Timeline Skip III

Best of Me
Please Subscribe to read the full chapter

Winter’s POV

 

Ang sakit ng paa ko pucha. Hindi na ako sanay sa physical activites. Lalo na’t  heavy training agad binigay saamin ni Capsule— si Cap Seulgi pero capsule na tinawag ko. Ganon lang rin naman.

 

“Oh.” Inabutan ako ni Yuqi ng pain relief spray na agad ko binuksan takip para malagyan na paa ko.

 

“Kamusta paglalaro?” tanong niya saakin.

 

“Baka magkateam tayo?”

 

“Tanga I mean. Ano pakiramdam na naglalaro ka na ulit?”

 

Hindi ko na kailangan mag-isip dahil iisa lang naman sagot ko lagi.

 

“Wala.”

 

“Wala talaga?”

 

“Wala nga.”

 

“Start na ng season sa Wednesday”

 

“Alam ko.”, narinig ko siyang nagbuntong hininga

 

 Hinihintay ko matuyo yung spray bago ko lagyan ng panibagong athletic tape at bago magsuot ng panibagong socks.Kakatapos lang ng practice namin at nag-aaya ‘tong si Yuqi lumabas kaya nilapitan ako kanina.


Naglalagay na ako ng bagong athletic tape nung tinawag niya uli ako.

 

 “Winter.”

 

“O?”

 

“Kasama si Beanie mamaya. okay lang?” tanong niya. May pag-aalanganin niyang tanong.

 

Nalilito na ako dito kay Yuqi. Minsan pinaglalandakan niya sakin si Bean tapos ngayon parang ingat na ingat.

 

I furrowed my eyebrows, “bakit naman hindi?”

 

“Eh kasi baka … ewan ko rin.”

 

“Okay lang. You guys can hang out with her. Nakamove on naman na ako.” Sabi ko.

 

“Okay. So sasama ka?”

 

Saglit akong nahinto sa pagsuot ng socks ko.

 

“Hindi.”

 

“Baki-“

 

“May lakad kami nila Ryujin.” Sabi ko.

 

It’s the truth. Nag-aya nanaman sila magdouble “date”. Ryujin says na sila daw bahala saakin na makadiskarte kay Karina.

 

Noon halos araw-araw silang nag-aaya pero since malapit na season at may sari-sariling practice, madalang nalang.

 

“Date?”

 

Tumango ako. Natapos ko na isuot sapatos ko at paglingon ko sakanya nakangisi na siya saakin.


“bakit?”

 

“wala” she dismissively waved her hand. “tsupi alis ka na.”

 

“ha?” taka kong tanong.

 

She points sa likod ko using her lips. Paglingon ko nakita ko si Ryujin na kasama na sila Yeji at Karina. Mas nauna kasing natapos practice nila.

 

Nagpaalam na ako kay Yuqi at tumungo sa way nila Karina.

 

“Hi.” I greeted them at tumabi  sa tabi ni Karina. “saan tayo?”

 

“Secret. Dadalhin namin kayo kung saan dapat talaga nagdadate ang mga may true love.”pasikretong sabi ni Ryujin.

 

Narinig naman namin na tumawa si Yeji at hinampas sa braso ang nakangising babae.

 

--

 

“Turo-turo?” tanong ko.

 

“Oo.” Tumingin si Ryujin kay Karina, “sabi ni Yeji hindi pa daw kasi niya nakikitang kumain ng turo-turo ‘tong si Karina.”

 

Lumingon naman ako sa babaeng kausap si Yeji. Lumapit kami sakanila.

 

“I actually tried turo-turo before.” Bunyag ni Karina.

 

“Weh?!” gulat na sabi ni Yeji.

 

“Oo nga.” Tumawa ng mahina si Karina, “Hindi ba halata?”

 

“Hindi. Sa tagal natin nagging magkaibigan never kita nakita kumain ng street food.”

 

“Well, na-try ko na talaga whether you believe it or not. I like isaw and Betamax.”

 

Nagkomento na rin si Ryujin, “’di ka mukhang kumakain ng street food.”

 

Napapout naman siya kaya natawa ako ng mahina, “’di naman ako maarte.”

 

Nag-uusap pa sila tungkol sa issue kaya umorder na ako. Tagal nila mag-usap gusto ko na kumain. Malinis naman daw ‘to sabi ni Ryujin at mukhang totoo naman dahil ang daming estudyanteng nagkukumpulan dito.

 

Naka-order na ako nung umorder na rin si Ryujin. Ilang minute pa ready na yung pinaluto ko.

Inabot ko kay Karina yung sakanya: isaw at betamax. Nag-thank you siya saakin tapos si Yeji mapangasar na nakatingin saakin.

 

“Wow. Tinatak na agad sa isip kung ano gusto ah.” Asar na sabi saakin ni Yeji.

 

Nagkibit balikat nalang ako, “Hindi naman mahirap alalahanin.”

 

Ngumiti saakin si Karina na parang natatawa. Hindi ko alam kung dahil natatawa siya sa sinabi ko o natatawa dahil sanay na sanay na kami sa ganitong set up.

 

Sakto naman dating ni Ryujin. Umupo sila sa table malapit doon sa tindahan at nagkwentuhan sa kung ano-ano.

 

“Si Hyunjin swimming talaga dapat sport pero mas nagustuhan niya baseball.” Kwento ni Yeji.

 

“Hyunjin is good naman.” Puri ni Karina.

 

“Dating swimmer si Yuna diba?” ta

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kalifrappie
Will be the last one for the Timeskip. Will be updating na sa socmed part. Any thoughts, questions, o kung ano pa trip niyo sa buhay. Heres the link for my CC: https://curiouscat.qa/winjeongszn

Comments

You must be logged in to comment
srjmj0916 #1
Chapter 2: may kinalaman sa fam
nayeoff01 #2
Chapter 5: I realized na ito nga pala yung reason bakit ko pinanood anohana ;ast year, pochi, I cried too
nayeoff01 #3
Chapter 5: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA
nayeoff01 #4
Chapter 3: yung uber reference jskjskdjdsk AHSHSHASHA
nayeoff01 #5
Chapter 1: AAAAAAAAAAAAA I MISS YOU BOM! AY EM HIR AGEYN COZ AY RILI MIS YU SO BERI BERI MATCH
turtlerabbitpeach #6
Chapter 3: miss ko na sila 😫
osumnevercease
#7
Chapter 5: miss ko na BOM huhuhuhu
sungoesdown
#8
Chapter 3: it doesn't bother you? di nga🦋🦋🦋
toowenywan
#9
Chapter 5: ooooooooooHHHHHHH 🤔🤔🤔
wintoee #10
Chapter 5: Pakilala moko sa kambal m beh,,