Ikaladalawangput-tatlong linggo sa karaniwang panahon

Muling pagbisita

Matagal na rin.

Matagal-tagal na rin.

Simula po nung huli akong nabisita sa Inyong tahanan, hindi ko alam kung paano ko natagalan ang hindi ito masilayan..

...mula sa loob at nakuntento lang sa pagdaan,sa pagsilip,sa pagsambit ng salitang madalas sambitin ng mga napapadaan, sa pamuwestra ng simbolong Inyong nirerepresenta.

Medyo huli kame ng ilang minuto,ndi nga agad nakapasok kasi marami pang kaiangang sundin na paalala bago makabahagi sa pakikinig ng iba. Pagpasok sa Inyong tahanan kakaibang pakiramdam ang agad aking naramdaman,nalito pa kame kung san uupo buti na lang may dalawang aleng nakabelo ang sa amin ay gumabay papunta kung sa may bakanteng pwedeng upuan.

Hindi katulad noon,halos hindi ka na makapasok kapag ganoong oras ka na dumating pero ngayon marami pang bakante,siguro nga'y nag-iingat talaga ang mga tao ng maigi. Hindi naman yun masama kahit ako yun ang dahilan pero sa tinagal ng panahong ako'y nawalay sa aking lingguhang pakikipagtipan. Para bang ako'y naging tubig ulan, yung pumatak sa gulong sa bubungan,kung san lumapag doon na lamang,wala ng alisan.

Wala ng...

Sa aking pag-upo,agad akong napatitig sa Iyo,hindi lang tingin kundi titig,wala sa loob na ako'y humingi ng paumanhin.Sa totoo lang kung ako'y gutom baka ako'y naiyak na dahil wala ng laman ang tyan pati ang aking kaluluwa.

Iba pa rin talaga kapag nasa loob ng Inyong tahanan kahit wala Kayong sabihin akin ng naiintidihan. Kahit walang pag-alo ako'y napapatahan, kahit walang gawin ako'y napapanatag, ang bigat, ang alalahanin nawawala ng wala sa oras.

Sa lahat ng aking nagawa at hindi nagawa.

Sa lahat ng aking sinabi at hindi nasabi.

Sa lahat ng oras na hindi nilaan.

Sa lahat ng tingin na hindi binigay.

Sa mga araw at oras na pinili ang iba.

Sa mga gabing hindi Ka maalala.

Sa pagkakataong tila nalimutan Ka na.

Andiyan Ka pa rin.

My Big Guy.😘

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet