tara?

sukob

"putangina..." pabulong na mura ni seungwan nang mapalingon siya sa kanyang kaliwa. 

 

lumalakas na ang hangin. madilim ang kalangitan kahit mag-aalas dose pa lang ng tanghali. nagsisimula na ring pumatak ang ulan. putangina talaga. uuwi na naman siyang basang sisiw.

 

"hoy, wan," kalabit sa kaniya ng katabi na si seulgi. nakadukdok ito sa armchair at mukhang nagising lang dahil sa pag-anggi ng ulan sa direksyon nila, "isara mo na nga 'yan."

 

tinignan niya muna ang prof na busy pa ring magsalita sa harap kahit halos kalahati ng klase ay hindi na nakikinig at may kanya-kanyang usapan na. bahagyang umangat si seungwan sa kanyang upuan at inabot ang bintana para isara.

 

"anak ng kalabaw ka ba!"

 

halong tawa at tili na rin ang naging ingay sa loob ng klase. bigla ba namang kasing kumulog at kahit ang prof nila ay hindi ring napigilan ang bibig sa gulat. napaayos na rin ng upo si seulgi dahil sa nangyari.

 

"kapag kasi ulan, dapat ulan lang," antok pang saad ni seulgi. "may payong kang dala?"

 

umiling si seungwan. natawa na lang ang bespren niya.

 

"nga pala. paano ka nyan?" sumandal si seulgi sa balikat niya at muling pumikit, "may klase ka pa sa kabilang dulo."

 

lumakas pa lalo ang buhos ng ulan. hindi na niya marinig ang sinasabi ng prof niya. wala na rin namang may pake. naghihintay na lang ang lahat na magdismiss. tinignan niya ang suot na relo. overtime pa nga.

 

magkikibit sana siya ng balikat nang maalalang nakadantay nga pala ang kaibigan niya. sumimangot na lang si seungwan, "takbo na lang. edi mabasa kung mabasa."

 

kasalanan niya rin. 'di kasi nakaugalian ni seungwan na magdala ng payong kahit anong klase ng panahon, maaraw man o maulan. kadiwara kasi tiklupin, tinatamad siya. mabigat pa 'yung matic na bumubukas 'pag pinipindot. para naman siyang tanga kung 'yung mahaba 'yung dala niya, dagdag bitbitin pa.

 

"uuwi ka na rin ba agad?" tanong ni seungwan.

 

ramdam niyang tumango si seulgi, "walang bantay sa tindahan."

 

"wala kayong practice? lapit na foundation day ah."

 

"ewan ko ba. sa friday pa yata nila pag-uusapan."

 

"'diba execom si—"

 

"sir, anong oras na po?"

 

hindi napigilan ni seungwan ang pagbungisngis nang marinig ang malakas na tanong ng bugok niyang kaklase. halatang nagpipigil na lang ng galit ang prof nila dahil sa harap-harapang pambabastos ni gago. sanay na rin naman ito, kaya matic na itong nagsimulang magligpit ng gamit at nag-iwan na lang ng homework.

 

"huy, tanga, paano ka nga?" makulit na tanong ni seulgi habang naglalakad sila palabas ng classroom. "sa'yo na 'tong payong ko."

 

umirap si seungwan, "eh 'di tanga ka rin, paano ka uuwi? hayaan mo na, 'di rin naman ako naligo," pagbibiro niya.

 

"tangina ka," hagalpak ni seulgi sabay hampas pa sa braso niya. 

 

huminto sila sa harap ng building. marami ring nakatambay na naghihintay na tumila ang ulan. may ilan namang may mga payong at nagsisialisan na rin agad.

 

"makisukob ka na lang sa iba," pang-aasar ni seulgi, "dami namang papayag panigurado."

 

napaismid si seungwan. tinanggal niya ang pagkakasukbit ng backpack sa kaliwang balikat, ibinulsa ang kamay, at sumandal sa pader. minasdan niya ang paligid, karamihan ay tumitig sa kanya pabalik.

 

muli siyang bumaling sa harap at tumingin sa malakas na pagpatak ng ulan, "abala pa."

 

"sus, pa."

 

"gago."

 

"mal-late ka pa sa pakeme mo na 'yan."

 

lumingon si seungwan sa kaibigan, "anong oras na ba?"

 

"oras na para tuparin ang pangarap mo sa buhay," sagot ni seulgi.

 

"siguro oras na rin para umuwi ka na," bagot na sabi niya. pabiro niya itong sinipa at agad namang umiwas si seulgi na kanina pa ligayang-ligaya sa pang-aasar kay seungwan.

 

"ngi, change topic pa," saad ni seulgi. kinuha na nito ang payong sa bag at nagbabalak na ring umuwi. dumadami na ang nagsitakbo at sinamantala ang paghina ng ulan. "ihatid na kita sa building mo."

 

"baliw, mapapalayo ka pa. ikaw nga 'tong kailangang makauwi agad." tanggi ni seungwan sa alok ng kaibigan, "okay lang, tatakbo na rin ako pamaya-maya."

 

"takot ka lang kiligin sa'kin eh," muli na namang panggagago ni seulgi, sabay sundot pa sa tagiliran niya.

 

"tangina, kilabutan ka nga," may halong pandidiri sa tono ni seungwan. "ayan, hinayupak ka, lumakas pa tuloy!"

 

umamba na ng suntok si seungwan at tuluyan nang tumakbo si seulgi palayo. kahit lumakas muli ang buhos ng ulan at dinig pa rin ni seungwan ang tinis ng tawa ng kaibigan. lumingon ito sa kanya at kumaway, nagpapaalam na. uuwi na nga talaga.

 

kinuha niya ang phone sa bulsa at tinignan ang oras. fifteen minutes bago magstart ang klase niya na ang building ay nasa kabilang dulo pa ng campus. napapalatak si seungwan at muling napasandal sa pader.

 

ilang saglit lang ang lumipas nang maramdaman ni seungwan ang kalabit sa kanyang likod. napapikit si seungwan at napakagat sa labi.

 

bumuntong-hininga muna siya bago lumingon sa kung sino man ang kumalabit sa kaniya. pamilyar ang bahagyang namumulang mukha nito. napapitlag pa ito nang tuluyang humarap si seungwan. yumuko ito kaya't bumaba ang tingin ni seungwan sa hawak nitong payong.

 

madalas na ito mangyari. gaya nga ng sabi ng seulgi, maraming ang nag-aalok kay seungwan na maki-share sa payong nila. kaso lagi kasi niyang kasama ang bespren niya kaya't tumatanggi si seungwan. madalas din ay agad siyang tumatakbo lalo na kung umaambon lang naman.

 

maliit ang ngiti ni seungwan at nagtanong sa babaeng nalunok na yata ang dila, "uhm, miss?"

 

"a-ano kasi..." nahihiyang panimula nito. inangat nito ang hawak na payong at inalok kay seungwan. "mukha kasing nagmamadali k-ka. uhm... b-baka gusto mong hiramin, may dala n-naman akong extra."

 

kinagat ni seungwan ang dila niya para hindi matawa. putangina. sinong hinayupak ang magdadala ng dalawang payong? siya nga mismo ni isa ay tamad na tamad dalin. minasdan niya ang kabuoan ng babaeng nasa harap. naka-sling bag lang ito na mukhang isang libro at tatlong ballpen lang ang kayang ilaman.

 

napangiti na lang si seungwan, "uhm, miss—"

 

"ah, gusto mo share na lang tayo? mas okay pa nga kung ganon—"

 

"salamat, miss, pero—"

 

"seungwan."

 

"h-ha?"

 

halos mabali ang leeg niya dahil sa agad niyang paglingon sa kaliwa. kinilabutan siya bigla, hindi niya alam kung dahil ba sa lamig ng panahon o sa malamig na pagtawag sa pangalan niya.

 

naestatwa na si seungwan sa pwesto niya nang tuluyan nang makalapit ang bagong dating. tumabi ito kay seungwan at humarap sa babaeng kausap niya kanina lang. mukhang mas masama pa sa panahon ang ekspresyon nito dahil sa nasirang pagkakataong masolo si seungwan.

 

"sorry, miss. hindi niya 'yan kailangan. hinihintay niya pa kasi ako," matamis na sabi ni joohyun.

 

bumaling si joohyun kay seungwan, nakataas ang kilay at hinahamon siyang tumanggi. putangina. sinong sugo ni satanas ang may kayang tumanggi kay joohyun?

 

"a-ah, oo," wala sa loob na saad ni seungwan. bumaba ang mga mata niya sa tagumpay na ngiti sa mala-anghel na mukha ni joohyun. "oo, miss, salamat na lang."

 

hindi na niya napansin ang pag-alis ng babaeng nabigong masolo si seungwan. buti naman at hindi pa nalulusaw si joohyun sa pagtitig niya. hindi naman ito nagrereklamo at mukhang nag-eenjoy pa nga ito sa buong atensyong binibigay niya.

 

"tara?"

 

"ha?"

 

"hatid na kita," natatawang sabi ni joohyun. lumapit pa ito kay seungwan at inayos ang pagkakasukbit ng bag sa balikat niya. "late ka na sa klase mo."

 

napasinghap si seungwan sa liit ng distansya nilang dalawa. kung dati ay hanggang tanaw lang siya sa ka-org ng bespren niya, ngayon ay halos isang dangkal na lang at pwede niya nang pisilin ang pisngi ni joohyun para mapatunayang hindi panaginip ang lahat.

 

patago niyang kinurot ang hita para bumalik sa katinuan. kumurap-kurap pa siya at hindi naman naglaho si joohyun na parang bula. maaliwalas ang mukha ng dalaga na nakaabang, payong na hawak sa kanang kamay, handa ng buksan at sumugod sa ulan kasama ni seungwan.

 

tama nga si seulgi, oras na para tuparin ang pangarap niya.

 

lumapit pa nang husto si seungwan kay joohyun hanggang sa magdikit na ang kanilang mga balikat. napakagat sa labi si joohyun bago mag-iwas ng tingin. dali-dali nitong binuksan ang hawak na payong at inangat sa ibabaw ng kanilang mga ulo, tamang-tama lang sa height nilang dalawa.

 

"tara."

 

hindi sigurado ni seungwan kung lakas ng ulan o lakas ng loob ang rason kung paano niyang nagawang umakbay kay joohyun at humawak sa kamay nitong nakataban sa payong. may sira na yata siya sa ulo dahil kahit nababasa ang isang balikat niya ng malalamig na patak ng ulan ay mainit pa rin ang sikmura niya dahil sa kilig na nararamdaman.

 

mabagal lang ang lakad nilang dalawa. parang gusto na yata ni seungwan na magpahatid na mismo sa bahay nila para mas malayo pa ang lakarin nila.

 

"paano mo pala nalaman na may klase pa ako?" basag ni seungwan sa katahimikan kahit na maingay ang buhos ng ulan.

 

tumikhim si joohyun kaya't napatingin si seungwan sa kanya. malikot ang mga mata nito at mabilis ang pagkurap. ramdam ni seungwan ang paghigpit ng hawak nito sa payong.

 

"ah, pansin ko lang na hindi mo kasabay si seulgi tuwing wednesday."

 

tumango si seungwan, "eh ikaw? may klase ka rin sa cas?"

 

"a-ah, may practice kami."

 

"luh, eh umuwi na si seulgi?"

 

"i mean, meeting," bawi ni joohyun at lalo lang dumikit sa kanya. basa na rin ang kabilang balikat nito at ramdam ng palad ni seungwan ang init ng balat ni joohyun. "may meeting kaming execom."

 

ang sabi kanina ni seulgi ay sa friday pa raw, pero sinakyan na lang ito ni seungwan, "sige, sabi mo eh."

 

"ba't naman ako mag-aabala na ihatid ka kung wala naman pala akong sadya sa building niyo?"

 

"ewan ko sa'yo, inaway mo pa 'yung isang babae kanina."

 

"excuse me? saang banda don ang inaway?"

 

"sabi mo pa hindi ko kelangan ng pa—"

 

"ng payong niya. hindi mo kelangan ng payong niya." matigas na pagputol ni joohyun. lumingon ito sa kanya, matalim ang tingin, "bakit? tatanggapin mo ba kung sakaling 'di ako dumating?"

 

kinagat na lang ni seungwan ang kanyang labi para pigilan ang pagngiti. kahit yata si lord ay naiiyak na sa kilig dahil lumakas pa lalo ang ulan. hinigpitan pa niya ang pagkakaakbay kay joohyun.

 

"hindi," diretsong sagot niya. nagtama ang mga mata nila saglit bago mag-iwas ng tingin si seungwan, "wala naman akong balak makisukob sa iba."

 

"maghihintay ka lang tumila ang ulan?"

 

"pwede naman akong tumakbo. actually, balak ko na nga," pagtawa ni seungwan. "sanay naman ako sa ganon."

 

nang matanawan na nila ang building ay nagyakag na si seungwan na tumakbo para agad makasilong. agad niyang binuksan ang bag at kinuha ang dalang hoodie. inabot niya ito kay joohyun.

 

"sorry, wala akong towel," paumanhin ni seungwan. lumipas na ang kilig at nakaramdam na ng hiya sa pag-abala kay joohyun. "eto, magpalit ka muna bago ka makipagmeeting."

 

"'wag na," tanggi ni joohyun habang busy tiklupin ang payong, "okay lang. ikaw na ang magsuot niyan. sa'yo 'yan."

 

"sa'yo rin 'yang payong pero naki-share ako."

 

"anong gusto mong mangyari? hindi tayo kasyang dalawa sa hoodie na 'yan."

 

napahagalpak ng tawa si seungwan sa sinabi ni joohyun, "ang kulit mo."

 

"late ka na, pumasok ka na."

 

"isuot mo na 'to, joohyun," pilit ni seungwan, "please?"

 

napatitig sa kanya si joohyun. alanganin pa nitong kinuha ang hoodie at malumanay na nagpasalamat, "isoli ko na lang mamaya. 2pm labas mo, 'diba?"

 

gusto na yatang magcut ni seungwan. kahit pa nagpakahirap siyang lakbayin ang building na 'to para lang makapasok, kung ganito naman ang nasa harap niya, isang bae joohyun na nakayuko at hiyang-hiya sa pagkakadulas tungkol sa pagkakaalam nito sched niya, 'di baleng bumagsak at magretake.

 

"k-kasi dinadaanan mo si seulgi tuwing practice!" natatarantang lusot ni joohyun.

 

"nagdududa na ako sa'yo ha," pagbibiro ni seungwan. humakbang siya papalapit kay joohyun na umatras naman palayo, mahigpit ang kapit sa hoodie malapit sa dibdib, "crush mo 'ko 'no?"

 

nag-iwas lang ng tingin si joohyun. pati yata si lord ay nainip na kahihintay ng sagot kaya nagdadabog na sa langit at sunod-sunod ang malalakas na kulog.

 

napapatalon naman si joohyun sa ingay kaya't marahan niya itong hinila na papasok ng building. 

 

"daan muna tayo sa cr para makapagpalit ka," sabi ni seungwan, hawak pa rin ang wrist ni joohyun.

 

"a-ako na lang. almost thirty minutes late ka na sa klase mo. dumiretso ka na."

 

lumingon si seungwan sa likod at nakita si joohyun na bahagyang nakayuko. nakatingin ito sa pagkakahawak ni seungwan sa kanya. agad naman siyang bumitaw, pasalamat na lang at ilang hakbang na lang ang layo ng cr.

 

"hintayin na kita," alok ni seungwan. "gusto mo maki-sit in sa klase?"

 

"may meeting kami—," napatigil si joohyun nang makita ang mapaglarong ngiti ni seungwan. huli na. hindi na siya umalma at tuloy-tuloy nang pumasok sa loob.

 

ilang saglit lang ay may lumabas sa cr na tarantang estudyante na mukhang kaklase niya sa subject ngayon. at least, hindi lang siya ang late. pumasok si seungwan sa loob at chineck ang ibang cubicles. walang tao.

 

tumikhim si seungwan, "hindi mo pala sinagot 'yung tanong ko, joohyun."

 

"ah, hindi ba?"

 

masakit na ang pisngi ni seungwan kakangiti dahil sa kung ano-anong palusot at dahilan na binitawan ni joohyun simula pa kanina. 

 

bumukas ang pinto ng cubicle kung saan naroon si joohyun at bumungad sa kanya ang namumulang mukha nito. may kalakihan ang hoodie pero bagay ito sa kanya. lahat ng kay seungwan ay bagay kay joohyun.

 

ayan na naman si seungwan sa pagtitig kay joohyun nang lumapit ito sa kanya. marahan nitong pinunasan ang basang braso ni seungwan gamit ang pinagpalitang damit.

 

"g-gusto kita," mahinang ang pagkakasabi ni joohyun pero dinig pa rin ni seungwan ang sinseridad sa tono nito. "kaya 'wag kang makisukob sa iba."

 

parang natamaan ng kidlat si seungwan dahil sa pag-amin ni joohyun. nanigas siya sa kinatatayuan kahit na nagwawala ang kung ano mang mga insekto sa sikmura niya. 

 

hindi niya namalayan na naglakad na si joohyun palabas ng cr at muli na lang siya sinilip sa loob. maliit ang ngiti ni joohyun sa labi at makinang ang mga matang nag-aabang sa pagsunod ni seungwan.

 

"tara?"

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
paradoxicalninja
#1
Chapter 1: hayyy cute pa rin :')
hyehye29
#2
Chapter 1: madaling araw na pero ngiting-ngiti ako dito habang binabasa to hahahhaaha kakilig huhu 😍
paradoxicalninja
#3
Chapter 1: binasa ko ulit. kinilig ako ulit. 😭 sana makapagsulat ka ulit ng wenrene, author. stay safe! 💗💙
paransaek #4
Chapter 1: Ganda ng pagkasulat. Really reminds me of my student days haha. Hope you write more wenrene! ^^
M_jeeh08
#5
More wenrene story po plsss author-nim
M_jeeh08
#6
Chapter 1: Hoyyy HAHAHA grabe nakakakilig shemeee
Reveluvieph
#7
Chapter 1: HOI AKLAKSJDHAKAL GRABE YUNG KILIG KO SA DALWANG TO MARAMING SALAMAT SA AYUDA AUTHOR NIM 💗💙🙆🏻
wanguardian
#8
Chapter 1: myghaddd makiki sana ol na lang ako sa wenrene 💙💗 grabe naman din kasi bumakod si ate mo irene 😅
77seconds #9
Chapter 1: Maygad more hahahaha
paradoxicalninja
#10
Chapter 1: hello more po ahck kskskksk tanginang yan wenrene naman eh 😭💙💗