Kwek kwek tayo?

Ebitasiyon, 2021
Please Subscribe to read the full chapter

Note: Sandali ko lang siya sinulat dahil naging smooth naman ang pagsusulat ko, random lang siyang pumasok sa isip ko. I'm just putting this out so I can sleep peacefully at night, chsrot. Pero ayon, don't expect too much, but still, thank you sa mga magbabasa. <3

 

Song recommendation: Burnout by Sugarfree.

 

 

 

"Deputang 'yan! Hindi pa mandin nagdidilim, ang sama sama na ng itsura ko! Mas nauuna pang dumilim ang paningin ko kesa sa kalangitan, eh!" Reklamo ni Ningning sa tabi mo, nakita mo pa ang naiiritang pagkamot nito sa kaniyang braso na hindi mo naman alam kung anong purpose bakit niya ginagawa.

 

Nang mapansing nakatingin ka lang sa kaniya, tinaasan ka niya ng kilay, "For your information, my dear bestfriend, ang lamok lamok dito sa pinepwestuhan natin! Aba'y hindi mo ba nahahalata? Bakit? Dahil ba maka titig ka dyan sa gate ng STU akala mo eh tatakbo pag iniwas mo ang tingin mo kahit ilang segundo?" Inis na sabi nito sa'yo, tinignan mo ang braso nito, may mga parte ngang namumula kaya napatingin ka na rin sa braso mo. Oh? May kagat nga ng lamok pero hindi mo manlang naramdaman, ganoon ka na ba kamanhid na pati sa lamok ay immune ka na?

 

Hindi mo alam.

 

Baka.

 

Siguro.

 

Pwede.

 

Para kasing nawala na lahat sa'yo, pati yung pakiramdam mo, nung iwasan ka nung taong pinakamamahal mo.

 

Kaya ito, para kang tanga na nag-aabang sa gate ng school niya, para masilayan siya.

 

Naging routine mo na araw araw, paulit - ulit lang naman. Sa jeep, iisipin mo na baka pwede mo na siya lapitan, baka pwede mo na siya kausapin, habulin, suyuin.


Pero pag nakikita mo na siya, yung maganda niyang mukha, masaya niyang ngiti, habang nakikipag - usap sa mga kaibigan niya ay para bang naduduwag ka na.

 

Masaya na siya, guguluhin mo pa ba?

 

"Sorry," Yun ang nasabi mo at hinila pa siya papalapit sa'yo habang tahimik na hinihimas ang braso niyang namumula na sa kakakamot, na para bang may magagawa ang haplos mo sa kagat ng lamok. "Dinadamay kita palagi."

 

"W-wala lang naman sa akin yun!" Parang medyo nautal pa ito nang makita ang malungkot mong mukha, hindi mo naman sinasadya, wala naman sa plano mo na magpaawa, sadyang transparent ka lang na tao na nakikita ng iba kung ano ang nararamdaman mo. 

 

"Ginusto ko naman samahan ka, isa pa, ginagabi ka palagi. Ayoko naman na mag - isa ka 'no! Sana kung lalapitan mo si Ate Karina at sabay kayong uuwi kaya lang para kang ewan na hinihintay lang siyang makasakay! Hindi ko nga alam anong purpose ng pagpunta mo kung ihahatid mo lang pala siya sa tingin mo." Sabi niya sa'yo, totoo naman ang lahat, walang dinagdag na maling impormasyon dahil lahat ay totoo. 

 

Iyon naman talaga ang ginagawa mo sa araw araw bago umuwi sa bahay, sisilay, pero never lumapit. Pupunta, pero uuwi na walang mapapala.

 

Kaya nga siguro manhid ka na, eh.

 

Manhid ka na sa sakit sa araw araw na makikita mo siyang uuwi na masaya, samantalang ikaw, nag - aalala, nalulungkot, namimiss s'ya.

 

"Hindi ko lang kaya." Mahinang bulong mo habang walang buhay na nakatitig sa gate ng school na pinapasukan ng babaeng mahal mo. Ang ganda talaga ng school niya, bagay na bagay sa kaniya. "Natatakot ako, baka hindi niya na pala ako kailangan."

 

Yun naman ang totoo, gabi gabi ka inaatake ng anxiety mo, iniisip mo kung saan ka nagkulang, saan ka nagkamali, bakit ka iniwasan. Iniwan. Ghinost. If that's the right term for what Karina did to her. Bigla nalang itong umiwas, hindi niya naman alam ang eksaktong dahilan. Biglang poof, they ended up in wrong terms.

 

It's been what? 2 weeks? Hindi niya alam kung paano siya natitiis ni Karina pero siya, hindi niya kaya. Kahit na gaano pa man kasakit, kahit gaano pa man siya nagtatampo sa ginawa nito, pakiramdam niya ay siya pa rin ang makikipag - ayos, siya pa rin ang hahabol. Pero dalawang linggo na siya ganito at hindi manlang siya dinadalaw ng lakas ng loob, sa t'wing nakikita niya ang dalaga, parang nawawala siya at makikita nalang niya na nakasakay na ito sa jeep.

 

"Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?" Napatingin ka sa kaibigan mo, nakita mong seryoso itong nakatingin sa'yo at may konting pantal na rin ito sa may bandang baba kaya naman medyo naguilty ka, lagi mo kasi siya dinadamay sa mga kagagahan mo sa buhay. "Hindi ko sinasabi na i-tolerate mo ang pag - iwas sa'yo ni Ate Karina at ikaw pa rin ang maghabol sa inyong dalawa despite of what happened, pero kung walang kikilos, kung walang magbababa ng pride, wala ring mangyayari." Kibit balikat pa ng kaibigan mong si Ningning, at some point, she was right. Medyo mataas nga ang pride ng mahal mo kaya himala na siya ang lalapit sa'yo.

 

Hindi ka pa nakakapagsalita nang makita mong napangiti si Ningning nang magawi ang tingin nito sa isang tindahan, napatingin ka sa kung ano ang tinitignan niya at nakita mong tindahan pala ito ng mga kwek kwek, bola bola, fried siomai at iba pa.

 

Parang bata na hinatak ka ng kaibigan at hindi ka pa nakakareact ay nakaladkad ka na niya sa tindahan ng mga street foods, wala ka nalang nagawa kundi ang mapaayos ng tayo habang nakatingin sa kaibigan mong naglalabas na ng wallet niya.

 

"Magkano po 'to? Limang fried siomai po, tapos apat na kwek kwek, tsaka sampung piso na cheese stick." Narinig mong sabi niya habang tinuturo ang mga gusto niyang bilhin.

 

Hindi mo naman mapigilan na hindi maalala si Karina sa kwek kwek na kasalukuyang nilalantakan ni Ningning, paborito niya kasi ito, hindi nabubuo ang araw niya na hindi siya nakakakain kahit tatlong piraso kaya naman nung magkaayos pa kayo ay lagi mo itong sinasamahan na bumili ng kwek kwek.

 

Pakiramdam mo ay naluluha ka na dahil sa namimiss mo na naman ang dalaga kaya tumalikod ka na at binaling ulit ang tingin sa harap ng eskwelahan, baka mamaya ay isipin pa na weird kw pag iniyakan mo ang mga kwek kwek.

 


They will never know.

 


They will never understand.

 

"Uy, si Ate Karina!" Narinig mong sabi ni Ningning at kahit medyo malabo ang pagkakasabi niya dahil ngumunguya siya ngayon at punong puno ang bibig mo, tiyak mo na may nabanggit siyang Karina kaya naman lumingon ka kung saan nakaturo ang daliri nito.


At tama ka nga, si Karina nga ang nakita ng kaibigan mo. Kasalukuyan itong bumibili ng school supplies na hindi mo naman mawari kung ano, basta may binibili siya, hindi kalayuan sa pwesto niyo pero malabo rin atang makita ka niya dahil halatang busy siya sa pagcecellphone habang hinihintay ang tindera.


Eto na naman ang mga kabayo na nagkakarera sa loob ng dibdib niya sa lakas ng kabog nito, ang bilis, ang lakas, pakiramdam niya ay sumasakit ang puso niya sa sobrang pagwawala nito sa tuwing nasisilayan ang mukha ng dalaga.


"Laway mo, tumutulo na naman." Agad ka namang napapunas sa bibig mo nang marinig mong sabihin iyan ng kaibigan sa tabi mo, ngunit wala ka namang nakapang basa kaya naman napatingin ka sa kaniya at nakita mo na naman ang nakangising mukha nito na parang inaasar ka.


"Naniwala ka naman, dugyot ka talaga eh 'no, sanay na sanay." Pang - iinis nito kaya naman inis mo siyang sinabunutan at napa aray naman ito, natatawa ka nalang sa itsura niya dahil nakaganti ka, hilig ka kasi nitong asarin sa t'wing natutulala ka pag nakikita mo si Karina kaya naman masaya na nakaganti ka na kahit papaano.


"Manahimik ka diyan kung ayaw mo masabunutan ulit." Pagbabanta mo pa at iniamba ang kamao mo na parang nananakot ngunit inirapan ka lang ng babae. Nakita mong tumalikod ito sa'yo at narinig mong nagsabi ulit ito ng pabili po kaya naman hinayaan mo na siya dahil mukhang nabitin pa ito sa kinain kanina.


Napatingin ka ulit sa pwesto kung saan mo huling nakita si Karina ngunit nadismaya ka lang nung makitang wala na ito, hinanap mo ito gamit ang iyong mata, malamang, ngunit wala nang bakas ng babae sa kahit saan man dumapo ang iyong tingin.


Nawala mo na naman siya.


Sa ika labing isang pagkakataon, nawala na naman siya.


Wala ka na namang nagawa.



"What's with the long face?" Agad na puna sa'yo ng girlfriend ng ate mo, nakita mong masuyo siyang nakangiti sa'yo kaya naman hindi mo na rin napigilan na mapangiti. Ganda kasi ng mga ngiti niya, hindi mo matanggihan.


Isa pa, maganda rin siya.


Kaya nga siya ang first love, hindi ba?


"Ate Irene," Nakangiting sabi mo at wala sa loob na sumandal sa balikat niya dahil komportable ka naman sa kaniya at ganoon din siya sa'yo. Napabuntong hininga ka, may gusto kang sabihin pero hindi mo alam kung papaano simulan. "Hindi ko na alam ang gagawin ko." Panimula mo, hindi naman halatang problemado ka 'no? Pati sa girlfriend ng kapatid mo umabot na yung issues mo sa buhay.


"What's bothering you, hmm?" Malambing na sabi niya sa'yo habang hinihimas pa ang ulo mo, napangiti ka naman doon kahit papaano.


"I. . . I don't know where to start pero, iniiwasan ako ni Karina, dalawang linggo na." Kagat labi mong sabi, pinipigilan na maluha dahil nahihiya ka na umiyak pa sa harap niya. Masyado mo namang cinareer ang pagdadrama pag nagkataon. 


"Why is she avoiding you ba? Did you have a fight or misunderstanding before she did that? Baka naman may nasabi ka?" Tanong niya naman sa'yo dahilan para mapaayos ka ng upo at tumingin sa kaniya, nakita mong nakatingin lang din siya sa'yo, encouraging you to open up.


Pero wala, eh.


Wala kang maalala.


Meron nga ba?


Wala ka namang nasabing ikasasama ng loob ng babaeng mahal mo.


Kasi kung meron, ikaw pa ang unang magagalit sa sarili mo.


Parang bata kang umiling at ngumuso pa, "Wala naman, ate. . ." Yun ang alam mo, wala naman kasi talaga, diba? Inaalala mo ang bawat detalye ng huli niyong pag - uusap pero wala ka namang nasabi na ikasasama ng loob niya, masaya pa nga kayong kumakain non ng gunawa niyang graham. Nilait mo pa pero syempre hindi mo naman mean yun at alam niya yun.


So, anong dahilan?


Syempre, hindi mo alam.


Kasi kung alam mo, edi sana hindi ka parang ewan na naghahanap ng kasagutan sa ibang tao kahit na alam mong hindi naman nila masasagot.


Dahil si Karina— tanging si Karina lang ang nakakaalam.


"Bakit hindi mo siya diretsang tanungin tungkol dyan? Hindi ba't siya lang naman ang makakasagot sa mga bumabagabag sa'yo?" She gave you a gentle smile while fixing your hair. "Dalawang linggo na pala, nakakaya niyo iyon?"


At dahil sa sinabi ng dalaga, hindi mo maiwasang masaktan. Oo nga naman, dalawang linggo na. Nakakaya niya yun? Bumigat naman ang pakiramdam mo. 


Hindi naman sa hindi mo tinry na kausapin siya, ilang beses ka ngang sumubok na tanungin siya, kamustahin siya, kausapin siya. Pero wala, eh. Hindi talaga kinaya, hindo ka talaga pinansin. Nagghost ka na ata.


May pagkukulang ka ba?


Hindi mo rin alam.


"Hindi ko alam, ate," Napatawa ka naman habang kumakamot ng batok, "Hindi naman ako mahal non, at alam ko yun. Nalulungkot lang ako kasi parang wala kaming pinagsamahan, parang hindi kami naging magkaibigan." Tinry mo naman na itago ang pait sa sinabi mo, pero halatang bitter ka talaga, eh.


"Parang hindi kayo magkaibigan." Pagtatama niya sa construction ng sentence mo, "I'm sure tinuturing ka pa rin niyang kaibigan, siguro kailangan niyo lang pag-usapan iyan. Kung hindi ka sinasagot sa kahit anong social media platform, try mong puntahan at kausapin sa personal." Suhestiyon niya pa.


Gusto mong mapatawa at sabihing ate, puro kagat na nga ng lamok si Ningning dahil araw araw kami dumadaan sa school niya, pero syempre tinikom mo nalang ang bibig mo. Hindi naman madumi sa labas ng school ng mahal mo, talagang pinipili mo lang doon kahit na medyo malamok nga at mausok dahil sa mga streetfoods at bbq pero wala, eh. Mas gugustuhin mo na doon para naman hindi ka kapansin pansin, para hindi ka makita.


Kasi wala kang lakas ng loob na kausapin siya.


Iyon naman talaga ang dahilan bakit hindi mo siya malapitan sa dalawang linggo na consistent kang bumibisita sa school niya at inaabangan ang pag-uwi niya. Hinahatid mo lang siya ng tingin mo, atleast hinatid, diba?


"Ate, tinry ko naman siyang kausapin, pero wala eh. Ayaw niya na ata talaga sa akin, baka inunfriend ako na wala akong alam." You let out a bitter laugh, habang umiiling iling pa. Inabot mo ang juice sa harapan mo at ininom ito na para bang lumalaklak ka ng alak kung makaakto ka, "Binigyan ko lang siya space, pero hindi ko alam, ayoko na rin muna siyang guluhin." You tried your best naman para i-reach out siya, 'di ba? Hindi mo naman gugustuhin na ipagsiksikan ang sarili sa taong mukhang ayaw ka na sa buhay niya. Magpaka-sad girl ka nalang dahil iyon ang realidad.


"Guluhin in what way? Paano kung may problema lang siya tapos need niya lang na i-approach mo siya at tanungin anong mali sa inyong dalawa?" Tanong niya naman sa'yo kaya napaisip ka, "I'm not tolerating this kind of attitude at pagsasabihan ko rin siya once na magkita kami, pero dahil ikaw ang mas nakakaintindi, ikaw muna ang mag-approach sa kaniya, kilala mo naman ang batang iyon, kasing tangkad niya ata ang pride niya." Umiiling - iling na sabi nito kaya napangiti ka, hindi naman siya mali, totoo namang ikaw ang madalas sumuyo sa inyong dalawa dahil may pagka masungit talaga siya minsan, mataas din ang pride. "Pero, huwag kang mag - alala, pagsasabihan ko siya para naman magkaroon siya ng character development, harujusko, 2021 na."


Halatang nasstress siya sa inyo kaya naman napatawa ka, ang cute kasi ng ate mo na ganito. Hindi naman siya dapat involve pero concern lang siya sa inyong dalawa kaya ganyan siya. Napapaisip ka nalang na ang swerte ng totoo mong ate dahil girlfriend niya si Irene. Niyakap mo naman siya patigilid, "Thank you, ate. Swerte talaga ni Ate Seulgi sa'yo, hindi ko alam anong nakita mo roon." Pagbibiro mo pa at medyo nilakasan mo dahil nakita mo sa gilid ng mata mo na papalapit na sa gawi niyo ang ate mo na si Seulgi.


"Hoy, Winter! Narinig ko iyon, ah!" As expected, nakasimangot ito nang lingunin niyong dalawa kaya napatawa nalang kayo.


Nakita mo ang nakatawang mukha ni Irene kaya naman napaisip ka nalang, hindi mo nga naman masisisi si Karina na ito ang first girl crush niya at mukhang si Irene rin ang nagpabaliko sa kaibigan.


Hinding hindi mo makakalimutan kung paano ito ikwento sa'yo ng kaibigan, ang pagkagusto niya sa girlfriend ng ate mo.


Siyempre, paano mo makakalimutan eh nasaktan ka nang sobra nung mga panahon na iyon?


"Ang ganda niya talaga!" Nakangiting usal sa'yo ng kaibigan habang kasalukuyan kayong gumagawa ng project sa science subj niyo, kayo ang magka partner dahil malamang, bukod sa seatmate kayo at hindi na mapaghiwalay, pipiliin niyo pa rin talaga ang isa't isa.


Sa school nga lang.


Kasi outside school, ikaw lang ang pipili sa kaniya.


Habang siya? Sa iba na.


"Yuji, ilang beses mo na sinabi iyan at sa t'wing mapupunta ka sa bahay at maabutan si Ate Irene, iyan ang bukambibig mo. Pang anim na beses mo na ata iyan ngayong araw at take note, isang oras ka palang nandito." Pinilit mong pasiglahin ang boses mo kahit na nawawalan ka na talaga ng gana sa mga nangyayari.


Mahal mo ang Ate Irene mo dahil para mo na siyang pangalawang ate dahil matagal na silang magkasintahan ng ate mong si Seulgi pero minsan, hindi mo talaga maiiwasan na hindi mainggit sa kaniya.


Sarap mapakanta ng, kung ako ba siya mapapansin mo?


Never ka kasing sinabihan ng ganyan ng kaibigan mo, never mo siyang narinig na ganiyan ang tono niya sa tuwing kinekwento ka niya sa iba. Sobrang platonic lang siguro ng pagmamahal niya sa'yo, syempre hindi naman masakit. Parang kagat lang ng dinosaur.


"Gusto ko siya ayain kumain ng kwek kwek!" Masayang sabi nito sa'yo habang pinagpapatuloy na ang pagddrawing. Napataas naman ang kilay mo, anong sinasabi nito?


"Huh?" Takang sabi mo habang hindi siya tinatapunan ng tingin, pakiramdam mo kasi mahuhulog ka na naman lalo pag tinignan mo pa siya ulit kaya mas mabuti nalang na huwag na. Magfocus ka nalang sa project niyo, atleast diyan hindi ka babagsak.


"Paborito ko kasi ang kwek kwek, sobra! Pag inaaya ko ang isang tao na kumain ng kwek kwek, pakiramdam ko nasasabi ko sa kanila indirectly na gusto ko sila," Sabi niya naman kaya napapatango ka, not minding the pang on your chest when she said those words while smiling genuinely. Masokista ka na nga ata talaga. Kasi masaya ka pa rin na makita ang mga ngiti niya kahit na hindi naman ikaw ang tinutukoy niya.


"You know, I'm not good with words. . ." Nang balingan mo ito ng tingin, nakita mong nakatungo na ito habang nilalaro ang mga daliri niya. "Kaya naman mas comfortable ako na sabihin yun if ever na mag confess man ako, atleast iyon alam ko na nag confess ako kahit na hindi direct, kahit na mahirap maintindihan." She giggles, napangiti ka nalang din sa sinabi niya.


"Sorry to burst your bubble again my dear bestfriend, pero girlfriend nga iyan ng ate ko. Subukan mong mang-agaw, papatuklaw kita sa mga alaga naming ahas." Pagbabanta mo rito dahil kahit hindi nalang ikaw, kahit huwag mo nalang isipin ang mararamdaman mo, yung ate mo nalang. 


"Sira!" Natatawang sabi sa'yo ng kaibigan at binato ka pa ng tissue na ginamit niya kanina nung naglinis siya ng mga paint sa kamay, "Mukha ba akong mang-aagaw? Tsaka bata rin naman ang tingin sa akin ni Ate Irene, kahit wala si Ate Seulgi, hindi rin niya ako papansinin. Siya lang talaga ang biggest crush ko at inspiration ko, pero tanggap ko namang sila ni Ate Seulgi, cute kaya sila!" Kinikilig na sabi pa nito kaya naman napapailing ka nalang.


Iniisip mo, ikaw kaya, kailan magiging inspirasyon ng kaibigan mo?


That was, what? 4 years ago? Grade 10 palang kayo non at ngayon 2nd year college na kayo, kaya nga hindi na kayo pareho ng school, eh. Syempre, kahit na gaano mo siya kamahal, doon ka pa rin sa dream school mo at hindi na para sundan mo pa siya hanggang college, nagkikita pa rin naman kayo kahit na hindi na magka schoolmate. Kaya naghiwalay na kayo ng landas pagtungtong ng college.


Pero anong nangyari ngayon?


Ngayon, hinihiling mo nalang na sana magka schoolmate nalang kayo ulit, sana magkaklase nalang kayo ulit, para naman kahit na ayaw ka niyang kausapin ay wala siyang magagawa dahil magkakaroon ka ng dahilan para makausap siya.


Eh, ngayon? Anong gagawin mo? Syempre, wala. Pinapangunahan ka ng takot at katorpe-han, eh.


"Winter, kain na!" Narinig mo nalang na sabi ng Ate Irene mo na kanina pa pala nawala sa tabi mo, masyado lang occupied ang utak mo para hindi mo mapansin na nagpaalam siya kani kanina lang sa'yo para maghain dahil kakain na nga raw.


Napabalik ka naman sa ulirat at napailing, sinusubukang alisin sa isip ang babaeng lagi lagi nalang gumugulo sa isip mo. 


Pero kailan ka ba nanalo?


Syempre, hindi ka nananalo.


Kasi kahit anong pilit mong pakikipaglaban sa utak mo, tanging mukha pa rin niya ang naaalala mo.



"Hoy, September na pero yung mukha mo pang Biyernes Santo pa rin!" Ekseharadang sabi sa'yo ng kaibigang si Ningning habang lumalakad kayo papunta sa pwesto kung saan kayo madalas tumayo dahil nga as usual, hihintayin niyo na naman si Karina at wala na naman kayong mapapala pagtapos. Nagpapasalamat ka nga at sinasamahan ka ng kaibigan kahit na ilang beses ka na tumanggi at sinabihan ito na kaya mo namang mag-isa, pero swerte ka nga talaga sa babae kahit na may pagka maarte ito minsan dahil hindi ka niya iniwan kahit saan, kahit sa mga katangahan at kagagahan mo sa buhay.


"Ako nalang lagi pinapansin mo, pwede ba magfocus ka dyan sa kinakain mong chicken skin?" Inis na usal mo rito habang umiiling iling pa, ngumuso naman ito nang kumuha ka sa kinakain niyang chicken skin na binili niya kanina pagkababa niyo ng jeep. Sa araw araw na pupunta kayo rito, hindi talaga pwedeng walang dala si Ningning na kahit anong pagkain. Basta makakuha ng atensyon niya bibilhin niya, kahit minsan hindi siya familiar. Kaya ayon, pag ayaw niya madalas niyang binibigay sa akin tapos bibili na siya nung alam niyang magugustuhan niya. Galing ng kaibigan mo, diba? Ginagawa kang tapunan ng mga pagkain na rejected niya. Pero dahil hindi ka naman mapili, kinakain mo nalang.


"Win, teka, puntahan ko lang girlfriend ko." Napatingin ka naman sa kaniya nang sabihin niya iyan dahil putangina, nasaan? Nakita mo kung saan siya nakatingin at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata mo nang makita mong kausap ng girlfriend na si Aeri niya si Karina.


"Mahal!" Rinig mong tawag ni Ningning sa girlfriend niya habang patawid siya kaya naman hindi nakaligtas sa mga mata mo ang pagtingin nung dalawa, kasama si Karina sa napatingin dahil kausap siya, rito sa gawi niyo. Hindi mo alam kung nakita ka niya dahil medyo natatakpan ka naman ni Ningning pero hiniling mo na sana nga, sana nga, hindi ka niya nakita.


Tumalikod ka nalang para na rin makaiwas at wala sa loob na bumili ka ng kwek kwek sa tindahan sa likod mo kung saan madalas bumibili si Ningning ngunit naalala mo na na kay Ningning nga pala ang wallet mo dahil madalas mo iyong ipatago sa kaniya dahil may pagka malilimutin ka.


Kinakabahang lumingon ka naman sa pwesto nila Karina at Aeri kung saan papunta si Ningning kanina ngunit hindi mo sila natanaw roon. Ramdam mo naman agad ang malamig mong pawis dahil sa kaba nang inaabot na sa'yo ni kuyang tindero ang binili mong kwek kwek at nalagyan na rin ito ng sauce.


Gusto mong ipabalik, pero malamang hindi na pwede. Gusto mo rin na magpahintay hanggang sa makabalik si Ningning at ang wallet mo ngunit nakakahiya rin naman iyon.


"Ah, eh kuya—"


Hindi mo pa natatapos ang sasabihin mo nang may magsalita na sa likuran mo, isang pamilyar na boses na hinding hindi mo makakalimutan kahit siguro sa pagtanda mo.


"I'll pay for her na kuya, tsaka pabili rin ako ng isa." Sambit nito at rinig na rinig mo ang boses nito, pati na rin ang presensya nito sa likod mo kaya naman ilang beses kang napalunok at nag aalangan na kunin ang kwek kwek na binili mo, na binayaran niya. Ilang hesitation pa, bago ka tuluyang humarap sa kaniya na ngayon ay kasalukuyang kumakain na ng kwek kwek na binili niya.


Gusto mong tumakbo papalayo dahil ang awkward ng sitwasyon, hindi naman kayo ganyan dati, halos magsapakan pa nga kayo dahil sa sobrang close niyo pero ngayon, dalawang linggo palang kayong hindi nag - uusap, para bang ang laki na ng wall between the two of you.


Para bang bumalik kayo from the top, make it drop, charot, pero para bang umulit kayo sa umpisa. Karina na mahirap maabot, at ikaw? Si Winter lang.


"S-salamat." Pinilit mo namang hindi mautal sa harap niya, pinilit mo na maging buo ang boses mo para naman hindi niya maisip na affected ka at miss na miss mo na siya dahil may pride ka rin naman kahit mas mataas yung kaniya, pero you failed, you failed miserably. "Sa kwek kwek." 


"You're welcome." She said casually while her lips curving into a small smile.


Hindi mo naman inaamin na marupok ka pero alam mo sa sarili mo iyon, dahil sa simpleng ngiti niya na iyon, nakuha ka na naman agad. Nahulog ka na naman. Gusto mo sumigaw at maging si Jo ng The How's Of Us kahit ilang minuto lang, at sabihing, palibhasa alam na alam mo kung paano ako kunin eh, isang ngiti, isang kanta, isang yakap, isang sorry, isang kwek kwek, wala. . . umiikot na ulit yung mundo ko. Pero syempre, hindi mo gagawin, hindi ka pa naman nahihibang.


Magsasalita ka pa sana ngunit may sumingit na lalaki sa harap niyo kaya naman hindi na naman maganda ang timpla ng mukha mo.


"Kanina ka pa?" Nakangiting sabi nito habang nakatingin sa katabi mo, ni hindi ka nabalingan ng tingin dahil halatang head over heels pa rin sa bestfriend mo.


Ikaw na naman, Jaemin?


Siyempre, kilalang kilala mo ang lalaking ito, mula labas hanggang balun balunan. Alam mo nga ang halang ng bituka nito at patay na patay ito sa bestfriend mo, hanggang sa college ay sinundan yung mahal mo sa university kung saan ito nagpasa ng application at ayun unfortunately, natanggap nga ang gago. Kaya naman hindi ka napapanatag dahil iniisip mo palagi na malapit lang ang mokong na 'to sa babae samantalang ikaw, sasakay ka pa at swertehan nalang na makarating agad kung hindi traffic.


Ayun, nasira na nga ang mood mo nang marinig ang sinagot ng katabi mo, para bang hangin ka na ulit kasi may iba na naman siyang kausap.


Bumigat na naman ang pakiramdam mo.


"Hindi naman, kausap ko naman si Aeri kanina." Rinig mong sabi nito kaya naman napairap ka pero syempre, hindi mo pinakita iyon dahil ayaw mo na magsimula pa ng away. Wala ka namang dapat ipaglaban nung una palang. So, si Jaemin pala ang hinihintay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello listen to burnout pala by Sugarfree, pasok ang kanta na iyon para sa story na 'to, salamat sa nagbasa.

Comments

You must be logged in to comment
karinasaurus11
52 streak #1
Chapter 1: This story is wholesome. Ang cute nila :)
Etoile__
347 streak #2
Chapter 1: ohhemmgeeehh grabee yung sakit sa unahan pero bawing bawi naman sa huli, ily na otor sana masaniban ka ng kung ano man at madagdagan pa ang chapters hihihihihihi
Luwijen
#3
Chapter 1: hay nako taga sanaol nalang talaga ako.
TakuyaKen
#4
Chapter 1: i hope Karina suffers a bit , jk hehe
bacclaforaespa
#5
Chapter 1: AAAAA GUSTO KO RIN NG MAG AAYA SAKIN MAG KWEK KWEK HUHU GRABE SANA ALL PLS
wxnrina
#6
Chapter 1: My question was answered with that last note haha. Thank you for this – it's so beautiful.
winter6arden
#7
Chapter 1: super cute 🥹
Darnanays
#8
this is probably my favorite one shot here in aff.
snowychacco
#9
Chapter 1: grabe winter ang rupok mo 😭😭 pero sino bang hindi kung ang gusto mo ay ang the one and only karina yu 😩👍 sana all nalang talaga
D_Moon_212
#10
Chapter 1: Sana all my Jimin na dati na pala siyang gusto huhu mapapa sana all nalang ako dito