Songs and Memories

Songs and Memories
Please Subscribe to read the full chapter

Tahimik kang nakatingin sa kawalan.

Nag-iisip kung ano bang magandang gawin ngayong araw.

Halos mag dadalawang linggo ka na ring tengga lang dito sa beach house nyo.

You chose to escape reality for the mean time kasi, masyadong maraming nangyayare sa labas.

Huminga ka ng malalim bago ka napatingin dun sa hawak mong coke in can.

A small smile appeared, binaba mo saglit yung hawak mong coke at hinaplos yung singsing na suot mo.

You’re in love there is no doubt about that.

Tumingin ka dun sa mga alon na humahampas sa dalampasigan.

Napaisip ka ulit, e kung bumalik kana kaya sainyo.

Pero you like it here, peaceful, away from any conflicts.

Naisip mo sya, wala sya dito kaya naman napaisip ka ulit kung babalik kana ba sa realidad.

Napatingin ka ulit dun sa kamay mo.

You smiled bago mo kinuha ulit yung coke mo at tumayo na.

 

 

Hindi matigil sa kakatunog at vibrate nung phone mo nung makasagap na ito ng signal.

Napailing ka nalang at natawa.

Kinuha mo ito nung tumigil na itong tumunog.

Mukhang tapos na yung mga pumapasok na messages at notifications.

Pumindot ka ng saglit at tumingin na ulit sa daan.

Mabagal lang ang patakbo mo sa sasakyan mo para na rin sa pag iingat mo.

After ng mga ilang rings may sumagot na.

Agad mong nilayo sa tenga mo yung phone mo.

“Yah! Karina ing Yu! Buti naman at nagparamdam ka na!”

“Selle, chill. I’m on my way sa bahay.”

“Aba dapat lang, akala namin kung ano na nangyare sayo.” Rinig na rinig mo pa rin yung sinasabi ng kaibigan mo kahit ang layo na sa tenga mo nung phone mo.

“Selle, can you please lower down your voice. Nag da-drive ako ang sakit mo sa tenga.”

“Wala akong pake, umuwi kana sainyo. Hinahanap kana rin sakin nila tita.”

“Sinabi ko naman sakanila na sa beach house lang ako pupunta.”

“Oo nga. Pero di mo naman sinabing 2 weeks kang mawawala gaga ka ba?” Natawa ka nalang sa kaibigan mo.

Sabagay may point naman talaga sya.

“Ito na nga pauwi na nga. Be there around five o’clock siguro.”

“Okay, let’s talk tomorrow. Sa café nalang. Around nine in the morning?”

“Okay. Bye Selle.”

“Wait, Jimin.” Ibababa mo na sana yung tawag pero yung kaibigan mo mukhang wala pang balak.

You sigh.

Ano nanaman kayang sasabihin nitong isang to sayo.

“Selle, I told you I’m driving. Make it quick.”

“Don’t do…stupid things, okay?” Natahimik ka pati na rin yung kaibigan mo sa kabilang linya.

You let out a small laugh.

“Akala ko naman kung anong sasabihin mo. I won’t, okay.”

“I’m ing serious Yu Jimin.”

“I am too, Aeri.” Narining mong nag pakawala ng hangin yung kaibigan mo sa kabilang linya.

You know it to yourself na she’s satisfied sa sagot mo.

“Good. Ingat, .” Sasagot ka palang pero binabaan kana nya ng phone.

Tumingin ka saglit sa phone mo para masiguradong naputol na ang tawag at confirmed nga.

You scoff in disbelief, did your best friend drop your call.

“.”

 

 

 

Pag dating mo sa bahay nyo agad ka namang sinalubong ng Mama mo kanina at kinamusta yung mini vacation mo.

You two talk for bit bago sya nag paalam sayo na aalis na sya dahil may kailangan daw syang puntahan.

You asked her if nasaan si Papa mo and she said na nasa trabaho pa.

Tumango ka then bid your mother a goodbye.

Ngumiti sya sayo then kissed you sa forehead.

“Don’t do stupid things.” Sabi nya pa sayo with a soft smile.

You pout at this.

Bakit lahat nalang ng tao sinasabi yan sayo, di ka naman na bata or di ka naman tanga.

Pero tumango ka pa rin and with that umalis na sya.

Umakyat ka na rin agad sa kwarto mo at nagpalit ng damit.

Nasa may balcony ka ngayon ng kwarto mo, looking at the view.

Napangiti ka nanaman, hinawakan mo nanaman yung bagay na nasa daliri mo.

Naalala mo sya.

 

“Ano to?” Nagtataka mong tanong sakanya.

Nakangiti lang sya sayo habang pinapakita yung isa pang pares nung ring.

“Couple rings.” Sabi nya sayo, binigay nya sayo yon at hinayaan kang isuot mo sakanya yun.

Di mo mapigilang hindi mapangiti.

Simple lang yung design ng ring, it is called knot ring kung di ka nagkakamali.

It is a promise ring base sa pagkakatanda mo.

“I’ll love you always, Jimin.” She said.

You smiled at her and hugged her tight.

 

Napailing ka nalang sa memory na yon habang may maliit na ngiti sa labi mo.

Tumunog yung phone mo and saw Ning’s name na nag fa-flash sa screen ng phone mo.

Sinagot mo yung tawag and parang déjà vu yung nangyare sainyo ni Giselle kanina nung pauwi ka.

Nilayo mo ulit sa tenga mo yung phone mo sa ikalawang pagkakataon ngayong araw.

“Damn, tone it down Ning. Para ka ring si Selle.” Sabi mo.

Tumayo kana sa kinauupuan mo at pumasok na ng kwarto mo.

“Heh! Sooo, sabi ni Selle andito kana daw ulit.”

“Wow, para naman akong nag ibang bansa ah.”

“Well, kind of kaya ang tagal mong nawala. Sorry to say this Jimin pero mukhang di ako makakasama bukas sa café. May aasikasuhin kasi kami ni Mommy, so yeh. Bawi nalang ako next time.” Halata mo naman yung guilt sa boses ng kaibigan mo.

You shrug it off at sinabing ayos lang.

She bid her goodbye na rin agad dahil yun nga, medyo busy daw sya.

Naramdaman mo yung pagod sa katawan mo.

Naramdaman mo na rin yung pag pikit ng mga mata mo.

You close your eyes and the last thing in your mind was her before you fall asleep.

 

 

Napaaga ka ng gising, paano ba naman kasi maaga ka rin nakatulog kagabi.

Hindi kana rin nakapag hapunan pa.

Bumangon kana at mukhang hindi ka na rin naman makakatulog pa ulit.

Nag ayos kana ng sarili at para maaga ka ring makaalis.

Napatigin ka ulit sa kamay mo at nakita mong hindi mo suot yung ring mo.

Agad agad kang bumalik ng banyo at kinuha ito kung san mo nilapag kanina.

Sinuot mo na ulit and once again napangiti ka nanaman.

“Makalimutan ko na lahat wag ka lang.” Sabi mo pa dito.

Bumaba kana at nakita mo naman agad sila Mama at Papa mo sa may sala na nanunuod ng kung ano mang pinapalabas sa tv.

“Alis na po ako.” Sabi mo bago ka humalik at umalis.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Winter_Senshi
#1
Chapter 1: Bitin tol. Paiyak palang ako eh todo scroll pa ako hahahaha! Ganda ng sulat. May karugtong ba to?