Buhay Magjowa

HamBun: Tales Foretold

Ano nga ba ang buhay na may jowa?
Well, para sakin mas naging fulfilling ang buhay ko. Ikaw ba naman magkajowa nang isang Irene Bae, sinong buhay yung hindi ma fufulfill?

 


"Wan, pakiabot nang screwdriver"

 


Tinignan ko naman ang toolbox at inabot ang screwdriver sakanya. Sineset up niya kasi ang bagong display case sa sala nang apartment namin.

 


"Gusto mo nang tulong Hal?"

 


"I'm okay na dito, patapos na naman ako"

 

 

Nag hum lang ako at umupo na nakasandal sa sofa. If you're thinking na ang unhelpful kong klaseng jowa, nagkakamali kayo. Si Irene kasi ang type nang tao na if nakafocus sa isang bagay, as long as kaya niya, ginagawa niya yun nang magisa. Independent kasi tong Hal ko kaya hinayaan ko na siya kasi ganyan personality niya eh.

 

 

"Kunin ko lang meryenda natin"

 

 

"Hmm okay"

 

 


Nang tumayo ako ay pinaandar ko ang fan at dumiretso sa kusina para kunin yung iced tea at pakwan sa ref. Isa lang ang basong kinuha ko kasi sa salita nang jowa ko:

 

 

"Sayang yung dishwashing liquid pag palaging dalawang baso gamitin natin"

 

 

 

Di ako naniniwala sakanya dahil gumagawa lang siya nang dahilan para 
magawa ang indirect kiss.

 

 

Spell maharot?

 

 

Irene Bae

 

 

"Haaaaaal, meryenda muna tayo"

 

 

Sakto namang ininstall niya ang last 
piece nang display case at pinatayo niya ito sa gilid nang TV.

 

"Hay salamat"

 


Nilapag ko naman ang meryenda sa 
coffee table at hinila niya ako para tumabi sakanya. Kinuha ko naman ang face towel sa coffee table at pinatalikod siya sakin habang kumuha siya nang pakwan at kinain ito.

 


"Aigoooo pagod na pagod naman Hal ko"

 

Nag hum siya habang pinupunasan ko pawis niya sa likod. Buti nalang talaga naka tank top siya na black.

 


"Thank you sa meryenda Hal"

 


Ngumiti naman ako at hinalikan ang maputi niyang balikat at binackhug siya.

 


"Anything for you Hal"

 

 

"Amoy pawis ako"

 


"Grabe naman yung pawis mo, amoy downy"

 

 

Natawa ako nang pinalo niya paa ko. Pikon talaga nito hahahahahaha

 


"Wag ako ha"

 

 

"Pano ba yan ikaw gusto ko"

 

 


I grinned nung nakita kong namula tenga niya hahahahaha at sa sobrang cute niya ay pinanggigilan ko siya sa mga bisig ko.

 

 

"Kilig kana niyan?"

 

 

"Kumain ka na nga Wendy"

 

 

Natawa lang ako at kinain na rin ang pakwan na hinanda ko.

 

 

 

 


Isang beses, hindi ko masundo ang kapatid kong si Winter sa volleyball practice niya dahil tambak work ko sa opisina. Taranta akong napapunta sa school niya, pero nagulat ako nang nakaupo siya sa bleachers nang gym, nanonood sa practice ni Winter. Lumapit naman ako kaagad sakanya.

 

 

"Hal"

 

 

Lumingon siya at ngumiti. Tinapik niya yung side niya at napaupo ako.

 

 

"Pumunta ako rito kasi sinabi sakin ni Karina na baka ma extend practice nila. Sinabi din sakin ni Seulgi na tambak daw work mo so inoffer ko na ako na sana susundo kay Winter as well as kay Karina"

 

 

Kahit naguilty ako na baka di ko ma sundo kapatid ko, isa namang relief na nandito si Irene.

 


"Thank you Hal"

 


Ngumiti lang siya at sumandal sakin habang pinapanood naming naglalaro mga kapatid namin.

 

 

"Let's treat them for dinner?"

 


"Sige. Trip kong mag Vikings"

 


"Ikaw sasagot?"

 


"Sure. Nakatanggap naman ako nang bonus sa successful project namin"
Nakita ko namang gumulung si Winter habang sinasalba niya ang bola na pinalo nang kabila.

 

 

"Hatiin na natin yung bayad"

 


"Per-"

 


"Hati tayo"

 


Nag pout ako kaya wala nakong magawa. Respect your elders eh.

 

 


Todo sorry naman ako kay Winter pero sinabi niyang okay na yun kasi inexplain daw ni sis in law niya yung situation ko kaya naintindihan niya.

 


Naks may pa sister in law na siya pero nakita ko naman ang ngiti ni Irene kaya ngumiti nadin ako, more in like kinilig hihi.

 

 

Nagenjoy naman ang dalawang bata at nanotice ko yung not so subtle nilang titigan at mga galawan. Sabi ni Irene eh nililigawan daw ni Karina si Winter, wala namang problema sakin kasi boto naman ako sakanila.

 

 

Dinrop off naman namin sila sa shared apartment nila at pagkatapos nun ay dumiretso na kaming umuwi.

 

 


"You know, those two remind me of us"

 


"Nanotice ko din. I miss those days na nililigawan kita"

 

 

Ngumiti ako kasi naalala ko kung paano ako ligawan ni Irene. Super attentive at thoughtful, alagang alaga ako sakanya. Although nag jojoke ako dati na di na niya kailangan manligaw, nag insist siya kasi gusto niyang maipakita na seryoso siya sakin.

 

 


At dahil pokmaru ako,dalawang buwan lang siyang nanligaw at naging kami pero she never fails to let me feel na I'm loved. Siyempre ganun din ako sakanya, Kasi she deserves to be treated right.

 

 


Nang dumating kami sa apartment namin, nag freshen up lang kami at sabay nag toothbrush. At nang nakarating na kami sa kama, massage time namin yan. This time ako ang minasahe.

 

 

"Ang tigas nang balikat mo Hal"

 


"Kaya nga, buong araw akong nakaupo eh"

 


"Dapat nagstrestretching ka from time to time"

 

 

"Pasensorry, di ko naisip Hal, gusto ko kasing tapusin kaagad yung paperworks"

 

 

Wala akong narinig na salita sakanya pero naramdaman kong naglagay siya nang lavender oil sa balikat ko.

 

 

"Palagi mong sinasabi na alagaan ko sarili ko tapos ikaw naman baliktad ginagawa mo"

 

 

Inayos na niya ang shirt ko at humarap ako sakanya. Hinawakan ko kamay niya at nginitian siya.

 

 

"Di na yun mauulit, I'll be more attentive sa sarili ko"

 

 

"Dapat lang ayokong mapano ka lalo na wala ako sa tabi mo"

 


"Oo na pooooo"

 

 

Hinila ko na siya pahiga at siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko. Hinahaplos ko naman ang buhok niya, which is naging habit ko ever since at effective sa pagpapatulog sakanya.

 


"Sleep na tayo?"

 

"Mhm"

 


"Okie. Good night Hal"

 


"Night night"

 


Hinalikan ko noo niya at maya maya'y napapikit narin ako at natulog. 

 

 

 

 


Kinabukasan

 


Nagising ako mga 7, medyo nahirapan ako sa pagbangon kasi grabe kapit ni Irene sakin pero na manage ko namang kumawala. Hinalikan ko muna noo niya at nag morning routine bago magluto nang breakfast.

 

 

Meron kasi akong purpose kung bakit maaga akong nagising, pero mamaya ko na sabihin sainyo, ayoko maging spoiler hahahaha.

 

 


Dumiretso ako sa kusina at nagluto nang sinangag, scrambled eggs, at tuyo. Paborito kasi yun ni Irene at eventually ako din. Niluto ko din ang tocino kasi gusto kong kumain nito.

 


Mga 20 minutes after, narinig kong nagsara ang pinto nang kwarto namin at ang mga mahinang yabag nang mga paa. Ngumiti lang ako kasi mamaya may 
maririnig akong....

 

 

"Wan.. bakit ka umalis?"

 

 

Ngumiti lang ako at nilagay na ang tocino sa plato at humarap sakanya. Naka semi pikit siya at kinukusot niya pa ang mata niya. Ang cute hihi

 

 


"Kailangan kitang lutuan nang agahan Hal"

 

 


Nilagay ko naman ang tocino sa mesa at nilapitan siya. Matic ko siyang niyakap at sumubsob siya sa balikat ko at niyakap ako pabalik.

 


"Good morning Hal ko"

 


"Morning.."

 


"Ay walang Good?"

 

 

Sumiksik siya sakin at hinalikan ko siya sa ulo. Bango nang shampoo niya, amoy bulaklak.

 


"It's always a good morning pag nandyan ka"

 


Ayt enebeeeee ke ege egeeeee

 

 

"Eseeeeees hahahaha nakapagtoothbrush kana ba?"

 

 

Imbes na sumagot at hinalikan niya ako sa labi at nabigla ko. Ang bold naman nang jowa ko hanubaaaaa

 

 

"Need I say more?"

 


"Oo na poooooo. Upo na tayo"

 

 

Ayun kumain na kami at bigla kong naalala yung gagawin ko kaya nagexcuse ako na kunin yung phone ko sa loob. Pero sa totoo lang ay nakatayo phone ko sa isang corner kung saan makikita ang dining area.

 


Agad agad kong kinuha ang maliit na box na nakatago sa bag ko at napahigpit ang hawak ko dito at dahan dahang lumabas sa kwarto patungo sa kay Irene. Pinindot ko ang record para okay yung kuha.

 


Lumuhod at at binuksan ang box. Buti nalang nakatalikod siya sakin.

 

 

"Wan??? Matagal kapa ba diyan? Nilalamig natong mga pagkain o-"

 


Natawa naman ako kasi nagulat siya at napahawak sa dibdib niya.

 

 

"Surpriiiiiiise~"

 

 


"Wendy naman! Ke aga aga muntikan nang mawala yung kaluluwa ko sa katawan ko!"

 

 

Nginitian ko lang siya with peace sign pero nakabukas padin yung maliit na box.

 


"So, ieextend ba natin yung kontrata nating dalawa? Meron siyang benefits and more upgraded inclusions pero this time wala nang expiry. You can only agree if you sign the contract with wearing this little guy here"

 

 


Ngumiti siya pero nakita kong ang glassy nang mata niya pero lumapit siya sakin at lumuhod nadin sa harap.

 

 

"Ginawa mo talaga to sa umaga kung saan di pako nakapag ayos nang tama at may mga muta pa mata ko"

 


"Okay lang yun, sanay nako tsaka I'll get to witness that sa mahabang panahon if you agree na. Medyo masakit na tuhod ko kaya make up your decision na"

 


Natawa siya and she cups my cheeks and gave me a long sweet kiss sa labi. Napapikit naman ako don at naghiwalay kami maya maya.

 

 

"I think we have an agreement"

 

 

Ngumiti ako nang malapad at kinuha ang singsing sa box at sinuot sa daliri niya.

 

 

"Walang atrasan ha?"

 

 

"I was never planning to do it naman"

 

 

Bigla ko siyang binuhat at hinalikan habang pinapaikot sa ere. Tanging mga ngiti at tawa ang maririnig at makikita mo sa apartment namin.

 

 

So pano ba yan, mapapalitan na yung buhay magjowa into buhay magasawa. I'm looking forward to it.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
WRiskwerd
Alam ko Fluff nakalagay sa tag pero gusto ko lang ishare ang unang one shot dahil I based it on my personal experience at hinalo ko lang nang imagination ko. Don't worry fluff na after nito hihi

Comments

You must be logged in to comment
dubustan
#1
Chapter 5: Kinikilig ako author ano baaaaa kasalanan mo toooo TT
nicella #2
Chapter 5: aaaa ang cute nito sobra 🤧 salamat sa y/n dito lang mararanasan maging jowa si k e hahahuhu
WluvsBaetokki #3
Chapter 5: UwU
shajanie
#4
Chapter 5: One of my favorite WR family au…💙💖
Paparapakyaw #5
Chapter 5: Ganon pala ang feeling maging jowa si Karina CHOS HAHAHAHAHAH PERO KINILIG AKO
dubustan
#6
Chapter 3: I love this fam ಥ_ಥ ❤️
dubustan
#7
Chapter 2: MAPAPA SANAOL KA NALANG TALAGA EH *IYAK*
dubustan
#8
Chapter 1: aAAA KINIKILIG AKO SHETTT
M_jeeh08
#9
So cheesy i can't 😀 ahhh my poor heart sanaol kincrush back
jochiiee
44 streak #10
Chapter 4: minsan mapapa sana ol ka na lang talaga 💙💗