangalan palang may warning sign na pero paulit-ulit mo pa ring pinapatulan. Hindi sa kinukwestiyon ko ang preference mo pero jinujudge ko ang choice mo.]

 

"Lei, you know how I pushed him away kahit alam ko ng sincere siya sa feelings niya noon diba?"

 

[Yuh! Birthday mo nung iniwan mo siya kaya kada birthday mo umiiyak ka sa akin!]

 

Sa puntong yun sinara na niya ang laptop at sinilid na ito sa kanyang bag.

 

"And you know how much I regret it, right?"

 

[Hm. Pero daserb yun ng ferson! Hindi ka niya kayang panindigan until now.]

 

Tapos tumayo siya at naglakad papalapit sa akin.

 

[Sige na, matutulog nako~]

 

"Goodnight bes! Sweet dreams."

 

Pagkababa niya ng tawag sandali akong napaisip sa mga naging decision ko lately.

 

What makes me decide to fight for him again?

 

It's when I saw him at Meet Me In Amsterdam. Drinking alone in a corner.

 

Parang may hinihintay siyang dumating tapos nang muli silang magkita biglang nabuhay yung mga mata niyang malungkot. Hanggang sa unti-unti rin itong nawala nung makita niya si Jerome.

 

Hindi ko alam kung napansin ba siya ni Jerome pero parang hindi kasi kung oo dapat nilapitan na niya ang kaibigan niya. Pero feeling ko rin kasi handa na yung isa isantabi ang friendship nila para sa akin. Ako lang yung tumanggi. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya at wala ng hihigit doon.

 

"Sino yung kausap mo?"

 

"Si Lei."

 

"Ah." Maikli niyang sagot sabay dampot ng buttermilk cookies. "I'm sorry. Hindi ko kasi pwede inignore yung emails ni client sa akin. Medyo importante yung inquiry niya and sinagot ko lang din ang concerns niya regarding the project." Huminto siya nang napansin niya ang pagsulyap ko sa labas habang nagkukwento siya. "Sorry, boring ba?" This is the first time I've seen him shy.

 

Hindi siya extrovert pero hindi rin naman siya yung tipong nahihiya sa mga kaibigan o kakilala. Kasi kung ganun edi sana hindi niya naging girlfriend ang 10% ng female population sa Crogveris.

 

"Alam kong boring ako." Panimula niya.

 

"I don't know how to strike a conversation with someone unless they talk to me. Hindi rin ako mahilig sa movie dates, and I don't like watching people swipe their cards for needless shopping. Siguro kasi yung thoughts ko minsan masyadong makasarili kaya hindi ko napapansin yung need ng iba for attention. Ewan ko ba kung bakit ako ganito?" Napansin kong ngumiti siya ng bahagya.

 

"Sorry ulit."

 

"Pangatlong sorry mo na yan."

 

Nang sandaling yun pinigilan na niya ang sarili pero nakita ko pa ring bumulong siya ng mahina.

 

"Apat."

 

"Sorry talaga."

 

"Tumigil ka na."

 

Nanatili siyang nakatungo na parang batang napagalitan and I noticed that he's playing with his ring on the thumb.

 

"Catholic ka pala?"

 

"Huh? Hindi. Nakita ko lang 'to kanina habang naglilinis ako ng kwarto."

 

"Wait." Tinignan ko ng maigi yung ring at doon ko napagtanto na sa akin pala yun.

 

"Kung di ka catholic anong religion mo?"

 

"Wala. Importante ba yun? Naniniwala naman ako sa supreme being na may control sa lahat ng multiverse." Napangiti ako dahil sa sobrang random niyang explanation. Ang cute lang!

 

"Red,"

 

"Hm?"

 

"Hindi ka boring."

 

Walang mababakas na reaksyon sa mukha niya.

 

"Maarte lang talaga yung mga ex mo."

 

"But Tali isn't." He looked away with an indifferent face.

 

"Minahal mo rin talaga siya noh?"

 

"No. I thought I loved her."

 

"Then, why did you have to ask me to pretend as your girlfriend?"

 

Inexpect niyang itatanong ko yun at parang may nakahanda na rin siyang sagot.

 

"I lied." Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. "That I didn't like you."

 

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko doon pero ayoko rin naman mag-overreact. Gusto kong lawakan ang pang-unawa ko kaso dumating pa rin ako sa puntong tumayo ako at umalis. Hindi naman niya ako pinigilan. Ganyan din siya nung makipaghiwalay ako sa kanya.

 

He just plainly stared at me and said nothing.

 

Sino ba talaga ako para sayo, Red?

 

 

******

 

 

That night, Mead found Red at her mini bar counter with a cold Heineken while facing his laptop screen. When she came close she figured out that he was staring at Zayne's photo.

 

"What are you doing?"

 

Agad namang sinara ni Red ang screen niya.

 

"Kanina ka pa dyan?"

 

"Hindi naman." Gusto niyang matawa sa reaksyon ni Red matapos magulat. "Head over heels ka talaga dyan sa bebe mo noh? Diba buong araw na kayo magkasama? Hindi ka pa nagsawa?"

 

Umiling lang siya.

 

"Naks naman! Grown up na yarn?"

 

"Kaso parang kulang pa rin."

 

Samantala pagbukas ni Mead ng refrigerator niya kumuha din siya ng Heineken at binuksan ito. Bago siya naupo sa tabi ni Red. Tapos inoffer naman niya ang chips na nakalagay sa bowl.

 

"Hindi lang ikaw ang nakakaramdam ng ganyan, dude." Dumampot siya sa chips at saka tinungga ang inumin niya. "Kami din ni Phoebe. Distansya at oras ang parating kalaban namin."

 

"Okay na ba kayo?"

 

"Hm... Okay kami ngayon. Pero who knows baka mag-away ulit kami bukas."

 

"Hindi mo pa rin nililinaw sa kanya na wala kayong something nung coworker mo?"

 

"Alam naman niyang wala kaming something. Bigla lang siyang gumawa ng issue porket nakita niyang nag-reply ako dun sa tagged photo nung coworker ko."

 

"Bakit ba niya iniisip yun?"

 

"Ewan ko rin sa kanya. Ganyan na siya simula nung sabihin ko sa kanyang bumaba na sa barko." Huminga siya ng malalim. "Masyado niyang dinamdam yun at sinabihan pa niya akong hindi ko raw siya naiintindihan." Muli niyang tinungga ang inumin saka bumaling sa kaibigan. "Hindi ako magtataka kung isang araw pati ikaw pagselosan niya."

 

Nasa gitna siya ng pagnguya sa chips niya nang sabihin yun ni Mead kaya nasamid siya.

 

"Okay ka lang?" Natatawa niyang tanong.

 

"Gago ka ba?"

 

"Sorry na~ I don't mean what I said. Tsaka hindi rin naman kita papatulan."

 

"Sana tinanong mo din muna ako kung type ba kita?"

 

"Alam kong hindi. Isa pa, kaibigan kita!" Giit niya.

 

"Eh bakit mo nasabi na pagseselosan ako ni Phoebe?"

 

"I mean not romantically kasi. It could be because you're living in our house."

 

"Psh. Kaya nga sabi ko sayo ihanap mo ko ng lugar! Ayaw mo naman."

 

"Eh wala naman akong kasama, dude. Tsaka mabuti na nga yung nandito ka para di ako lonely."

 

"Pero gusto ko rin naman magkaroon ng sarili kong lugar para hindi naman nakakahiya sayo."

 

"Sus ngayon ka pa nahiya? Eh bininyagan nyo na nga ni Zayne ang master's bedroom namin!"

 

Ipagtata

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
coldbrewrae
Did you like this update? Please leave your thoughts... and don't forget to vote and subscribe! Thank you~

-Raek @coldbrewrae on twitter

Comments

You must be logged in to comment
wintzkie #1
Chapter 3: Okay . CaliAda is back .