Paru-Paro

Bagong Yugto
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Paano niyo naging ka-close si Jennie?" 

 


Hindi agad naka-uwi sila Nayeon at Irene dahil nagyaya si Yeri na kumain muna sila sa jollibee. Nagutom daw kasi sila ni Seulgi at Wendy kanina habang nasa ice rink. 

 


"Hindi pa naman kami ganon ka-close sa kaniya, nag a-adjust lang din kami." Sagot ni Nayeon.

 


"Grabe ka naman Yeri sa'kin, you make it sound like i'm not approachable," Binato ni Jennie ng tissue si Yeri na naka-ilag agad.

 


"May Jollibee ba sa Arkala?" Lumipat naman ang atensyon kay Seulgi na busy sa pag nguya ng french fries. 

 


"Oo naman diyos ko.. mayaman ang bayan ng Arkala may mga kaninan naman katulad ng Jollibee at Mcdo." Sagot ni Irene sa tanong ni Seulgi. 

 


"Bakit kayo lumipat sa manila? Mukha naman maayos sa Arakala." 

 


Nagsalita na rin si Wendy na kanina pa tahimik na kumakain sa gilid. Ang kaniyang mga mata ay nakatigil sa direksyon ni Irene na para bang hinihintay niyang sagutin ni Irene ang kaniyang tanong at wala ng iba.

 


Irene smiled at Wendy's direction, "Hindi kami siguro lilipat dito sa Manila kung maayos ang sistema ng edukasyon sa Arakala, diba?"

 


Bigla nalang naging awkward ang hangin sa table nila Jennie, walang gustong magsalita ni isa sa kanila. 

 


"Oo nga pala! Before we almost forgot, may kwento ako." Buti naman at sinalba ni Yeri ang magiging awkward na sitwasyon nila kung walang magsasalita.

 


"Anong kuwento?" Mukhang nakuha ni Yeri ang interes ni Nayeon kaya't lumipat na ulit ang atensyon ng apat kay Yeri. 

 


"Since bago kayo sa BlueFord may kuwento ako about doon sa ice rink, hindi naman ito required na malaman niyo pero if interested edi makinig kayo." Sabi ni Yeri.

 


Itutuloy na sana ni Yeri ang pagkukwento ng biglang tumunog yung cellphone ni Irene, rinig naman ang pagkadismaya nila ng hindi natuloy ni Yeri ang pagkukwento kahit alam na nila Jennie, Seulgi at Wendy ang kwento tungkol sa ice rink.

 


Yung ate niyang si Tiffany pala ang nag-text sa kaniya. 

 

Ate Tiffany, 6:45 

May balak ka ba kayong umuwi ni Nayeon? Dismissal niyo na kanina pa pero wala parin kayo sa condo, wala kayo sa Arkala. 

 


Muntikan ng mabaliaukan si Irene sa nabasa niyang text galing kay Ate Tiffany na mukhang galit na galit sa text niya. 

 


"Kailangan na pala namin na umuwi, hinahanap na kami ng ate ko. Pasensya na ah? Bukas nalang tayo ulit magkita." Paalam ni Irene kay Jennie at sa mga kaibigan nito. 

 


"It's okay Irene, we understand naman eh, you two can go home na. Sasabay na si Wendy sa inyo, nabanggit mo diba kanina na malapit lang kayo doon sa C-site diba?" Sambit ni Jennie. 

 


"I live near there so i make sabay sa inyong dalawa, let's go?" Tumayo si Wendy sa pagkakaupo at sinukbit ang dala niyang backpack. 

 


"Bye!" Paalam ng tatlo kila Jennie na naiwan sa table nila sa loob ng jollibee. 

 


Nag-book nalang ng grab silang tatlo upang hindi na sila ma-late umuwi. Kanina pa kasi text ng text ang ate ni Irene na si Tiffany. 

 


Nakalimutan sa isipan ni Irene na wala na sila sa Arkala, hindi na mga bundok at puno ang nasa paligid nila kung hindi mga naglalakihang gusali. Ilang linggo palang sila naninirahan sa manila pero pakiramdam ni Irene na matagal na siyang nakatira dito. 

 

 

Siguro nga ay hindi ganon kasama ang desisyon ng mga magulang nila na dito sila lumipat at manirahan. 

 


Naka-pwesto ang tatlo sa may backseat, pinaggigitnaan si Irene ng dalawa, si Nayeon ay tulog na at nakasandal ang ulo sa balikat ni Irene habang si Wendy naman ay nakatingin sa bintana habang malayo ang tanaw sa labas.

 


"I almost forgot to say something," Nilingon ni Irene si Wendy. "You look like a butterfly wearing BlueFord's unique uniform attire." 

 


"Paru-paro?" Tanong ni Irene.

 


"Yeah, kasi diba kahit anong kulay or pattern ng wings ng isang paru-paro it still looks beautiful? Just like ikaw." Nginitian siya ni Wendy. 

 


"Ganito ba ang mabubulaklak na salita ang mga tiga manila?" Natatawang tanong ni Irene. Pero agad niya itong dinugtungan bago pa man makasagot si Wendy. "Baka nakakalimutan mo na laking probinsya ako, hindi ako basta-basta nahuhulog sa mga paru-paro mo at ngayon lang tayo nagkakilala, conyo." 

 


Hindi mapigilan ni Irene ang tumawa ng mahina ng makita niya ang pamumula ng leeg ni Wendy sa hiya. 

 


"Ang harot niyo puta.." Bulong ni Nayeon sa kanila kaya't natigilan ang dalawa.

 


"Malutong ba talaga kayo magmura?" Medyo humina na ang tono ng boses ni Wendy.

 


"Mas malutong pa sa chicharon, damang dama mo yung diin ng salita." Wendy chuckles. 

 


"Nagbo-book ba kayo ng grab papasok ng school?" 

 


"Hindi. Wala kaming ganito sa Arkala, puro mga pampublikong transportasyon ang makikita mo sa Arkala." Sagot ni Irene.

 


"But mas mababawasan ang hassle kapag grab diba? Makakasakay ka na agad at ang problema mo nalang is yung traffic." Giit ni Wendy.

 


"Nakasakay ka na ba sa dyip?" Umiling si Wendy.

 


"Try mo sumakay minsan, mas gusto ko kasi yung mahangin at hindi kulong. Siksikan man pero marami akong kasama tapos minsan ang lakas pa ng tugtugan ng driver," 

 


Natawa silang dalawa sa kwento ni Irene sa kaniyang jeep experiences. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumahimik ulit ang loob, pero mas komportable na kesa nung kanina.

 


Napansin ni Irene na masaya at komportable siya sa mahigit sampung minuto nilang byahe kasama si Wendy, unang tiga manila na nakasama niya sa medyo may kasikipan na upuan. 

 


Naghiwalay na sila ng direksyon ng huminto ang kotse ni kuyang grab sa harap ng C-site. Nagpaalam na si Wendy sa kanilang dalawa at ganon din sila. Pagka-uwi sa condo nila ay hindi nila narinig ang sermon ni Ate Tiffany, agad na silang pinagpahinga at pinagpabukas nalang ang baon nitong sermon sa kanilang dalawa. 

 


Nakahiga na ngayon si Irene sa kaniyang kama, nakapagpalit na ng p

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yakapsadilim
Ang boring ng first chapter at medyo bitin hehe, sinave ko talaga yung start ng story sa pangalawang chapter para may thrill hehe

Comments

You must be logged in to comment
M_jeeh08
#1
Chapter 3: Interisting
Paparapakyaw #2
Chapter 3: TARAAAAAY i love you since 1892 yarn? Chos HAHAHAHAH BET KO 'TO
Paparapakyaw #3
kung angst 'to gusto ko yung pati sipon ko tutulo ha
marvolo #4
kung angst man, ready na ko masaktan