Wishing well: Kabanata 6

Dreamcatcher

Past

 

Nakapikit ako at nagbilang ng tatlong beses. Kagaya ng I love you ay ganun din ang pagbukas ko ng mata ko kung sino ang aking sagot sa papel. Kung sino ang ka-flames ko para sa destiny na pinagsasabi nila. Ginawa ko naman dahil boring state ngayon sa klase.

 

Akala ko ba may concern ito sa akin.

 

Bakit ang nakita ko ay siya na kaharap ko ngayon.

 

Naghihintay na parang ewan, ano kaya nakain nito, hindi bali na, di naman magkakatotoo itong lihim ko. Dahilan si Karina ay para kay Winter. Sinabi rin naman katotohanan ng papel na ginagampanan naman ang tungkulin.

 

A for affection.

 

Nakasulat ang letra na ngayon inaalala ko pa rin, ibig ba sabihin nito, may pagkakataong maging magka-ibigan at hindi mauuwing kaibigan lamang. So that's it...ganun ba talaga ang larong ito.

 

Natinag ako ng may naramdaman ako na kumurot saking pisngi na ngayon ay binibigyan ako ng nakakalokong tingin animo'y baliw talaga.

 

"Winter. Ano na naman ito?" Mahina kong sabi dahil ang hirap naman kasi magsalita.

 

Nakasimangot na siya, na naman Giselle bakit ginawa mo iyon. Hahawakan ko sana ang kamay niya na nakapatong sa pisngi ko, pero subalit ibang ekspresyon ang nakita ko. Nagulat at nagulantang dahil agad agad na lamang siyang hinatak ako paalis ng kwarto sabay na nakapalupot na kamay sa aking pupulsuhan na dinadala ako sa ibang ibayo.
 

Huli na nang tuluyan dahil nabihag si Giselle sa kanyang mga mata niya na tulungan siya kahit ano. Alam naman niya kung bakit siya nandito sa student council room kasama si Winter. May meeting sila ata dahil kasama pa si Ningning na freshmen na tiningnan ang mga papeles na nakapatong sa table. Hindi naman ito nag atubiling magsalita at mag hello, alam naman niya hindi rin sila naririnig nito, amg lakas kasi ng headphones niya na nakasalpak sa dalawang tenga nito.

 

Halos mabunggo pa kami kay Minjoo sa pagsabay ng pagbukas ng pinto ni Minjoo. Sinulyapan ako ni Minjoo saglit, binigyan ng ngiti na kakaiba na pwedeng sabihin niya na malungkot at pag simpatya. Nagkamustahan lang ng hi at hello kami at umalis.

 

Ganun ba talaga siya ka obvious.

 

Kahit si Ningning na naging kaibigan nung isang araw ay naintindihan na siya.

 

Huminto na sila, si Winter na binigyan ng matamis na ngiti si Giselle. "Sorry." Sabi nito kay Giselle dahil naging estatwa ito ng tuluyan ng binigyan niya yakap dahil sa ginawa niya kanina. "Pero pwede mo ba ako tulungan sa problema ko. Ito iyon, please kung pwede pakilagay sa kanyang bag." At bumitaw si Winter sa kanya, subalit nabigo si Giselle dahil naalon na siya at natangay na. 

 

Tinanggap na niya ng tuluyan na si Winter sa ngayon ay may pagtingin ito sa kaibigan niya. Isang pirasong papel ang naibigay ni Winter sa kanya na nagsasabi na dapat niya gawin.


Sa mga kamay niya na nakapatong ang isang bagay hindi niya naasahan na hindi pala sa kanya at kay Karina pa rin.

 

Love letter. 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ONCEXwizone
Sino'ng gusto ng Winselle story?

May naisip ako...

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet