-Fin-

Alternate universe

“Hi!” Narinig ni Jeongyeon ang bati sa kanya ng dalaga na naka tayo sa harap ng pintuan ng opisina nya pero para syang na estatwa sa kanyang kinauupuan.

Di pa rin sya makapaniwala na nasa harap nya na ulit ito.

Ang dating mahaba at itim na itim nitong buhok ay maiksi na ngayon. Nakasuot ito ng puting tank top na pinatungan ng jean jacket, faded jeans at puting converse. Simple lang pero elegante pa rin ang aura nito.

Tumikhim sya bago tumayo para itago ang kanyang pagkabagabag sa presensya ng dalaga. Iminuwestra nyang maupo ito sa sofa sa loob ng kanyang opisina kung saan nya tinatanggap ang kanyang mga kliyente para sa firm na pinagmamayarian nila ng mga kaklase niyang sila Tzuyu at Dahyun, noong nasa kolehiyo siya. Maliit lang ang kanyang opisina, maliit pa lang din naman kasi ang engineering company nila. Magto-two years pa lang sila sa field pero dahil sa connections nilang magkakaibigan ay marami din naman ang kanilang mga kliyente. Looking at their financial statistics within the past years, baka makapag expand na sila sa mas malaking building next year at makakuha ng international investors. 

 

“Kumusta?” Bati ni Mina sa kanya na may masiglang ngiti sa labi.

 

“Okay lang. Anong kailangan mo?” Diretsang tanong ni Jeongyeon. Mas mabilis na matatapos ang usapan, mas maige para sa kanya at sa puso nya.

 

Napansin nyang nawala ang ngiti sa labi ni Mina bago ito tumingin sa kanya ng may lungkot sa mata.

 

“Namiss kita.” 

 

“Alam kong hindi yan ang pinunta mo. Maiksi lang ang lunch break ko kaya pasensya kana kung wala akong oras makipagkumustahan sayo na parang hindi mo ako iniwan, Mina.” Sabi ni Jeongyeon bago ito pumunta sa harap ng mini refrigerator nya at kumuha ng dalawang malamig na kape na nasa lata para sa sarili nya at sa bisita.

 

“I’m getting married, Jeong.”

 

Parang nagpanting ang mga tenga ni Jeongyeon sa narinig. Kinagat nya ang mga labi para pigilan ang sariling sigawan ang babae. Anong karapatan nitong bumalik na parang hindi sya nito iniwan na lang ng wala man lang paalam at ngayon babalitaan sya nito na ikakasal na ito.

 

Huminga muna siya ng malalim bago nya ilagay ang kape sa lamesa na nasa harap ni Mina. Umupo na din siya sa harap nito at tiningnan nya ito ng matalim.

 

“So? Anong gusto mong gawin ko? I don’t think may pakialam pa ako sa buhay mo Mina. It was you who cut me off your life first, what makes you think a part of me still wants to know the milestones na nangyayari sayo? I don’t want to be rude pero napakapointless naman kung yan ang rason ng pag punta mo dito.” Uminom si Jeongyeon mula sa lata ng kape pagkatapos magsalita. Bakit kasi inubos ng mga kaibigan nya ang stock niya ng whiskey sa opisina. Parang kailangan niya ata ng mas matapang na inumin para sa sitwasyon niya ngayon.

 

“Jeongyeon, I’m so sorry. Alam kong mali yung ginawa kong pag alis na lang bigla. Pero it was a choice I had to make. It was you or my future and you can’t hate me for choosing my future-“

 

“Ah! Mabuti at lumabas na rin mula sa bibig mo. Oo naman. Para ano pang naging girlfriend mo ako kung hindi mo rin pala ako inisip na isama sa future mo? Kasi ako, sa totoo lang, kasama ka sa lahat ng mga bagay na gusto kong gawin noon. Hindi naman kita pipigilan pag sinabi mong sa London ka magaaral eh. Kailan pa kita binigyan ng pahiwatig na gusto kong maging balakid sa pangarap mo, Mina?” Mapait na dumaloy ang mga salita mula sa bibig ni Jeongyeon pero kailangan nyang bitawan ang mga yon kasi ito na lang ang pagkakataon nyang makausap ang babaeng nanakit sa kanya. Ang taong nag-iwan ng sugat sa puso nya na parang wala lang para dito pag nasaktan siya.

 

“Alam ko. Pero alam ko sa sarili ko na pag hindi ako umalis sa tabi mo we will only end up hating each other. Na kapag nag London ako at ikaw ay nandito o sinundan moko sa London, hindi natin mahahanap at magagawa ang mga bagay na para sa sarili natin. Jeongyeon alam mong napaka childish pa natin magmahal noon! Ginawa nating mundo ang isat isa at hindi yun tama. There are a lot of things that are bigger than what we had, between you and me. Hindi sapat na mahal lang natin ang isa’t isa.” Dama sa hangin ang sakit na nararamdaman ni Mina. Unti-unti ng nanginginig ang boses nito at namumula ang mata. 

 

“Ang alam ko lunes ngayon, bakit parang throwback Thursday? Ito ba pinunta mo, para mapagusapan natin kung gano kaliit yung tingin mo sa relasyon natin bago ka magpakasal sa iba?” Natatawang sabi na lang ni Jeongyeon at iniwas ang kanyang mga mata. Ayaw na ayaw nya na nakikitang nasasaktan si Mina noong nobya nya pa ito at kahit ngayong isa na itong estranghero sa kanyang paningin, nasasaktan pa rin siyang makitang nasasaktan ito. 

 

“I just want to make peace sa mga taong nasaktan ko bago ko ibigay ng buong buo sa magiging asawa ko ang sarili ko sa araw ng kasal ko. And I really want you to be there sa araw na yun. I remember you promised that you will see me walk down the aisle. So I came by to give you this.” May kinuha sa Mina sa bag nya na pink envelope at inilagay yun sa lamesa.

 

Kahit di pa yun buksan ni Jeongyeon ay alam na nyang imbitasyon yon sa kasal nito.

 

Tiningnan lang yon ni Jeongyeon at gusto nyang matawa sa sitwasyon. Ganito ba ka manhid ang babaeng minahal nya? Sinong normal na tao ang magiimbita sa taong sinaktan nito sa araw ng kasal nito? Ibang iba na nga talaga ito siguro sa babaeng minahal nya sa loob ng mga taong nawala ito.

 

“Pagiisipan ko.” Sabi na lang ni Jeongyeon para mapanatag ang dalaga at para matapos na ang usapan. Parang ilang segundo na lang at sasabog na ang dibdib nya sa sakit.

 

Tumayo na si Mina at lumapit sa kung nasaan nakaupo si Jeongyeon.

“Thank you. I really missed you, Jeongyeon. I’m so proud na nakamit mo yung mga pangarap mo noon kahit wala ako.” Sabi ni Mina bago hagkan ang kanyang pisngi at lumabas na ng kanyang opisina.

 

Tiningnan ni Jeongyeon ang envelope na iniwan ni Mina sa lamesa.

Binuksan nya ito at binasa ang laman.

 

 

You are cordially invited to a lovely union between Hirai Momo & Myoui Mina.

December 29th, 2021.

Beach wedding.


 

Pinunit ni Jeongyeon ang papel at itinapon yon sa basurahan. Binuksan din nya ang kanyang pitaka at kinuha ang litrato nila ni Mina na ilang taon nang nakatago doon. Kuha ito noong school intrams kung kailan naging parte si Mina ng cheering squad habang si Jeongyeon naman ay naging parte ng basketball team. Nakangiti pa silang dalawa sa larawan habang nakapulupot ang kamay ni Mina sa leeg ni Jeongyeon at nakahalik naman ang mga labi ni Jeongyeon sa pingi ng kanyang nobya. Tiningnan nya ng matagal ang litrato bago iyon binitawan, nahulog ang nakangiting imahe nila ni Mina sa loob ng basurahan katulad na lang ng pagasang may pagkakataon pa para sa kanila.

 

Tama si Mina, kailangan nga nila takpan ang butas ng nakaraan nila bago sila tuluyang pumunta sa kung saan sila dadalhin ng kani-kanilang tadhana.  

 

----------xxx----------

 

 

“I never thought you’d come over, Jeong.” Narinig ni Jeongyeon ang malambing na tinig na nakapagpangiti sa kanya. 

 

Araw ng kasal ngayon ni Mina. Katatapos lang ng seremonya at isa si Jeongyeon sa mga bisita na nakaupo at nakikinig sa mga kwento ng mga kaibigan ng mag-asawa kung paano ang mga ito nagkakilala at nagmahalan sa London. Nalaman niya mula sa mga kwento na naging magkaklase si Momo at Mina sa isang subject at nagclick agad ang dalawa. Sabi nga ng mga kaibigan nila na para daw silang pinagbiyak na bunga, bago pa sabihin ni Momo ay alam na ni Mina ang sasabihin nito, vice versa. Si Momo ang kumumpleto sa kung ano mang kulang kay Mina.

 

“Ang saya mo yata ngayong gabi.” Nakangiting sabi ni Jeongyeon at tiningnan ang babaeng naupo sa tabi niya. Ang ganda nitong tingnan sa ilalim ng buwan at mga tala.

 

Naririnig nila ang masayang ingay ng mga tao, malamyos na tugtugin at ang mahinang paghalik ng mga alon sa dalampasigan. Sadyang napakasaya ng araw na ito lalo na para sa mga ikinasal. Masaya din naman si Jeongyeon para sa kanila, pero di mawawala ang pait at ang bakit sa utak niya. Kung naiba ang sitwasyon, baka siya ngayon ang kasayaw ni Mina at sa kanya ang labing humahalik dito.

 

“Oo naman! Kinasal na ang best friend ko eh. Ako kaya kailan?” Nagbibirong sabi nito kay Jeongyeon na sinamahan pa ng nakakalokong ngiti.

 

“Park Jihyo, sinong matapang ang magpapakasal sayo? Kahit anong gawin nila magiging under de saya lang sila sayo. No one will dare to go against your words.” Natatawang sabi ni Jeongyeon.

 

Si Jihyo ay parehong kaibigan nila ni Mina. Saksi ito kung paano nabuo at natapos ang relasyon nila. Hindi sila masyadong naging close ni Jihyo ng umalis si Mina pero di din nya ito iniwasan. Pareho lang naman silang nawalan ni Jihyo sa araw na umalis si Mina ng bansa noon.

 

“Di naman lahat ah? Ikaw. Di ka naman naiintimidate sakin.” 

 

 

Napangiti na lamang si Jeongyeon sa itinuran nito. Nahagip ng mata ni Jeongyeon na papunta sa kanilang pwesto ang bagong kasal kaya medyo nanigas sya sa kinauupuan. Naramdaman niya na lang na may kamay na umabot sa kanyang mga kamay sa ilalalim ng mesa at hinawakan yon ng mahigpit. Tuminingin siya kay Jihyo at nakita nya sa mga mata nito ang pagunawa kaya nawala ang kung ano mangtakot sa dibdib nya.

 

“Andito lang pala kayo. Pasensya na at ngayon lang namin kayo napuntahan, madami kasing bisita. Love, si Jeongyeon at si Jihyo. Mga kaklase ko sila dito sa kolehiyo before.” Masiglang pagbati at pagpapakilala ni Mina sa kanila sa asawa nito.

 

“Hello. Ako yung taong naloko ng kaibigan niyo. I’m so glad you both can make it. Mina keeps on talking about you two when we were in London. Especially you, Jeongyeon. I hope we can all be friends din.” Nakangiting bati ni Momo na nakatingin ng makahulugan kay Jeongyeon.

 

Alam niya?

Alam niya ang nangyari noon sa kanila ni Mina at hindi ito nagalit na pumunta siya sa kasal ng mga ito?

 

Para namang nabasa ni Momo ang iniisip niya, “past is past. Me and Mina, we're each other’s now and future. Masaya akong nandito kayo. Please keep in touch with my wife. Wala siyang masyadong nakakausap kaya lagi na akong nabibingi sa mga rants nya.” Tinapik naman ni Momo sila Jeongyeon at Jihyo ng mahina sa balikat bago magpaalam sa asawa nito kasi tinawag ito ng tatay nito para makapag papicture. Nagpaalam din si Jihyo na magbabanyo para bigyan ng pagkakataong magkausap ang dalawa.

 

 

“Thank you sa pagpunta.”

 

“I promised didn’t I? You know I never break my promises.” Matipid na ngiti sa labi na sabi ni Jeongyeon.

 

“I know. I know din kung gaano moko minahal Jeong. You promised to love me forever, but I am giving you permission to break that promise. Someone out there deserves the love that only Yoo Jeongyeon can offer. I am so lucky that I was able to share the experience with you.” Punong puno ng pagmamahal at pagintindi na sabi ni Mina kay Jeongyeon.

 

“I know. And I will. Di pa siguro pinapanganak yung taong mamahalin ko eh."

 

“Hm.. what if si Jihyo? Matagal na din syang may gusto sayo.” Biro ni Mina.

 

“Ah, Myoui, playing match maker kana ngayon? Di bagay sayo.” Biro din ni Jeongyeon, na sa unang pagkakataon ay tumawa sa gabing iyon.

 

“Hirai. Hirai na ako. Malay niyo diba? Baka nakikala mo lang ako para makilala mo yung best friend ko." Dugtong pa ni Mina. Natatawang umiling-iling na lamang si Jeongyeon dito bago may pumasok sa isip niya 

 

Hinawakan ni Jeongyeon ang mga kamay ni Mina sa huling pagkakataon.

 

“Sa susunod na habang buhay, Mina?” Nagaarok ang mga matang tanong niya sa babae. Baka sa susunod na habang buhay ay sila na. Baka siya na ang taong papakasalan ni Mina.

 

“Siguro. Sa susunod na buhay, baka tayo, Jeongyeon. Pero sa buhay na ito, si Momo ang pinili at pipiliin ko.” Hinagkan ni Mina ang kamay ni Jeongyeon bago ito magpaalam para pumunta sa tabi ni Momo.

 

Nakita ni Jeongyeon na yumakap si Mina sa asawa nito at awtomatiko namang yumapos ang isang kamay ni Momo sa baywang ni Mina bago hinalikan ni Momo ang noo at labi nito.


 

Baka kahit sa susunod na buhay kahit anong pilit pa niya, babalik at babalik ang babaeng mahal niya sa taong nararapat dito.

 

 

 

 


 

Note: I got inspired by ben&ben's sa susunod na habang buhay. Listen to it para sadboi den kayo. If may nagbasa na filo once nito pakivote nyo naman si Jeongyeon sa thekking app. Ok ba? Salamat. Wag natanong kelan ud ng isang au kase hinde ko den alam. Haha

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
snowflakes
#1
Chapter 1: Sorry author pero isang malaking pakyu sa pananakit mo sakin. Yun lang. Hahahah
trashedpotato13
#2
Chapter 1: JeongHyo tho 😳🥺
Cunges3
#3
Chapter 1: This website suggest me to translate in English and guess what? I love it.
"In the next life, we might Jeongyeon"
Thank you author-nim
nichkhunfans
#4
Wuuu i can't understand tagalog. 😭😭
Juliani_
#5
Chapter 1: The title's makes me curious, but it turns out Tagalog.
I don't understand 😭
jeybeee
1521 streak #6
Chapter 1: Hooooy, nuebayan, I feel like I'm becoming a Mina na.