Sugod!

Basang Sisiw

6:50 a.m.

 

“Ma! pasok na ako bye bye.” sambit ko habang nagsusuot na ng sapatos.

 

“Okay sige ingat! magdala ka ng payong mukhang uulan.” payo ni ma sakin.

 

“Opo nasa bag ko na. bye ulit!” takbo ko palabas ng gate at tuluyan na akong maglakad sa kanto para magabang ng jeep.

 

7:15 a.m.

 

Nagaabang pa rin ako ng jeep. di na ako makasakay punuan na agad shet. ang mahal rin ng tricycle. konting abang pa 7:30 naman ang time ng pasok buti na lang mabait si ma’am.

 

Tingin ako ng tingin sa orasan kasi hanggang ngayon wala pa rin akong masakyan. For sure traffic na rin. Buti na lang may nag U-turn dali dali akong tumakbo para makipagsiksikan pumasok. buti na lang maliit ako nakasingit agad ako hehe.

 

usually 10 minutes ang byahe ko from bahay to school pero depende kung traffic minsan pa nga umiiba ng route si kuya driver kaya lalong humabahaba byahe.

 

Goodluck na lang sakin!

 

As expected….traffic na nga tsaka umiba ng route ni kuya kaya need ko magmadali kasi malayo layo rin ang paglalakaran ko.


 

“Para po!” sigaw ko at nagmadali na akong bumaba sa jeep.

 

Pagbaba ko sa jeep ay nagmadali na rin akong maglakad. mala takbo-lakad na galawan. haggard na naman ako neto umagang uamaga!


 

Maya maya pa’y biglang may naramdaman akong patak ng tubig akala ko nung una kung saan lang…...pagtingin ko sa langit ayun umaambon na. ! dumadami na yung patak ng ulan. Madaming nagsitakbuhan para sumilong yung iba nagbukas na ng payong. 7:35 na anak ng no choice sugad na sa ulan!!!!


 

Sana nakinig na lang ako sa nanay ko. Wala kasi talaga akong dalang payong.

 

Binilisan ko na lang tumakbo kahit mabasa man atleast bumilis naman ako pagpasok. Basa na agad ako #galawangtanga.


 

Sa kakatakbo ko di ko na napansin kung go nga ba or stop para tumawid.

 

“Huy! ate stop pa tsaka umuulan!” sigaw nung babae at sabay higit sakin papalapit sa kanya para sumilong sa kanyang payong.


 

nahiya naman ako kasi taena basang basa na ako dito baka mabasa ko siya. “Hala gagi oo nga. sorry! di ko kasi napansin….di ko kasi naaninaw eh.” 

 

Isa rin pala, nakalimutan ko salamin ko.

 

Tumango lang naman siya. “buti nahigit kita kundi nahagip ka na ng mga fx. Lagay mo sa unahan mo yung bag mo para di mabasa.” explain niya.

 

Sinunod ko naman siya. “Thank you.” lumayo naman ako ng konti kasi baka nga mabasa ko din siya.

 

“San building mo?” tanong niya.

 

“Dyan lang.” sabay turo ko sa unang building.

 

“Okay, hatid na kita. kawawa ka basang sisiw ka na agad.” 

 

5….4….3….2….1….Green light.

 

Tumawid na kami. Mukhang di talaga titigil ‘tong ulan na ‘to a hayuf!

 

Tahimik kami naglakad hanggang makarating na kami sa tapat ng building ko at tumigil na kami.

 

“Uhmm salamat talaga life saviour ka sakin hehe.” nahihiya kong sinabi 

 

“No problem! tsaka magpatuyo ka baka magkasakit ka! ‘wag kasi kalimutan magdala ng payong.” ngiti niya sakin. “Sige una na ako.” 

 

“Thank you ulit! Ingat!!!” sigaw ko at tuluyan na akong pumasok sa building.

 

Pumasok na muna ako sa room para magattendance at nagexcuse na ako para mag cr.

.

.

.

.

.

.

.

.

Same routine, same day, different week, different weather.

 

1:20 p.m.


 

As usual late na naman ako. Nagmamadali na naman ako para sa first subject ko for this afternoon pero this time hindi na umuulan, tirik na tirik na naman ang araw.


 

Paulit-ulit na rin akong sinesermonan ni ma tungkol sa payong pero ayoko talaga magdala kasi pangpasikip lang sa bag ko….ni minsan nga pati bag di ako nagdadala papasok eh. ballpen at isang maliit na notebook okay na!


 

30 secs. pa ang oras ng red light. takbuhin ko na lang ulit ‘to. 

 

gc: sChOOL kidz

jeong: @seulgi taena mo san ka na?

me:patawid na ako.

jisoo: bagal amputek wala na nagattendance na si sir.

me:eto na nga eh HUHUHU


 

15 secs.

 

bigla kong napansin na may nagpayong sakin. tumingin ako at siya ulit. wow.

 

“Nagdala ka na ba ng payong?” tanong niya sakin.

 

“Ah hindi hehe nakakatamad kasi magdala….” rason ko which is true sa part ko.

 

“Tsk, di na natuto hahahaha.” sambit niya.

 

3 secs.

 

“late ka na naman noh?” tanong niya ulit.

 

stalker ba ‘to? charot!

 

“slight???  1:30 pa naman!” defend ko.

 

naglakad na kami para tumawid.

 

Tumango lang naman siya.

 

Tumugil na ulit kami sa tapat ng building.

 

“Salamat ulit hahahaha tamad talaga ako magdala ng payong eh.” sambit ko.

 

tumawa naman siya. “Okay lang yan, sana di ka tamad magdala ng panyo.”

 

“Huy di ah nasa bulsa ko oh!” sabay labas ko ng panyo….yung hello kitty AHAHAHAH

 

“naks pang baby naman” asar niya sakin. “sige na ulit! nalate ka tuloy lalo.”

 

“Sanay na sila sakin! thank you ulit….?” patanong kong sabi para malaman name niya.

 

“Irene.”

 

“Ah Seulgi.” sabay ngiti ko (pacute lang syempre!) “thank you ulit, Irene.”


 

“See you sa susunod na ulan...o araw!” sabi niya habang papaalis na. tumakbo na ulit ako papasok ng building.


 

“Okay. Irene. Irene. Irene.” mental note ko sa sarili ko.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

At ayun na ang ‘almost’ naging routine namin. twice a week kami halos palagi nagkakasabay. Umulan man o umaraw.


 

until now di pa rin ako nagdadala ng payong…..worth it naman pala! hehehe

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chae1727
Nahalungkat ko lang na v short au dati hehe (sabihin na lang rin natin na, medyo based on my experience ‘to) kaya dun sa nagpayong sakin thank you pa rin talaga! :D

Comments

You must be logged in to comment
Mar857
#1
Chapter 1: C Seul parang ako ng highschool apaka tamad mgdala ng payong at laging late hahaha sana all my taga payong...