Tatlong kilometro

Biglang Liko

“Absent si Karina.”

Ayan ang bungad sa akin ni Ningning sa pintuan ng classroom ng section Sampaguita nang i-dismiss kami ng teacher namin para sa health break. Magkaka-section silang tatlo sa Ylang-ylang kaya siguro ibinabalita sa akin ito ni Ning, at gawa na rin na late ako kanina kaya hindi ko na rin nakita.

“Bakit daw?” tanong ko habang naglalakad kaming tatlo papuntang canteen.

“Hindi niya natapos yung sa arts,” sagot ni Giselle.

“Totoo?”

“Siguro. Daming umabsent dahil doon eh. Hindi rin naman nagtext.”

Tumango na lang ako at patuloy lang kaming naglalakad at nag-uusap hanggang makarating ng canteen. As usual, pipila ang dalawa sa amin at maghahanap ng vacant table ang dalawa. Dahil wala ang isa sa amin, mag-isa akong naghanap ng table pagkatapos kong sabihin ang gusto kong order at mag-abot ng pera kay Giselle.

Sa pinakadulong parte ng canteen ako nakahanap ng table at naupo sa usual kong pwesto tuwing kakain kami. Nakatalikod sa entrance.

Maingay sa canteen at mahaba ang pila ngayon dahil may empanada at chocolate milk tuwing Lunes. Kapag ibang araw ay hindi naman gaanong mahaba ang pila.

Alam kong matatagalan pa bago maka-order sila Ningning kaya naman hinugot ko muna ang aking cellphone para panoorin ang latest episode ng demon slayer. Matagal na kasi akong hindi nakakahabol kaya naisipan ko kagabing i-download yung mga episodes na hindi ko pa napapanood.

Sa pag-swipe ko ng lockscreen, aksidente kong naitapat ang daliri ko sa camera icon. Kaya imbes na bumungad sa akin ang homescreen kong mala-anghel na mukha ni mama eneri, bumungad sa akin ang pikachu face ko.

Nang walang anu-ano ay nahagip ng mata ko ang isang babae na nasa likod ko lang. May mahabang itim na itim na buhok, puti ang suot, at direktang nakatingin sa akin through the camera lens.

Ngumiti. “Winter.”

Tumayo ang mga balahibo ko at dali-dali kong hinarap si Karina na suot ang kaniyang bag at medyo basa pa ang buhok. “Hoy ano ba ‘yan! Nagulat naman ako,” sigaw ko sa kaniya na kaniyang tinawanan lang.

“Bakit ka kumukuha ng sarili mong picture sa canteen?” pabiro niyang tanong at umupo sa tabi ko.

“Selfie? Baliw hindi ako nagseselfie. It’s an accident,” ‘ka ko with matching British accent, “photobomber ka lang eh.”

“Anong photobomber?” seryosong tanong niya.

Seryoso ko rin sana siyang sasagutin, pero na-realize kong niloloko niya lang ako. “Baliw talaga.”

At tumawa na naman ang white lady.

“Absent ka daw kanina sabi ni Ningning,” pagbabago ko ng usapan.

“Ah oo, may tinapos lang. Wala rin namang gagawin sana kanina.”

“Kumain ka na ba? Nakapila na sila doon,” turo ko kung nasaan ang dalawa, malapit na sa nagse-serve ng pagkain. “Bilisan mo.”

Umiling siya, “hindi pa ako gutom, kakakain ko lang.”

Napa-okay na lang ako at tuluyan nang nalimutan ang dapat kong panoorin sa cellphone. Nagdadaldalan na lang kami ni Karina hanggang sa dumating sila Giselle at Ningning na dala-dala ang mga pagkain namin.

“Sukli mo,” abot ni Giselle sa akin.

“Karina! Bakit andito ka na?” pagtawa ni Ningning.

“May tinapos lang. Wala rin namang gagawin sana kanina, ‘di ba?”

“Anong wala? Baliw pinasa kanina yung journal sa Math. Lagot ka kay Ma’am Joy,” sagot ni Giselle. “Pasa mo na lang mamaya, samahan ka namin.”

“Ah sige,” tahimik na pagsagot ni Karina kay Giselle, ngumiti, at tumingin na naman sa akin.

Nginitian ko na lang din dahil sa kilig bago ko lamunin ang empanada.

Sa buong health break ay hindi na ulit nagsalita si Karina, pero hindi na rin ako umiimik. Kung oras kasi ng pagkain ay kakain lang ako. Saka na lang ulit ako makikipag-usap kapag tapos na akong kumain.

Patuloy lang din naman ang chikahan nila Giselle at Ningning kaya hindi ko na rin napansin na unusually quiet si Karina.

Baka iniisip na kung anong excuse ang sasabihin kay Ma’am Joy mamaya kung bakit wala siya kanina sa klase nila. Dahil despite her name being Joy, anger yata ang main emotion ni Ma’am sa utak niya.

 

-

 

Lunch break.

Sasamahan na dapat namin si Karina sa faculty office para magpasa ng journal niya, pero hindi raw pala niya nadala. Dinahilan niyang nagmamadali na siyang umalis kanina sa kanilang bahay kaya nawala na sa isip niya. Thankfully ay dala niya naman ang tinapos niyang project namin sa arts na pinasa nila after the health break kanina.

Dumiretso kaming apat sa labas ng school para kumain.

Habang naglalakad ay tumabi siya sa akin. “Winter.”

“Yes?” tanong ko.

“Wala lang,” sagot niya at ngumiti na naman.

Tinaasan ko siya ng kilay at patuloy naming sinundan sila Giselle at Ningning.

Weird lang.

Hindi naman siya ganito ka-clingy noon sa akin. In fact ay never siyang naging clingy sa aming tatlo before. Sapat na sa kaniyang nandiyan siya at sapat na rin naman sa aming maramdaman na mahalaga kami sa kaniya. Bestfriends kami, pero out of the three ay sa kaniya ako medyo naiilang pa. Dulot na rin siguro na may tinatago ako from her, pero alam kong pinahahalagahan ko siya as a friend.

Nagnilay-nilay ako sa kung anong nakain ni Karina at kung makadikit sa akin habang naglalakad ay parang ilang taon kaming nawalay sa isa’t-isa.

Nang makarating kami sa napagkasunduan naming kakainan, nag-volunteer na akong mag-order ng kakainin namin. Si Karina dapat ang isasama ko dahil kami ang nasa table kaninang health break, pero nagpresenta na rin si Giselle na samahan ako.

Pagkatapos naming maisaulo ang orders ni Karina at ni Ning, hinatak ako ni Giselle nang mabilis papuntang counter.

“Ako lang ba?” tanong niya sa akin nang pabulong. “Parang ang weird ni Karina ngayon.”

So hindi lang pala ako ang nakapansin.

“Bakit?” tanong ko muna pabalik.

“Parang hindi niya alam ginagawa niya,” sagot niya at tumawa.

“Panong hindi niya alam ginagawa niya?”

“Kasi diba yung journal. Laging on-time yun nagpapasa kahit hell week. Tapos kanina nung tinanong ko kung paano yung gagawin sa physics, nalimutan niya daw. Eh hindi naman nakakalimot yun.”

“Baka sabog lang dahil sa arts,” pagdedepensa ko naman.

“Ah oo nga. Pero ito ang pinaka-weird.”

“Ano?”

“Nagtatagalog siya.”

I gave her the are-you-serious? look at umiling. “Anong weird doon?”

And she gave me back the are-you-serious? look na mas intense, “Girl? Yung tagalog niya ngayon, diretso. Taglish magsalita ‘yon, diba?”

At inisip ko kung paano siya nakipag-usap sa akin kanina.

Bigla kong naalala yung tagalog niyang pag-define sa selfie at pagtatanong niya kung ano yung photobomber. Habang nag-uusap din kami kanina’t naghihintay ay tagalog nga siyang magsalita. Pero hindi naman din masyadong big deal dahil may mga times din namang hindi siya taglish magsalita.

“Inooverthink mo lang ‘yan. Mas weird nga na dikit nang dikit sa akin yun eh. Tapos bigla na lang akong ngingitian,” sagot ko.

“Edi kinikilig ka na niyan?” tanong niya at tumawa.

Hindi ko na siya nasagot dahil nag-order na kami. Pagkatapos naming magbayad ay nagtungo na kami sa table namin para hintayin ang mga pagkain.

Nang makaupo ako sa harap ni Ningning, mukha siyang gulat na gulat at nagpipigil ng iyak. Nakadantay ang dalawa niyang kamay sa mesa at ang kaliwa niyang braso ay hawak-hawak ni Karina.

“Nyare sa’yo?” tanong ko sa kaniya.

Nakita kong humigpit ang hawak ni Karina sa kamay ni Ningning, at nagkibit-balikat na lamang siya, “Wala.”

Ipinagsawalang-bahala ko na lang ang mga weird antics ng mga kaibigan ko at payapang nagcellphone at naghintay sa pagkain namin. Bumalik din naman sa pagdadaldalan sila Giselle at Ningning. Pinakinggan ko lang silang mag-usap. Hindi na ako sumali sa usapan dahil nanonood na ako ng demon slayer.

Lingid pala sa kaalaman ko na nakatitig sa akin ang isa kong kaibigan.

At lingid din sa kaalaman niyang nakatitig sa kaniya pabalik ang dalawa pa naming kaibigan.

Aside from that, maayos naman ang naging pagkain naming ng lunch. Pagkatapos naming kumain ay balik kaagad kami sa school. At balik na naman sa pagiging clingy si Karina sa akin.

Hindi naman sa nagrereklamo ako. This is my dream come true – ang maramdamang mas close na kami ni Karina.

Pero hindi literal na close.

Thinking about what Giselle said about Karina being weird today, naisip ko na lang din na baka epekto lang ‘to lahat ng pagpupuyat niya.

 

-

 

Turns out ay hindi pala puyat ang dahilan ng unusual behavior ni Karina ngayon.

“Sinapian siya sa sapa.”

Ayan ang bungad sa amin ni Ningning sa isang secluded bench sa tabi ng open ground ng school after dismissal. Nakatambay kami dito palagi pagkatapos ng klase, at pare-parehong naghihintay ng kani-kaniyang sundo.

Nang magpaalam si Karina na magc-cr at nawala na siya sa paningin naming tatlo, hindi na pinalampas ni Ningning ang pagkakataong ibalita sa amin ang nalaman niya kaninang lunch break.

“Pinagsasabi mo? Hindi ‘yan nakakatuwa,” pananaway ni Giselle.

“Totoo nga!” bulalas ni Ningning. “Tinanong ko siya kanina kung okay lang ba siya, kasi kanina pa natin pinag-uusapan na hindi siya normal diba? Tapos hindi ko na alam kung anong tinatanong ko, bigla niya na lang inamin na nasapian siya. Like hindi siya ‘yan ngayon.”

“As in right now?” tanong ko.

Mabilis ang pagtango niya at hinawakan ang kamay ko. “Oo! Nung nakahawak pa siya sa akin kanina, ang lamig ng kamay niya. I swear, parang kilala ko kung sino yung nasa katawan niya ngayon, kasi may mga kwento-kwento doon sa barangay Maligaya about sa matandang babae na nakatira malapit doon sa sapa.”

At ang kwento raw ay mayroon ngang matandang babaeng nakatira malapit sa sapa na pinuntahan naming apat noong Biyernes. Matagal na siyang nakatira doon na mag-isa, at hindi masyadong nakikihalubilo sa mga tao sa barangay Maligaya. Noong araw ay may kaibigan siyang laging pinupuntahan sa mismong sapa. Doon ay sabay silang kakain, maglalaba, o di kaya nama’y magpapahinga lamang sa ilalim ng mga punong nakapaligid sa sapa. Isang araw ay hindi na nagpakita ang kaibigan niya, at nalaman niya na lamang na namatay iyon dahil sinunog ang kanilang bahay na pinaniniwalaang pinaninirahan ito ng mga mangkukulam. Simula noon ay naging mapag-isa ang babae hanggang sa siya’y tumanda, ngunit araw-araw pa rin daw siyang bumabalik sa sapa. Kalaunan ay bigla na lamang nawala ang matandang babae na parang bula, at naging sabi-sabi sa barangay na naging tagabantay siya ng sapa na iyon, nagbabakasakaling bumalik muli ang kaniyang kaibigan.

“Pero matagal na daw ‘yon. Hindi ko nga alam kung totoo talaga,” dagdag ni Ningning nang matapos siyang magkwento.

“Totoo iyon.”

Hindi namin namalayan na nakabalik na pala si Karina at tahimik na nakikinig sa likod namin.

Kinakabahan akong tiningnan siya at, wait for it –

 

 

Nakatingin at nakangiti na siya sa akin.

“Totoo ang kwentong iyon at totoong hindi sa akin ang katawan na ito.” Balisa kaming tatlong umusog nang umupo si “Karina” sa dulo ng bench at nagsimula na rin siyang magkwento. “Napakahalaga ng kaibigan kong palagi kong kasama sa sapa. Kaya labis na lamang ang aking pagtangis nang siya’y mawala. Matagal ko rin siyang hinintay, kaya nang makita ko kayong apat na bumisita sa sapa ay labis din akong natuwa sapagkat naaalala ko ang mga araw na magkasama kaming dalawa, ngiti at luha sa aking mga mata, dahil ganoon din kami kasaya noong araw.”

Okay, commercial lang. Ang weird nga talagang marinig na diretsong nagtatagalog si Karina. Kahit ako mano-nosebleed din eh.

“Kaya ko sinapian ang kaibigan niyo ay dahil nasilayan ko kung paano siya ngitian ni Winter sa sapa noon,”

Kung kanina ay si Karina lang ang nakatingin sa akin, ngayon ay pati si Ningning at Giselle na rin, mga mata’y nagtatanong na may hint ng pang-aasar. Nagpatuloy namang magpaliwanag si “Karina”.

“Hawig na hawig ni Winter ang aking minamahal na si Rosalinda. Sa tagal ng aking paghihintay ay nagmakaawa ako at nakipagkasundo sa Diwatang tagapangalaga ng Maligaya. Nagmakaawa akong maranasang muli na makasama si Rosalinda at malunod sa napakalalim ngunit mainapoy niyang presensiya, kaya ngayon ay nasa katawan ako ng inyong kaibigan – upang maging rason muli ng kaligayan ng aking Rosalinda. Kaya Winter,” aniya at tumungo sa akin, “Salamat sa iyong pagngiti kay Karina.”

Ngumiti ulit siya sa akin at nang walang anu-ano pa man ay biglang bumagsak si Karina, na nasalo ko rin naman kaagad bago pa man siya dumiretso sa lupa sa harap ng bench.

“Karina?!” nag-aalala kong pagtawag at pagyugyog sa kaniya.

Unti-unti ay nagmulat ng mga mata si Karina. Nagtama ang aming mga tingin habang nakayakap ako sa kaniya nang bahagya. Ilang saglit din kaming ganoon lang at naramdaman kong umiinit ang aking mga pisngi at tainga. Ramdam ko na rin ang bawat pagkabog ng aking dibdib na lalo lang lumalakas sa bawat segundong nakatitig ako sa kaniyang nakalulunod na mga mata.

Ngayon ko lang nakita nang masinsinan, pero ang haba pala ng pilikmata ni Karina. Ang unique din ng kulay ng mata niya na very reflective. Maganda ang kurba ng nose bridge niya at saktong-sakto ang haba nito papunta sa kaniyang mapupulang labi. Idagdag mo pa ang kaniyang nunal na favorite na favorite ko sa ilalim ng lips niya.

Tila ako’y nasa langit sa mga sandalling iyon at tuluyan nang tumigil ang aking mundo nang bigkasin niya ang pangalan ko.

 

“Winter.”

At ngumiti.

 

/cue song/ almost pAAAAradIIIISEEEEE achimboda deo nunbusin~

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
13luvsfriday
#1
Chapter 3: Panaginip nga ba
lokonaba
#2
Chapter 3: anu ba talagaaaaa HAHAHAHA
gomtokkim
2161 streak #3
Chapter 2: Buti na lang panaginip lang yun😂 good luck Winter!!!!
EzraSeige
#4
Chapter 2: 😍😍😍💙❄
SkyeButterfly
#5
Chapter 1: THIS CLIFFHANGER?? Bitin po 😩
SkyeButterfly
#6
Ooo 👀
lokonaba
#7
Chapter 1: OMGGGGGG AWIT NA CLIFFHANGER
lokonaba
#8
Chapter 1: bakeettttttttttttt
Zellute
#9
Chapter 1: Oy penge naman karugtong jan otornimm
mywkskr #10
Chapter 1: SEQUEL PLEEK😭