midnight snack kayo dyan
midnight snack kayo dyan
9:16 pm
“Hi.”
“Hey. ‘San ka na?”
“Malapit na. Paliko na ‘ko sa street niyo.”
Lumawak ang ngiti ni Joy.
Sa wakas. After ng dalawang linggong bakasyon ng jowa niya sa province ay magkikita na sila at makakapag…usap. Tamang-tama kasi pumunta ang parents at kapatid niya sa para samahan ngayong gabi ang lola niya. Nag-volunteer siya para ‘bantayan’ ang bahay nila. Mahirap na kasi baka manakaw ang mga halaman ng mama niya.
“Are you excited?” may panunuksong tanong ng caller.
“Hmm, slight lang.” Nakarinig siya ng pagtawa.
“Me too.”
“Anong ‘me too’ ka dyan?!” Naaninag niya ang ilaw ng kotse mula sa bintana.
“Joke lang! Nandito na ako sa labas niyo.” Hindi na nag-atubili pa si Joy at dali-daling pinagbuksan ng gate ang bisita. Isang mahigpit na yakap ang sinalubong sa kaniya ni Joy.
“I miss you,” sabi ni Joy. Nakapikit siya habang dinadama ang yakap ni Wendy.
“I miss you too, Love.” Bahagyang kumalas sa yakap si Wendy para mahagkan ang girlfriend.
Na-miss niya ito nang sobra. Gustong-gusto niyang maka-uwi kaagad para sa kaniya. Hindi sila makapag-video call noong nasa province siya kasi walang signal tapos nagloloko ang wifi sa tinuluyan nila. Kailangan pa niyang pumunta sa mismong bayan para makapag-send ng message.
“Kumusta doon?” Limang araw lang talaga siya dapat doon kaya lang ay may dumaang bagyo sa probinsya. Hindi sila pinayagang umalis hangga’t hindi nakakalagpas ang bagyo.
“Malungkot. Hindi kasi kita kasama pero naiintindihan ko naman kung bakit bawal. Kinukumusta ka ni Mina.” Barkada trip kasi ‘yon nila Wendy at ng college friends nila. Sinubukan niya namang ayain si Joy pero lately kasi ay nagkakasakit ang lola niya kaya palaging dinadalaw ng Park family ngayon.
“Babawi na lang ako sa susunod kapag gumaling na si lola, okay?” Tumango si siya. Wala naman kasi silang choice. Usually naman nakakasama si Joy. Mabilis pumayag ang parents niya basta kasama si Wendy o kaya yung friend niyang si Seulgi.
“Tara na sa loob. Kakaalis lang nila mama,” sabi ni Joy. Nakakawit ang mga kamay sa leeg ni Wendy.
Nagtitigan sila saka napangiti.
Bumulong si Wendy, “Si Ning?”
Pabulong din siyang sumagot. “Kasama nila. Bukas pa sila uuwi kaya pwede ka matulog dito.”
“Nice…nice.” Kiss.
“I know.”
“Very nice.” Another kiss.
“Tara na.” Sa braso naman niya ikinawit ni Joy ang kamay papasok.
“Wait lang, yung gate nyo. Tsaka may dala kasi ako. Wait—” Napairap si Joy nang kumalas ang kaniyang bisita at nagmadaling binuksan ang sasakyan. Kinuha ang dalang bag saka nilock ang gate. Inabot lang siya nang sixty seconds.
“Ano ‘yan?” Tanong ni Joy nang makalapit siya.
“Damit ko, pasalubong niyo, tsaka food.”
“Food? ‘Di ka pa ba nag-dinner?” Umiling siya. Tinignan ni Joy ang food na dala ni Wendy. Burger tsaka fries galing Jollibee. Kumunot ang noo niya.
“Dinner na ‘to sayo?”
“Yes. Nagdrive thru lang kasi ako tapos kung ano lang yung una kong naisip.” Pumasok na sila sa loob. Binagsak ni Wendy ang bag sa sofa saka siya naupo katabi nito.
“Magugutom ka niyan! Palagi ka kayang gutom pagkatapos.”
“Okay lang, andyan ka naman.”
“Why, magpapaluto ka?”
“No, ikaw yung midnight snack.” Malakas siyang tumawa sa sariling joke. Hindi natawa si Joy. Hinawakan lang ang kamay niya saka siya hinigit pataas.
__________________
9: 20 pm
“Ma, pwede na ba ako umalis, wala na akong naiintindihan dito. Meeting yata ng mga boomers ‘to e.” Nakakunot ang noo ni Ningning. Pinagmamasdan niya sa harapan niya ang papa niyang nakikipagkwentuhan sa mga tito niya.
“Anong oras daw ba kayo magkikita-kita? Magpahatid ka na kay kuya Ten mo.”
“Kanina pang nine! Kaya lang chinika pa ako ni tita baby kanina kaya sabi ko aalis ako nang nine-thirty. Nine-forty something na, ma,” maktol niya.
Birthday ni Yuna next week kaya nagplano silang magkakaibigan na mag-sleep-over ngayon sa bahay nila Winter. Pumayag kaagad ang parents niya kasi magkaklase noong college ang papa niya at mama ni Winter.
“Tawagan mo si Winter, sabihin mo ihahatid ka na ng pinsan mo. Ako na magsasabi kay Ten.”
Nagchat na lang siya sa GC nila.
*Fruit Basket*
Ningning: @winter wag nyo na pala ako sunduin hahatid daw ako ni kuya ten
Winter: HOY SAGLET
Ryujin: hwag ka na pumunta dito di ka need hahahahaha
Ningning: pag broken hindi na dapat nagsasalita
Ryujin: gago below the belt
Winter: MAY PROBLEM POTAENA
Giselle: very sad moment for the gays
Yuna: BINABAWI KO NA ANG SHANGHAI
Ningning: Nyare?
Yeji: dumating kuya ni winter kasama tropa hahaha mga lasing
Winter: JAEHYUN BAOG JAEHYUN DI MAGKAKAJOWA
Ningning: luh pano yan!!!! Yoko dito kila lola puro boomerzzzzz
Ryujin: ang funny dito kaso kumukupit sila ng shanghai natin gago
*
Dumating ang mama niya kasama ang pinsang si Ten. “Ning, payag na si kuya Ten mo.”
“Ning, tara.”
“Wait lang ma, parang ‘di tuloy.”
“Bakit?”
“Dumating daw si kuya Jaehyun kasama mga kaibigan niya e. Nag-iinuman daw.”
Napangiwi si Ten. “Awit yan, pinsan.”
“Nakakainis! ‘Di naman kasi naman macecelebrate yung birthday ni Yuna sa exact date kasi aalis sila ng family niya.”
“O, edi doon kayo sa bahay! Samahan niyo si ate mo doon baka nagdadrama nanaman kakahintay kay Wendy.”
“Ay, G! Wait, ichachat ko sila!”
*Fruit Basket*
Ryujin: kawawa naman si ningning di matitikman yung shanghai lol
Giselle: anong hindi ang dami kaya niyan!
Ryujin: o bat ka galet
Ningning: GUYS
Yeji: *Gays
Ningning: G BA KUNG SA BAHAY
Yuna: *Gays and Ningning
Yuna: UY GORA
Karina: Pumayag si tita? Omg!
Winter: OH TARA NA WTF
Winter: JAEHYUN CAN CHOKE
Winter: PUNTA NA KAMI
*
Sa makatuwid, sa Park residence na ang bagong venue nila. Makakakain na rin ng shanghai si Ningning.
______________
10:12 pm
“Nasarapan ka?” tanong ni Joy.
“Mmmm, sobra.” Malawak ang ngiti ni Wendy.
“Gumagaling ka lalo, Love.”
“Lagi kaya akong nagpapraktis. Pinapagalitan na nga ako ni mama, hindi ko daw siya pinapasingit sa kusina.” Sabi ni Joy saka pinagmasdang ang girlfriend na kainin ang ininit niyang kanin at ulam na niluto niya kanina.
Kasasara pa lang ni Joy sa pinto ng kwarto biglang tumunog nang malakas ang tyan niya. Nakakahiya but life goes on. Hinatak na lang siya pababa sa kusina at pinag-init ng pagkain. Yung burger napunta sa ref.
“Doon ka sa kusina namin magluto, walang magrereklamo.” Mag-isa lang kasi ni Wendy ngayon. Nasa canada ang family niya ngayon.
“Love, dito ka na lang kaya muna?”
“Nakakahiya kila tito. Five weeks lang naman akong walang kasama. Uuwi daw si ate.”
“Five weeks from now pa ‘yon, Love.”
“Ayokong makaabala sa inyo. Kaya ko naman kasi.”
“Parang others naman ‘to e. Nag-aalala kasi ako. What if ma-choke ka habang kumakain mag-isa? Or, bangungutin ka habang natutulog. Paano ka ‘non?” Natawa naman si Wendy.
“Seryoso kasi ako! Think about it. Papayag naman sila mama.”
“Sige, pag-iisipan ko muna.”
“Tapos yang pag-iisip na ‘yan aabutin nang five weeks. Huwag nga ako.” Napairap siya.
Nagstart na magligpit ng pinagkainan si Wendy.
“Hindi naman. Mga four weeks lang siguro.” Nilinis na ni Joy ng table. “Sira ka.”
“Ako na diyan. Dun ka na sa kwarto.”
“Sure ka?” Nagstart siya maghugas.
“Oo. Idala mo na yung bag mo doon. May naiwan ka nga palang damit tsaka towel nung nagswimming tayo. Nasa closet.”
“Okay. Pero iiwan ko na yun dito para may damit ako pag emergency.” Sabi ni Wendy bago umalis sa kusina.
Napangiti si Joy.
_________________
10:25 pm
“Di natin kaya parents ni Ningning.” Paliko na sila sa street ng Park residence. Nauuna sa kanila si Ningning na nakaangkas sa motor. Kaniya-kaniya silang bitbit ng pagkaing hinanda nila sa bahay ni Winter. Basta yakap ni Giselle ang tray ng shanghai.
Humaba ang nguso ni Ryujin. “Trut. Nakaramdam ako ng kaunting inggit.” Sa kanilang magkakaibigan, si Ningning yung kahit hindi na ipagpaalam. Yung mama pa niya mismo ang nagpupu
Comments