Passenger Seat - A Jeepney Love (?) Story

Bitin na Bitin Sa'Yo
Please Subscribe to read the full chapter

A/N: Please kindly hit play button kung gusto nyo background music lol

 

 

 

 

 

 

 

 

Umaga. Nakaabang ako ngayon ng jeepney na masasakyan. Or should I say hinihintay ko tong specific na jeep na nadaan tuwing 6:30 ish na ng umaga.

 

Madalas akong pasahero ng jeep na ito at pamilyar na kaming mga pasahero sa mukha ng isa't isa.

 

May isang beses, sobrang puyat ko kakareview para sa exam eh nakatulog ako sa byahe pa-school. Laking pasasalamat ko na lang kay ate na nakakasabay ko tuwing umaga na nakaupo sa tapat ko. Sa likod sya ni Manong Driver nakaupo ako nama’y sa likod ng shotgun ni Manong, kay crush. Hehe. 

 

Kung di dahil sa pag tapik niya sa tuhod ko, baka lumagpas na ako at paniguradong malalate sa exam.

 

Archi student si ateng gumising sa akin base sa bitbit niyang mga gamit lalo na yung drawing tube at T-square. Lagi ko na syang nakakabatian pagkakasakay ko simula noon. Tango at ngiti lang ganon kami mag good morning sa isa’t isa. 

 

Ano nga bang meron at bakit ko naikwento tong jeepney ride ko? Wala lang. Nakakatuwa lang kasi tuwing umaga hindi nakapaskil ang plakard ni Manong driver pa puntang XXX bagkus ay nakalagay “Family Use”. O di ba? Cute. Family trip na may kanya kanyang bababaan. Nagsimula lang to last week eh.

 

Nalungkot ako na kinabahan nung una tong mangyari. Pagkatanaw ko kasi nakalagay na yung ‘Family Use’ plakard. Syempre nalungkot ako noon kasi nakasanayan ko na na sila ang kasama ko sa byahe ko sa umaga. May specific seat na din kasi ako di ba? Sa tapat ni ateng singkit na Archi student at sa likod ni crush na sinisilayan ko, kung hindi sa rear view mirror eh sa side mirror kung san siya madalas manalamin. 

 

Malungkot nga. Si crush kasi ang inaabangan ko talaga tuwing umaga. 

 

Gigising ako in a good mood kahit anong puyat pa ang nararamdaman ko, kasi alam kung bawing bawi yun pag nasisilayan ko siya at naamoy ko yung matamis niyang pabango sa tuwing humahampas ang hangin sa kanya. 

 

Di ba sabi ko, kabado din ako nung umagang yun? Kasi kalkulado ko na yung oras ko. Swak na yung oras ng gising

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
Sorry na po sa wrong grammar haha

Comments

You must be logged in to comment
im_wenjoyer
#1
Chapter 8: Bigla kong nadama ang Valentines day HAHAHA
XoTayeMY09
#2
Chapter 8: AUTHORNIM PAKUROT SA TAGILIRAN! TAENA SUMASAKIT PUSON KO SA SOBRANG BITIN HAHAHA MORE PO PLEASE
shonpenhauer
#3
Chapter 1: Ang cute!!! More more more
chocochipc00kie
#4
Chapter 8: Juskes nakaka miss magpa masahe. Nagyon sariling sikap nalang. Nakakatamad kasing lumabas ng bahay. Basa basa nalang ng kilig fics. Naalala ko tuloy ung crush kong PT dati lol
chocochipc00kie
#5
Chapter 2: Tangina di ako ready sa chapter na to BWAHAHAHAHAHAHA
tealundertones
#6
Chapter 8: DUGTUNGAN MO YUNG SA SPA 😡😡😡😡😡😡😡
Luviesbear #7
Chapter 8: Nakakabitin talaga piii
Armey_03 #8
Chapter 8: Ang cravings natin for today’s video ay massage at isang Marie sa buhay! 😂
honeyblood17
#9
Chapter 8: jusko yung ngiti ko pagkaabot ko sa dulo jahxhsbsja
Mar857
#10
Chapter 8: Sana all my Marie... Ako kc my Maria kso apaka sunget😅parang biglang gusto ko rin mgpa massage hahaha
Solid ka tlga lods salamat sa ayuda... WenJoy stories mo na lan tlga ngpapakilig skn ng malala... More pa more 😊