1.0

It Takes Time

Unti-unting lumalayo, unti-unting nawawala. Iyon ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan kitang nakaupo sa kabilang dulo ng cafeteria. How long has it been? 4 weeks? Five? Seven? I lost count already, all I know is that you keep on avoiding me for reasons na wala akong kaalam-alam. Did I do something wrong? Did I hurt you in anyway? Kasi kung oo, hindi ako magdadalawang isip na humingi ng tawad sayo and fix whatever this is that we're both going through. Kaya lang hindi mo ako kinakausap, kahit simpleng pagbati - wala. So how am I supposed to know?

"Unnie" nawala ako sa aking pag-iisip at ibinaling ang atensyon sa kaharap ko. Nakita ko si Yeri nakatingin sakin, tila ba nababasa nya ang iniisip ko. Ibinaling nya ang kanyang tingin sayo at napabuntong hininga na lamang sya.

"Hindi pa rin ba kayo nag-uusap? Hindi ba bestfriends kayo?" Bestfriends pa ba tayo? I just shook my head and smiled at Yeri.

"Have you tried reaching out?" Napatawa na lang ako sa sinabi nya. For the love of all the divine beings above, ginawa ko almost everything to talk to you, to get closer to you but everytime I try to utter a word or to even take one step forward, pilit mo akong tinutulak pabalik.

Putang ina gulong-gulo na ako.

" You know I tried Yeri and to be honest napapagod na ako."

"Maybe Seulgi-unnie is just going through something. Whatever her reason is alam natin na she'll come around. You've been friends for 10 years unnie, hindi madaling itapon yun."

"Sana lang Yeri. Sana lang." Pero papano kung madali lang sayo itapon tong pagkakaibigan natin? Ibinalik ni Yeri ang kanyang tingin sa pagkain nya habang ako naman ay lumingon ulit para pagmasdan ka.

"Seulgi" bulong ko sa hangin. Napahinga ako ng malalim ng nakita ko ang mga mata mo na nakatitig sa akin. Sa loob ng maingay na cafeteria na ito, ikaw lamang ang nakikita ko, lahat ng boses sa paligid hindi ko naririnig. Katahimikan lamang at ikaw, wala ng iba. Nagtitigan lang tayong dalawa, tila ba wala sa atin may balak kumawala. Seulgi, anong nangyari sa atin?

 

***

 

We've been friends for 10 years maybe longer. Sa loob ng 10 years na iyon, lagi tayong magkasama, lagi tayong magkatabi, at laging magkahawak ang mga kamay natin. It is as if we are stuck with each other and I don't really mind. Having you beside me is more than enough.

 

***

 

"Unnie" tanong mo sa akin, nakahiga tayo sa kama mo, you invited me for a sleepover kasi wala lang. Wala lang, yun yung gusto ko sa relationship natin, wala lang. We didn't need any reason for us to be together, gusto lang natin. Simple lang, no explanations.

"Bakit?" Napatingin ako sayo.

"Graduating ka na next year. Hindi na kita makikita sa school." Halata ang lungkot sa boses mo, nakikita kong may nagbabadyang luha sa iyong mga mata. Kaya naman I pulled you into my embrace. Niyakap kitang mahigpit at naramdaman ko namang niyakap mo ako pabalik.

"It's just for a year, hindi ba sabi mo you're gonna apply rin sa school ko next year. Besides bibisitahin pa rin kita, hindi lang ganun kadalas pero I'll see to it na magkikita tayo, you can always video chat me if you want to see my beautiful face."

Narinig ko yung tawa mo kahit nakasiksik yung mukha mo sa leeg ko. You lifted your head to look at me, nakita ko yung ngiti mo, natutuwa ako everytime I see you smile. Sobrang mahalaga sa akin na nakikita kitang ngumingiti.

"Maganda ka naman talaga. Halos lahat ng tao sa school may gusto ata sayo. Minsan nahihiya ako tumabi sayo kasi parang di ako worthy to be in the same space with you."

Nalungkot ako sa mga sinabi mo. Never think na hindi ka dapat tumabi sakin kasi pag wala ka sa tabi ko hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. You make me feel calm, you make me feel at peace. I tucked a stray hair behind you ear and gently caressed your face.

"Hindi mo ba alam na ang ganda mo Seulgi, ang ganda ganda mo." Nakita ko na namula ang iyong mga pisngi, nahiya sa mga salitang lumabas sa bibig ko. You bit your lower lip and looked down. Ang cute mo talaga. Napatawa na lang ako sa reaction mo na niyakap ka ulit.

 

***

 

Ngayon, asan na ang mga ngiti mo? Ako ba ang dahilan kung bakit nawala ang mga ngiti sa maamo mong mukha? Miss na miss ko ng makita na nawawala yung mga mata mo habang abot tenga naman ang nga labi mo. Miss ko na yung tunog ng tawa mo sa tuwing magkasama tayo o hindi kaya inaasar ni Joy and Yeri si Wendy. Miss ko na yung dating tayo.

Napatingin ako sa kamay ko, tila ba may kulang. Ang lamig sa pakiramdam, napapikit ako while imagining your presence beside me. You feel so warm Seulgi, hindi mo ba alam yun? Your warmth brings comfort and an unexplainable happiness sa akin, para bang everytime you're around, everthing feels right.

And now everthing feels out of place.

Ayoko sanang imulat ang aking mga mata kasi the moment I open my eyes alam kong wala ka na. Pero may magagawa ba ako? Minulat ko ang aking mga mata at tumingin na lamang sa kisame habang nakahiga sa kama.

"Hindi ako sanay na wala ka Seulgi." Sabi ko sa sarili ko.

 

***

 

Naalala ko yung first few days na pag-iwas mo sa akin, kala ko busy ka lang sa schoolwork kaya hindi mo ako pinapansin kahit sa text man lang. Nasabi rin ni Wendy na may project ang Fine Arts department for an upcoming event the following month so I gave you space that I thought you needed. Hindi ko man lang alam na that space would turn into a black hole separating the two of us.

It was when we went out, all five of us kasi antagal nating hindi nagsama-sama because of our schedule. We celebrated Joy's birthday but 3 days late na tayo nagcelebrate kasi ang hirap pagtugmain free time natin. I remember, nagrent tayo ng room para magkaraoke tapos we asked one of the servers to take a picture of us, nakatayo tayo tapos sa likod natin yung "Happy Birthday Joy" na wall decoration. We were standing in our usual position, si Joy sa far right, susunod si Yeri, ako sa gitna, ikaw, tapos si Wendy sa dulo. Ito yung lagi nating position ever since naging friends tayong lima. You were always by my side, hindi nagbabago yun hanggang sa narinig kong may binulong ka kay Wendy.

"Wendy, palit tayo ng pwesto"

"Bakit?" Tanong ni Wendy, may halong gulat sa sinabi mo pero she kept her voice down.

"Basta" Hindi mo na siya hinintay makasagot, itinulak mo si Wendy papalapit sa akin. I didn't react, I didn't say anything, I just pretended that I didn't hear anything kasi how am I supposed to ask you if from the very start palang we were awkward with each other. By the time you walked inside the room, hindi mo na ako pinansin. You were talking with Joy, Yeri, and Wendy pero sa akin... radio silence. Napansin yun ng mga friends natin, kaya naman hinila ako ni Joy sa banyo habang kumakanta si Wendy.

"Unnie, ano bang nangyari sa inyong dalawa? Bakit hindi kayo nagpapansinan?" Concern siyang nagtanong sa akin.

"Hindi ko rin alam, ayaw ko naman mamilit Joy. I know Seulgi, the more na pinipilit mo sya, the more na lumalayo sya. So, I'm giving her space to sort things out, if ready na siya magsalita, nandito lang ako."

"Biglaan ba to?" 

"No, I feel like she's gradually drifiting away from me. It started two weeks ago, nang napansin ko na hindi na sya masyadong nagrereply sa mga text ko or hindi na sya sumasabay sa akin sa library."

Niyakap ako ni Joy, nagbabakasakaling mawala ng kaunti tong longing ko sa iyo.

"Do you want me to talk to her?"

"No need, it's your day. Huwag muna natin problemahin itong situation namin ni Seulgi. Let's celebrate your birthday na lang, at least complete tayo ngayon."

Nang nakabalik kame galing cr, I was trying my best to make eye contact but you were purposely averting to look at me. Gusto kong umiyak, gusto kong sigawan ka kaya lang hindi ko magawa kasi may hiya at respeto ako kay Joy. It was her special day tapos I'm going to make a scene? No, hindi ko gagawin yun. Kaya for the rest of the night tiniis ko na hindi kita kausapin. Pilit akong ngumingiti kahit ang sakit sakit na sa puso.

 

***

 

Naglalakad ako papunta sa library, kailangan ko muna mapag-isa after ng nangyari sa cafeteria kasi hindi ko na alam kung anong nangyayari. Iniiwasan mo nga ako pero iba ang sinasabi ng mga mata mo. Hindi maikukubli na nalulungkot ka rin, so bakit mo ito ginagawa Seulgi? Kilala kita, nakikita ko na nahihirapan ka sa ginagawa mo kaya naman please bumalik ka na, bumalik ka na sa akin.

Umupo ako sa sulok ng library, sa may bintana, kung saan tayo madalas mag-aral. Ako lang pala yung nag-aaral, kasi ikaw natutulog lang habang nagbabasa ako ng libro. Pero okay lang, natutuwa naman ako pagmasdan ka matulog.

Ngayon, mag-isa na lang ako dito sa sulok. I checked my phone and as usual no messages from you. Napatingin ako sa lockscreen ko, naalala ko pa nung kinuha natin tong picture na to. Ito yung time na niyaya mo akong kumain sa labas kasi, trip mo lang. Sabi mo gawin ko yung finger heart kaya naman even though I find it kinda corny ginawa ko pa rin kasi tuwang tuwa ka. I can't say no to you.

I muster the courage to open our last message. Tagal na talaga nating hindi nag-uusap, your last message was a goodnight from weeks ago. After noon, wala ng sumunod. Hindi na ako nag-isip, I let my fingers do the work. I typed in a simple text message baka sakaling magreply ka.

I miss you.

Ibinaba ko ang cellphone ko sa table, I don’t expect anything. I’ve tried contacting you several times but none of my texts or chats were answered. So I’m not expecting anything this time.

I still have an hour to spend before my next class kaya naman naisipan ko na lang matulog dito sa library. Never tried it before, ikaw itong ginagawang lounge yung library sabi mo masarap kasi yung lamig ng aircon. Natatawa na lang ako sa pagiging childish mo pero I’m lucky kasi I get to see that side of you. Most of the time you’re shy and reserved in front of other people, you only act like that sa mga taong malapit sayo and I'm thankful na kasama ako doon. Ngunit ngayon, part pa ba ako sa grupong iyon? Close pa ba tayo? 

Ipinatong ko ang ulo ko sa mga braso ko sa lamesa at nahimbing ng panandalian.

 

***

 

Pumasok ako sa library, after what happened sa cafeteria, nakita ko ang sakit sa mga mata mo, na guilty ako knowing that ako ang rason kung bakit ka malungkot. Pasensya na kung lumalayo ako sayo, pasensya na kung hindi kita pipansin, pasensya na kung di kita kinakausap. Gusto ko lamang pakalmahin ang puso ko tuwing nakikita kita, kasi sa tuwing magkasama tayo bumibigat ang pakiramdam ko, nahihirapan akong huminga, ang sakit sa dibdib sa tuwing hinahawakan mo ako na para bang ayaw mo akong bitawan o hindi kaya sa tuwing niyayakap mo ako na para bang sinasabi mo na sayo lang ako. Pero that’s the thing, I’m always yours Joohyun pero you will never be mine kasi...friends lang tayo. Lahat ng ginagawa natin walang meaning, wala lang, ganun naman tayo eh.

Good thing Wendy didn’t insist na samahan ako when I abruptly ended my lunch. Well I think she knew bakit ako nagmadali, when I told her na aalis na ako, she looked at your table where you were having your lunch with Yeri. She just smiled at me.

“Sige na.” Sambit nya.

Lumabas ako papuntang hallway pero wala ka na, but I know your schedule and you even know mine. Alam kong you still have one hour before your next class and we mostly spend our free time  sa library kasi you love reading books and I love sleeping there. Pero I wasn’t really sleeping the entire time na nasa library tayo, whenever you’re too engrossed sa book na binabasa mo, I was stealing glances naman sayo. I can’t help it, you’re too beautiful. You’re breathtaking and it hurts. It hurts kasi hanggang dito na lang tayo.

Pumunta ako sa pwesto natin, and just as I suspected nandoon ka nga but you’re not reading a book, you’re sleeping instead. Well, that’s a first. Lumapit ako sayo at umupo sa tabi mo. Pinagmasdan lang kita, napangiti ako kasi after so many weeks nakita ulit kita sa malapitan. Kahit tulog ka, kinakabahan pa rin ako kasi ang lapit ko sayo.

I fished my phone out of my pocket to take a picture of you, we always do that to each other, take random pictures. May it be sleeping, eating, reading, everything that we do, we take pictures of it. It’s like a visual journal entry, we want to remember the things that we do together, we want to preserve those memories. And this time I want to capture this moment of you sleeping in the library - a first for Bae Joohyun.

When I looked at my screen, I saw that you sent me a message. Napangiti ako at the same time nalungkot. I’m sorry for making you feel this way.

I looked at you once again and brushed the strands covering your face.

“I miss you too.” Is all I could say. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ProcrastinatingPen #1
Taas kamay if you still want more!! HAHAHAHA
Maatt_booii #2
Chapter 2: May mga typo ka po otor madami as in :)))
iana013
#3
Chapter 2: Sana sinaksak mo nlng ako db....·´¯`(>▂<)´¯`·.
kiwirene
#4
Chapter 2: final na ba talaga? 😢 saksakin mo na lang ako haha....
Rouxxx
#5
Chapter 1: Magandang umaga po otor, BITINNNBFKSKSJDND 🤣
chaelgi1011
#6
Chapter 1: BITIN AAAAHHH
SEULRENEHAHAHA #7
Chapter 1: putang ina naman
Varcenciel21
#8
Chapter 1: Halaaaa ang bitin 🥺