1 - Cold Air

[ON HOLD: read foreword] Double Exposure
Please Subscribe to read the full chapter

First day of school. Andaming tao sa main gate. Mag mumura ako ah. 

 

Pakshet late ako. 

 

Okay na ako. Maiintindihan naman ni Chief Taeng kung bakit ako late. Pinilit ko isiksik ang sarili ko sa mga taong nasa daanan papunta sa gate. 

 

BAKIT BA KASI KAYO NAG KUMPULAN DITO? 

 

Habang naglalakad ako, hinahanap ko ang ID ko king saan nakasabit rin ang ID ko sa TSS.

 

Wendy Louise Garcia

The Southview Source - Photojournalist 

 

Papasok na sana ako nang gate nang biglang lumabas si Kuya Ray sa guard post at hinarang ang drumstick na pang tusok-tusok nila ng bag sa dinadaanan ko habang umiinom ng kape na galing sa vending machine.

 

“Ne bawal pa pumasok sabi ni ser. Antay ka muna jan.”

 

“Ay kuya kasama ako sa kailangan sa loob. Kasama ako sa TSS”. Pagmamadali kong sagot habang pinakita ko ang lanyard na may lamang mga ID. 

 

“Teka iha i radyo ko muna ah. Confirm ko lang muna para sigurado tayo” sabi ni Kuya Ray. 

 

Bago pa ma tawag ni Kuya Ray sa walkie talkie, Biglang sumigaw ang taong iniiwasan ko ngayong araw na to.

 

“WENDY GARCIA. BAKIT NGAYON KA LANG?” Sigaw ni Chief Taeng na may lapis sa gilid ng tenga at halatang stress na. 

 

Ahh student council is MIA again pero ang lakas maningil kapag may program na hindi naman kinakailangan.

 

Dali-dali na akong pumasok sa gate habang humingi ng sorry kay Kuya Ray na panay ang sita sa akin.

 

“Sorry talaga Chief. I promise na this will be the last time na ma late ako.” I said while clasping both of my hands together habang tinatawag ang lahat ng santo sa utak ko para mapatawad ako nitong kausap ko ngayon.

 

Napa buntong hininga na lang si chief while patting my back “Oo na sige na pumunta ka na sa stage. Nag sound check na yung mga mag peperform. Hanap ka na rin ng mga ka banda mo. Balik ka na lang after niyo mag rehearsal. I’

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet