I'm all in

Please Subscribe to read further chapters

Description

Random kwento ng buhay ni Winter.

Foreword

Sabi nila, high school daw ang pinaka memorable na stage ng buhay mo. Kasi nga raw, we get to experience lots of things in high school. Gaya nang magka-MU, magka-jowa, ma-heartbroken, makahanap ng true friends, at ano-ano pang sinasabi nilang ma-eexperience mo raw sa high school.

Paano kung hindi ko naman na-experience mostly yang mga yan. Never talaga ako nagka-jowa, or kahit MU man lang. Nagkaroon naman ako ng mga crush dati pero meehh.. Pinag-isipan ko talaga ang dahilan kung bakit di ko yun na-experience. And... nung summer, before mag start ang pasukan sa college, na-realize ko... or more like natanggap ko na sa sarili ko na bakla ako.

Yes po, I'm not straight. I'm gay, bakla, lesbian. Kaya siguro naalibadbaran ako nuon sa mga boys. Gaya nga ng sabi ko kanina, may mga naging crush din naman akong mga lalaki. Kaso para pilit lang yung kilig na pinapakita ko sa mga friends ko kapag nakikita ko yung crush ko. Alam niyo yung feeling na ganun?

Anyways, aside from those lovelife s, nakahanap din naman ako ng true friends nung high school pa ako. Kaso, we took different paths nung nag college na. Iba-iba kasi yung gusto naming ma-achieve sa life. May iba naman na same yung goals namin but we still went apart.

Dun ako mag-aaral sa isang State University na malayo sa City namin. BS Biology yung kukunin kong kurso. 

Ewan ko kung dala ba nang excitement yung kaba ko ngayon or talagang kinakabahan lang talaga ako. Kase naman, orientation na namin bukas tas sa susunod na araw ay official start na nang klase. At sana naman talaga no, ma-experience ko na yang jowa jowa na yan dito sa college. Gusto ko din naman kasing magka-girlfriend. Haysss. 

 

- Winter Kim, 2021

 

Note: Sa kwentong to, wala pong covid. Alternate universe naman so I can do anything I want for this story hehe. Please don't be shy and leave a comment. I would like to hear your thoughts about sa story. I hope talaga mapanindigan ko tong AU nato.

Yan lamang po at maraming salamat.

Comments

You must be logged in to comment
wenrene22
#1
subscribed already! hintayin ko na lang update chapter mo author-nim 🙂
cureiAngel
#2
Looking forward! Wag lang sanang angst hahaha