Timeline Skip I

Best of Me
Please Subscribe to read the full chapter

Winter’s POV

 

It’s been two days since that game. Naisipan ko namang pumunta ng mall just to get some gears na I need tutal wala namang pasok. Mukha kasing wala na silang balak pakawalan ako.

 

Nung Friday kasi, the day after nung game, tinanong ako ni Giselle kung saan daw ako natuto bumato. Parang alam ko na raw agad gagawin kahit hindi naman daw niya ako naturuan o kung sino mang part ng team nila ng araw na iyon.

 

Ang sabi ko nalang naglalaro na ako noon. Explaining kung saan ako natuto at kung paano ko alam magbaseball will take too much time. After all, pagkapanganak na pagkapanganak ata saamin ni Moitie baseball na agad pinahawak saamin agad.

 

I sighed, yun rin first ever photo ko as a baby.

 

Kim Minjeong holding a baseball on her first day in this world.

 

That was an exaggeration. Hindi naman first day pero if they skim through our baby pics yun unang-una makikita ng tao.

 

At saka, even though wala naman akong pake kung malaman nilang naglalaro ako noon, I’m still not comfortable talking about him and our bond over baseball.

 

Napasimangot tuloy ako nang maaalala ‘to.

 

Bwisit!

 

Chineck ko time: 10:23am.

 

Ang kupad-kupad talaga ni Ate Taeyeon! May saris-sariling banyo na nga mga kwarto namin pero siya parin nahuhuli lagi.

 

Tumayo ako mula sa sofa at naisipang bulabugin sa kwarto si Ate Taeyeon pero bago ako makaakyat nang handa, nakasalubong ko nanay ko. 

 

“Saan ka pupunta?” 

 

Tumingin siya sa suot ko. 

 

“Sa mall po may bibilhin lang.”
 

Ayaw ko sabihin kung para saan. It will raise a lot of questions I don’t want to answer.

 

‘what’, ’‘how’, ‘when’,  ‘why’,

 

Lalo na’t iisa lang naman ang sagot sa mga ‘yan.

 

Katarina Yoo… Katarina Yoo and her playful smile.

 

Umiling-iling ako nang biglang sumagi mukha niyang nangaasar sa utak ko. It earned a confuse look from my mom, pero ‘di nalang niya tinanong.

 

“Sino kasama mo?”

 

“Si Ate Taeyeon po.”

 

Naglakad na siya papuntang kusina, magsstart na ata magluto ng lunch. Sumunod naman ako sakanya.

 

“Si Ate Ayu mo ba’t ‘di niyo sasama?”

 

“May pupuntahan raw po siya e.”

 

Tumango lang si Mama at nilabas na yung mga kailangan niyang lutuin: bawang, sibuyas, sili, kamatis, talong, sitaw, okra, at yung dinefrost kong baboy kanina.

 

Mukhang sinigang ata ulam ngayon.

 

“Tulungan na kita, ma” alok ko. Hindi nalang siya sumagot at hinayaan akong tumulong.

 

By the time na bumaba si Ate Taeyeon, malapit na maluto yung pagkain. Ang kupad diba?

 

“Napakatagal mo!” inis kong sabi sakanya.

 

“Atat na atat?”

 

“oo.”

 

“Edi mauna ka na.”

 

“Ako na nga lang dapat kaso nagpumilit kang sumama.” inis na sabi ko.

 

“Gagamitin ko sasakyan e! May date ako.”

 

Okay lang naman kay mama. Sanay na kay Ate Taeyeon at ma-tanda na rin kasi ‘to pwede na magasawa. Si mama na nga ata nagbubugaw dito sa mga tao e.

 

“Weh? Ang sabihin mo ayaw mo ipahiram sasakyan mo kasi sasakyan mo nalang talaga jowa mo.”

 

Halata namang nainis siya sa sinabi ko kaya nilabas ko dila ko para asarin pa siya lalo.

 

Nakangiti narin ako dahil wala siyang masagot. Paano ba naman kasi. Mahal na mahal kotse niya. Minsan napapaisip na kami na kapag papipiliin siya between us at yung kotse niya, malamang yung kotse niya pipiliin niya. 

 

Katas daw kasi 'to ng sweldo niya. 

 

“Ba’t kasi ‘di mo tinanggap binibigay na sasakyan sa’yo ni Papa? Edi sana ‘di ka nanghihiram, diba?!”

 

Natahimik naman ako sa sinabi niya.

 

“Kung wala ka na ibang gagawin. Tara na. Tanghali na marami nanaman tao.” Malamig kong sabi bago umalis ng kusina para dumiretso na sa sasakyan.

 

Bago ako makaalis narinig ko sinabi ni Mama.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kalifrappie
Will be the last one for the Timeskip. Will be updating na sa socmed part. Any thoughts, questions, o kung ano pa trip niyo sa buhay. Heres the link for my CC: https://curiouscat.qa/winjeongszn

Comments

You must be logged in to comment
srjmj0916 #1
Chapter 2: may kinalaman sa fam
nayeoff01 #2
Chapter 5: I realized na ito nga pala yung reason bakit ko pinanood anohana ;ast year, pochi, I cried too
nayeoff01 #3
Chapter 5: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA
nayeoff01 #4
Chapter 3: yung uber reference jskjskdjdsk AHSHSHASHA
nayeoff01 #5
Chapter 1: AAAAAAAAAAAAA I MISS YOU BOM! AY EM HIR AGEYN COZ AY RILI MIS YU SO BERI BERI MATCH
turtlerabbitpeach #6
Chapter 3: miss ko na sila 😫
osumnevercease
#7
Chapter 5: miss ko na BOM huhuhuhu
sungoesdown
#8
Chapter 3: it doesn't bother you? di nga🦋🦋🦋
toowenywan
#9
Chapter 5: ooooooooooHHHHHHH 🤔🤔🤔
wintoee #10
Chapter 5: Pakilala moko sa kambal m beh,,