Debussy.

Kundiman
Please Subscribe to read the full chapter

Debussy - Clair De Lune

 

 


 

 

 

 

 

 

 

 

Unang araw ng panibagong taon sa kolehiyo.

 

Laging may pakulo ang university tuwing ganito at isa na dito ang grand opening ceremony ng Freshman Week. As usual, daming ganap at pasabog na performances from different colleges.

 

May cheerdance,

 

Dance performances,

 

Band performances,

 

At ang musical performance na pride ng university.

 

Talaga lang, pride talaga dahil kasali ako sa mga pinili.

 

May bago kasing professor ang Conservatory of Music at sa kasamaang-palad ay ang dating mentor ko pa sa piano academy.

 

Kaloka.

 

Ako tuloy ang naisipan niyang humawak ng piano para sa isang set dahil sabi niya, ‘ikaw ang pinakamagaling sa lahat nang naturuan ko’ at syempre, ako naman ‘tong uto-uto na wala nang nagawa kundi ang umoo na lang at malunod sa kaba.

 

“Ang galing mo talaga, wala pa ring nagbago!”

 

Speaking of the devil…

 

Pagkababa ko pa lang sa backstage ay agad akong hinila ni Johann at mahigpit na yumakap sa ‘kin. I could feel the overflowing joy he has, and I’m glad he’s pleased by my performance.

 

“What do you expect? Produkto mo ‘ko eh,” pabirong irap ko sabay kaway sa boyfriend niyang naghihintay sa ‘min sa gilid.

 

Natawa lang si Johann at tinignan akong may masayang ngiti pa rin sa mukha. Na-touch tuloy ako. Ilang taon ko nang iniwan ang piano academy kaya hindi na kami nagkita ulit ni Johann at sa social media na lang laging nagcacatch-up.

 

I mentally sighed while thinking about it.

 

Okay fine, inaamin ko na rin. Namimiss ko lahat. I missed him too. I missed those good old times na nagtitiyaga pa ‘kong pumunta sa academy every after school.

 

It was a worthwhile experience and I’m glad it was part of my childhood.

 

I wouldn’t be able to take pride of my talent if not for Johann.

 

“I’m really happy na pumayag ka. Thank you, Irene.”

 

Ugh, eto na naman siya. “I know. Magaling talaga ako, okay? Don’t rub it on me na,” I dramatically sighed kaya natawa na siya.

 

“Pero may nag-iba lang nang… konti.”

 

“Huh?”

 

“Konti lang naman.”

 

I tilted my head in curiosity. “Ano ‘yon?”

 

“Matagal ka na bang ‘di tumutugtog?”

 

It was just a simple question, yet something I didn’t expect. I looked at him weirdly, hindi ko alam kung anong pinaparating niya. Parang kanina lang he was praising me, diba, kaya ano ‘to?

 

But I remember this is Johann we’re talking about. He knows music more than I do.

 

He knows every move of my finger like the back of his hand. He notices every change of notes, everything, kahit ang pinakamaliit na detalye pa ‘yan ng pagtugtog ko.

 

Kaya napaiwas ako at hindi kaagad nakasagot.

 

“Sabi ko na nga ba…” he chuckled. “What happened?”

 

What happened? I just shrugged, hindi ko rin kasi talaga alam kung anong isasagot sa tanong niya.

 

Well, in the first place, may rason ba talaga?

 

“Naging busy lang...you know...college...” I tried to sound convincing, pero sa ngisi niyang ‘yan, he didn’t seem to buy it. Napairap tuloy ako. “Why are you looking at me like that? Totoo naman ah.”

 

“Sali ka sa La Musique.”

 

Agad akong napatingin sa kanya.

 

La Musique? Isn’t that the university’s musical group?

 

I scrunched my face. “No way.”

 

Kinuha ko na ang mga gamit ko at tinalikuran na si Johann. Sa pagkakaalam ko, siya na ang mag-hahandle niyan kaya siguradong mangungulit lang ‘to hanggang umoo ako. Kaya hindi, hindi talaga ako papayag.

 

“Irene, sandali!” rinig ko pang tawag niya na natatawa sa pawalk-out ko, “Pag-isipan mo muna kasi!”

 

“Ayoko nga sabi!”

 

“Basta the offer still stands!”

 

I groaned loudly.

 

Ako? Sasali diyan?

 

Just no way.









 

 


❖❖❖



 

 


 

I wonder what’s in store for me this school year.

 

Judging by how it started, nararamdaman ko nang may different vibe sa panibagong year na ‘to. I don’t know what exactly. Baka dahil sa pag-perform ko, or baka dahil second year na kami which means eto na ang do or die na retention at majors na ang aatupagin namin.

 

Basta! I just feel excited na hindi ko alam! Well, of course not on the retention part, pero still!

 

‘Yung mga kaibigan ko kaya? How are they feeling?

 

Ang iingay nila nang dumating ako sa pwesto namin sa canteen. Hindi naman halatang ako ang hinihintay ng lahat dahil panay puri kaagad sila sa performance ko kanina.

 

“Alam ko lang tumutugtog ka pero gaga, ‘di mo naman sinabing ganon ka pala kagaling!”

 

Lumapit pa si Jennie sa ‘kin at inakbayan ako. “Magaling talaga ‘to. Alam niyo bang umabot siyang Singapore para mag-recital dati? Twelve pa lang kami non ah!”

 

Anyway, lumalaki na yata ang ulo ko sa mga sinasabi nila. Ang dami pa nilang dinadrama kaya pumagitna na ‘ko.

 

“Kalma!” Agad natahimik ang lahat, “…Ako lang ‘to, okay?”

 

Napaismid tuloy sila, sinabunutan pa nga ako ni Joy nang slight. “Oo na! Ikaw na ang magaling!”

 

“Aray ko!” Tinulak ko siya palayo kasi sinisira niya ang buhok ko!

 

“Alam mo bang bukambibig ka na ng mga freshies?”

 

Napaturo ako sa sarili. “Ako?”

 

“Girl, ang elegant mong tignan sa stage kanina, sinong hindi matutulala don?” Ang OA. Pa’no naman kaya nila nasabi?

 

“Oo nga, pustahan dami na namang mag-aadd sa ‘yo mamaya,” kindat pa ni Wendy sa ‘kin.

 

I just shrugged at nakikain na lang sa pagkain nila. As if I’d really care. Pwera na lang dahil madadagdagan na naman ang followers ko kung ganon.

 

“Madam,” hawak ni Jennie sa braso ko. “Alam kong napakadamot mo sa reto pero please parang awa mo na, isang nursing student lang, magiging masaya na ‘ko.”

 

Tinabig ko kaagad ang kamay niya. Itong babaeng ‘to! “Kala ko ba may nilalandi ka nang taga-Ateneo?!”

 

“Huh? Akala ko ba ‘yung LaSalliang may car…” naguguluhang sabi naman ni Joy.

 

Pati si Wendy ay gulat ring bumaling sa kanya. “Gaga! Sabi mo sa ‘kin may tamaraw ka ring minimeet-up sa Lerma tuwing Sabado?”

 

What?! Napanganga ako at hindi makapaniwala. Tawang-tawa lang si Jennie sa sunod-sunod na sinabi namin. Teka, teka, wait, totoo?! Hindi lang pala ‘yung taga-Ateneo?!

 

“Nilalandi pa lang, guys, hindi pa ‘ko papakasalan, okay?! Tsaka the more choices, the more chances of winning din kaya!” Nagtawanan pa ang mga bruha sa sinabi niya kaya mas lalong sumama ang mukha ko.

 

“Ibang klase ka talagang bruha ka!” hampas ni Joy sa kanya na tawang-tawa pa rin.

 

I shake my head, “Ewan ko sa ‘yo, kaya hindi ka sineseryoso eh.” Hindi man lang siya natinag sa sinabi ko at tumawa lang. No one can really knock some sense sa kanya pagdating sa landi. Tsk.

 

“Girl, kung ako sa ‘yo, maghahanap-hanap na ‘ko ‘no. Ang dami kayang taga Engineering na—” pitik ni Jennie ng daliri niya sa harap ng mukha ko, “—pak! sa face card na nagpapapansin sa ‘yo!”

 

“Agree!”

 

“O sige, kung gusto mo, ‘yung taga-college lang rin pala malapit.”

 

“Oo nga! Diba ganon naman mga type mo? Artistic?”

 

Sabay-sabay pang nagtawanan ang mga gaga. Nakakatuwa ba ‘yon, ha?

 

“Pwede ba, tigil-tigilan niyo ‘ko? Aga aga pa ah,” mataray na sabi ko.

 

“Weh? Wala kang natitipuhan kahit isa?”

 

“Shut up, okay?” irap ko sa kanilang lahat when I realized na pinagtutulungan na naman nila ako. “Mukha ba ‘kong may oras lumandi?”

 

“Wala ka naman talagang pakialam kapag hindi si—”

 

Sinubo ko sa bibig ni Jennie ang natitirang piraso ng fries niya.

 

Akala ko ba nag-bobonding tayo dito? Don’t say bad words!












 

Hindi rin naman kami nagtagal sa canteen dahil 30-minute break lang ang binigay. Naghiwalay na kami at mukhang sina Wendy at Joy pa yata ang kaklase ko dito sa mga majors. No choice ako kundi sumama na lang sa maharot na mag-jowang ‘to.

 

“Ang malas ko naman, ba’t kayo lang kaklase ko dito?” reklamo ko nang makahanap kami ng tatlong bakanteng upuan sa likod. Iilan pa lang ang andito at lahat sila may sariling mundo. May naglalandian pa ngang siguro ay magjowa sa harapan namin. Yuck.

 

Na-offend ko naman yata ang dalawa sa sinabi ko. “Makareklamo ka parang hindi mo kami kaibigan?”

 

“Nakakatuwa ba maging third-wheel, ha?” irap ko.

 

“Aral ang pinunta namin dito teh, hindi landi!”

 

“Kwento mo sa himasan ng binti sa ilalim ng lamesa.”

 

Nanlaki ang mga mata nila pareho. Oh ano? Kala nila ‘di ko napapansin? Pwe, ‘wag ako! Natatawa ko silang inirapan at bago pa man nila ako awayin, lumayas na ‘ko at lumipat sa kabilang row na malayo sa kanila.

 

May virus ang lugar na ‘yon, napapalibutan ako ng mga malalandi.





 

Nung akala kong wala nang bubulabog sa peace of mind ko dito, biglang namang sumulpot ang isa ko pang kinaiinisan sa buhay.

 

Ugh.

 

Great! Magkaklase na naman kami.

 

Ang sayang bungad naman ng second year ko.

 

“Hi, Irene.” Umupo siya sa tabi ko, his manly scent immediately making my face slightly scrunch. It’s too strong! Sakit sa ilong.

 

He’s Mingyu, by the way. Batchmate ko all the way from high school at lagi kong ka-duo sa mga competitions noon. Imagine my shock nung nalaman kong pareho kami ng course na kinuha, at sa parehong university pa talaga!

 

Alam kong habulin ang ganda kong ‘to pero no, hindi siya stalker, okay? Magkatrabaho ang mga tatay namin sa isang architectural firm kaya I assume, napilitan at napamahal lang rin siya sa course gaya ko.

 

If this guy likes me? You bet. He confessed in high school, I said no. I’m not sure if naiintindihan ba niya ‘yon o hindi, basta wala akong pake sa kanya.

 

“Hey,” bati ko pabalik at nginitian pa rin ang lalaki.

 

“Magkaklase pala tayo sa majors.”

 

I just hummed. Obvious naman siguro, hindi ba? Tch. Sinaksak ko na muna ang earphones ko para matigil ang pagdaldal niya.

 

‘Di nagtagal, nagsimula nang magsidatingan ang iba kong mga kaklase. May mga bagong mukha akong nakikita pero mostly familiar. The new faces must be shiftees or transferees. It’s second year, after all.

 

Naramdaman ko ulit ang pagtapik sa ‘kin ni Mingyu. Argh, ano na namang kailangan niya? Tinanggal ko ang earphones ko at tumingin sa kanya na medyo may pagkairita. “Ano?”

 

“Alam mo bang may bagong transferee?”

 

“Eh ano naman ngayon?” pagtataray ko.

 

“Sungit naman, sinasabi ko lang.”

 

Tuluyan ko nang tinanggal ang earphones ko. “Ilan? Marami?”

 

“Isa lang,” at excited pa siyang ngumisi, “Babae.”

 

I rolled my eyes dahilan para matawa siya. Tinuro ko sa bibig ang grupo ng mga hindi ko namumukhaan. “Isa diyan?”

 

“Nope,” iling niya. “Shiftees sila.”

 

Bakit naman kaya alam ng lalakeng ‘to? Nagtingin-tingin pa siya sa paligid na parang may hinahanap. “Wala pa yata siya eh.”

 

I wasn’t able to ask more dahil biglang dumating ang Prof namin. Umayos na kami nang upo at binalingan ko muna ng tingin ang dalawang kaibigan ko. Masama pa rin ang tingin nila sa ‘kin.

 

Inirapan ko tuloy.

 

ARC 1113 pala ang klase namin ngayon. Architectural Design. As usual, introduction… subject orientation… expectations… house rules… typical first day boring stuff.

 

And yes, tama kayo nang nabasa. Architecture ang kinukuha ko. Born into a family of architects, hindi na ‘ko nagulat na ito ang kursong pinilit ni daddy sa akin. It’s an uncalled competition between the old folks, of pride as to who had the most successful career among their kids.

 

As the only child, ako lang ang nag-iisang bala ng mga magulang ko. Mapapa- ka na lang talaga. The pressure is often too heavy to take, and I hate it, so much. But it’s not like I have any other choice. Ikaw ba naman maging apo ng nag-iisang IP Santos?

 

What? Can’t believe it?

 

Mga baliw, hindi ako nag-jojoke!

 

Lolo ko nga si IP Santos!

 

Anyway, so much for that, I swear, we were already halfway through the discussion nang biglang may kumatok sa pinto.

 

Lahat kami napatingin doon.

 

Pati si Prof napatigil din sa pagsasalita.

 

Oh no.

 

The door opened, revealing a shy girl na nanlaki ang mata sa gulat dahil lahat ng atensyon ay nasa kanya na. Wait, bago ba siya dito? I almost laughed at the scene dahil my god, wala na siya sa high school, dapat hindi na niya ginawa ‘yon at pumasok na lang.

 

“Ikaw ba si Seulgi, iha?” but the Prof entertained her, anyway.

 

Oh...? He knows her?

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
architectyoong
#1
Chapter 6: Wow. Just wow. Looking forward po sa next na ganap author! Thank you for this :)
eunxiaoxlove #2
Chapter 6: Oh this is so interesting
seulbunny_ #3
Chapter 6: inch restingggg 👀

i like your story telling author, nakaka hook at entertaining hehehe
looking forward sa next chapters :)