You'll always have me

Severance
Please Subscribe to read the full chapter

I published this oneshot last year, on wattpad. Ipost ko lang din dito, enjoy. 

***

BUMUNTONG hininga siya, kasabay ng pag-agos ng luha na kanina niya pa pinipigilan, kumawala ang emosyon na matagal na naikubli ng masaya niyang ngiti. Hindi niya alam kung ano ang pinaka-nangingibabaw na emosyon habang nakatitig siya sa isang piraso ng papel na hawak hawak niya. Tanging ilaw na lamang na nagmumula sa lampshade ang nagbibigay sa kanya ng liwanag. Halo - halo ang emosyon niya, pero mas lamang tagal 'yung sakit at takot. Takot na mawala ang taong mahal niya at sakit dahil nangyayari na.

"Malakas ka. . ." Yan ang bulong niya sa sarili habang nanginginig na kinuha ang ballpen sa bedside table niya. Hingang malalim, buntong hininga, punas luha. Yan ang paulit - ulit niyang ginagawa kanina pa pero talagang kinakapos siya sa hininga at talagang hindi na mapigilan ang mga luha niya na pumatak. "Tangina Seulgi, malakas ka!" May diin na sabi sa sarili at paulit - ulit na hinahampas ang sarili niyang mukha. Marahas niyang pinunasan ang luha sa pisngi habang tinititigan pa rin ang papel sa harapan niya.

Divorce papers.

Hindi na niya mabilang kung ilang segundo, o ilang minuto, o baka oras na nga eh, hindi na niya alam kung gaano katagal na siyang nakatitig sa mga papel na ito. Simpleng papel lang, manipis, at pwedeng - pwede niya punitin anumang oras niya gusto lalo na't nasasaktan lamang siya nito.

Pero hindi niya kaya, eh.

Alam niya kasing iyon ang kasiyahan ng taong mahal niya, ng taong pinapahalagahan niya, the woman that she treasure the most. Her wife. Soon to be ex-wife. Dahil alam niya— na oras na pirmahan niya ito, ibigay sa asawa niya para papirmahan ito, konting proseso pa at tada, wala na, hindi na mabisa ang kasal nila. Hindi na niya ito pwedeng tawagin na kanya. Hindi na ito sa kanya, wala na siyang karapatan dito.

Babalik na naman siya sa kung nasaan siya nung highschool pa lamang sila. Patingin - tingin lang sa malayo, walang karapatan na masaktan pag may kasamang iba ang taong mahal niya, mag - isang nangangarap at nasasaktan. Well, atleast she got her dream girl back in highschool. Minahal siya pabalik at cool, naging asawa pa niya. 'Yun nga lang, mukhang kontra na sa kaniya ngayon ang tadhana. Hanggang dito nalang siguro talaga, wala naman na siyang magagawa kung gusto nito magkaroon ng sariling pamilya.

Pamilya na alam niyang hindi niya maibibigay dito.

"Seul. . ."

Napatingin siya sa asawa na nag-aalinlangan na tinawag ang pangalan niya, kagat kagat pa nito ang kaniyang labi at halatang kinakabahan sa sasabihin. Napakunot naman ang noo ng oso, hindi niya alam pero sobrang unusual talaga ng actions ng asawa niya these past few weeks, parang laging malalim ang iniisip nito. Laging may bumabagabag, laging may pumapasok sa isip niya ganon.

At gusto man niyang magtanong, kilala niya ang asawa niya. Magsasabi ito kung gusto niya at handa na siya, maybe she needs more time pa. 

"Love? What happened? What is bothering you?" Tanong ni Seulgi at masuyong hinaplos ang pisngi ng asawa kaya naman napabuntong hininga ang kuneho at mukhang nasatisfied sa haplos ng oso.

Pero sandali lang iyon dahil agad na nagseryoso ang mukha nito at hinawakan ang kamay ni Seulgi na kanina lang ay nasa pisngi niya. "Seulgi. . . gusto ko magkaroon ng pamilya."

Napakunot na naman ang niya, at umayos ng upo. Nakatitig lang sa kaniya si Joohyun, tinitignan ang magiging reaksyon niya, mukhang nag-aalangan din ito na sabihin ang next na sasabihin niya. "May pamilya ka, Hyunnie. Nandiyan namang ang parents mo, ang parents ko, mga kaibigan natin. . .ako, pamilya tayo, right?" Sabi ni Seulgi at ngumiti pa. Sa totoo lang, alam naman niya kung ano ang gustong ipahiwatig ni Joohyun. Lalo na at alam niya noon pa man na mahilig ito sa mga bata, naging pangarap pa nga nito ang maging kindergarten teacher dahil sa hilig nito pero hindi rin natuloy dahil mas pinursue nito ang pagiging chef. Masaya naman siya ngayon, stable ang job, may sarili na rin itong restaurant at happily married sa kaniya na mahal ni Joohyun noon pa man. Pero alam niya, alam niya rin ang mga bagay na hindi niya maibibigay sa asawa. Alam niya kung ano ang mga pwede niyang maging pagkukulang. And it .

"Seulgi, gusto kong bumuo ng sarili kong pamilya, gusto kong magkaanak." Kinlaro ni Joohyun kaya naman nawala na talaga ang ngiti ng oso. Napaiwas siya ng tingin at napabuntong hininga, ramdam niya na pinipisil - pisil ni Joohyun ang kamay niya na hawak hawak nito kaya naman kumakalma siya kahit papaano. Pero hindi ganon kadali 'yon. Seryoso ang problema nila, seryoso ito. Gustong magkaroon ng pamilya ni Joohyun na alam niyang hindi niya mabibigay dahil pareho silang babae.

"Hyunnie, pwede naman nating i-try diba? May science naman, eh. . . pwede naman tayong magkaanak," Hinawi ni Seulgi ang buhok na humaharang sa maganda at maamong mukha ng asawa at masuyong hinalikan ang noo nito. "We'll find a way."

Sure, maraming pwedeng ways. There are in fact many treatment options and genetic tests available for same- couples who want to get pregnant. Maraming paraan, pwedeng gawin dahil alam naman niyang mas gugustuhin ni Irene na dugo't laman niya talaga ang magiging anak nila. Pwede sila mag-adopt yes, pero sure siya na gusto ni Irene maging biological na nanay talaga nung anak niya.

Hindi naman tanga si Seulgi, eh. Alam naman niya simula noon pa man na darating sa point na ganito. Nung una, mahal siya ni Joohyun kaya wala lang para dito ang fact na wala siyang tite at . Pero malamang, habang tumatagal, marerealize ni Joohyun na deserve niyang magkaroon ng anak, ng sariling pamilya at magkakaroon siya ng desire na mabuntis.

Nag-research na si Seulgi diyan at nakita niya na maraming ways ang pwedeng gawin para magka-anak ang isang lesbian couple. Una na rito ang donor insemination kung saan ang syringe is used to insert into the . Finding a donor is the key. However, there is more than one way to approach donation. For instance, the can come from someone you know or an anonymous donor. Whichever you decide, a medical professional will help you decide on the best way to find a donor. Some couples are concerned that this could lead to disputes over parentage in the future. However, there are legal structures in place to help ensure this doesn’t become an issue later down the line.

Sumunod naman ang intrauterine insemination na parang pareho lang sa donor insemination, except that it involves the injection of into the uterus by means of a catheter. This procedure is relatively inexpensive and not as invasive compared to IVF. Ayon nga lang, the success rates are lower. Mas mababa ang chance na maging successful yung procedure.

Pangatlo naman 'yung in vitro fertilization or IVF, kung saan the doctors use fertility medicine to encourage the development of multiple eggs in your ovaries. During egg retrieval, a physician extracts the eggs and fertilizes each mature egg with from a donor. Once embryos are created, an embryo can be transferred into a uterus while any remaining embryos can be frozen for future transfers. Kadalasan, couples opt for IVF so both partners can participate in the pregnancy. For example, the couple may choose to harvest eggs from one partner for the other to carry.

Oh diba, marami namang way eh, at nagiging positive lang si Seulgi na kaya nila, kakayanin nila, unti - unting nabuo ang ngiti sa labi niya nang maisip niya ang future niya kasama si Joohyun. Ang cute lang isipin na inispoil niya si Joohyun sa lahat ng bagay habang nagbubuntis nito, tapos pag nanganak na ito ay may little angel na sila sa bahay at may prinsesa na siya dahil si Joohyun ang reyna niya.

Ngunit agad ding napawi ang mga ngiting iyon nang magsalita si Joohyun, konting salita lang na nakapagpadurog sa puso niya nang tuluyan. 

"Gusto ko lumaki ang magiging anak ko na may tatay, Seulgi. Yung totoong lalaki."

NAPAHAGULGOL na naman si Seulgi at nabitawan ang ballpen na hawak niya dahil napahawak na naman siya sa mukha niya at pinaghahampas ang ulo niya out of frustration, "Ang tanga tanga mo! Bakit ba ang hina - hina mo?! Ilang beses mo na bang sinubukan?! Pirma lang 'yan, tangina ka, Seulgi!" Galit na pangaral niya sa sarili. Siguro, kung may makakakita man sa kaniya ay iisiping nababaliw siya. Sino ba naman kasi ang kakausapin ang sarili niya diba? Galit na galit pa siya at sinasaktan ang sarili niya mismo. Mukhang nasisiraan ng bait, pero ganon talaga, eh. Naghalo - halo na 'yung emosyon niya at sumasabog na siya unti unti. Naiinis siya sa sarili niya dahil gusto niya rin maging selfish, dapat wala siyang pake kung gusto ni Joohyun magkaanak, eh. Dapat hindi niya iniintindi 'yon, kasi kasal naman sila. Walang magagawa si Joohyun kahit na gustuhin man niya hangga't hindi pinipirmahan ni Seulgi ang divorce papers nila. Pero tangina nga naman talaga, ganon niya kamahal ang asawa dahil siya pa mismo ang nag-file ng divorce papers nila.

Ganon siguro ata talaga pag mahal mo 'yung tao, handa kang gawin lahat kahit na ikaw mismo 'yung masasaktan. Handa kang ialay ang puso mo kahit na alam mong madudurog din bandang huli. Handa kang itaya lahat, isakripisyo lahat basta makita mo lang siya na maging masaya.

Buntong hininga ulit. Inhale, exhale. Kanina pa siya, paulit - ulit nalang siya. Kahit ano sigurong pagpapakalma niya sa sarili niya, basta papalapit na 'yung kamay niya sa mga papel at malapit na pumirma, bigla bigla nalang niya nabibitawan ang ballpen at iiyak, maiinis sa sarili, sisisihin ang sarili bakit ang hina hina mo tapos magpupunas ulit ng luha tapos magta-try ulit na pumirma pero magfefail din naman. Ilang ulit na, paulit - ulit nalang siya sa ganito. Kahit gaano niya pakalmahin ang sarili, ayusin ang composure, ngumiti ng pilit, back to zero talaga lahat once na pipirma na siya dahil hindi niya talaga kaya. Kahit na alam niya sa sarili niya na hindi naman siya selfish para itago si Joohyun sa kaniya at willing siyang palayain ito basta ikasasaya ng babaeng pinakamamahal niya, alam niya— alam niyang mahihirapan siya.

Oo, naiintindihan niya at willing siyang magsakripisyo pero hindi ibig sabihin 'non na kaya nya agad agad. Tangina, mahal niya iyon, eh. Sobrang mahal niya si Joohyun for the past 10 years na naging magkarelasyon sila, kasama na don 'yung taon na kasal sila. Minahal niya ito ng sobra. Mahal niya ito ng sobra - sobra. To the point na willing siyang ibigay lahat dito. Kahit ang kalayaan nito.

This won't do today. Yun ang alam niya, kailangan niya muna sigurong magpahangin, i-distract ang sarili niya at ayusin muna lahat. Yung sarili niya, yung kahinaan niya, yung pagiging marupok niya. Pag okay na, tsaka niya pipirmahan lahat. Tutal, hindi naman niya kasama si Joohyun ngayon dahil napagpasyahan niya that night na umalis muna. Nasaktan siya, eh. Hindi rin naman siya pinigilan ng asawa dahil mukhang alam nito na kailangan ni Seulgi ng space, it's been one week already. Nakapag-isip isip na rin ang oso, at eto na nga, napagpasyahan niya na makipag-divorce na para makahanap na si Joohyun ng lalaking para sa kaniya at magkaroon ng sarili niyang pamilya. At si Seulgi? No, Joohyun will be her last. Alam niya na walang makakapalit dito.

"Paano ako?" Parang natuyo ang lalamunan ni Seulgi, nahirapan siyang magsalita, maglabas ng mga salita. Gusto niyang magwala, magalit, sumabog dahil sa narinig. Parang lowkey na sinasabi na agad ni Joohyun sa kaniya na gusto na niyang makipaghiwalay. Hindi direktong sinabi, oo. Pero 'yun naman ang ipinapahiwatig niya. Gusto na niya ng lalaki, so paano na si Seulgi?

Umiwas ng tingin ang kuneho at napalunok, napansin niyang naiiyak na rin ito kaya naman gusto niyang punasan ang mga luha nito pero pinigilan niya ang satili niya. No, nasasaktan siya. Kahit ngayon lang, piliin naman sana niya ang sarili niya. Kaya naman agad niyang kinuha ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa kaniya ni Joohyun at pinunasan ang sarili niyang luha. Siguro, kung hindi siya si Seulgi at ibang tao ang sinabihan ni Joohyun ng ganito, kung ibang tao ang nasa katayuan niya, baka nagwala na sila or nasampal na ang kuneho. Pero hindi, eh. Si Seulgi 'to, at hinding - hindi kayang saktan ni Seulgi ang asawa niya. Kahit na siya na mismo ang nasasaktan.

Nanatili siyang kalmado kahit na gustong gusto na niyang sumabog at magwala, kahit na tangina, halo halo na 'yung emosyon na nararamdaman niya at anxiety is coming na. 

"I don't know, Seul. . ." Ramdam ang kaba at lungkot sa boses ni Joohyun, hindi siya nito matignan ng diretso at napayuko na rin ito di kalaunan. "I honestly don't know, mahal kita, tangina, mahal na mahal kita pero—"

"Pero mas mahal mo ang pangarap mo na magkaroon ng sariling pamilya, mga anak na tatandang may totoong tatay. Alam ko, Joohyun. Alam ko." Napatawa si Seulgi, mahina lang ang boses niya pero mararamdaman at maririnig mo 'yung diin, at sakit. "Mahal kita. Pero tangina, sobrang sakit nito. Ang tagal - tagal na natin, feeling ko itatapon mo nalang ako ng ganon - ganon lang dahil sa hindi ako lalaki." Natatawa na ito, pero makikita mo ang lungkot sa mata at pilit na pagtawa. Unti - unti na namang pumatak ang luha na kanina pa niya pinupunasan at pupunasan na sana ito ni Joohyun nang pigilan siya ni Seulgi. "No, kaya ko. Kaya ko, Joohyun." Hindi niya alam kung double meaning ba ang sinabi niya pero mukhang ganon na nga. Kaya niya, syempre. Kakayanin niya.

"Seulgi. . . mahal kita, at hindi kita papakasalan kung hindi. It's just that— habang tumatanda ako, mas gusto kong magkaroon ng pamilya. Nung una, okay lang sa akin kahit wala. Dahil alam kong nandyan ka. Nandyan ka at masaya na ako don kasi mahal kita. Pero hindi pala ganon kadali 'yun. Nagkakaroon ako ng desire na magkaanak ng sarili ko, bumuo ng sarili kong pamilya. Bagay na—"

"Bagay na hindi ko maibibigay? Ganon ba, Joohyun?" Seulgi laughed, sarcastically. "Maraming option. Marami akong alam na pwede nating gawin basta magkaanak lang tayo. Pero sinabi mo agad sa akin na gusto mo ng lalaki. Tangina naman, Joohyun." Natawa ito ng mapait, "Sa 10 years na 'yun, akala ko enough na ako. Na nabigay ko naman lahat ng pangangailangan mo. Akala ko okay na 'yung relasyon natin. Hindi pa rin pala. Bakit? Bakit kailangang lalaki pa? Pwede naman akong tumayong tatay sa magiging anak natin kahit na babae ako. Kayang kaya kitang tulungan, Joohyun. Ibibigay ko lahat ng gusto mo. Pero bakit?" Umiiyak na tanong ni Seulgi at marahas na pinunasan ang luha niya.

"Gusto kong lumaki ng normal ang anak ko. May tatay, may nanay. Gusto kong magkaroon ng normal na pamilya."

At kung inaakala niya na masakit na ang mga sinabi ni Joohyun kanina, nagkakamali siya. Dahil ang huling salita na ito ang naging dahilan para tumayo siya at bigyan ng isang sampal si Joohyun. Hindi ganon kalakas, hindi naman niya kayang saktan ito ng ganon. Nadala siya sa emosyon niya pero mas malakas ang pagmamahal niya para dito.

Ang sakit lang pala talaga. Mas lalo siyang napahagulgol nang marinig ito, nanggaling pa mismo sa babaeng mahal niya, sa asawa niya. Sa taong karelasyon niya for almost 10 years. Tangina. 

Tinignan ni Seulgi si Joohyun sa mga mata at makikita mo sa mata ng oso ang pain, at disappointment. "Matatanggap ko pa kung sa ibang tao manggaling. Kung sa mga homophobic dyan sa tabi - tabi na walang ibang ginawa kundi idiscriminate ang mga kagaya natin— no, kagaya ko. Pero manggaling sa'yo? Na asawa ko? Na kasama ko for 10 years? Sayo pa mismo manggagaling." Natatawang sabi ni Seulgi, "Edi tangina sige, eto na 'yung hindi normal. Ako na 'yung hindi maibibigay sa'yo mga totoong pangangailangan mo. Ako na walang tite, walang at hindi ka mabibigyan ng normal na pamilya." Puno ng hinanakit na sabi ng oso pero sa kabila ng 'yun, nakangiti pa rin siya na mahahalata mong pilit.

"Seulgi, no—"

"Aalis na muna ako, Joohyun. Goodluck nalang sa'yo, wish ko na magkaroon ka ng normal na pamilya. Wag kang mag-alala, ako pa mismo ang mag-file ng divorce papers natin para naman hindi ka na mahirapan." Ngumiti ito, "Have a great night."

At yun na nga ang huling beses na nagkausap sila.

After niyang pirmahan 'to, kapag nakaya na niyang pirmahan, sandali lang ay mawawalan na rin ng bisa ang kasal nila. Since wala naman na silang pag-uusapan, wala na rin silang property na kailangan i-divide at lalong wala silang anak, yun nga ang dahilan bakit sila maghihiwalay eh. Maghihintay nalang sila ng sandali then ayon, pwede na siyang mapalitan ni Joohyun. Tuwing naiisip niya 'yon, nasasaktan siya. Tuwing iniisip niya na ibang tao na ang magmamay-ari sa babaeng ilang taon niyang minahal at inalagaan. Pero 'yun naman talaga ang purpose kung bakit sila maghihiwalay eh. Para makahanap si Joohyun ng lalaking mamahalin niya at hopefully, mamahalin at aalagaan din siya kagaya ng pag-aalaga ng oso sa kaniya. Madali lang silang magkakaroon ng sarili nilang pamilya na walang kahirap - hirap, walang pagdadaanang kung ano pa man. 

Sana maging masaya ka, Joohyun. Yan ang isip - isip ng oso at tumayo, kailangan niyang makalanghap ng sariwang hangin at makapag-isip isip. Gusto niya kahit sandali lang mawala muna ang negative thoughts at si Joohyun sa utak niya. Pahinga muna. Hirap na hirap na siya, eh.

***

"ISANG linggo na kayong ganyan, Seulgi. Hindi niyo ba talaga pag-uusapan iyan? Yung maayos, please." Yan ang sabi sa kaniya ng matalik niyang kaibigan na si Seungwan, kasalukuyan siyang nasa office nito. Lumabas na muna siya mula sa condo kung saan mag-iisang linggo na siyang nakatira mag-isa. Iniwan niya si Joohyun sa bahay nila, pinatay din niya 'yung phone niya para naman hindi siya matempt na tawagan ito. Iniisip niya minsan, ano kayang ginagawa niya? Kumakain kaya ito sa tamang oras? Masaya kaya ito? Atat na atat na ba itong mahiwalayan si Seulgi? Tuwing naiisip niya, hindi niya maiwasan na maiyak. Ang tagal na kasi nila, eh. Never in her life na naisip niyang aabot sila puntong ganito. Sobrang sakit pala talaga masampal ng katotohanan na kahit ibigay mo ang lahat sa isang tao, basta hindi ka sapat, never ka talagang magiging sapat. Hindi naman niya kasalanan na mainlove kay Joohyun, eh. Nakakainis lang kasi minahal din siya nito. Pinaramdam na enough siya, na okay lang kahit pareho silang babae. Nagpakasal pa nga sila at akala ni Seulgi, wala nang makakasira sa relasyon nila. Nagkamali pala siya. Yung kasarian pala niya ang makakasira. Kasi hindi siya lalaki. 

Kailangan niya ng sariwang hangin, kailangan niya munang makapag-isip isip at mag-ipon ng lakas para mapirmahan ang punyetang divorce papers na iyon. Magiging malaya na siya, at 'yun yung pinakamasakit don. Hindi na rin niya matatawag na sa kaniya si Joohyun, at may iba nang magmamay-ari rito. Someone na never magiging siya.

"Hindi naman ganon kadali." Bumuntong hininga ang oso at humigop ng kape na inalok sa kaniya ng kaibigan ilang minuto ang nakakalipas. Nakaupo siya sa couch habang ang kaibigan naman ay sa swivel chair nito at may tina-type sa laptop. Tuloy ang trabaho kahit na kinakausap ang kaibigan niyang sawi.

"Alam ko, Seul. Pero try to think of it, hindi niyo naman talaga maaayos 'yan kung magkahiwalay kayo. Hindi niyo nga alam anong nangyayari sa isa't isa, at hindi kayo nakapag-usap ng maayos. Malay mo naman nag-bago na ang isip ni Joohyun? Malay mo naman narealized na niyang hindi niya pala kailangan ng lalaki para bumuo ng pamilyang sinasabi niya? Isang linggo ang lumipas, Seulgi. Malay mo may nagbago—"

"Malay ko, Seungwan. Pero hindi sure 'yon, ayokong umasa, sawang sawa na ako masaktan at madisappoint. Last time I saw her, kitang kita ko 'yung determination sa mga mata niya. Na para bang sinasabi na gustong gusto niya talagang magka-pamilya. Something na hindi ko talaga mababago. Gusto niya 'yun, eh. Pangarap niya. Anong magagawa ko? Kung hindi ko talaga maibibigay sa kaniya 'yung normal na pamilyang sinasabi niya? Yes, pwede kaming magkaanak. Sinabi ko na sa kaniya iyon, ang daming ways, Wan. Pero siya na mismo ang nagsabi na gusto niya ng normal, yung may lalaking tatay at babaeng nanay. Gusto niyang lumaki ang mga anak niya sa normal na pamilyang sinasabi niya," Napatawa ng mapait si Seulgi. "Bagay na never kong maibibigay sa kaniya."

Napatigil ang kaibigan sa pagtatype sa keyboard at napatingin ito sa gawi niya, nakita niya ang awa at lungkot sa mga mata nito. Alam niyang concern sa kaniya si Seungwan, nagwo-worry ito sa kalagayan niya at maaaring mangyari sa kaniya in the near future kaya naman binigyan niya ito ng ngiti, na parang sinasabi na I'll be fine, don't worry. "Seulgi. . . normal ka. Normal kayo. Hindi ko alam kung bakit nagkaganyan si Joohyun eonnie, hindi ko alam bakit biglang naging ganiyan ang pag-iisip niya at parang naipamukha pa niya sa'yo na hindi kayo normal which is not true. Mahal na mahal ka niya, sa tagal ng panahon, alam kong genuine ang pagmamahal niya para sa'yo. Siguro nasabi niya lang 'yun dahil sa gusto niya talagang magkaanak pero baka naman pinagsisisihan na niya. Seul, siguro ka na bang pipirmahan mo na talaga 'yung divorce papers? Sure ka bang handa kang palayain siya?"

Napasandal si Seulgi mula sa pagkakaupo, huminga ng malalim at binitawan ang mga salitang alam niyang labag sa loob niya, pero kailangan. "Oo, handa akong palayain siya kung magiging masaya siya." Wala naman siyang pakeelam sa mararamdaman niya from the start, basta masaya si Joohyun, gagawin niya.

***

"HEY. . ." Huminga ng malalim si Seulgi, habang tinatry ang best niya para hindi mag-crack ang boses niya at para hindi siya tuluyang maiyak. No, hindi pwede. Hindi habang nasa kabilang linya pa ang asawa niya— na malapit na niyang pakawalan. Teka, hindi pa ba? Simula nung magdesisyon siyang mag-file ng divorce papers, pakiramdam niya ay pinakawalan na niya talaga ang asawa. Masakit oo, pero wala naman siyang magagawa kung iyon ang makakapagpasaya sa babaeng mahal niya. She will do everything for her wife, that's for sure. She can sacrifice her own happiness too, she can't be selfish, no. Lalo na if happiness na ng asawa niya ang pinag-uusapan. Hindi niya kayang ipagkait ito sa babaeng halos sampung taon niyang minahal. Hanggang ngayon, minamahal.

"Seulgi." Rinig niyang sambit ni Joohyun sa kabilang linya kaya naman napahigpit ang hawak niya sa telepono. Namiss niya ang boses nito, ang mahinang paghinga at masuyong boses nito. Sa isang linggo na 'yun, gabi gabi siya umiiyak dahil sa hindi niya katabi ang asawa. Hindi niya naririnig ang boses nito at hindi niya nakikita ang maamo nitong mukha bago matulog at pagkagising sa umaga. Pero naisip niya na mas okay na siguro 'yun, atleast— unti unti na niyang sinasanay ang sarili niya. Doon din naman ang kahahantungan non bandang huli, eh. Maghihiwalay din sila. Mawawala rin sa kaniya si Joohyun. Bakit hindi pa niya sanayin ang sarili niya ngayon? "Seulgi, kamusta ka na?" Tanong nito.

Pilit na ngumiti ang oso kahit na alam naman niyang hindi siya nakikita nito. Niloloko na naman niya ang sarili niya. Alam naman niyang hindi siya masaya, eh. "I'm okay." The clownery. Isa ka talagang malaking clown, Seulgi. "I'll be okay."

"About dun sa sinabi ko last week—"

"Napirmahan ko na." Hindi na nakapagsalita si Joohyun sa kabilang linya nang sabihin iyan ni Seulgi. Hindi rin alam ni Seulgi bakit nandyan pa siya sa condo niya eh deserve naman niyang magtrabaho sa circus dahil cinareer na niya ang pagiging payaso niya. Sinong ginago niya? Hindi pa naman niya talaga napipirmahan, eh. Hindi niya kaya. Pero dahil nasabi na niya kay Joohyun na napirmahan na niya at hindi naman niya kayang sirain ang sinabi niyang iyon, after ng pag-uusap nila na ito ay gagawin na niya ang lahat para mapirmahan ito. "Huwang kang mag-alala, Joohyun. You'll have that normal family soon. Makukuha mo rin yun. Magkakaanak ka rin at magkakaroon ng maayos na pamilya. You don't have to worry about your future dahil I'm letting you go." Hindi alam ni Seulgi kung paano, hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para sabihin iyon ng dire - diretso. Hindi niya alam kung bakit hindi siya napahagulgol habang sinasabi iyon at hindi niya alam kung hanggang kailan ang itatagal ng pagtatapang - tapangan niya na ito. Alam naman niyang fragile siya, alam niyang marupok siya lalo na pag si Joohyun na ang usapan. Alam niyang cry baby siya pag nasasaktan na siya, alam niyang kahinaan niya talaga ang asawa niya. Pero siguro, dahil na rin sa gusto niyang mapatunayan sa babaeng nasa kabilang linya na kaya niya at kakayanin niya kahit na mahirap.

"Seulgi, I'm sorry."

Yun lang ang sinabi ni Joohyun kaya natawa nalang si Seulgi. Mali si Seungwan. Mali ang kaibigan niya. Dahil ang isang linggo na 'yun, na hindi sila magkasama ni Joohyun— isang linggo na naghirap siya, hindi pa rin pala sapat para masabi sa kaniya ni Joohyun na mahal kita, at hindi ko pala kay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello guys, I'm sorry if ever may maoffend sa inyo dahil sa mga sinabi ni Irene rito, it's not my way of thinking, fo au purposes only, sorry if may naoffend man ako out there dahil sa naging conflict nila. I hope you enjoyed it! I know off ang naging mindset ni Irene but let's give her a chance <3

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
75 streak #1
Reread ulit
its_aaarrriii
75 streak #2
3:29 huhu joohyunniee timeee
_m3owrene
#3
Chapter 1: Seulgi! T.T
its_aaarrriii
75 streak #4
Chapter 1: Sabi ko na bakit familiar eh ksksksks reread yarn
its_aaarrriii
75 streak #5
Matutulog ba ko or babasahin huhu
its_aaarrriii
75 streak #6
Kinakabahan akoooo
Moksy23
#7
Chapter 1: Masakit sa umpisa otor 🤧🤧🤧🤧🤧
Goeynceilove
#8
Chapter 1: The title itself defines the Story. 💯
Well done Author-nim. 😎🙌
Bittersweet and Happy Ending.🥺😍
The Bonus part is so adorable and very cute!
Bear & Bunny having their baby that looks like them.
Sooo Kawaii!!! 🐻🐰💝💛
slowgi27
#9
Chapter 1: I admire seulgi's character here, kahit na mahal na mahal niya pa si irene kaya niyang mag paubaya, naiyak ako but again yung sulat mo talaga otor ang ganda.
kang_ddeul
#10
nakaka-miss itong basahin, yung aagos talaga yung luha mooo 😭✊