Sasakyan

Winter Wonderland
Please Subscribe to read the full chapter

Hapon na ng magsimula ang class nila Karina at Winter ng Christmas Party. Naisipan nalang nila magpalaro since naubusan na daw ng stock ng Karaoke kila aling Juanita. Madami din daw kasing professors ng university nila ang nag rent ng Karaoke. 

 

 

Tahimik naman naghihintay si Winter at ang bestfriend netong si Karina ng activity. Sa totoo lang gusto na talaga umuwi ni Karina habang si Winter naman ay minamatahan ang papremyo sa gilid. Di niya alam kung paano makukuwa yung Panasonic Tower Electric fan pero alam niya sa sarili niya na yun ang goal niya makuwa. Naiiimagine na niya kung san to ilalagay. Sa living room nung apartment na pinag sstayan nila ni Karina. Saktong sakto yun sa sulok ng sala, maganda din at white ang color. 

 

 

"Karina, psst" bulong na pag tawag ni Winter sa kanyang bestfriend. Napalingon naman agad si Karina at napataas ng kilay neto. 

 

"kita mo yon? yung electric fan, dapat mapanalunan natin yon oh" Sabi ni Winter sabay ngiti kay Karina. Bigla naman napaayos ng upo si Karina, tila ba ginanahan sa kung ano mang palaro at activities ang meron sa kanilang class.

 

"Mukang maganda nga yan ah, bagay yung color sa sala" Pabulong na tugon ni Karina. Ramdam na ni Winter ang dedikasyon nilang dalawa na manalo. Di lang sa ugali sila magkasunod ng bestfriend niya, pati na din sa style ng kung paano ayusin ang kanilang apartment. Halos napagkakamalan na nga din silang mag kambal dahil halos kung nasaan si Winter, nandon na din si Karina. 

 

Bigla naman bumukas ang pinto at pumasok na ang kanilang President

 

"Ayooo Ayoooo!!!!" sigaw nito habang hawak ang isang bluetooth microphone na may sariling speakers. Yung tipong nabibili sa gilid gilid. "It's yooo pres, Ning Ning in daaa house!!" dag dag pa neto.  

 

 

"Guys, alam ko na..mag sstart na muna tayo sa games!! unang game natin for today ayyyyyyyyy Newspaper Dance!! Dali na tayo na kayo" yaya ng kanilang president

 

Madami naman sa kanilang kaklase ang naki join din ngunit marami din nag complain bakit daw pambata yung laro

 

"Hoy Jobelyn, dami mo satsat, bat ikaw ba namili ng papremyo? Hirap mo nga daw singilin sabi netong treasurer eh" sabi ni Ningning na halatang walang oras sa mga complaints ng kaklase

 

"Sabi ko nga" sabi ni Jobelyn sabay irap. Atechona talaga, minsan may ganoon talaga tayong kaklase,

 

"Anywayyy, back to more important matters! TARA NA GUYS!! ANG PREMYO FOR THIS GAME AY bastat pili nalang kayo diyan sa naka display"

 

 

Tinignan ni Winter ano ang possibleng pinaka mahal na prize, meron grocery products na isang buong plastic, meron electric fan which is yung gusto nga nila Winter at Karina, at meron din mga mini prizes such as bluetooth speakers, earphones at iba pa pero ang pinaka-mahal among the rest ay yung TV. Di man ganon ka lakihan pero TV pa din yon. Napagusapan naman nila Karina na di naman nila ganoon ka kailangan ang TV, mas kailangan actually nila ay yung electricfan.

"Ok lang di mapunta sa atin yung grand prize, bastat yung E-fan sa atin" bulong ni Karina

 

Mga ilang minutong makalipas, nagtayuan na ang mga classmates nila at nilabas na ang mga newspapers. Hinati ang participants sa apat, consisting of 3 people each group

Pinlano na ni Karina at ni Winter na magdidikit lang sila kahit anong mangyari para more chances of winning.

 

 

"Ay grabe oh guys, magka group nanaman ang WinRina, kabahan na kayo" asar ni NingNing na rinig ng lahat dahil sa sa mic na hawak neto. "Feeling ko talaga may something sa inyo eh, ay charot pasmado bibig" biglang lakas na tawa ni NingNing sa mic. Umikot naman ang tingin ni NingNing sa isa pang ka group ni Winter at ni Karina na si Giselle na nakatayo lang sa gilid, tila ba nawawalng tupa. 

 

"Giselle, thirdweel ang peg?" Asar uli ni NingNing 

 

"Magpapatalo nalang talaga ako guys" sabay ngiwi ni Giselle sa gili

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TYTFshipper
287 streak #1
Chapter 4: baka naman winter BAKA NAMAN ANO 🤧😀 hahahaha
anzeezee #2
Chapter 4: ang cute 😭
sana pala nag part time ako sa library
gayasf__
#3
Chapter 4: yii kire
swinder
#4
Chapter 4: Naks naman kay Dean's lister Karina! Hahahaha
gayasf__
#5
Chapter 3: ang tanong nasakyan nga kaya 👁️👄👁️
gayasf__
#6
Chapter 1: Parang we need part two ksjdjxjx