Notice me, Kang Seulgi

Ingénue
Please Subscribe to read the full chapter

Hello this oneshot was written 2 years ago, sorry if cringey at maraming errors. Pinublish ko rin to last year sa wattpad, ilalagay ko rin dito. Enjoy!

***

"KANG Seulgi! Come here," Pasigaw na sabi ng presidente nilang si Irene. Nakasigaw ito pero hindi naman mukhang galit ang mukha. Napalunok naman si Seulgi at unti - unting namumuo ang pawis sa noo niya. Ano ba naman, kinakabahan na naman siya dahil makakaharap na naman niya si Irene. "Bilisan mo." Sabi pa nito kaya naman nagmamadaling lumapit sa kaniya si Seulgi.

Sino ba namang hindi matatakot sa kaniya? Eh napaka-sungit ng mukha niya, lagi pa siyang nakakunot ang noo. Ang sungit ng tingin, tahimik lang din at strikto dahil sa posisyon niya. Eh halos lahat ng estudyante ata, takot sa kaniya. Hindi niya nga alam kung bakit siya lagi ang napapansin nito kahit na todo iwas na siya rito.

"B-bakit po, M-miss Bae?" Kinakabahan na sabi ni Seulgi at nakita niya na nakatingin ang dalaga sa kaniya. Mas lalo naman siyang kinabahan at napalunok nalang siya ng wala sa oras. Tangina, bakit ba nanunuyo ang lalamunan niya?

"Kung saan saan na naman lumilipad ang isip mo." Sabi nito sa kaniya, "May ineexplain ako dito, hindi mo ako pinapakinggan." Kasalukuyan kasi silang nag-aasikaso para sa program. At hindi man kagustuhan ni Seulgi, agad siyang tinuro ni Irene para sumama sa pag-aayos. Hindi niya talaga alam kung anong trip ng babaeng ito at siya lagi ang napapansin.

"S-sorry po, may iniisip lang." Hindi naman nagsisinungaling si Seulgi, talaga namang may bumabagabag sa kaniya. Yung kaibigan niya kasing si Wendy, broken hearted. Hindi naman niya alam kung ano ang takbo ng isip nito ngayon at kinakabahan siya na baka kung ano ano ang maisip nito at masaktan pa ito. Para na niyang kapatid ang kaibigan niyang 'yon kaya naman ayaw niyang may masamang mangyari dito. Hindi niya rin tualaga maiwasan na mag-alala, alam niya namang hindi suicidal ang kaibigan pero malamang ay nilalamon din ito ng kalungkutan kahit hindi niya ipakita palagi.

Dahil sa sinabi niya, agad namang lumambot ang tingin sa kaniya ng dalaga. Hindi niya alam kung namamalikmata lang siya. Pero siguro naman, mali nga ang nakita niya. Alangan namang maging concern sa kaniya ang president nila eh hindi nga sila masyadong close nito. Matatawag mo bang close kung ang pinaka interaction lang nila eh pag inuutusan siya nito? Mukha siguro talaga siyang utusan dahil siya lagi ang napapansin nito sa mga ganitong bagay.

"Okay ka lang ba?" Nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya kaya naman naisip niya na baka mamaya ay nilalamig lang ito at kailangan ng hahawak sa kamay niya. Seulgi will always be Seulgi. Hindi niya iisipin na may malisya ang mga bagay na ganiyan dahil para sa kanya, hindi siya gusto ni Irene. Ang tingin lang ni Irene sa kaniya ay isang ordinaryong estudyante na kailangan nitong pagsabihan at itama kung kinakailangan.

"A-ah, yes po, Miss Bae—"

"I told you to call me Joohyun." Agad na nagbulungan ang ibang estudyante na nakarinig sa sinabi ni Irene. Hindi nagpapatawag si Irene sa Korean name niya sa mga taong hindi niya gusto o ka-close. Aware ang lahat na hindi magkaibigan si Seulgi at Irene at nakakagulat na si Irene pa mismo ang nag-iinsist na tawagin siyang Joohyun ni Seulgi.

"But—" Nasa mata ni Seulgi ang pag-aalangan. Hindi niya alam kung bakit gusto ni Irene na tawagin siyang Joohyun eh hindi naman sila magkaibigan. Hell, hindi nga sila mag-uusap kung hindi siya kakausapin ni Joohyun. Ganun ka-ilap si Seulgi sa kaniya, dahil una sa lahat, ang ganda ganda ni Irene at pangalawa, nakakatakot ang mga tingin nito. Nakakatakot ang aura nito. Si Seulgi pa naman yung madaling maintimidate, kaya puro siraulo rin ang kaibigan dahil iisa lang naman ang ugali nila. Ibang level naman kasi si Irene.

"No but's, Miss Kang. Call me Joohyun or else I'll punish you." Hindi alam ng mga estudyante na nakakarinig sa usapan ng dalawa ang nangyayari. Totoo ba ang nasasaksihan nila? Nakita pa nilang ngumuso ang dalaga na bihirang bihira nila makita. At pag sinabing bihirang - hira, it means sobrang bihira talaga. To be honest, ngayon nga lang nila ito makitang ngumuso at magpacute ng ganun sa ibang tao. At sa dinami - dami ng tao, kay Seulgi pa. Si Seulgi na walang ibang alam kundi matulog, mag-aral at makipagdaldalan. Wala nga atang plano sa buhay si Seulgi.

Awkward na tumawa naman si Seulgi, hindi niya napansin ang pagpapacute ni Irene—o napansin niya talaga pero iniisip niya na nasa mood lang ito para gumanun at si Seulgi ang napili nitong kulitin. Yes, Seulgi. Paniwalain mo ang sarili mong walang malisya.

"O-okay, Joohyun." Napangiti naman si Irene nang marinig niya ang totoong pangalan niya na lumabas mula mismo sa labi ni Seulgi. So good. Ang ganda ng boses ng oso at hindi siya magsasawa na pakinggan ito.

"Seryoso ba 'to? Bakit ganiyan asal ni Miss President diyan kay Kkangseul?" Agad na tanong ni Joy habang sinisiko si Chungha sa tabi niya. Bulong lang ito dahil mahal pa niya ang buhay niya at alam niya na oras marinig ni Irene na pinag-uusap siya ng mga ito ay for sure, pag-iinitan sila ng kuneho.

"Hindi ko alam, Sooyoung. Ano bang pinakain ni Seulgi diyan at mukhang nagayuma si Miss President?" Agad namang tanong ni Chungha pabalik. Hindi nila alam kung anong nangyayari. Oo, hot talaga ang kaibigan nilang si Seulgi at cute at the same time. Mabait, masayahin at pala-kaibigan. Pero hindi naman nila akalain na pati ang masungit nilang school president eh mababaliw dito. 

At may isa pang problema, isang malaking problema. Si Seulgi ay isang slow na tao, while Irene has a short temper. Ang ganda, diba? Sobrang bagay. Insert sarcasm.

"Tangina, ang laking problema nito. Tingin mo ba, ipapasalvage ni Miss President si Seulgi pag hindi pa nito nahalata ang pagpapacute nito sa kaniya?" Sabi naman ni Joy. Kinakabahan siya para kay Seulgi. Alam niya kung gaano ito kainosente at ka-slow na tao. Habang si Irene naman ay madaling mainis at mainip sa mga bagay na hindi umaayon sa kagustuhan niya. Paano kung bigla itong mainis kay Seulgi dahil sa pagiging shunga nito at bigla itong ipatapon?

Tangina.

"Chill, kung gusto talaga ni Miss President si Seulgi, for sure, hindi niya sasaktan ito." Sabi naman ni Chungha na ikinatango ni Joy. May point.

"So. . .ano ngang problema mo?" Tanong ulit ni Joohyun kay Seulgi at pinisil pisil ang kamay nito. Agad naman na namula si Seulgi. Hindi niya alam pero ang lakas talaga ng epekto ng dalaga sa kaniya na kahit anong gawin nito ay lalakas ng kabog ng dibdib niya. Pero. . .hindi naman siya nag-aassume ng kahit ano. Alam niya ay straight si Irene, at kung sino man ang dine-date nito ngayon, for sure sobrang swerte. Alam niya ang limitations niya, taga-hanga lang siya ni Irene at hanggang dun lang 'yon. Magiging masaya nalang siya para sa lovelife ng dalaga.

"Wala naman akong problema, naiisip ko lang si Seungwan. Broken hearted kasi siya at baka kung anong gawin niya na makakasama sa kaniya dahil sa sakit na nararamdaman niya." Seulgi sighed. Hindi niya alam na habang nagsasalita siya ay nakatitig sa labi niya si Irene.

"That's so sad. Sana maging maayos na siya." Sabi naman ni Irene pero ang tingin niya ay nasa labi ni Seulgi. Naawa rin naman siya kay Seungwan dahil masunurin at mabait itong estudyante. Nagkakausap din sila paminsan minsan. Nakakalungkot isipin na may pinagdadaanan pala ito. Syempre bilang kaibigan, naapektuhan din si Seulgi.

"Oo nga, eh. Sana nga. Hindi naman niya deserve 'yung babaeng 'yon—" Nagsasalita si Seulgi nang mapansin niya nga ang pagtitig ni Irene sa labi niya kaya naman natigilan siya at agad na nagtanong, "May dumi ba ako sa labi?" Bakit naman kasi siya tititigan ni Irene sa labi kung wala siyang dumi, diba?

"Wala. . ." Irene smiled, "Ang pula kasi ng labi mo. It looks so soft." Sabi nito kaya napasinghap ang ibang nakakarinig sa kanila. Agad na nahalata ni Irene na maraming nakikinig sa panlalandi niya kay Seulgi kaya naman lumingon siya at sinamaan ng tingin ang mga ito na agad namang lumayo sa kanila at ginawa ang mga dapat nilang ginagawa.

Mga tsismoso't tsimosa.

"Talaga? Gusto mo ba nung lip balm na nilalagay ko? Nakakapagpa-natural ng pula ng labi 'yun." Seulgi happily said. Irene sighed. Of course, hindi tatalaban si Seulgi ng panlalandi niya. Masyado itong inosente. Hindi pa nga ata ito nagkakaroon ng kasintahan. Baby pa ito. Irene giggled at the thought. Handa naman siyang alagaan si Seulgi at maging baby ito. Pero, masyado talagang manhid ang oso para mapansin ang mga pagpapansin ni Irene sa kaniya.

"No, thanks." Irene smiled. "I'm fine. Ang cute lang talaga ng labi mo. . .sarap halikan." Hindi narinig ni Seulgi ang huling sinabi ni Irene kaya naman napakunot ang noo niya.

"Ano 'yun?"

Napatawa ng mahina si Irene, "Wala. Ang sabi ko gawin mo na ang pinapagawa ko." At ang bilis nga naman magbago ng mood nito dahil kanina lang ay tumatawa ito sa harapan niya pero ngayon ay masungit na naman ang aura nito. President mood na naman.

Agad na napatango si Seulgi, "S-sige, Joohyun."

Napangiti na naman ng palihim si Irene nang marinig niya na tawagin siya ni Seulgi ng ganun. Hindi hindi talaga siya magsasawa sa boses nito.

I'll make sure na mahuhulog ka rin sa akin, Seulgi.

***

"YAH! Kang Seulgi! Ano bang pinakain mo kay Irene?!" Agad na bungad ni Joy sa kaniya nang magkita - kita sila sa canteen. Ha? Ano raw?

"Anong sinasabi mo?" Kunot - noong tanong ni Seulgi, "Hindi nga ako sanay magluto." Napapailing naman si Joy. As usual, hindi na naman nagets ni Seulgi ang ibig niyang sabihin.

"Ang ibig sabihin ni Sooyoung, paano mo napaamo ang mala-tigreng president natin?" Sabat naman ni Momo habang kumakain pa. Napapatango naman ang iba nilang kaibigan na nahahalata nga ang pagpapansin ni Irene sa kaibigan nilang oso.

"Eto pa ha, rinig namin na gusto ni Irene na tawagin siyang Joohyun ni Seulgi. Hello? Hindi nga sila close, halos takbuhan nga siya nitong si Kkangseul sa tuwing mag - uusap sila." Sabi naman ni Moonbyul.

"Ano bang pinagsasasabi niyo dyan?" Nagtatakang tanong ni Seulgi, "Walang gusto sa akin si Joohyun. Talagang friendly lang siya siguro sa akin."

Napatawa naman si Wendy, pumasok na ito. "Gago. Anong friendly sayo? Ang manhid mo talagang oso ka. Hindi mo ba nakikita kung paano siya tumingin sayo? Para kaming nanonood ng Kdrama tuwing magkausap kayo, eh. Umaamo siya pag ikaw ang kaharap niya. Eh nuknukan ng sungit pa naman ang babaeng yon." Giit nito at umirap pa. Totoo naman ang sinasabi niya.

Si Seulgi lang nakakapagpaamo kay Irene.

Umiiling - iling naman si Seulgi, alam niya sa sarili niyang sobrang imposible ang sinasabi ng mga kaibigan niyang to at malamang ay pinaprank lang siya ng mga ito. Maloko pa naman ang mga gago.

"Wag niyo na akong i-prank. Hindi ko kakagatin 'yan. Hindi ako tanga!" Sabi naman ni Seulgi at ngumuya ng pringles niya. 

"Gago!" Natatawang sambit ni Chaeyeon. "Anong hindi ka tanga?! Eh tignan mo, ayaw mo ngang tanggapin na gusto ka ni Miss President eh halos lahat na ata ng tao sa school, napapansin 'yon!" Sabi pa nito with matching irap pa. Gaga.

"Masyado lang kasi kayong nagiisip ng kung ano - ano. Isa pa, masyadong imposible ang mga sinasabi niyo sa akin. Straight si Joohyun, okay?"

At dahil sa sinabi ni Kkangseul ay napasapo nalang ang mga kaibigan niya. Ganito na ba kamanhid si Seulgi para maisip din niya na straight si Irene? Eh tangina, halos ipagtabuyan nga nito ang mga lalaki na madadaanan niya at lagi pang nakitingin sa pwet ng mga babae! Tapos sasabihin ni Seulgi na straight si Irene?! Isang malaking kagaguhan!

"Malala ka na talaga." Umiiling iling na sabi ni Chungha. "Basta tandaan mo sinabi namin ha, malakas tama ni Irene sayo. Wag kang gagawa ng katangahan sa harap niya!" Sabi nito. Alam naman nilang lahat kung gaano ka-gusto ni Seulgi si Irene. Napakamalas nga lang ng kaibigan nila at masyado itong manhid, at ayaw nitong tanggapin na may gusto rin sa kaniya si Irene. Halatang - halata na pero hindi pa napapansin ni Seulgi. Pinapahirap pa niya ang buhay niya. Swerte nga niya't gusto rin siya ng taong gusto niya pero eto naman siya at hindi mapansin ang pagtingin ni Irene para sa kaniya.

Oh our dear Seulgi.

***

NAGULAT si Seulgi nang makita niya paglabas ng classroom nila si Irene. Hindi naman sila magkaklase sa subject na to at iyon ang natatandaan niya. Hindi rin naman niya nakita si Irene sa loob habang nagkaklase kaya hindi nga niya ito kaklase.  Pero bakit naman nandito ito sa tapat ng classroom nila?

Uwian na, at wala na masyadong estudyante. Inayos pa kasi ni Seulgi ang mga gamit niya kaya naman medyo na-late siya. Nagulat pa siya nang bumungad sa kaniya si Irene sa labas, habang nakacrossed arms at nakati

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, I hope you liked it, see you around <3

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
76 streak #1
Rereaddd
its_aaarrriii
76 streak #2
Chapter 1: AAAAACCKKKKK TALAGA BA EMZ SANA ALL ME WHEN!!!!!
YuJiministheStandard
#3
Chapter 1: Nabasa ko na 'to sa Watty then, pero medyo nakalimutan ko na, kaya binasa ko ulit. Slow Seulgi is a cuddly Seulgi. 🥺. Kung hindi siguro manhid si Seul, baka nahimatay na dahil sa lantarang pag-flirt ni Madam. Nagre-reading marathon ako ng mga Seulrene fanfics mo, kinikilig at tumatawa ako nang bongga, mamsh. Bukas na yung pasukan, but I ditched my assignments again. Assignment who? Chariz, mamayang gabi ko na gagawin yon. Seulrene muna noh. Thank you, Bearchu!
rabbitjiu
#4
Chapter 1: kinikilig ako i cant nasa klase ako😭
Goeynceilove
#5
Chapter 1: SeulRene Fluffiness overload!!!!!!!!!!!!!!
slowgi27
#6
Chapter 1: Lol, parang bata si seulgi. Ang cute nitoooooo omg
Gab_17
#7
Chapter 1: Pota in fairness nakaka frustrate ka manhidan ni Slowgi ha shemay, buti naman naging sila rin sa dulo :D
hellojoyri
#8
Chapter 1: kinikilig ako pls swswswsws 😭🤚🏻
achixn
#9
Chapter 1: hoy kinilig ako tae mo
riellesmth #10
Online seacut ka pa rin talaga emz