Meet the Couple

Meet the In-Loss
Please Subscribe to read the full chapter

  

"Nini, I think it's time na mag-set na tayo ng schedule na umuwi sa Batangas," sabi ni Kyungsoo sa nobyo habang magkatabi sila sa kama. Magka-spoon ang mag-nobyo na kakatapos lang i-seal with several rounds of amazing ang pag-oo ni Kyungsoo sa marriage proposal ni Jongin. "Ilang taon na rin naman tayong magkasama at ikakasal na rin tayo down the road. We might as well get acquianted with each other's families na."

 

Jongin hummed in agreement. "Maybe we can both get a leave sometime in August? At least a couple of months from now siguro."

 

"August is good for me, actually," sagot ni Kyungsoo. "Baekhyun will be back by then from his maternity leave. Hindi kami magiging short sa tao kahit mag-leave ako."

 

"Kumusta na pala si Baekhyun at Chanyeol?" tanong ni Jongin patungkol sa malapit na kaibigan ng dalawa. "Saka kumusta inaanak natin?"

 

"Teka, nag-send sa'kin kanina si Baek ng pictures ng baby nila," sabi ni Kyungsoo. Tumayo siya para kunin ang phone niya na nakapatong sa isa sa mga cabinet nila sa kwarto. Jongin, on the other hand, is left staring at his boyfriend's habang naglalakad ito palayo. Grabe, pwede talagang gawing entry sa wonders of the world. Though hindi siya willing i-share ito sa iba, so nevermind.

 

Pagbalik ni Kyungsoo sa kama, umupo si Jongin sa tabi nito. "Look. Baekhyun sent over a dozen siguro na baby pictures ni Baekhee kanina while I was talking to him during lunch at work."

 

"Ang cute!" nanggigigil na sabi ni Jongin while scrolling through the photos. "Gawa rin tayo ng sa'tin?"

 

"Pakasalan mo muna ako, sir."

 

"That, I definitely will," sagot ni Jongin, sabay sakop sa bibig ni Kyungsoo para sa isang mapusok na halik. Tinulak niya ang nobyo pahiga at pinaibabawan ito. "Can't wait for us to tie the knot and make our own family, babe."

 

And the night went on with the two making love with each other.

 

*****

 

Si Jongin ay isang civil engineer sa isang kilalang firm sa bansa, samantalang si Kyungsoo naman ay isang accountant. Nagkakilala sila ng magkaroon ng celebratory party sa isang club na malapit sa building nila ang firm kung saan nagtatrabaho si Jongin. They booked the second floor of it kaya akala niya nang makita niya si Kyungsoo na nakaupo sa isang corner ng bar ay sa parehong kumpanya sila nagtatrabaho.

 

Nakadagdag pa sa assumption niya na co-worker niya ito dahil kausap nito si Chanyeol, isa sa mga naka-team niya na architect sa firm nila na naging ka-close niya rin.

 

Saktong napansin siya ni Chanyeol at tinawag siya nito. At dahil wala rin naman siyang ibang kasama, nakiupo siya sa table ng dalawa.

 

"Pre, si Kyungsoo pala, pinsan ko na from Batangas din," pakilala ni Chanyeol. "Soo, si Jongin, 'yong sinasabi ko sa'yo na magaling na engineer na naka-team ko. From Batangas din siya."

 

"Ayos ah, naibida mo pala agad ako," sagot ni Jongin. "Anyways, nice meeting you, Kyungsoo."

 

Isang matipid na ngiti at isang hello lamang ang sagot nito kay Jongin.

 

Well, that was awkward, Jongin thought.

 

Pero sa paglalim ng gabi, unti-unting nagkausap si Jongin at Kyungsoo. Lalo na nang iwan sila ni Chanyeol para pumunta kung saan.

 

Napag-alaman ni Jongin na bagong salta lamang si Kyungsoo sa Maynila at magsisimula pa lamang itong magtrabaho sa darating na Lunes. Fresh board passer ito as a CPA ngayong taong ito at sa katabing auditing firm ng workplace ni Jongin ito magtatrabaho.

 

"So, Kuya Jongin pala dapat tawag ko sa'yo?" tanong ni Kyungsoo. Tatlong taon kasi ang agwat ng mga edad nila.

 

"Sure, I'm fine with that," sagot ni Jongin.

 

Nagpatuloy ang pag-uusap nila hanggang magpaalam si Kyungsoo na hahanapin na nito ang pinsan dahil isang oras na pero hindi pa rin ito bumabalik. Sinubukan na nito na tawagan ang phone ng pinsan, pero walang sumasagot sa mga tawag nito.

 

"Samahan na kita," sabi ni Jongin. "Knowing Chanyeol, baka lasing na 'yon somewhere. Usually, ako na rin naghahatid sa kanya kapag ganoon ang nangyayari tuwing ganitong parties. Unless kaya ka niya isinama ay para gawin kang driver niya?"

 

Natawa si Kyungsoo, for some reason, na ipinagtaka ni Jongin. Napatingin tuloy siya rito at nakita kung paano mag-scrunch ang mga mata nito in a cute way. Moreover, napansin niya rin kung paano naging hugis puso ang labi nito habang tumatawa.

 

Bumilis tuloy ang tibok ng puso ni Jongin. , ang cute!

 

"Honestly, that's the last thing Kuya Chan will make me do for him," sabi ni Kyungsoo sa pagitan ng pagtawa. "The first and the only time I tried to drive, I scratched the car I was using because I hit it at a pole. After that, natakot na ako mag-try."

 

"Ganoon ba? Then all the more reason na samahan kita." Real smooth, Jongin.

 

"Well, if you insist, then sure."

 

Nagsimula silang magtanong sa mga tao sa bar kung napansin ng mga ito si Chanyeol. Karamihan ng mga ito ay kilala naman si Chanyeol, subalit hindi raw napansin ito. Kung may nakapansin man dito, mga isang oras na rin ang nakakalipas.

 

Patuloy silang naghanap hanggang makatanggap si Kyungsoo ng text mula sa pinsan.

Soo, I'm with an old friend I saw again today. I'm sorry for ditching you. You're still with Jongin, right?

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet