Panimula

Bagong Yugto
Please Subscribe to read the full chapter

 

Kakasakay lang nila Irene at Nayeon sa loob ng jeep papunta sa school, siksikan agad sa loob ng jeep, at napaka init. 

 


"Mas gusto ko parin sa probinsya." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Nayeon. 

 


"Ang dami mong angal Marie, kanina mo pa sinasabi iyan." 

 

 

"Ang sa akin lang naman bakit kasi kailangan pa natin lumipat dito sa manila. Dapat pala nagpa-iwan nalang ako sa Arkala." 

 


Hindi na nagawang magsalita pa ulit ni Nayeon ng tumigil ang sinsakyan nilang jeep sa destinasyon nila. 

 


"May bababa ba sa BlueFord?" 

 


"Meron po!" Tugon parehas ni Nayeon at Irene. 

 


Sa harapan nila Irene at Nayeon ay isang malaking paaralan na may nakaukit sa pader na BlueFord Reual Academy. 

 


Kita mula sa labas ang mga naglalakihang building sa loob at malawak na daan sa loob, kitang kita rin ang mga estudyanteng naglalakad sa loob na naka-suot ng blouse na puti at suot ang  kulay blue na jacket. 

 


"Ang init init mga naka jacket ambobo." Komento ni Nayeon. 

 


"Gaga ka! Dito na tayo mag-aaral kaya't magiging isa na rin tayo sa kanila," Inirapan nalang ni Nayeon si Irene bago sila pumasok sa loob. 

 


"Hindi mo dinala jacket mo? Diba kasama iyon doon sa box?"  Umiling si Nayeon. 

 


Naglalakad sila papunta sa building ng section nila, bago sa paningin ng dalawa ang lugar ng paaralan pero agad na naman silang na inform kung saan ang building nila bago pa man nagsimula ang araw ng pasukan. 

 


Pagpasok ng dalawa sa loob ng classroom nila ay agad naman silang pinagtinginan ng mga tao sa loob. Hindi hihigit sa trenta ang mga upuan sa loob at mukhang kakaunti ang mga estudyante sa classroom na pinasukan nila Nayeon at Irene

 


"Mali yata yung room na pinasukan natin, bobo." Bulong ni Nayeon kay Irene.  

 


Sanay na si Nayeon at Irene sa paaralan sa Arkala, maraming estudyante sa isang classroom. Wala kasing masyadong pribadong paaralan ang Arkala, puro mga pampubliko ngunit maayos ang sistema ng pagtuturo. 

 


"Hello pretty ladies.." Biglang may nagsalita sa gawing kanan ni Nayeon.

 


"Oo," Sagot ni Nayeon. 

 


Napahiya naman ng konti yung lalaki at inayos ang pagkaka-upo bago niya iniba ang topic. 

 


"Welcome sa BlueFord Reual, you two are one of the blue blooded lions, rawr." Muntik ng matawa si Irene kung hindi lang siya kinurot ni Nayeon. 

 


"Tinatakot mo sila Jackson, gago!" 

 


Nang magtawanan ang tao sa loob bukod sa dalawa, nakitawa nalang din si Irene at Nayeon. Umupo na sila doon sa bakanteng upuan sa may bandang likod, binati naman sila ng kanilang mga bagong kaklase bago pa sila makalapit sa upuan nila.

 


"Ano ka ngayon? Nanginginig ka diyan, sabi ko kasi sayo dalhin mo yung jacket eh,"  Sermon ni Irene kay Nayeon. 

 


Hindi pa dumadating ang kanilang teacher hanggang ngayon, busy parin ang lahat sa loob sa kani-kanilang mga upuan. 

 


"Eh puta, nasanay ako sa Arkala eh." 

 


Halos yakapin na ni Nayeon ang sarili sa sobrang lamig sa loob ng classroom nila. Sa Arkala kasi ang mga paaralan ay hindi kulong at mahangin ang mga classroom. 

 


"Hi! Jennie France Corazon, anong name niyo?"

 


May lumapit sa kanilang isang babae na humila ng upuan para makatabi sa dalawa. She's smiling

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yakapsadilim
Ang boring ng first chapter at medyo bitin hehe, sinave ko talaga yung start ng story sa pangalawang chapter para may thrill hehe

Comments

You must be logged in to comment
M_jeeh08
#1
Chapter 3: Interisting
Paparapakyaw #2
Chapter 3: TARAAAAAY i love you since 1892 yarn? Chos HAHAHAHAH BET KO 'TO
Paparapakyaw #3
kung angst 'to gusto ko yung pati sipon ko tutulo ha
marvolo #4
kung angst man, ready na ko masaktan