Fall Flat

Bato Bato Sa Geldi....Madapa 'Wag Magalit

Napagkasunduan naming junior highschool na magkakabarkada na everytime na may time kami, maghiking kami kapag yung isa hindi pwede talaga….’di matutuloy. Sama sama daw kasi dapat talaga. Kahit mahirap magadjust kasi resident doctor na ako. Hirap makahanap ng break kadalasan nga parang kasalanan pa magpahinga! pero okay lang, thankful ako kasi sila mismo sakin nagbibigay ng pahinga.

 

Pinaka una naming pinuntahan Mt. Daratian kasi beginners pa lang kami noon at base sa nasearch namin, isa sa Mt. Daraitan ang madaling trail tsaka na rin malapit-lapit from Manila. Sumunod, Mt. Batolusong kering keri din…. Kaya suggest ni Lisa wala ba naman medyo challenging? Kaya eto kami ngayon nagkita kita para lang pag usapan kung saan kami maghihiking.

 

“Medyo malalayo yung mga paghihiking-an if medyo challenging gusto natin...bet ko sa Mt. Pulag” sabi ni Lisa.

 

“Ikaw lang naman may gusto ng challenging!” sabat ni Irene.

 

“Oo nga teh! Pero true maganda sa Mt. Pulag…” suggest ni Jihyo.

 

“Kahit ano sakin.” sagot ko.

 

“Wow! Mukhang chill ka ngayon ah?” tanong ni Lisa.

 

“Sinusulit ko na ‘tong time kasi malapit na magboard exam…” reklamo ko.

 

“Yes naman my doc!! Papa billboard ka namin Mina kapag nakapasa ka which is surebols na pasado ka naman!” bati ni Lisa.

 

“Di kayo sure...stress na stress na ako!” reklamo (2) ko.

 

“Tamang tama talaga ‘tong hiking natin!” masayang sinabi ni Irene. “G na ako sa Mt. Pulag! Kayo ba?”

 

“Sure na kayo ha?” sabi ni Jihyo.

 

“G na!” sabay sabay naming tatlo sinabi.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

After a week.

 

Nagpadrive na lang kami sa Dad ni Irene. Dad rin naman niya nagvolunteer para daw ‘di hassle samin.

 

6:00am sumakay na kami sa jeep papuntang Ambangeg trail. Ayun daw pinaka madaling trail so far….Syempre nagregister muna kami at nagorientation tungkol sa hiking, umabot ng isang oras din.

 

After, isang oras na naman papunta kami sa isang station at sa isang station ulit. Kumuha kami ng guide incase lang….mahirap na rin!

 

Madami-dami kaming maghhike...grupo grupo.

 

Habang hinihintay namin yung tour guide kumain na muna kami pang gain lang ng energy at konting pahinga…

 

“Feeling ko pagod na ako.” sambit ni Lisa.

 

“Ikaw suggest suggest neto!” sabi ni Irene.

 

Natatawa lang kami ni Jihyo kasi etong si Lisa. Nasa jeep pa lang reklamo na ng reklamo sabi namin edi bumalik na siya ng Manila. HAHAHAH

 

15 minutes pa kami naghintay at lumapit samin ang tour guide.

 

“Ma’am Mina group po?” tanong samin.

 

“Yes, kami nga po.” sagot ko.

 

“Ma’am ano kasi...may solo po kasing maghihiking eh apat lang naman po kayo...pwede po bang isama siya? Hati naman po ng bayad sinabi ko na po sa kanya…” banggit ni Kuya.

 

Biglang may lumapit na babae…”Hello, pasensya-”

 

“Gago! Chaeyoung?!” gulat ni Irene.

 

Nanlaki naman parehas nilang mata.

 

“Irene?!” gulat niya ding sinabi.

 

“Kuya okay na okay lang po sumama siya!” tuwang sinabi ni Irene.

 

“Makapag decide ‘to, naask mo na ba kasama mo?” udyok nung Chaeyoung.

 

“G na yan! Apat lang naman kami. The more the merrier!” suggest ni Irene.

 

No choice na naman kami nila Lisa...

 

So, ang kwento ni Irene samin kaya sila magkakilala dahil classmates pala sila nung college. Friends sila pero ayun nga after college nawalan na ng time to catch up.

 

“Chaeyoung pala...” inextend niya yung kamay niya nung una kay Lisa.

 

“Lisa.” balik niya.

 

Sumunod sakin.

 

“Mina.”

 

Sumunod kay Jihyo.

 

“Jihyo.”

 

“Ready na kayo?” tanong ni Chaeyoung.

 

Tumango kami. Inorient ulit kami ni kuya tour guide ng mabilis.

 

Nagstart na kami sa trail….

 

2 hours pa lang hingal na ‘tong si Lisa.

 

“Taenang internet yan! Bakit sinabi mala ‘walk in the park’ lang daw eh ba’t ganto!” reklamo na naman ni Lisa.

 

“Niliteral mo naman….Papunta pa lang tayo sa Camp 1 neto ha...” sambit ko.

 

Natatawa lang naman yung tour guide at sila Irene.

 

Since si Irene at Chaeyoung yung close sila yung magkadaldalan...pati na rin si Jihyo.

 

“Kuya ilang hours pa po?” tanong ni Lisa.

 

“Depende po sa lakad niyo….at reklamo.” udyok ni kuya.

 

“Ayan buti nga! Uwi ka na ng Manila!” asar ni Irene.

 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

4 and a half hours nakarating na kami sa unang camp site.

 

Kumain na muna kami at nagpahinga.

 

“Kamusta naman so far...Chaeyoung?” tanong ni Lisa.

 

“Keri naman?” sagot niya.

 

“Halata….mukhang ‘di ka nagdusa sa paglalakad eh..” banggit ni Lisa.

 

“Eh ikaw nga lang kanina pa dyan reklamo ng rekalmo...just enjoy the view.” wika ko.

 

“Speaking of….picture naman tayo!” sabi ni Irene at Jihyo.

 

Tumayo na rin kami at nagikot ikot….

 

“Pwede ko kayo picturan…” suggest ni Chaeyoung.

 

“Ay oo! magaling yan photographer ko yan dati!” daldal ni Irene.

 

Eto kami ngayon pose ng pose sa paligid. Inabuso na rin si Chaeyoung sa pagpipicture nung tatlong ‘to.

 

“Ikaw naman picturan ko…” sambit ko.

 

Wala pa kasi talaga siyang picture. Kawawa naman.

 

“Okay lang…”

 

“Magpose ka na dyan..sayang wala ka mapopost sa instagram.” sabi ko.

 

Inaya na rin siya nung tatlo.

 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

30 minutes na pahinga, natapos na rin.

 

Papunta na ulit kami sa ikalawang camp site.

 

Mabilis na lang naman daw sabi ni Kuya.

 

1-2 hours na lang...pero depende pa rin sa paglalakad namin (lalo na kay Lalisa).

 

Sa kalagitnaan ng paglalakad, naramdaman ko sakit ng likod ko though ‘di naman ako nagrereklamo dito ha….sadyang laging handa lang talaga ako dito kaya nagpack ako ng ilan na nakadagdag sa dala ko.

 

“Teh, kaya pa?” tanong ni Lisa. “Alam ko kapag nahihirapan ka, di ka man lang dyan magsalita.”

 

“Okay lang ako.” wika ko. “Ikaw Irene?” tanong ko.

 

“Kayang kaya!”

 

“Jihyo?”

 

“Ako pa ba!”

 

“Ikaw, Chaeyoung?”

 

nagthumbs up siya at ngumiti. “Pwede kita...pagdalhan ng gamit? hati tayo…”

 

“It’s okay. Thank you, Chaeyoung.” ngiti ko.

 

Si kuya tour guide okay din daw. Inalok niya ako kung gusto niya siya magbitbit ng gamit ko….sabi ko okay lang din ako.

 

Part rin ‘to ng hiking experience ang mahirapan sa pagdadala ng gamit.

 

2 oras nakalipas. Finally hapon na, nakarating na kami sa ikalawang camp site.

 

Nagayos na kami ng tent at iba pa naming gamit para sa dinner at pagtulog namin.

 

Lumalamig na rin ang temperature dito…kahit pahapon ang ganda pa rin ng view.

 

Kwentuhan habang kumakain, ineenjoy ang view.

 

Etong si Jihyo at Lisa, tanong ng tanong kay Chaeyoung…hindi siya makakain ng maayos kasi susubo siya ng pagkain….magtatanong yung dalawa. Nakakaaawa lang panoorin!

 

“Mabait ba ‘tong si Irene nung college?” tanong ni Jihyo.

 

“Hmmm, yes mamaw yan eh! nasa group of friends ata galing niyo.” sambit ni Chaeyoung.

 

Kinilig naman si Irene. “Wala yang bayad ha!”

 

Tumawa si Chaeyoung.

 

Tapos etong si Jihyo hinampas si Lisa.

 

“Gusto niyo yon! Magaling daw tayong group of friends!” Nagsitawanan silang dalawa.

 

“Pasalamat talaga tayo nabuhat tayo ni Irene at Mina!” dagdag ni Lisa. Hinigh five si Jihyo.

 

“Magaling naman talaga tayo ah...sa iba’t-ibang way.” banggit ko. Umagree si Irene.

 

“Ay sus! mga pa humble!” asar ni Lisa.

 

Pasubo na ulit sana si Chaeyoung….

 

“Palagi ka na ba naghihiking?” tanong ni Lisa.

 

“Yup, kapag may free time eto lang talaga ginagawa ko.” kwento niya.

 

“Usually solo ka? or?” tanong ulit niya.

 

“Solo. busy na din kasi friends ko eh…”

 

“Friend mo naman ako ah!” sambit ni Irene.

 

“Malay ko bang naghihiking ka pala!” balik ni Chaeyoung.

 

“Uso magtanong!” diin ni Irene.

 

“Di na kasi rin ako masyado nagsoc med eh…”

 

“San ka na nakapag hiking???” tanong na naman ni Lisa.

 

Sasagutin na sana ni Chaeyoung. “Mga chismosa, hinay hinay tanong ‘di makakain ng maayos si Chaeyoung! Sige na isubo mo na yang kanina mo pa hawak…”

 

Nagsitulugan na rin kami dahil literal na nakakapapagod...dahil madilim na rin ang paligid. Malamig ang paligid. Bukas gigising ulit kami ng maaga para sa sea of clouds at pagbalik na rin.

 

As a light sleeper, gising-tulog ako...napansin kong may nasa labas. Bumangon ako at chineck...medyo nakakakot rin mamaya kung sino!

 

Si Chaeyoung pala.

 

Lumabas na rin ako sa tent.

 

“‘Di ka pa natutulog?” tanong ko. Medyo nagulat naman siya sa bigla kong pagsasalita.

 

Lumingon siya sakin. “Maaga lang nagising...lamig rin kasi eh.” wika niya.

 

“May handwarmer ako...or extra jacket?” suggest ko.

 

“May hand warmer dito sa Pinas?!” tanong niya.

 

“Uh, oo? Bigay lang ng dad ko eh.” sagot ko.

 

“Nice…” sambit niya.

 

At natahimik kami...kita kong kinukuskos yung dalawang kamay niya kaya tumayo ako at pumunta sa tent para kuhain sa bag yung hand warmer.

 

Kinalabit ko siya at inabot. “Manigas kamay mo dyan…”

 

“Salamat! Ready na ready ah dati ka bang girl scout?!”

 

—————————————————————————————————————

 

5:30am ‘di na kami natulog ni Chaeyoung. Most of the time tahimik kami. ‘Di pala siya palasalita….same with me pero okay lang comfortable naman yung atmosphere between samin.

 

Pasikat na ang araw. Ayan na rin yung famous ‘sea of clouds’.

 

Masasabi ko lang sa view. Wow. Worth it lahat ng lakad kung eto naman pala bungad sayo paggising mo.

 

“Ganda…” banggit ni Chaeyoung.

 

Tumingin ako sa kanya. Nakatingin siya sakin bigla siyang umiwas ng tingin.

 

“Ganda nga.” sambit ko pabalik. Tumayo na ulit ako. “Gigisingin ko lang yung tatlo…”

 

Pumasok na ako sa tent. “Hoy, Jihyo, Irene, Lisa gising na!!” sigaw ko.

 

Si Jihyo at Irene. Nagising na at inat ng katawa...si Lisa ayaw pa rin kumibo.

 

“Hilain na natin yan.” banggit ni Jihyo.

 

Hinila nga naming 3 si Lisa papalabas ng tent.

 

“OO NA OO NA ETO NA GISING NA!” reklamo ni Lisa.

 

Bilisan na silang nagayos kasi pasikat na talaga ang araw. Nagsimula na silang magpicture ulit at panoorin ang pagsikat ng araw.

 

“Ganda amputa naiiyak ako…” wika ni Lisa.

 

OA man pakinggan pero...same Lisa.

 

Pagkatapos, kumain na kami ng breakfast. Maya maya kasi aalis na kami para bumalik. Eh magiimpake pa ulit kami.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

Pabalik na ulit kami at dahil maaga pa nung nagstart kaming maglakad. Kaya yung pinaglalakaran namin dew pa yung paligid.

 

“Dahan-dahan lang po!” paalala ni Kuya guide.

 

“Yakang ya-AH!” sigaw ni Lisa. Nahawakan naman agad siya ni Jihyo.

 

“Ayan tanga!” sambit ni Jihyo. Tumawa kaming 3.

 

Dalawang oras nakarating na ulit kami sa Camp site 1.

 

Pahinga ng konti at tumuloy na ulit paglalakad.

 

Kwentuhan habang naglalakad…naririnig ko na nakikipahchikahan si Irene kay Chaeyoung.

 

Siguro madaldal siya if ka-close niya, di gaano kapag kakikilala pa lang. sabi kasi Irene mahiyain daw ng slight si Chaeyoung pero kapag nakilala mo na naman daw, grabe dumaldal.

 

Bakit ganun kapag papunta ang tagal, kapag pabalik ang bilis?

 

Based sa nilalakaran na namin ngayon...nasa half trail na kami para makabalik sa station.

 

“Kamusta naman kayo ni Dahyun? Nakakapag chikahan pa ba kayo?” tanong ni Chaeyoung kay Irene.

 

“Paminsan minsan girl sabi ko nga padalhan naman ako ng jowang korean...alam mo bang nagwowork siya dun…” sambit ni Irene.

 

“Gags si Sana din kwento niya sakin nagwowork sa Korea!” sagot ni Chaeyoung.

 

“Oh my gosh...baka nagkabalikan na yung dalawa?” chismis ni Irene.

 

“Di natin sure….baka nagkataon lang?” wika ni Chaeyoung.

 

“Baka….eh ikaw kamusta na kayo ni? Yieeee” udyok ni Irene. Kiniliti si Chaeyoung sa tagiliran. Tumawa siya ng malakas.

 

Hoy….di sa pagiging chismosa ha….wala lang cute lang ng tawa niya.

 

“Past is past na teh! Ieenjoy ko na ngayon single life ko!” proud na sinabi ni Chaeyoung.

 

“Sinong naging jowa niya???” sabat ni Lisa.

 

“Si ano-”

 

“Jihyo.” seryosong niyang sinabi. Napatingin kami sa kanya. Si Jihyo gulat na gulat eh. “Charot lang! Hehe seryoso ka kasi kanina pa dyan eh…”

 

“Ay, sayang naman! Akala ko magkaka ex jowa ako eh.” banggit ni Jihyo.

 

“Asa ka men!” sigaw ni Lisa. binatukan ni Jihyo.

 

“Si Mina pala single….” dagdag ni Irene.

 

“Ba’t mo ako dinadamay?” tanong ko.

 

“Tahimik ka din dyan eh.” sabi ni Lisa.

 

“Pake mo.” asar ko at umirap kay Lisa.

 

“Impossible naman maging single si Mi-!” sigaw ni Chaeyoung.

 

Napatingin kami sa kanya nadapa siya….sa bato. Ouch. Literal na fall flat siya...Dali dali siyang inalalayan ni Kuya makatayo.

 

Gasgas ang kanyang legs. Dumugo yung tuhod niya.

 

“Okay ka lang ba?” tanong namin lahat. Pagkaharap niya samin may dugo rin baba niya. Di rin niya matayo ng maayos yung kanan niyang paa.

 

“Ma’am buhatin na lang po kita….malapit na naman po.” suggest ni Kuya.

 

Walang reaction si Chaeyoung…..????

 

“Kuya may first aid po ba kayong dala?” tanong ko. “Alalayan niyo si Chaeyoung.” sabi ko kila Lisa.

 

Dali dali naman kinuha ni Kuya yung First Aid sa bag niya.

 

“Huy, grabe naman….sugat lang ‘to malayo sa bituka.” banggit ni Chaeyoung.

 

“Gago! Puro dugo ka!” ayan napagsabihan tuloy ni Irene. “Doctor yan ‘wag ka!”

 

‘Di ko sila pinansin at chineck ko yung paa ni Chaeyoung. Buti sprain lang. Since walang pang cold compress, bilagyan ko na lang muna ng bandage.

 

“Talaga ba? Alam mo ba pinangarap ko dati maging doctor din….kaso ngayon parang gusto ko na lang maging pasyente.” natatawa niyang sinabi.

 

Napapatawa naman silang lahat except ako parang gago kasi? Tuluyan ko na kayang balian ‘to?

 

“Mina...pakicheck nga din ulo neto natamaan ata…” asar ni Jihyo.

 

“Mina, ayan na willing naman pala maging pasyente si Chaeyoung!” dagdag ni Lisa.

 

“Walang nakakatawa guys.” seryoso kong sinabi. Ginagamot ko na yung sugat niya sa tuhod.

 

“Sorry po…” sabi nilang tatlo. Tumatawa pa rin si Chaeyoung at si Kuya.

 

Tumayo na ako at gagamutin ko na yung baba niya. Nakatitig siya sakin. Nakasmile.

 

“Grabe ka naman sugat lang ‘to tsaka sprain….Smile ka naman dyan oh!” nagpapacute amputa.

 

Di ko pinapansin. “Alam ko naman na magiging okay ako kasi….maganda este magaling ang doctor na gumagamot sakin.”

 

Naghagalpakan naman silang 5 at nag”YIEEEE”

 

Etong si Kuya gusto kong hampasin kilig na kilig ha.

 

Kiniliti ako ni Irene. “Smile na!”

 

“Ano ba!” sigaw ko…..di ko napigilan napapangiti na ako.

 

“Bagay sayo magsmile.” banat na naman ni Chaeyoung.

 

Baka.” bulong ko.

 

“In english cow, right?” wika ni Chaeyoung.

 

“Ay…..AHAHAHHAA di ka na pasado sa type ni Mina.” asar ni Lisa.

 

“Okay na.” sambit ko.

 

“Thank you, doc Mina.”

 

Nung uuna ayaw niya pa pabuhat kaso tatagal kami paglalakad kaya pumayag na rin siya.

Halinhinan kami sa pagbubuhat ng gamit niya.

 

Nang makarating kami sa station. Pinunta siya sa clinic. Binigyan na siya ng cold compress dun at magpahinga ng konti.

 

Hinintay na namin siya. Kawawa naman kasi solo na nga eh….

 

“Okay ka na?” tanong ko.

 

“Kanina pa….’di naman masakit eh.” wika niya.

 

Maya maya ay sumakay na ulit kami ng jeep pabalik sa Baguio.

 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tinawagan na ako ni Papa dahil siya ang magsusundo.

 

Pagbaba namin ng jeep. Natanaw na namin agad siya.

 

“Hello po, Doc Myoui…” sabay sabay nilang 3 sinabi.

 

“Sabi ko Tito na lang eh!” asar ni Papa.

 

Yinakap ko naman si Papa.

 

“Oh, okay lang ba kasama niyo?” baling niya kay Chaeyoung.

 

“Ah opo….part ng experience sa hiking…” sabi ni Chaeyoung na nahihiya. “Hello po, doc…bait po ng anak niyo siya gumamot sakin...”

 

Nag Yie na naman ‘tong tatlo. MGA GAGO!!!!

 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

Back to real world na naman dahil Monday na ulit.

 

Nakatapos na ako ng shift at pauwi na ako.

 

May nagnotif sa Facebook kaya chineck ko.

 

Son Chaeyoung sent you a friend request.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Confirm.

 

Message: Son Chaeyoung

Chaeyoung: Hi, Doc! :D

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chae1727
bored lang po talaga ako kaya puro sulat ako dito :<

Comments

You must be logged in to comment
jeybeee
1521 streak #1
Chapter 1: Yawa doc, ang corny nung banat ni Chaeyoung. Hahahaha!